Chapter 15

Chapter 15
Note:Pansin niyo bang wala ng title ang chapter nato?Its because,from now on...hindi na talaga ako maglalagay ng title.

Savier's Pov

Ano na naman kayang nangyari sa babaeng yun?Bigla bigla nalang sumisigaw,tapos bigla bigla nalang naniningin ng masama. Inaano ko ba siya?

Tsss.....mga babae talaga,ang hirap intindihin. Naano na naman kaya yun?Hayss.

"U-uhm...h-hi,I'm Therese,"ngiti niya sa akin. Tinanong ko ba kung sino siya?Parang wala naman akong maalala.

Tiningnan ko lang siya,while nakangiti parin siya sa akin at parang nahihiya pa. Tss...mahihiya ka pa sa lagay na yan?Eh ikaw nga unang nag approach sa akin eh.

"Hahaha!!!Therese daw oh,pakilala ka rin dre,"sabi pa ni Haides na halatang nang-iinsulto. Eh kung siya kaya ang magpakilala?Ba't ako pa?Nakakapagod mag salita.

Lalo na't hindi ko gusto yung kinakausap ko,tsaka wala ako sa mood makipag usap. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumama araw ko,kahit mukha ni Yuwy,hindi ako magawang pasayahin.

Bwisit naman kasi!Bigla bigla ko nalang nalalaman na dadating pala yung si Krea!Syempre naiinis ako,dahil sa ginawa niya sa akin dati,pinaasa niya ako at hanggang ngayon ay alalang alala ko parin yun!Nakakasakit sa puso ano!Minahal ko rin siya,kaya malamang,masasaktan talaga ako.

"Bwisit!"mahinang bulong ko. Inis akong tumayo sa kinauupan ko at naglakad kung saan saan...ang paa ko na ang bahala kung saan niya ako dadalhin,wala na akong pakealam!Basta mailalis lang itong inis ko!

Nakakasira ng araw,tangina!

*Beep Beep*

Arghh...sino na namang bwisit na tao to?

Inis kong kinuha yung phone sa bulsa ko at inis itong tiningnan.

From:Haides Panget
Huy!

Anyare syu?

Ays ka lng?

Mag rply ka,tangina...ulul!

Sayang load ko!

Kasalanan ko ba kung masasayang yung load niya?Di ko naman siya sinabihang itext niya ako eh. Siya ang kusang nagtext sa akin,kaya di niya dapat ako sisihin. Puta.

*Beep Beep*

Tsk!

Ano na naman bang problema ng isang to?Text ng text,tapos kita yung sisishin kung bakit nasasayang load niya!

From:Haides Panget
Lol! >:(

Puta...yun lang?Tsh!Iniksaya niya lang oras ko sa mga walang kakwenta kwentang text messages niya. Tae!

*Beep Beep*

Ano---

0_0

From: 09*********
Hi.

Sino to?!Tae! Sinong tao na naman kaya ang nakakuha ng number ko?Tangina naman oh!Ba't ba ang malas malas ko ngayon?Puta!Nakakailang mura na ako,pero inis na inis parin ako! Masasatisfy lang siguro ako kapag may masusuntok akong tao!Putek!

Nakakainis!Hindi ko alam kung bakit ako naiinis!Basta naiinis ako!Naiinis ako sa nararamdaman ko!Oa man pakinggan pero naiinis talaga ako sa nararamdaman ko!Hindi naman dapat ako makaramdam ng ganito dahil matagal nayun...pero---

"Sinong nagseselos?Ako?Ha!Malabo!Malabong malabo!Tsss...My labs?Labs niya mukha niya!Putek!"

Napalingon ako sa gilid,dahilan upang magtagpo ang mga mata naming dalawa.

0__0

"Tsh!"inirapan niya lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Eh?...Anyare dun?..Shhkkk,nababaliw na ata.

Kinakausap sarili niya...di malabong baliw yun. Hekhekhekhek!!!

Yuwy's Pov

Tsssssssss....

Ano bang pake ko?

wala!Kaya bilisan mo ng maghugas ng kamay diyan!Tch!

