CHAPTER 19: ONE WAY
Chapter 19: One Way
Isa-isang tinawag ni Ma’am Venna ang klase upang iabot ang aming mga quizzes. Hindi ko tuloy maiwasang mainis. She returned the paper based on the score at halos kalahati na ng klase ang natanggap na ang mga papel nila ngunit sa akin ay wala pa.
Psimpleng sinulyapan ko si Trench sa tabi ko. He was the second one to receive his paper following Triangle. Tiyak kong malaki ang score na nakuha niya at ayaw ko nang alamin kung ilan.
Puto, bakit wala pa rin sa’kin? Aaminin kong nahirapan ako sa quiz na ‘to pero pusangina, wag naman sana akong bumagsak.
“Gallego,” tawag ni Ma’am Venna.
Agad akong tumayo upang lumapit sa harap. She handed me my test booklet at bahagya kong tiningnan ang marka na nakuha ko. Just one point... If I missed a point, babagsak talaga ang score ko. I was relieved.
“That’s not what I’m expecting from you Sunny,” mahinang wika ni Ma’am Venna. She looks like she’s disappointed over my score. Sabagay, I can’t blame her. She gave me reviewers yet ganito pa rin ang mga markang nakukuha ko.
Hindi ko rin naman magawang madisappoint sa score ko. I deserved it. I didn’t study. I took for granted Miss Venna’s kindness. Isang beses ko lang yatang binuksan ang mga pinahiram niyang reviewers. Hindi naman sa nagdadahilan ako pero puto, kasalanan ‘to ni Moran eh!
Hindi ako makapagfocus sa pag-aaral dahil sa kanya! The past weeks were very exhausting for me. Pakiramdam ko ay lahat ng mga hinanakit ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa nangyaring mandatory death sa Capital Circle ay nasa akin lahat.
The Capital even launched a fireworks display the night after the mandatory death. Ang bastos lang! Tila nagsaya pa si Moran dahil pinapatay niya ang 200 na matatanda para lamang mabawasan ang populasyon! The Capital should be mourning and not launching fireworks! Hayop si Moran! Demonyo! Sugo ng diyablo!
“Hindi po ako nagdadahilan Ma’am Venna pero...” huminga ako nang malalim. “Hindi po ako nag-aral.”
She nodded her head. “Obviously. And the reason?”
“Iniisip ko po ang nangyayari sa Capital,” sagot ko. The problems really bothered me a lot. The earthquake, tsunami, the raise in population, Moran’s shitty solution which is the mandatory death. The next cremation of 200 old folks will be next month. At least I was assured that the old people weren’t canned and distributed to lower wards.
“When will you start thinking about yourself?” untag ni Ma'am Venna sa akin.
Mula sa pagkakayuko ay agad akong napatingin sa mukha ni Miss Venna. There was conviction in her voice. “P-po?”
“You’re too young to think about every problem that the Capital must face,” seryosong sabi niya. “Sunny think about yourself. Paano kung dumating ang araw na kaalaman na lamang ang kaya mong ipanglaban? That’s what we, teachers here at the Academy are trying to instill in your mind. Darating ang panahon na kahit ano pang pag-aalsa ang gawin natin, walang saysay iyon. We could end up dead anytime. They can incapacitate you anytime they want. All that’s left to you is your knowledge and that’s the weapon you can use against them. That's also something they cannot take away from you. Sasabihin ko ‘to nang pault-ulit, stop thinking about Capital’s problem, think about yourself.”
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. May point si Miss Venna pero puto! “Wag n’yo po akong pangunahan sa mga desisyon ko sa buhay.”
Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko ngunit ilang saglit lamang at tumango-tango lang siya. “Pasensya na, masyado ko lang sigurong dinibdib ang tungkulin ng guro na maging pangalawang magulang.”
“Pasensya na rin po,” wika ko.
She forced a smile. “Anyway, do good next time lalo na at malapit na ang assessment at Royal Face-off.”
Oo nga pala, puto I almost forgot! Malapit na pala ang face-off at kailangan kong mag-aral nang mabuti! “Pangangalagaan ko po ang pwesto ko sa Royals.”
“That’s good to hear,” wika ni Ma’am Venna. “Alam mo bang hindi ako matalino dati? Masyado pa akong insecure at palaging kinukumpara ang sarili ko sa mga matatalino,” tumawa siya habang iniisip ang kanyang sarili dati. “Then someone told me the things I told you kaya nag-aral ako nang mabuti at naging bahagi ng Royals. Alam mo ba kung sino ang taong nagsabi sa akin ng mga bagay na 'yon?"
