Chapter 5: Give him space


GIGIL na kinagat ni Riegen ang ibabang labi. Nag-uumapaw ang tuwa niya nang bigyan siya ni Melody ng pagkakataon na malapitan ito. Ngayon lang siya nahibang sa isang babae. Magmula noong makita niya ang babae sa crime scene ay hindi na ito naalis sa isip niya. Madalas siya nagnanakaw ng oras para lang makita ang babae.

"Nakita mo na ba ang pendant, Rieg?" tanong ni Trivor nang bigla itong sumulpot sa likuran niya.

Nagulat pa siya. Nakatitig lang kasi siya sa gate kung saan lumabas si Melody. "Ah, gusto mo ng mixed nuts?" alok pa niya rito sa kinakain.

"Pendant ang gusto kong ibigay mo sa akin," masungit na sabi ni Trivor.

"Hindi pa nga, e. Ang tagal kasi ni Jegs para ma-detect kung saan banda rito ang pendant," aniya.

"Ilang araw ka na narito wala kang ginagawa. Mas madalas pa ang pag-aabang mo kay Melody. Sinasabi ko sa iyo, hindi magkakagusto sa iyo 'yon."

"Anong hindi? Pinayagan na nga akong ligawan siya."

Pinitik nito ang tainga niya. "Hangal! Naikama mo na nga liligawan mo pa?"

Nahalinhan ng inis ang pananabik niya. "Aksidente ang nangyari."

"May aksidente bang ginusto?"

"I'm just a man. Gusto naman niya, eh."

"Because she thinks of someone else! Damn you! Hanapin na natin ang pendant." Iniwan na siya ni Trivor.

"Fuck! Don't remind me again, Trivor!" pahabol niya.

"Ang kanya ay kanya, Rieg!" pasigaw namang tugon ni Trivor habang papasok sa kabahayan.

ALAS-SIYETE na ng gabi ay nagbubungkal pa rin ng lupa si Melody sa likod ng villa para taniman niya ng mga gulay. Nakalimutan na niyang maghapunan. Nagsaing lang siya kanina at may pinatong siyang dalawang itlog sa sinaing para ulam niya mamaya. Basang-basa na ng pawis ang damit niya. Naghubad na siya ng t-shirt. Baby bra na lang ang suot niya na kulay puti. Mahilig siyang magsuot ng baby bra kapag nasa bahay lang siya. Basa na rin ng pawis ang suot niyang maong pants na halos hanggang singit niya ang igsi.

Pinupulbo niya ang mga tipak ng lupa gamit ang kamay. May nahahawakan siyang bulate pero hindi niya iniinda. Hindi naman siya takot sa bulate. Mamaya'y naisip na naman niya ang tungkol sa bracelet na binigay niya kay Gen. Nalilito na siya. Una, nakita niya ang bracelet na iyon sa kuwarto sa mamba house, ngayon naman ay nakita niyang suot ni Riegen. Sino si Riegen? Imposible namang may katulad ang bracelet na iyon na ginawa ng lola niya. Ang isang jade stone na nahalo sa mga perlas ay hugis puso, at ang isa ay hugis diamond. Aywan lang niya kung ganoon din ang nasa suot ni Riegen.

At speaking of Riegen... "Knock. Knock!"

Bumalikwas siya ng tayo sabay harap sa nagsalitang iyon. Nasa harapan na niya si Riegen. Itim na itim ang kasuutan nito. Itim na kamesita at itim na boxer ang suot nito. Nakalimutan niya na pupunta pala ito roon ngayong gabi para bisitahin ang villa at—at ligawan siya?

Nailang siya bigla sa suot niya. Hindi pa siya humarap sa lalaking panauhin na ganoon ang hitsura niya, pawisan at haggard.

"Ah, busy pa ako. Puwede mong ikutin ang villa," balisang sabi niya.

"Kanina pa ako nag-iikot rito. Hindi naka-lock ang maliit na gate kaya pumasok na ako. Wala namang sumasagot nang magtawag ako."

Uminit ang mukha niya. Ibig sabihin kanina pa ito roon?

"Hindi pa kasi ako tapos sa ginagawa ko. Madungis pa ako," aniya.

"May bukas pa naman para sa pagbungkal ng lupa. Isa pa, okay naman ang hitsura mo. Gabi naman, at ako lang naman ang nakakakita sa iyo."