Ayy putek...sariling isip ko,sinasagot ako!Aba matinde!

Binilisan ko yung paghuhugas ng kamay ko,baka kasi pagalitan na naman ako ni mind,tsaka agad na lumabas ng cr at naglakad pabalik sa room.

"Babe,date tayo mamaya...after class,namiss kita eh..."

"Suuus...porket di lang tayo naging magkaclassmate,nagkakaganyan ka na,tch!Pero shige,maghihintay eke she guard house,hihihi!"

-_______-

Tae!Anlalande niyo!Sarap niyong ihulog sa tulay!Dzuhhh...walang poreber!!!Putakte!

Bitter?

Anong bitter?!Tsk!Di ko bitter,talagang yun ang totoo!Wag kang ano!

Tss...sabihin mo lang talagang bitter ka dahil nagseselos ka sa ex-nililigawan ni Savier,your labs..

What the heck?!

Anong nagseselos?Ha!Ako magseselos?Bakit naman ako magseselos?I have no reasons to get jealous!Tsaka...A-anong my labs?!Ha!My labs mukha niya,mukha niyang mukhang tae!Shhhkkk!

"Sinong nagseselos?Ako?Ha!Malabo!Malabong malabo!Tsss...My labs?Labs niya mukha niya!Putek!"inis na bulong ko sa sarili ko. May nakikita pa ba kayong ibang kausap ko?Diba wala na?Puta...wag niyo akong istressen!

Napairap nalang ako sa hangin na eksakto namang paglingon ni Savier sa akin.

0__0

-___-

Bakit nandito yan?!

Malay ko ba!Di ko naman hawak buhay niyan!

Ayy...iba deeennn...

"Tsh!"irap ko sa kanya at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Wala ako sa mood pansinin siya,tsaka wala din naman akong dahilan para pansinin pa siya!Di naman kami close!

Agad akong naupo sa upuan ko ng makarating ako sa classroom.

"Oh?Bakit ang tagal mo?Naflush ka ba?"sarkastikong tanong ni Raine. Hindi ko siya sinagot dahil naiinis ako,naiinis ako pero di ko alam kung bakit.

Tskkkk!!!Parang baliw lang!

"Wag mong pangunahan yan Raine,bad mood ata,"rinig ko pang sabi ni Hailey. Tsh!!!Pag-usapan niyo ko!Hindi ko naman kayo maririnig eh!Shhhkkk!!

Kung pag-uusapan nila ako,siguraduhin naman sana nilang hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila!Tskkk!!Nakakabadtrip tong araw nato!

"By the way guys,diba malapit na ang test natin?Gusto niyong mag group study tayo sa bahay?"tanong ni Hailey. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang.

Wala nga kasi ako sa mood,ano ba!

"Tch!Ayokong mag study,nakakapagod,di rin naman ako papasa kahit mag study pa ako,"inis na sabi ni Raine. Tss...parhehas lang tayo,wag kang magsolo.

"Kaya nga mag group study eh,para yung mga mahihirap na subjects para sa inyo na madali lang sa amin,eh pwede namin kayong maturuan,duhh,"irap ni Hailey.

"Pagiisipan ko,"walang ganang sabi ni Raine. Pag-iisipan,tapos sa huli makakalimutan rin naman. Hayysst!

"Wag mo ng pag-isipan,baka makalimutan mo pa,"sabat ni Rachel. Inirapan lamang siya ni Raine,kahit totoo naman.

*Krriiinnggg!!!*

Nagsipagdatingan na ang mga kaklase ko,alangan namang kaklase mo...kasama na dun yung apat na gunggong na feeling Fantastic Four,eh mukha namang mga paa.

"Hahahaha!!!Putek...tawang tawa ako grabe!"malakas na tawa ni Haides. Kelalaking tao,ang laki ng bunganga,magsama nga kayo nitong si Raine!

Mga letsugas!

Napatingin ako sa kanilang apat at dahilan para magkatinginan kaming dalawa ni Savier. Wala siyang reaksyon sa kanyang mukha,hindi rin siya ngumingiti,di kagaya nung dati na kapag tumitingin ako sa kanya eh palaging nakangiti.

