Prologue: Keep the faith

NAALIMPUNGATAN si Dennise nang biglang yumanig ng malakas ang hinihigaan niyang kama. Una'y inakala niya'ng nahihilo lamang siya, pero nang mapansin niya ang paligid ay bumalikwas siya ng bangon. Lumilindol pala talaga. Sobrang lakas ang pagyanig, at halos hindi niya magawang ihakbang ang mga paa. Paglabas niya ng hotel room na inaakupa niya ay nagtatakbuhan na ang mga tao. Nagkakalaglagan ang mga bagay na nakasabit sa dingding.

Ilang beses siyang natumba bago niya marating ang pintuan ng elevator, subalit hindi na iyon mabuksan. Hilong-hilo na siya buhat sa lakas ng pagyanig. May ilang bahagi ng gusali ang gumuguho. Hinagilap niya ang hagdan pababa, subalit nang matagpuan na niya'y na-trap naman siya sa pasilyo kung saan may gumuhong pader sa daraanan niya.

"Help! Help!" narinig niya'y sigaw ng babae sa loob ng kuwartong katapat niya.

Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit matigas ang seradura. Naghagilap siya ng maihahampas sa seradura upang masira. Kahit hirap siyang ibalanse ang timbang ay pinilit niyang humakbang upang pumulot ng natipak na batong pader. Pagkakuha'y agad niya iyong inihataw sa seradura ng pinto. Sa wakas ay nagawa niya iyong buksan.

Nagulat siya nang makita ang babaeng natabunan ng gumuhong kisameng bato ang kalahati ng katawan nito. Kaya pala hindi nito nagawang lumabas. Maingat na isa-isa niyang inalis ang mga tipak ng sementadong kisame upang mapalaya ito. Maya't-maya naman ang tumba niya buhat sa walang awat na pagyanig.

Kung kailan naalis na niya lahat ng bato sa katawan ng babae, ay saka naman nanikip ang dibdib niya. Napaluhod siya sa sahig at pinilit ikalma ang sarili, ngunit sadyang sumisigid ang kirot.

"Oh, God, not now!" usal niya.

"Thank you," anang babae.

Ngumiti lamang siya ng pilit.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong nito, sa kabila ng tinitimpi din nitong sakit. Hindi nito maikilos ang katawan.

"Don't mind me. We have to go," aniya.

Pinilit pa rin niyang tumayo saka inakay ang babae upang makaalis sila sa kuwartong iyon. Malubha ang sugat nito sa kanang binti kaya hirap ito sa paghakbang. Pakiwari niya'y hindi purong pinay ang babae, dahil sa bughaw nitong mga mata, at kulay ng balat nito.

Tiniis niya ang kirot ng dibdib niya hanggang sa makababa sila ng grand floor, kung saan marami nang gumuhong pader, at kung-anu-ano pa. Naninilim na ang paningin niya nang marating nila ang exit door. Hindi na niya maaninag ang mukha ng lalaking sumalubong sa kanila, at umalalay sa babaeng tinulungan niya.

Nang bumitiw na siya sa babae ay saka naman siya tuluyang bumagsak sa sahig. Pakiramdam niya'y hindi na tumitibok ang puso niya.

"Hey! What's wrong?" narinig niyang tanong ng lalaking dumukwang sa kanya. Naramdaman niya ang paglapat ng ilang daliri nito sa puno ng leeg niya, na tila pinupulsuhan siya.

"Oh, my God! Dennise!" pamilyar na tinig ng babae.

Wala na siyang maaninag, at tanging alingawngaw ng ambulance car ang narinig niya.

"She needs immediately heart transplant." Narinig ni Dennise mula sa isang doktor, na kausap ng mama niya sa labas ng hospital room na kinalalagyan niya.

"Diyos ko. Please, doc., gawin n'yo po ang lahat," wika naman ng nanay niya, sa ilalim ng takot.

"Tutulong po ang hospital sa paghahanap ng donor. Huwag po kayong mag-alala."

Hindi niya namalayan ang mabilis na pagdaloy ng luha niya. Tumigil siya sa paghikbi nang mapansin ang isang libro na nakapatong sa bed side table, na abot kamay lamang niya. Kinuha niya ang libro, at binasa ang pamagat. Isa itong English novel na may pamagat na... "The house of faith", at isinulat ni Alice Scott. Binuklat niya kaagad ang unang pahina, kung saan may sulat-kamay.

Hi, Dennise!

This is my first published novel and my personal copy. I give it to you as simple remembrance. You saved my life, and I knew, there's no prices can paid your sacrifices in order to save me, even that you're in pain. I hardly pray for you to survive. God always with you, so don't lose hope. What ever happen to me, or even you, please, keep this book as one of the memories that we met, even in a minute.

Thank you, and please, get well soon.

Alice Scott

Hindi na tumigil sa pagpatak ang luha niya. Naitiklop niya ang libro nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kanyang ina, na hilam sa luha ang mga mata.

"Ibinigay iyan ng babaeng tinulungan mo kahapon sa hotel," anito.

"Nasaan na siya?"

"Dinala siya sa private hospital."

"Kamusta na siya?"

"Mabuti naman. Magpahinga ka muna, tatawagan ko ang papa mo," anito saka nagmadaling lumabas.

Narinig niya ang paghagulgol ng kanyang ina sa labas ng pinto. Bumuntong-hininga siya at pilit ikinalma ang sarili. Tumagilid siya ng higa, patalikod sa pinto. Taimtim niyang binabasa ang nilalaman ng libro. Hindi niya namalayan ang marahang pagbukas ng pinto.

May naramdaman siyang kaluskos. Itiniklop niya ang libro saka pumihit paharap sa pinto. Nagulat siya nang makita ang lalaking suot ay bughaw na pulo at itim na fitted jeans. May hawak itong punpon ng dilaw na rosas.

"Hi!" nakangiting bati nito.

"Sino ka?!" manghang tanong niya.

"I'm Syn, bagong driver mo," pakilala nito.

"Driver?"

Tumango ito. "Para sa iyo," anito sabay abot sa kanya ng rosas.

Hindi niya maintindihan bakit ganoon na lamang kabigat ang nararamdaman niya dito. Hindi niya hinawakan ang bulaklak. "Ilayo mo sa akin ang bulaklak na iyan. Buhay pa ako!" asik niya.

Umatras ng isang hakbang ang lalaki. "Sorry, akala mo magugustuhan mo," pangiti-ngiti pang sabi nito.

Lalo lamang uminit ang ulo niya. "Umalis ka sa harapan ko!"

"Okay, as you order ma'am," anito. Sinaluduhan pa siya nito.

Nagulat siya nang kindatan siya nito bago ito lumabas ng pinto. Pero bakit parang sumigla bigla ang puso niya buhat sa ginawang iyon ng simpatikong driver niya kuno?

"Buwisit!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top