Teaser

Hindi naniniwala si Dennise, na kapag napalitan ang puso ng isang tao, ay maari ring magbago ang mga nararamdaman nito. Pero bakit habang tumatagal ay may mga nakalilito siyang nararamdaman? Nagka-interes siya na makilala kung sino ang donor ng puso niya ngunit kahit mga magulang niya ay hindi alam. Hinanap niya ang doktor na nag-opera, at nag-asikaso sa kanya, pero hindi na niya ito matagpuan. Pangalan lamang nito ang natatandaan niya.

At dahil sa madalas niyang pag-alis ng bahay at kompanya na walang paalam ay hinigpitan pa ng magulang niya ang seguridad niya. Hindi lang driver ang palagi niyang kasama kundi bodyguard. Naiinis na siya noon sa makulit na driver niyang si Syn, tapos magiging bodyguard pa niya ito? Subalit isang gabi na ma-trap sila sa isang gubat ay tila may kung anong nag-uudyok sa kanya na maging magaan ang loob niya sa lalaki. At nang halikan siya nito'y pakiramdam niya'y hindi lamang iyon ang unang beses na maglapat ang kanilang mga labi. At sa bawat paglapat ng kanilang mga balat ay nagdudulot iyon ng pamilyar na sensasyon sa kanyang kaibuturan.

May kinalaman ba ang bagong puso niya sa nakalilitong nararamdaman niya ka Syn?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top