Tshhh...ano bang pake ko?Eh wala naman!Shhhkkk!!!Mas mabuti nga yan eh!Kesa naman na palaging nakangiti,nagmumukhang tuloy'ng asong ulul o di naman kaya,asong manyak.

Ako na ang unang nag iwas ng tingin,baka mabadtrip pa kasi ako lalo.

Weh??Sabihin mo ma nga lang kasing,nagseselos kaaa...at t'wing nagtitigan kayo niyang lalakeng yan eh kinikilig kaaa...

-___-

Pwede bang tumahimik ka muna diyan?Kahit sandali lang,please wag ka munang makealam. Nakakabwisit karin eh!Sabing hindi nga ako kinikilig,pero in-iinsist mo talaga,bad trip ka!

Ilang sandali lang ay dumating na yung lecturer namin,at nagsimula na siyang magturo.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.....

>___<!!

Bwisiittt!!Ba't ba ayaw pumasok ng mga sinasabi ni sir sa utak ko?!!..Ano bang nangyayari sa akin,nasisiraan na ba ako?Hindi ko na maintindihan talaga ang sarili ko!Nakakadagdag sa init ng ulo!

"Hoy..anyare?Ba't di maipinta yang mukha mo?Kanina pa kita napapansin diyan eh,ay's ka lang?"tanong ni Hailey. Hindi ko alam...hindi ko alam kung okay lang ako,basta...wala akong alam!

Maski sarili ko ay naguguluhan na rin!Tsssskkk!!

"Di ko alam..."mahinang sabi ko. Alangan namang isigaw ko,edi mapapagalitan kami ng lecturer niyan?Duhh.

"Huh?Pwede ba yun?"tanong niya ulit.

"Sa tingin mo?"walang ganang tanong ko sa kanya. Kumunot yung noo niya,tsaka tumingin sa harap pero agad rin namang tumingin pabalik sa akin.

-____-

"Sa tingin ko ang alin?Huh?Di ko maintindihan,ang alin ba?"

Ayy...putek!

Wag mo ng intindihin!Dahil di mo rin naman maiintindihan eh!Pinapainit mo lang lalo yung ulo ko,sapakin kita diyan eh!

"Wala...tumahimik ka nalang kung----Ms.Yoo and Ms.Yoon,is there something you wanted to share to us?"ayyy hutanginamers...eto na nga bang sinasabi ko eh!

"Nothing sirrr,"

"It looks like you have your own business there,c'mon...share it with us,hindi naman siguro mahirap mag share di ba?"

"Wala po talaga sir,"

"Talaga lang ha?Then if you don't want to share it with us,then go out..."

Eh?!

Nagkatinginan kaming dalawa ni Hailey,tila ba nagsisisihan sa pamamagitan ng mga titig namin.

"B-but sirrr,"

"No buts!Go out!"

>_____<

Letse naman oh!

Padabog akong tumayo at nakangusong lumabas ng room. Putanginang yan!Napalabas tuloy ako!Eh nananahimik lang ako dun eh!Peste!

HINDI SANA UMOO YUNG NILILIGAWAN MO SIRRR!!!BADTRIP KA!BADTRIP!SARAP MO RING KALADKARIN PALABAS!LETSE!

To Be Continued...
***
Chapter 15

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink

(A/N: Guyss...sorry sa mga bitin na chaps at sorry dahil medyo oa siya at boring,and medyo lumalayo na rin yung kwento sa plot nung story,ano kasi eh...palaging pabago bago yung laman ng utak ko,tsaka nahihirapan rin akong gumawa ng story kasi di naman kasi talaga ako writer eh...sorry guysss,tsaka guys baka yung next chap mas lalong oa...hehezz,pero wag kayong mag-alala babawi po ako,I don't know when,pero babawi po talaga ako...at baka wala ring kinalaman yung next chap sa original plot talaga nitong story,sorry talaga huhuhu...maraming imaginations eh,kaya mahirap makabuo ng isang story)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top