Curse Forty: Project Apollo Part 4

"SIGURADO ka ba sa mga sinabi mo?" pangungumpirma n'ya nang sabihin ko na may mga batang nakakulong sa bahay namin. "Baka naman nagkakamali ka lang sa mga nakita mo, Tasia."

"I'm serious, Kuya Ali! My mother is doing something terrible and inhumane. That's the reason why I'm crying!" sigaw ko sa kanya habang busy sa pagtanaw ng daan paakyat sa bahay namin sa taas ng bundok na 'to. "They're all caged on our basement."

"Wait, your house is on top of this mountain?" hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin. I can sense that he's shocked but at the same time amazed. "Hindi ba delikadong umakyat ng ganitong oras? It's almost ten in the evening, Tasia."

Gusto ko s'yang sungitan but that's not the right time. We need to save them tonight or this might be the end of them. Ayoko nang magtiwala sa nanay ko. She will only kill them if I'm not going to do something.

"I'm always doing this, don't worry. It's safe. Just make it fast! Baka hindi na natin sila maabutan. May mga dumating na kotse kanina no'ng tumakbo ako pababa." Wika ko pa.

"We haven't seen any cars from the hill so, they're still there." Anas ni Ali tapos ay sumabay na sa bilis kong umakyat ng bundok. "Totoo man 'yan o hindi but we need to make it fast. I know someone who went up there before they left me in Amusement Park."

Hindi ko na pinansin ang huli n'yang sinabi. Mas binilisan pa namin dahil paniguradong sinusundan na kami ng mga nakabantay kay Kuya Ali na mga armadong lalaki. Bodyguard 'ata n'ya.

Nang makarating kami ilang metro sa bahay namin ay hinila ako ni Ali sa likod ng isang bumagsak na puno. Magrereklamo sana ako sa kanyang ginawa nang bigla n'yang takpan ang bibig ko and hushed me.

Do'n ko lang na-realize ang rason.

May mga armadong lalaki ang nakapalibot sa buong bahay namin. May mga hawak na baril at mataman ang pagbabantay sa paligid.

Ito yata ang mga kasama ni Tito Calixto kanina.

"I know them." Wika ni Ali na s'yang kinatingin ko rito. Ano'ng ibig n'yang sabihin do'n? I was about to ask him what does it mean when he spoke silently again. "They're all well-trained bodyguards and it will be difficult for us to go inside without being caught by anyone of them."

Tinanggal ko ang pagkakatakip nito ng aking bibig tapos ay sinuri ko nga ang kabuaan ng bahay namin. Hindi naman gano'n kalaki ang bahay kaya madaling matanaw ang mga nasa paligid nito. Tama nga si Kuya Ali. Our house is now well-guarded.

If we want to release the kids trapped inside of our residence, we should not be moving without any plan.

"Do you know any other alternative way for us to get in?" tanong ni Kuya Ali sa'kin.

His face is now too serious. Bigla itong nagbago ng awra na bahagya kong pinagtaka. It seems to me that he realized something and now he's eager to help me.

"Do you know them?" I asked him when I remembered he said something about his familiarity of the guards out there.

"I'll tell you later but right now, we need to go inside as soon as possible. I believe you now. I believed in a lie, damn it!"

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na magmumura s'ya ng gano'n at may bahid ng galit ang itsura n'ya ngayon. I didn't ask anymore. He said he will explain it later.

"I know a secret passage, c'mon." sabi ko sa kanya tapos ay nagpatiuna na ako ng lakad habang nag-iingat na hindi kami maramdaman ng mga bantay sa labas.

Bumaba muli kami ng ilang metro mula sa taas dahil dito ko naalala ang lagusan patungo do'n sa basement. We can use that later as well para dito kami dumaan at makatakas.

I searched for the hidden door under the dried leaves of a maple tree. Tinulungan na'ko ni Kuya Ali hanggang sa makita namin ang isang pintuang kahoy na ang tanging lock lang ay ang pirasong kahoy sa gitna na kailangan lang namin tanggalin.