Napalunok siya nang mapansin na panay ang sipat nito sa gawi ng dibdib niya. Maliwanag ang ilaw sa bahaging iyon kaya kitang-kita nito ang hubog ng katawan niya. Hinablot niya ang hinubad na t-shirt na isinabit niya sa sampayan saka itinakip sa dibdib niya.

Ngumiti ang mokong. "Sige na, magbihis ka muna," anito.

"Gusto ko pa sana tapusin ang ginagawa ko."

"Akala ko ba okay lang na manligaw ako. Gusto mo bang ligawan kita ngayon na ganyan ang hitsura mo?" simpatikong sabi nito.

"Nakaka-turn off ba kung ganito ang hitsura ko?" sarkastikang tanong niya pagkuwan.

"Ah, hindi naman. Actually lumakas ang sex appeal mo. You look hot."

Ngumisi siya. "Hot o madungis?"

"Come on. Kapag gusto mo ang isang bagay, kahit ano pa ang hitsura niyan ay gugustuhin mo pa rin. Kaya lang kasi, hindi ako makapag-concentrate kung ganyan ang hitsura mo."

Hindi siya nakaimik. Dinampot niya ang cellphone niya na nasa damuhan saka iniwan ang lalaki. "Hintayin mo ako sa lobby," aniya habang papalayo rito.

Impit na natawa si Melody habang sinisilip si Riegen buhat sa bintana sa kuwarto. Nagsusuot pa lang siya ng pajama. Mula roon ay natatanaw niya ang lobby kung nasaan si Riegen. Parang ignorante na panay ang pitik nito sa tainga ng munting aso na yari sa goma. Nakapatong sa ibabaw ng center table ang munting aso habang ito'y tumatahol. May battery kasi ito.

"Meaow..." sabi pa ni Riegen.

Hindi na niya napigil ang paghagikgik.

"Melody?" mamaya'y tawag ng lalaki.

Nagmadali na siyang isinuot at bulaklakin niyang blouse na terno sa pajama niya. Pantulog niya iyon para pagkalisan ng bisita niya ay matutulog na siya kaagad. Sumubo lang siya ng dalawang kutsarang kanin at isang nilagang itlog. Pagkuwa'y sinamahan na niya sa lobby si Riegen.

"Matutulog ka na ata," anito matapos suyurin ng tingin ang kabuuan niya.

"Mamaya." Umupo siya sa katapat nitong silya.

"Ayos ang mga gamit na ipinalit mo rito sa villa, bumagay naman," komento nito.

"Salamat. Ah, pasensiya na wala kasi akong stock na pagkain, wala akong maiaalok sa iyo," aniya.

"Okay lang. Hindi naman ako nagugutom." Pinagsupling nito ang mga kamay na ipinatong nito sa mga hita.

Awtomatiko'y ibinaling niya ang tingin sa kaliwang braso nito kung saan nakasuot ang bracelet. Tinitigan niya itong maiigi. Mayroon ngang dalawang jade stone na nahalo sa mga perlas at hugis puso at diamond. Pagkuwa'y ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Riegen. Sinuri niya ang bawat anggulo ng mukha nito. Habang tumatagal ay nakokombinsi siya na kamukha nito ang lalaking nakita niya sa gubat noong umiiwas siya sa bala ng kaaway. Nakahawi lang patalikod ang buhok nito at siguro dahil halimaw ang nakita niya noong una kaya nahirapan siyang kabisaduhin ang mukha ng lalaki.

"Ang cute ng pendant mo, ah. Saan galing 'yan?" mamaya'y tanong ni Riegen.

Sinipat naman niya ang suot na pendant. Katunayan ngayong gabi na ulit niya sinuot ang kuwentas dahil nag-iisa siya. Naniniwala na kasi siya na life saver niya ang pendant na binigay ni Gen sa kanya.

"Ahm, binigay ito sa akin ng isang lalaki," aniya sabay tago ng pendant sa loob ng damit niya.

"Sinong lalaki?" seryosong tanong nito.

Tumitig siya sa mukha nito. Nahahalata niya ang interes sa tanong nito—na parang may nalalaman ito. Natatakot siyang magsabi ng eksaktong detalye dahil malakas ang pakiramdam niya na may koneksiyon ito kay Gen, dahil sa suot nitong bracelet.

"Binigay ito ng ex boyfriend ko," pagsisinungaling niya. At kailan pa niya naging nobyo si Gen?

Napamata si Riegen. "N-Nasaan na siya ngayon?"

"Hindi ko alam. Bigla na lang siya nawala."