"Sino po?"
"Si Jean-Claude." Bahagya siyang natulala at pagkatapos ay napailing. "Kung anu-ano na ang mga sinasabi ko. Pwede ka nang bumalik sa upuan mo.”
I gave her a smile bago ako bumalik sa upuan ko. Agad kong tinupi ang test booklet ko at tinago iyon sa likuran. Mahirap na at baka makita ni Trench. Ang taas pa naman ng markang nakuha niya. Nakakahiya!
***
Nang breaktime ay agad kong hinanap si Nikon sa kumpol ng mga estudyante na nasa canteen. I need to confirm my suspicion first about his identity. Nang makita ko siya ay agad ko siyang hinila sa braso at inilayo roon.
“Oh,” bahagya siyang nagulat ngunit nagpatangay lang siya. Dinala ko siya sa likurang bahagi ng canteen. “What’s this about kitten?”
I mentally cursed and at the same time, a hope emerged from my heart. Siya nga kaya si Gon? Kung hindi, how dare him. Parang nilapastangan niya lang ang tawag sa akin ni Pentagon. I admit I really hate how Gon used to call me Kitten. It sounds kinky, alright, but I prefer him calling me Kitten kaysa ganitong mawala siya.
“I told you stop calling me Kitten.”
His smirk tells me something. Iyong tipong tila may nais ipahiwatig ngunit hindi ko alam kung ano. “Okay.”
“Sino ka ba talaga Nikon Zamora?” tanong ko sa kanya. I stared at him intently and silently wished I can know by simply looking at him.
Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras din ako ng isang hakbang. He took another step forward but I felt the wall behind me. No, definitely he’s not Pentagon. Pero sino siya?!
“What are you doing?” tanong ko at itinaas ang isang kamao. In case he does anything, welcome na welcome siyang salubungin ng kamao ko. He lowered his head and smiled.
“Can’t you tell by simply staring at me?”
Puto, ano ba ang ginagawa niya? I tried to push him away ngunit bigla na lamang may humablot sa kanya at dumapo sa mukha niya ang isang malutong na suntok. It was KL.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Zamora?!” KL’s voice echoed.
Nang mag-angat ng tingi si Nikon ay may dugo sa gilid ng labi niya ngunit sa halip na magalit ay napangiti pa rin siya at inahid ang dugo. He stared at his hand were the blood was at napatingin sa akin. “You can answer your own question Sunny.”
“Put*ngina mo Nikon,” sigaw ni KL ngunit hindi siya pinansin ni Nikon. He left the scene after looking at me. Tinanaw ko rin siya habang papalayo at nang tiningnan ko si KL ay nakasimangot siya.
“What?” I mouthed.
“Anong ginawa niya sa’yo Mylabs?” tanong niya sa akin. “Hinalikan ka ba niya? Hinipuan? Ginahasa?” He looks worried pero puto, ang OA ah!
“You’re overreacting KL,” sagot ko at ipinaikot ang eyeballs.
“Ito naman, nag-aalala lang ako. Kilala ko si Nikon, I don’t think you’re his type pero bakit parang may interes siya sa’yo?”
I cringed. Una sa lahat, walang interes-- sa kung ano mang klase ng interes na iniisip ni KL sa akin si Nikon. Whatever it is, it must have something to do with Gon’s memory, or about P:RUM 2.0 or whatever. At pusangina, KL just said something interesting! Kilala niya si Nikon!!!
“Right!” bulalas ko.
“What?”
I snapped in front of him. “You know Nikon so well right?”
“Not his life as a whole pero alam ko kung anong uri ng tao siya,” sagot niya at humalukipkip. Mayamaya ay bigla siyang napasimangot. “Don’t tell me ikaw ang interesado sa kanya? Mylabs naman!”
I frowned. “Mukha ba akong interesado sa lalaki?” I asked, raising a brow. At ang hinayupak, tumango!
“Oo, you look like you’re interested to the Grande cousins,” sagot niya. “Gusto mo yata ‘yong mukhang sisiga-siga eh, pero, hmmm parang gusto mo rin ‘yong isa. Mylabs, paano na ako?”
Puto! Sisiga-siga? He’s definitely referring to Triangle pero pusangina, pati ba naman si Trench? Sinubukan kong ibahin ang usapan. Ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa TT cousins at sa kung ano mang nakikita ni KL sa akin. “What do you think of Nikon?”
