Teaser


Kulang sa atensiyon si Ellie kaya kahit hindi niya masyadong kilala ay pinapakisamahan niya. Maraming galit na babae sa kanya dahil nakukuha niya ang atensiyon ng mga lalaki effortless. She was confidently beautiful and smart. Kahit lumaki siya sa bahay ampunan at inampon ng matandang dalaga, hindi niya iyon ikinakahiya, sa halip ay proud siya sa kanyang sarili.

Nasanay siya na siya ang hinahabol ng lalaki, kaya hindi matanggap ng pride niya na may lalaking iniignora siya. Inakala niyang nurse lang sa ospital na pinagtatrabahuhan niya si Zyrus Clynes, na so far ay pinakaguwapong lalaki na nakita niya. But his respectable profession surprised her. Zyrus was a doctor and a pathologist, not obvious in his physical appearance. Pero hindi na niya binawi ang pagkahumaling dito.

Ika niya, sisiguruhin niya na si Zyrus na ang pangarap niyang future doctor husband. Ang kaso, ni simpleng sulyap ay hindi maibigay ng binata, sa halip ay nababalot ito ng mesteryo at kawerduhan. And her curiosity leads her into his dark life, discovering the mystery that may change her normal life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top