Chapter 22
Note: Continuation po ito ng Chap 20...dahil gaya nga ng sinulat ka sa chap 21...flashback lang po ang chap na yun sa nangyari sa Chap 20 at part ng story ng chap 19 na hindi ko naisulat.
***
Chapter 22
Yuwy's Pov
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagpaiwan ako dito at kung bakit ako napunta rito...dahil ba sa guilt?Haiitss.
Nakaupo lang ako dito sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Savier ngayon. Hindi parin siya nagigising mula kanina at hindi ko rin alam kung kelan siya gigising.
>___<
Nagiguilty ako!
Napayuko nalang ako dahil sa may bigla akong naisip.
Ang kapal ng mukha kong magpakita sa kanya pagkatapos ko siyang ganunin,tapos feeling ko rin ay ako rin ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganyan.
Napatingin ako sa kanya ng maige at dun ko lang napansin na ang gwapo niya nga talaga. Kahit may mga sugat ang kanyang mukha ay hindi mo parin maitatanggi na gwapo siya at higit sa lahat ay sobrang kinis at puti ng pagmumukha niya.
Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kanya.
Pero wala narin naman akong magagawa,dahil nangyari na eh...tapos na.
*KREEEK*
Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas.
"S-sino po kayo?"biglang tanong ko dun sa babaeng pumasok. Maganda siya,matangkad at nakasuot ng unimporme ng katulad ng kulay at logo ng sa amin pero ang nagkaiba lang ay ang desenyo...katulad ito ng kay kuya kaya sure akong college ito.
"I'm Savier's older sister...I'm Sabrina,and you are?"nagtatakang tanong niya.
"Y-yuwy...I-i'm her classmate,"pilit ngiting sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at agad na napatingin kay Savier.
Hindi ko malaman kung ano ang sinasabi ng mukha niya,dahil deretso lang siyang nakatingin kay Savier.
"Tsk!Mom and dad needs to know this,ano ba naman kasi ang pinaggagawa mong lalake ka?!You really like to get into fights!Kelan ka ba magtitino...shhhk!"inis pang sabi ng Ate niya.
"U-umm..maupo ka po muna,"pag-aya kong umupo sa kanya sa tabi ko. Ngumiti siya at agad na tumabi sa akin.
Awkward...
Ang tahimik...
Hayys...
"Kahapon lang,kasama ko pa siya tapos kaninang umaga...bigla siyang nawala tapos malalaman kong nandito lang pala siya at talagang bugbog sarado pa!"sigaw niya. Nagulat pa ako ng bahagya dahil sa pagkalakas lakas ng boses niya.
>______<
Ako ba kinakausap niya?
"A-ang totoo po ay nalate po yan ng dating kanina sa klase,tapos maya maya lang ay biglaan nalang siya nawalan ng malay,"pagkuwento ko pa. Napatango tango pa siya bago napailing.
"This...kid....I don't what to do with him...kapag talaga gumising siya,dodoblehen ko sa kanya ang nangyari sa kanya ng maturuan siya ng leksyon!"sigaw na naman niya. Hindi ba siya nakakapagsalita ng hindi sumisigaw?
Ang lapit lapit lang natin teh oh.
-_______-
*KREEEK*
Napalingon na naman ako sa may pintuan ng bigla na naman itong bumukas. This time ay mas nagulat ako nung makita ko kung sino ang iniluwal ng pinto.
"K-kuya..."hindi makapaniwalang sambit ko.
Anong ginagawa niya dito?!
"Yuwy...bakit ka nandito?"tanong niya na halatang nagtataka pa.
"You knew each other?"nagtatakang tanong rin ng ate ni Savier. Hindi naman kami masyadong obvious ano?🙄.
"N-nandito ako kasi...."napalunok ako sa sarili kong laway dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng kong idugtong. Bakit nga ba ako nandito?
Napaiwas ako ng tingin kay kuya,dahil naiilang ako sa mga titig niya. Para kasing,sa bawat titig niya ay may pinapalabas itong kahulugan. Hindi nga lang ako sigurado kung ano.
"Kasi..."
Napalunok ako ulit ng laway at naiilang na tumingin sa kanya.
Seryoso siyang nakatingin sa akin,habang yung ate ni Savier ay nagtatakang tumingin kay Kuya.
Ramdam ko ang namumuong pawis sa noo ko,hindi ko alam pero kinakabahan ako. Bigla naring sumama yung pakiramdam ng tiyan ko. Para bang natatae ako.
*KREEEK*
0___0
"Uhmm...excuse me ma'am,sir,ihahatid ko lang po yung lunch niya at gamot.."sabi nung nurse na kakarating lang.
Nakahinga ako ng maluwag,dahil kahit papaano ay nakaligtas ako sa tensyon na namuo dito sa loob ng malaking silid ng clinic.
Salamat kay nurse.
Pero alam kong hindi parin ako ligtas mamaya dahil si kuya ang kasabay ko sa pag uwi at alam kong tatanungin na naman ako niyan.