“Tapos ngayon si Nikon naman? Mylabs, ako? Ano na? Paano naman ako?” He even frown to make his sentiment even convincing.
“KL isa ah,” banta ko.
“I told you Nikon is dangerous,” wika niya. His sulking face change into something with a serious expression. “He may not looks like it but I’m sure he’s dangerous.”
“Sa paanong paraan?”
“He can manipulate you with his words. Akala mo ay kakampi mo siya pero pinaglalaruan ka lang pala niya sa mga palad niya.”
I rolled my eyes. “Baka napa-paranoid ka lang.” Naalala ko ang hinala ko na maaring si Nikon si Gon. I grabbed KL by his arm and lowered my voice. “Gaano mo na katagal kakilala si Nikon?”
Saglit siyang nag-isip na tila ba nagbilang siya. “We’ve been in underground fights for almost 3 years.” Almost 3 years-- at buhay pa si Gon sa ga panahong iyon kaya imposibleng siya si Gon... unless the real Nikon is dead.
“Wala ka bang napapansin sa kanya?”
“He’s the same jerk I met before,” sagot ni KL. “Hindi kami magkaaway pero we’re not friends either. Unlike me, he prefers to be alone.”
Pero sabi ni Papa, Gon could be someone I already meet-- puto. Sa dami ng taong nami-meet ko, hindi ko malalaman alin sa kanila si Gon! Si papa naman kasi eh! Ayaw na lang sabihin kung sino!
At isa pa ‘yan si Gon, kung nasaan man siya, bakit hindi siya nagpakita sa amin? Kay Triangle? Kay Trench?! Isa pa, iilan lamang ang bagong dating-- or bumalik sa buhay ko and one of them is KL!
Bigla kong kinuwelyohan si KL. “Ikaw! Ikaw ba talaga si KL?”
He made a face. “Anong pinagsasabi mo Mylabs?”
Right. It’s a bit suspicious that he came back after he’s gone for a long time. That’s not really suspicious dahil mula naman talaga sa Capital si KL pero siomai, posible kayang siya si Gon?
“Umamin ka nga, ikaw ba si KL or hindi?”
His smile turned into something mischievous. “Malalaman natin ‘yan sa isang paraan lang Mylabs.” He pouted his lips towards me. “Kiss mo ‘ko.”
Pinitik ko ang ilong niya at binitawan siya. “Ikaw nga talaga si KL.” Meh, always the naughty one.
Umayos siya ng tayo at bahagyang tumawa. Inayos rin niya nag nagusot na kwelyo. Sumimangot lang ako sa kanya at tinalikuran siya. “Babalik na ako sa canteen,” wika ko at hindi pinansin ang pagtawag niya sa akin upang sabay na kaming kumain.
***
Mabigat ang ambiance habang nasa hapagkainan kami. Wala namang nangyari ngunit ramdam ko ang tensyon ng bawat isa. Coco has become serious as ever after he realized Moran isn’t giving a shit about how people feel.
Megan? Still the same bitch that she is but she always mediate in case grievance arise. Si KL naman, walang bago sa kanya. Si Tatsulok? Himala, nakisabay ng kain sa amin ngayon.
Pinakiramdaman ko lamang ang bawat isa habang kumakain kami. After the meal, my eyes didn’t leave Triangle even for a second at puto, kahit kalahating segundo, hindi na niya ako tinapunan ng tingin!
This isn’t like him. Hindi naman ganito noong huling araw na nakasama ko siya. He begged that I slept-- uh, I don’t want to sound green. What I mean is I literally slept with him. Natulog ako sa tabi niya. Ay mali, natulog pala siya samantalang gising lang ako sa tabi niya. That was the last time that I saw him like that dahil kinabukasan ay naging malamig na siya sa akin.
Pusangina, napa-praning na ako sa kaiisip kung may nagawa ba akong mali sa kanya nang gabing iyon. Mali ba ang paraan ng pagkamot ko sa likod niya? Ano? Bakit bigla siyang naging malamig? And I decided I will talk to him tonight. It’s now or never. Do or die. Come hell or high water!
Hindi ko alam kung saan nagpunta si Nikon, ang kanyang bagong roommate, pagkatapos kumain. Namataan ko naman si Triangle na pumasok sa kwarto nila and I took that opportunity.
