Chapter 17:It's Her

Chapter 17:It's Her
Note:Guys..sa chapter 15,May nilagay akong note na hindi na ako maglalagay ng title each chapter,well sa nakikita niyo ngayon...naglagay ako,so naisipan ko nalang na maglalagay nalang ako ng title kung kelan ko gusto...so it's up to me if I'm going to put a title on that chapter or not.

Savier's Pov

Nakatulala akong tiningnan siya habang naglalakad papalayo. Wala akong masabi...hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko,para akong galit o di naman kaya malungkot o di naman kaya gulat,basta...halo halo yung emosyon ko pagkatapos niyang sabihin ang mga huling katagang iyon.

Iwasan mo ring isipin ako...

Iwasan mo ring isipin ako...

Iwasan mo ring isipin ako...

Iwasan mo ring isipin ako...

Iwasan mo ring isipin ako...

>___<

Pano kita maiiwasang isipin?Kung minuminuto eh bigla ka nalang pumapasok sa utak ko,ng di ko man lang nalalaman?Tssk!

Napatalikod ako at eksaktong pagtalikod ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Hailey. Yung reaksyon niya,gulat na gulat,para bang nakakita ng multo.

"A-ahh...sorry,"sabi niya tsaka napayuko. Hindi ko na siya pinansin at nagmadaling umalis. Kailangan kong ilabas tong kakaibang pakiramdam sa loob ko,dahil kung hindi ko ito mailalabas...ako rin ang magdudusa.

Nagpunta ako sa parking lot,wala na akong ganang pumasok pa,pagkatapos ng lahat ng narinig ko,parang nawala lahat ng lakas ko. Ewan ko,pero ang lakas ng naging epekto sa akin nung mga sinabi niya,yung di mo agad mawala o mabura sa utak mo yung mga katagang yun.

Sinimulan ko ng magmaneho paalis sa eskwelahan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta,basta ay malayo lang ako sa lugar na iyon.

Sa lugar kung saan ako nabasted -____-.

Hailey's Pov

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga narinig ko. Parang nasa teleserye lang. Haba ng hair ni Yuwy,pero ouch...nabasted si Savier...sayang,bagay pa naman sila.

Nga pala,nasa girls cr ako ngayon,nakaupo sa isang toilet bowl na nakatakip sa loob ng isang cubicle. Nawalan ako ng gana after marinig yung kadramahan ng dalawang yun.

Shhrrrkk...para namang ako yung nabasted e di naman,pero parang ganon narin naman eh. Parang natamaan ako dun eh,tamang tama!

*Beep Beep*

Ayy...sino ba to?Kitang nag-aalone time ako eh.

From:Hannah Maldita
Ate...punta ka raw mamaya sa *** mall,may sasabihin daw si mama sayo.

Wag kanang magtanong,ayokong nag-sspoil.

Hindi pa nga ako nakareply,pinangunahan na ako. Kahit kelan talaga,sarap sapakin nitong batang toh.

To:Hannah Maldita
K

Itinago ko na yung phone sa bulsa ko at lalabas na sana ng may biglang magsalita.

"Nakakainis talaga yung apat na yun!Sarap sabunutan...kala naman nila ang gaganda nila,lapit sila ng lapit sa apat na nag gwagwapuhang nilalang,eh mukha naman silang mga tubol,di sila bagay,"

Kami ba tinutukoy niya?As in kami nina Raine,Yuwy at Rachel?Aba!Aba!

"Yeah right...their so makapal ang mukha,para silang mga linta na dikit ng dikit sa mga boys natin,"teka...familiar yung boses niya ah...parang narinig ko na dati.

"Tsk!Pabayaan niyo na yan sila,mas maganda naman tayo sa kanila eh,"...what?..Eeeww..Yuck Yuck!Mas maganda?Jusme!

Hindi na ako nagdalawang isip na buksan yung cubicle at agad na lumabas dahilan para magulat silang apat.

Sinasabi na nga ba eh!Yung mga bruhang nakaaway namin noon!Sila yun!Tsskkk...mukhang mapapahamak pa ata ako neto eh. Mukhang hindi ata maganda ang desisyon kong lumabas.