Hindi na nakaimik si Riegen. Nagtataka siya sa biglaang paglaho ng sigla sa mukha nito. Nilalaro nito ang mga perlas sa bracelet na suot nito. Inihahanda niya ang tanong tungkol sa bracelet nito pero bigla naman itong tumayo.

"Ah, babalik na lang siguro ako sa ibang araw," bigla'y sabi nito.

Tumayo siya. "Bakit?" takang tanong niya.

"Parang sumasama kasi ang pakiramdam ko sa sikmura. Dahil siguro sa kinain kong mixed nuts," anito na hinipo pa ang tiyan.

"Sige."

Walang imik na naglakad na ito patungo sa gate.

Bakit ganoon? Tanong ng isip niya.

Akala niya si Riegen na ang matibay na lalaking magdamag siyang liligawan, pero hindi pa nga sila nagsisimulang magligawan ay nag-quit na ito. May mali ba sa sinabi niya na ex boyfriend niya ang nagbigay ng kuwentas?

Kinabukasan...

Alas-sais pa lamang ng umaga ay nagtatanim na ng mga buto ng iba't-ibang gulay si Melody sa likod ng bahay kung saan siya nagbungkal ng lupa kagabi. Mayroon siyang buto ng sitaw, okra at talong. Nawiwili na siya sa ginagawa.

Pagkatapos niyang magtanim ay nag-jogging siya patungo sa pampang ng dagat. Binakuran niya ang hangganan ng lupain malapit sa pampang ng dagat, pero may munting gate roon para kahit anong oras ay makakapunta siya sa dagat. Kung gagawin lang bang resort ang lupain nila ay hindi na kailangan pang bakuran, kaso private property na iyon. Pero nagtataka siya bakit hindi man lang pinabakuran ni Riegen ang hangganan ng lupain nito malapit sa dagat.

Pagdating niya sa tapat ng lupain ni Riegen ay nagtataka siya bakit may nagpupukpok sa mismong mansiyon, na wari may tinitibag na semento. Sinisira na ba ang mansiyon? Hindi siya nakatiis. Lumapit na siya sa mansiyon. Lumipat pa siya sa harapan ng mansiyon at nagtago sa likod ng kotse sa garahe. May narinig siyang tila gumuhong pader.

Bakit nila sinisira ang mansiyon? Tanong ng isip niya.

Kumislot siya nang makarinig siya ng boses ng kalalakihan na palapit sa kinaroroonan niya. Nataranta siya. Wala sa loob na pumasok siya sa back seat ng kotse. Hindi kasi naka-lock ang pinto kaya malaya siyang nakapasok. Kinabahan siya nang makita si Riegen na lumapit sa kotse at mabilis na sumakay at umupo sa driver seat. Tinangka pa lamang niyang lumabas ay nai-lock na nito ang pinto. Isinuksok na lamang niya ang sarili sa ilalim ng upuan para hindi nito makita.

Nararamdaman niya'ng tumatakbo na ang sasakyan. Mamaya'y narinig niya ang panay na pagsinghot ni Riegen. Hindi na tumigil sa pagkabog ang dibdib niya. Panay ang dasal niya na sana'y huwag itong magkamaling sumilip sa kinaroroonan niya. Lalo siyang kinabahan nang pakiramdam niya'y lumilipad na ang kotse sa sobrang bilis.

Nakatulog na si Melody sa haba ng biyahe. Paggising niya'y nakahinto na ang sasakyan. Tiniyak muna niyang nakababa na si Riegen bago siya sumilip sa labas. Pagtingin niya sa labas buhat sa salaming bintana ay nagulat siya nang mapamilyar sa kanya ang lugar at bahay. Nakaparada ang sasakyan sa malawak na garahe. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit naka-lock.

Sinuri niyang maigi ang lugar. Ang pink na bahay na may dalawang palapag. Ang pamilyar na gate. Hindi siya maaring magkamali, nasa mamba house siya. Tumulin ang tibok ng puso niya. Bakit doon pumunta si Riegen? Ito ba ang may-ari ng bahay na iyon? Humiga siya ulit sa sahig nang bumukas ang pinto pero wala namang pumasok. Hindi naman lumundo ang sasakyan.

Nanlaki ang mga mata niya nang pagtingin niya sa sandalan ng upuan ng driver seat ay may gumagapang na ahas. Isang ahas na black and white ang stripe ng katawan. Ganoon ang hitsura ng ahas na pumasok sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ng lalaking iniisip niya na si Gen.