Siomai, bakit nanginginig ako? Kailan pa ako nanginginig para lang kausapin si Tatsulok? Kahit nga noong tinatakot niya ako at pinapaalis dito sa academy, nanginig ako pero hindi gaya ngayon na nanlalamig ako at kinakabahan. Dati ay nanginginig ako sa galit at inis dahil sa kayabangan niya!
When I gathered enough courage to open the door of his room, hindi na ako nagdalawang isip pa. Puto, mas kinakabahan pa yata ako ngayon kaysa noong face-off! I found him sitting on his worktable, carefully examining a miniature craft.
“Triangle.”
He froze when he heard my voice at ilang sandali ay napatingin siya sa akin. Wala na ang dating apoy sa kanyang mga mata kapag tumitingin siya sa akin dati. Gone was the admiration that I always see in his eyes. Puto, bakit kasi saka lamang natin hinahanap ang mga bagay-bagay kapag nawala na ang mga ito?
“Yes?” he asked. ‘Yong boses niya? Puto, malamig pa sa hindi nakasaksak na plantsa.
I locked the door at inisip na bahala na. Kung sakaling patayin man niya ako ngayon, ako na ang nagsara ng pinto upang walang makapigil sa kanya. Pero pusangina, wag naman sana.
“Can we talk?”
Ibinaba niya ang hawak niya ngunit nasa ibang mga models at protoype na naroon ang kanyang mga mata. “We’re already talking.”
Puto ah, kalma Sunny. Kailangan kong kumalma. “Privately.”
“You locked the door,” he replied. I clenched my fist. Sinasagad talaga ni Tatsulok ang pasensya ko pero nandito ako para makipag-usap kaya kailangan kong kumalma sa abot ng aking makakaya.
“I want your full attention.”
Humarap siya sa akin at humalukipkip. “Now you have it.”
My eyes scanned him and I tried to figure out if he's the Triangle that I know. The only thing that can make me identify him is his piercings and it was as what I remembered those to be.
"You're treating me differently. Parang nag-iba ka. I felt like you're pushing me away," wika ko. I'm speaking what I really have in my mind. Gusto kong malaman niya kung ano ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya.
"Aren't you supposed to be happy about it? You get what you want."
Anong get what you want ang pinagsasabi niya? "Ano?"
"Dati ay halos ipagtulakan mo na ako palayo, now that I did why are you asking me why I treat you differently?" He bite the metal on the side of his lip.
Puto, he's doing this to get back to me? Gumaganti siya? I thought we're cool lately... Sandali. This is really not him!
"No."
"No, what?" he asked.
"No, this is not you," buo ang loob na sabi ko. Alam kong minsan kumakalat ang impeksyon niya sa utak pero siguro naman ay hindi aabot sa ganito. He even got the nerve to steal credits from his cousin's work! Well, not really steal dahil kusang loob naman na binigay at isinumiti ni Trench ang research niya at ipinangalan iyon kay Tatsulok but damn! Triangle had the audicity to stand and enjoy praises and benefit from his cousin's work!
Tumawa siya. 'Yong tawa niyang nakakasira ng araw. "Why Gallego? I just realized that change is good."
"And you don't call me Gallego," pansin ko. Hello? Pancake. Pancake ang tawag niya sa akin.
"You preferred not to be called Pancake right? You hate it." cool lang na sagot niya.
Puto, dati! Dati ayaw na ayaw ko pero... pero sinanay niya ako sa Pancake kaya nakakapanibago lang na tinatawag niya ako na Gallego.
Biglang nabuo ang isang ideya sa utak ko. Puto, this idea really sounded crazy but what if I'm right? Trench has become bold with his feelings towards me lately, on the other hand Triangle is cold... And then here's Pentagon... Kung nasa'n man siya, pusangina niya miss na miss ko na siya kaya kailangan na niyang magpakita sa akin!
What if Pentagon's one of the TT cousins in disguise? What if nagpalit-palit sila ng identity?
Pero malabo rin. I know Triangle at one glance. I know Pentagon even more. Kahit pa magkamukhang magkamukha sila, I can tell right away who is who.
Napakuyom ako sa kamao ko at sinalubong ang mga mata ni Tatsulok. Mukhang tama si KL. There's only one way to confirm!!!
Walang pag-aalinlangan na tinawid ko ang distansya sa pagitan naman. Triangle was taken aback with my sudden movements lalo na nang hinawakan ko nang mahigpit ang kwelyo niya.
Malandi na kung malandi...
Pero pusangina...
Bahala na si Batman!!!
I pulled him down so that his face will level mine bago ko sinakop ang bahagyang nakaawang niyang labi.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top