"Oh...ikaw lang pala,akala ko kung sino ng basura,"sabi nung babaeng leader ata nila. Tsk!Di ko na matandaan pangalan niya eh,sa dinami dami ba namang pumasok sa isip ko,eh hindi ko na siya matatandaan pa,tsaka di naman siya importante para hindi ko kalimutan eh.

"Kaya pala mabaho dito,may basura pa lang nakakalat,eh"mataray na sabi nung may bangs. Ayy..in fairness,parehas kaming may bangs,pero mas makapal nga lang sa akin at mas maganda pagkagupit,di tulad ng sa kanya...mukhang cutter yung ginamit at hindi gunting.

"Natural talaga na mabaho dito,eh cr to eh!Cr,sshhheezz...ampupu!Mas lalo mong sinistress yung bangs ko!Tsk!"sarkastik kong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin,tsh!As if naman matatakot ako.

"Palaban ka talaga ano?Sarap mong sampalin,"inis na sabi nung matangkad sa kanila. Pikon...di pa nga ako nagsisimula,may napipikon na.

Triggered ka ate?Triggered?...Patriggered triggered lang ang peg?Ganern?Saya!

"Di wow,wala namang nanghihingi ng opinion mo eh,"walang ganang sabi ko na lalo niyang ikinainis. Tskkk!High blood agad?Pano kaya kung mas nag-init pa ako dito?Tsk!

"Can you just please shut up?!"sigaw niya. Hala ehh...di ko alam marunong pala tong mag please.

"Why don't you shut up first,so that I could also shut up?Tsaka,sino ka ba sa akala mo,para utusan ako?Estudyante?Malamang,alangan namang janitress..."mataray na sabi ko sa kanya. Napapapikit siya at halatang nanggigigil na siya sa kinatatayuan niya.

"Arrrghh!!I'm getting out of here!"sigaw niya at padabog na lumabas ng banyo.

Tiningnan ko yung mga kasama niya at nakatingin lang sila sa akin. Inirapan nila ako isa isa,bago nagsipaglabasan. Tsh!Taray ah!Kala mo naman bagay sila magtaray.

Napailing-iling nalang ako tsaka naghuagas ng kamay at agad na naglakad pabalik sa room. Hello?Duhh...Hindi ko naman po plinanong sa banyo na ako tumira,ano!

Tssshh!

Malapit na ako sa room namin ng may biglang humawak ng balikat ko,kaya naman gulat akong napalingon sa taong yun. Alangan namang matuwa ako,pano pala kung holdapper?Matutuwa pa ba ako?Haisst...pero masyadong oa yung holdapper,eh si Lance lang naman pala.

Si Lance yung isa sa mga kaibigan ni basted boy. Tandaan niyo na?Okie good.

"Oh?Anong kailangan mo sa akin?"tanong ko,tsaka inalis yung kamay niya sa balikat ko.

Hinarap ko siya,para naman makausap ko siya ng maayos. Ampanget naman kasi ng set up namin kapag nakatalikod ako sa kanya.

"A-ano kasi...narinig ko na,magaling ka raw sa math,kaya nandito ako para magpaturo sana,nahihirapan kasi ako eh,"sabi niya pa. Tsk!May pa kamot kamot batok pang nalalaman...daming arte!

Tsaka...sa'n niya ba narinig na magaling ako sa math?Tsskk..kung sino man nagsabi nun,pwes...tangne mue.

"Tsk!Sino namang magsasabing magaling ako sa math?Eh alam naman ng lahat sa room na bogak pa ako sa bogak,pagdating sa subject na iyan...di ka ba nainform?"tanong ko habang nakacross arm. Nanlaki yung mata niya,as if na parang gulat na gulat.

Anyare dito?Tsk!May sapak ata eh. Bahala na nga siya diyan,sinasayang niya lang oras ko.

Maglalakad na sana ako ng bigla niya na naman akong hawakan sa balikat. Ano ba yan!Ano ba kasi talaga ang totoong kailangan sa akin ng taong toh!Nakakainis na ah!