"Aahh...just put it here,papakainin nalang namin siya if he's already awake,"sabi ng ate ni Savier. Tumango lang si nurse at agad na lumabas.
"Kumain ka na ba?"pagtatanong ng ate ni Savier sa akin. Umiling lang ako at nahihiyang ngumiti.
°^°
Hindi naman talaga ako nakakain simula kanina nung dinala siya dito, at saka nagugutom narin ako..at bawal rin tanggihan ang grasya no.
"Really?Sabay nalang tayong kumain,my treat,"nakangiting sabi niya. Pumalakpak naman yung tenga ko sa sinabi niya.
"A-ahh...hehe..tha---Sige,ako na bibili,kayong dalawa...dito nalang kayo,"putol ni kuya sa sasabihin ko...sana. Ngumiti lang ang ate ni Savier,habang ako napalunok ng laway.
Eh pano ba naman kasi,seryosong seryoso siyang nakatingin sa akin ta's yung boses niya ay puno ng awtoridad. Nakakatakot.
|:<
"That's a great idea,sige...etong pera oh,you already know what I want,kami na bahala dito,"masayang tugon ng ate ni Savier sabay abot nung pera kay kuya.
Tiningnan pa ako ni kuya bago niya ito kinuha at lumabas ng kwarto.
"So..back to the question I asked earlier,do you know each other?"mahinahong tanong niya ngunit bakas parin ang pagtataka sa boses niya.
"Opo...ang totoo ay kapatid ko siya,"magalang na sagot ko. Tumango lang siya at ngumiti. Katulad sila ng kapatid niya...hindi nangangawit sa kakangiti.
Hindi na siya nagsalita pa at nagcellphone na lamang. Tumingin ako sa relos ko para malaman kung anong oras na.
11:56
...4 minutes nalang, lunch break na...
Ang boring na dito...wala man lang akong makausap na matino. Hindi man sa hindi sila matitino kumausap sa akin pero iba parin kapag yung kaclose mo kausap mo eh.
Tsaka,ano rin naman ang pag uusapan naming dalawa, we're not even close.
Char...Umeenglish.
Tsk!
"U-uhh...excuse me po,magc-cr lang po sana ako,"sabi ko sa ate ni Savier. Napatigil siya sa pagkalikot ng cellphone niya at bahagyang napatingin sa akin.
"Auhh..sure,go ahead,ako na muna bahala dito,"nakangiting usal niya. Tumango lang ako sa kanya at agad na lumabas.
Sa wakas! Nakalabas narin ako. Napakaawkward sa loob at sobrang tahimik!
Habang naglalakad ako ay bigla kong nadaanan yung canteen, na sobrang raming paninda.
*Grrrkk*
>__<
Nagugutom na talaga ako..buset!
Kinapa ko ang bulsa ko at agad ring napangiwi.
Kapag minamalas ka nga naman, nasa bag ko pala ang bwisit na wallet na yun! Malas malas malas! Tanginaaaaa!!!
Wala na akong choice kung hindi ang naglakad nalang ng deretso papuntang cr.
Rachel's Pov
Nasan na kaya si Yuwy??Apat na subjects na yung namiss niya. Ano ba kasing ginagawa niya dun sa loob ng clinic at sobrang tagal niyang bumalik! Doon na ba siya titira?! Juskong babae yun!
*Krrrriinnng*
"Ayos mennzzz,"
"Omg,lunch break na!I'm so excited na to go to the canteen kasi makikita ko si crush,"
"Wahhh!!!Salamat naman!Makakakain narin si ako!"
"Finally!After 123456789 years of waiting!Wohoooo!!"
Napuno ng hiyawan ang loob ng classroom pagkatapos marinig ang bell.
Grabe!Parang mga hayop na nagwawala ang mga kaklase ko,jusme...classroom ba to o zoo?WTF?!
Nakita kong napangiwi si Miss Mendoza sa inasal ng mga kaklase ko. Kung ako ang nasa posisyon ni miss ay kanina ko pa sila tinapunan ng upuan.
"Students...silence please,"mahinahon ngunit maawtoridad na saad ni miss. Pero ni isa sa mga gago kong mga kaklase ay hindi nakinig.
"Students...pwede bang kumalma kayo?Makakapaglunch naman kayo eh,kaya silence muna pwede?"pakiusap ulit ni Miss. Makinig kayong mga hinayupak kayo kung ayaw niyong ireport tayo ni Miss kay Sir Perez!
Tumahimik yung iba,pero yung iba ay mas lalo pang nag-ingay.
Mga tangina.
"STUDEEEEEEEEENTSSSSSS!!!!!!SHUT UP!!!!!!!!!!KUNG AYAW NIYONG ISUMBONG KO KAYO KAY SIR PEREZ!"sigaw ni miss na nagpatigil sa buong klase.
Sshkkk...ang sasarap sipain sa mukha.
"Kaya niyo naman palang tumahimik eh!Mga batang to!Jusko,"si Miss.