Napigil niya ang paghinga nang nahulog sa tiyan niya ang ahas. Kaunting sandali na lang ay hihimatayin na siya buhat sa nerbiyos. Mamaya'y biglang bumukas ang pinto sa kanyang paanan.

"She's mine, kiddo," sabi ni Riegen sabay hablot sa ahas.

Namangha siya nang isilid ni Riegen sa bulasa ng pantalon nito ang ahas. Para na rin siyang natuklaw ng ahas dahil hindi na siya makagalaw. Hindi na niya magawang bumangon. Nilamon ng himagsik ang utak niya. Kamuntik na siyang mamatay, kung hindi sa nerbiyos ay sa kagat ng ahas ng demonyong lalaking ito. Akmang lalapitan siya nito ngunit bigla niya itong sinipa sa sikmura.

"Argh! Shit!" daing nito nang tumalsik ito sa sulok. Bumalya pa ang likod nito sa isa pang kotse na nakaparada.

Nang mahimasmasa'y dagli siyang bumangon at tumalilis ng sasakyan. Ang ahas ay gumapang papasok sa kabahayan.

"Who the hell are you?!" paasik niyang tanong kay Riegen.

"Ano?" kunot-noong tanong nito. Hinipo nito ang nasaktang sikmura. Dahandahan itong tumayo.

"Ikaw ba ang nakatira sa bahay na ito?" matapang niyang tanong.

"Sabihin na nating oo. Bakit mo naman ako sinipa?" anito.

"Sinong matinong lalaki ang maglalagay ng ahas sa katawan ko? How dare you!"

"Wait, ikaw itong sumakay sa kotse ko na hindi ko alam. Kanina pa kita naamoy, e. I'm not sure na ikaw noong una, pero dahil sa ahas ko nakilala kita. Don't worry, kontrolado ko ang mga ahas ko."

"You just like them. Demonyo lang ang nakakagawang mag-alaga ng mga ahas."

"You mean, I'm a devil?"

"Oo."

"It's my place, at ano man ang gawin ko sa iyo rito, wala kang magagawa. Hindi kita pinilit na sumama sa akin."

"Hindi ko sinasadyang maisama mo rito."

"E anong ginagawa mo sa loob ng kotse ko?"

Hindi na siya nakaimik.

"Total narito ka na rin lang, baka gusto mong pumasok sa bahay ko," anito pagkuwan.

"No way. Hindi ako papasok sa bahay ng mga ahas. Buksan mo ang gate at aalis na ako," aniya sabay bira ng talikod.

"Pamilyar ka ba sa lugar na ito?" mamaya'y tanong nito sa seryosong tinig.

Natigilan siya. Awtomatiko'y hinarap niya itong muli. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung paano ipagbubuklod ang mga ideya sa utak niya. Naguguluhan siya.

Mamaya'y may lalaking lumabas buhat sa pinto. Naka-postora ito na tila may dadaluhang okasyon. Kakaiba rin ang karesma nito suot ay bughaw na tuxedo.

"May kasama ka pala. Bakit hindi mo siya pinapasok?" sabi ng lalaki.

Nahiya naman siya sa suot niya. Naka-jagging pants lang kasi siya na itim at sleevless na feeted shirt. Tsinelas lang ang sapin niya sa paa.

"Ayaw niyang pumasok. Siya pala si Melody, kapit-bahay ko sa Mactan. Siya naman si Dr. Jegsyn Lee, Melody. Kasama ko rito sa bahay," ani Riegen.

Naibalik niya ang tingin sa guwapong doktor kuno. Hindi pala nag-iisa sa bahay na iyon si Riegen. Maaring may iba pa itong kasama roon. Pero sigurado siya na sa bahay na iyon siya napadpad noon.

"Himala at nagdala ka ng babae dito, Rieg," mamaya'y sabi ni Jegs.

"Actually hindi ko siya dinala rito. Siya ang kusang sumama sa akin," simapatikong sabi naman ni Riegen.

Binato niya ng mahayap na tingin si Riegen. Hindi siya nakaiwas sa mapanuksong tingin ni Jegs. Pilyo ang ngiti nito.

"Siya na ba iyon, Rieg?" pagkuwa'y tanong ni Jegs kay Riegen.

Tiningnan lang nito si Jegs. "Aalis na kami. Ihahatid ko muna sa Mactan itong dalaga," anito saka lumapit sa kanya.

Ipinagbukas pa siya nito ng pinto sa passenger seat. Walang imik na sumakay naman siya.

a


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top