"Ano na naman?!"inis na sigaw ko na talaga sa kanya.

"Ehh...hindi naman talaga yan ang pinunta ko dito eh,may iba akong gustong sabihin,"sabi niya pa. Medyo mahina yung last sentence na sinabi niya kaya nahirapan akong marinig.

Wag kayong ano!Nilinisan ko tenga ko!Sadyang abnoy lang talaga tong taong to!Ang hina hina ng boses,kaya pano ko maririnig ng maayos?Duhh!

"Ano?Hoy,lakas lakasan mo boses mo!Di kita marinig!"

Bumuntong-hininga siya.

"A-ano...gusto kong sabihin sayo na---Nakuuuu!!!Wag ako!Wag ako!Hindi ako nagpapaligaw at di kita type,kaya umalis ka na sa harapan ko ngayon!Chupe!"pagtataboy ko sa kanya. Ayoko sanang saktan yung damdamin niya at ayoko ring ma-Savier bumber two siya,pero di talaga ako nagpapaligaw eh,at di ko siya type.

"Hayss,assumingera ka rin ano?Tsk!Di kita liligawan,tsaka di rin kita type!Wag kang ano!Tsaka hoy,pwede bang patapusin mo muna ako sa sasabihin ko?Ha?Pwede ba?Pwede??"nanlalaking matang sabi niya. Natikom ko agad ang bibig ko,pagkatapos kong marinig yun.

Ayy,hala shet!Kahiya naman!Akala ko magcoconfess siya ng feelings sa akin!Huhu..tangna!Kahiya!Napaka-assumera mo naman kasi talaga Hailey eh!Huhu!

"Okay...so first of all,gusto kong sabihin sayo na...pano ba sabihin to?...tsk!Okay,so first of all,kung nag-iisip ka na magcoconfess ako ng feelings,well hindi ka nagkakamali dun,pero....ang tanging mali mo lang is,hindi ikaw yun!Hindi ikaw yung taong gusto ko,okay??"sabi niya.

"Eh bakit ba ako ang nilalapitan mo?As if naman kilala ko yung girl para matulungan kita diyan sa one and only problem mong yan!"iritang sabi ko sa kanya.

"Oo!Kilala mo yung babae!Sobrang lapit niyo pa nga sa isa't isa eh!At sure akong matutulungan mo ako sa kanya!Kasi magkaibigan kayo eh!"nakangiti niyang sabi. Natigilan ako sa sinabi niyang yun.

Kaibigan ko?....

0__0

May isang tao agad na pumasok sa isip ko,tsaka sure akong siya talaga yun!99.9% sure ako na siya yung babaeng gusto ng taong to!At siya ay walang iba kundi si...

"Hail!"

Napalingon ako kay Yuwy na hingal na hingal habang papalapit sa akin.

"S-sa'n ka ba nanggaling?Kanina pa ako hanap ng hanap sayo!Hayy!Kapagod!"sabi niya. Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin lamang sa kanya.

Ikaw...

Napatingin ako sa kabilang side kung saan nakatayo si Lance...at eksakto nga ang nasa isip ko.

"Isara mo yang bibig mo,baka tumulo yung laway...kahiya ka,"walang ganang sabi ko at agad na tumalikod at umalis.

-___-

"Hoyy!!Hintayin mo ko!May sasabihin ako sayo!"rinig kong sigaw ni Yuwy. Ngunit hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Wala ako sa mood ngayon Yuwy,kaya sorry..hindi ko rin alam kung bakit,pero talagang nawalan lang ako ng mood.

"Hoy!!Ano ba!Tumigil ka muna sa paglalakad!Napapagod na ako oh!bitch,nakakainis ka!"sigaw ni Yuwy.

Tsk!

"Hoy!Sumagot ka naman,sa'n ka nagpunta?Bakit di kita mahanap?...Huy!Huy!...Answer me!Hoyy!!!"

Arrghh!!

"Tumahimik ka na muna pwede?!Nakakairit ka eh!Diyan ka na nga!"inis kong sabi at agad na umalis.

To Be Continued...
***
Chapter 17:It's Her✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top