"Goodbye,pakisabi kay Yuwy and Savier at yung ibang absent niyong kaklase na magkiquiz tayo next week sa Math,"sabi ni Miss bago umalis. Nagalit tuloy.
Napabuntong hininga nalang ako at agad na tumayo. Pupuntahan ko nalang si Yuwy dun sa clinic,dadalhin ko na rin bag niya...for sure nagugutom na yun dun at sure rin akong wala yung dalang wallet.
Kabisadong kabisado ko na si Yuwy,palagi niyang iniiwan ang wallet niya sa loob ng bag niya.
"Rachel,sa canteen ba punta mo?Sama akow,"sabi ni Raine. Nagmamadaling siyang ipinasok ang notebook niya sa loob ng bag niya.
•______•
"Hindi ako pupunta sa canteen,pupunta akong clinic...pupuntahan ko si Yuwy,"mahinahong sambit ko.
Bumagsak yung dalawang balikat niya at bahagyang napangiwi.
"Lol,ako lang ba mag-isa pupuntang canteen?Tae,"Raine.
"Isama mo nalang si Hailey,sabay nalang kayo,"sabi ko. Napairap lang siya.
"Pano ko siya makakasama eh kanina pa ako di pinapansin niyan,may problema na naman ata,tsk!"mataray niyang sabi. Oo nga no,ano kaya problema nitong si Hailey?Kanina pa naka simangot.
Di maipinta ang mukha...sa totoo lang,kahapon ko to napapansin eh..nag away ba sila ni Yuwy??
Sa pagkakakilala ko kay Hailey eh,madali lang siyang magalit kahit sa maliliit na bagay at madali lang din siyang magselos kahit hindi naman nakakaselos. Si Yuwy naman,hayss...hindi ko siya maipaliwanag,ang babaeng yun...maldita yun lang!Shhhkk!
"Mauna na ako,"sabi ko sa kanya at agad na umalis.
Dederetso ba ako sa clinic o uuna ako sa canteen at bibilhan ko nalang siya ng pagkain at sabay na kaming kumain??
Tsk!
Ano ba naman tong eksenang to,para kaming nasa ospital!Sheeezzzzz.
Dederetso nalang ako doon sa clinic.
Ano naman kayang nangyari kay Savier at naging ganun yung pagmumukha nun?..Eeeehhh,ano bang pakealam ko?Haysss.
"Tabi tabi tabi!!!"
0___0
*Booogggsssshhhh!!!*
>_________<
"Ah!"napadaing ako sa sakit ng pwet ko.
Tae naman kasi. Walangya! Bakit ba may tumatakbo dito sa hallway?!Mukha bang playground ang hallway nato?Tsaka ba't ba tumatakbo ang mga tao dito?!Heellooo??Highschool na sila!Hindi na elementary! Pota.
"Tsk!Okay ka lang ba??"tanong ng tao na nakabangga sa akin. Hindi naman obvious ano?Tsk!
Maswerte ka at ako nabangga mo,dahil kung si Yuwy yun...paktay ka talaga!Lalo na't di ka nagsorry!
"I'm fine,"mahinang sabi ko. Tumayo akong agad at agad na pinulot ang bag ni Yuwy.
Pinagpag ko ang uniform ko.
"Nagmamadali kasi ako kaya nabangga kita and I also didn't see you coming,dahil siguro sa pagmamadali ko kaya hindi kita nakita,"aniya. Didn't see you ka pa diyan.
Ang laki laki ko tapos di mo ko nakita?Bulag lang ang peg?Bulag?Hmph!Para magawa lang talaga ng excuse eh!
"I'm sorry,kung gusto mo ililibre nalang kita,"sabi niya. Weh?Di nga??
Sssssshhhhkkk!!Ano ba Rachel!Alalahanin mo si Yuwy,buset!
"A-ahh---"
*Beep Beep*
Eh?
"Sandali lang ah,"
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tiningnan ang nag text.
From: Bebe Yuwy
Hindi ako makakasabay sa inyo ngayon,nandito si kuya.
To: Bebe Yuwy
Ok..eong bag mo nasa akin
From: Bebe Yuwy
ahh...isama mo nalang yan..imemeet kita mamaya sa library pagkatapos naming kumain.
To: Bebe Yuwy
oks.
Muli kong hinarap ang lalakeng nakabangga sa akin.
Maswerte ka at wala si Yuwy,kaya makakasabay mo ko ngayon...tutal gutom narin naman ako,tsaka kung babalikan ko pa si Raine doon edi mapapagod lang ako,kaya sasabay nalang ako dito at kumain ng masasarap at libre.
"Tara na!Libre mo na ako,"sabi ko. Nauna na akong naglakad papuntang canteen. Hehe.
Swerte ko naman:>
"Hintayin mo ako,miss!"
:))
To Be Continued...
***
Chapter 22✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
--Sorry dahil sobrang tagal ng update!Nawawalan na kasi ako ng ganang magsulat at nawawala na yung mga ideas sa utak ko. Pero itatry ko parin ang best kong mag update dito. Thank You and sorry :>>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top