Nang mabuksan ang lagusan ay inilabas ni Kuya Ali ang cellphone nitong may flashlight sa tuktok. Madilim kasi ang lugar at medyo masangsang ang amoy. Amoy lupa at medyo mabaho. Maingat kaming naglakad paloob. Medyo basa ang dinaanan naming sementadong lupa dahil kakaulan lang kanina.

"You have a very unique house, Tasia." Bakas sa tono ni Kuya Ali ang pagkamangha sa instruktura ng bahay namin na may basement sa ilalim. When we reached the end of the hall, we saw a metallic door. It's the same with the ones I saw in the garden tool room.

I entered the password, the same with that door and then it opened. Nagkatanguan kami ni Kuya Ali bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Upon entering the area, the place became an area for scientists. Ito yata ang dulong parte na nakita ko noong unang beses akong nagpunta rito. Mabilis naming tinahak isa isa ang mga kwarto. Medyo naghiwalay kaming parehas, s'ya sa isang side, ako naman sa kabila.

"Tasia?" I heard Kuya Ali called in a whispered manner. Agad ko s'yang pinuntahan at doon ko nakitang nakasilip s'ya sa isang kwarto na may ilaw. Sumilip na rin ako at nakinig.

"Wala sa usapan, Calixto, ang dalhin mo ang mga bata!" rinig kong sigaw ng isang babae na may maikling buhok. She has a short hair with an arrogant looking feature. Ito yata ang isa sa mga kaibigan ng Mamma na katulong nila rito. If I'm not mistaken, her name is Althea.

"The moment that I agreed with Lucilla's offer, it means it's mine, Althea. Apollo is mine, the kids have the Apollo then they're all mine to keep. I have my own scientists to take care of them. Sila na ang bahalang magpatuloy sa mga nasimulan ninyo." Tito Calixto replied.

Kitang kita naming dalawa ni Kuya Ali ang galit na namumuo sa mukha ni Althea. Magsasalita pa sana ito nang biglang tutukan sila ng baril ng mga kasama ni Calixto. The man beside Althea held her waist to protect her from any harm.

"Once you use the Apollo without the Host, the kids will die, Calixto!" frustrated face of my Mom is now evident.

"Apollo will let me see who's the Host then," Calixto smirked.

Umiling iling si Mamma sa sinabi nito. "It won't let you see it."

Umigting ang panga ni Calixto sa sinabi ni Mamma. "Then, I'll use my other son for it. Apollo will choose him. If Alastair has been chosen as one of the vessels of its content then it will choose my son as well."

"Nahihibang ka na ba talaga, Calixto?! Hindi mo pupwedeng gawin 'yon! Paano kapag hindi s'ya ang piliin? What if it will only kill your Heir?! Hindi na kakayanin pa ni Camilla ang mawalan ng isa pang anak! Maawa ka naman sa asawa mo!"

Naging malikot na ang mukha ni Calixto upon hearing his wife's name. Naging mabilis ang paghinga nito at tila naapektuhan sa sinabi ng kanyang ina.

Napaatras naman ako nang biglang tumingin sa gawi namin ang mata ni Mamma. Parehas kaming napasinghap ni Kuya Ali sa gulat. Ngunit imbes na isuplong kami ay may sinenyas ito sa amin.

Her two fingers touched the lower part of her dress. She then wrote something using her fingers.

Tumakas. Kayo. Bilis.

We both understood her message. Nagkatinginan kami ni Kuya Ali na parehas ang nasa isip.

Mamma wants us to save the kids at tumakas. It's obvious that they don't like the idea of Calixto having the kids away from their custody. Neither I am.

Mabilis kaming nagpunta sa kwarto nila. Mabuti na lamang at wala pang mga bantay ang nakaistambay sa harapan ng pintuan. Mabilis kaming pumasok nang hindi kami mapansin agad.

"S-Sino k-kayo?" I immediately hushed them all.

"K-Kuya?" napalingon ako kay Alastair nang bigla itong magsalita sa harapan ni Kuya Ali. Napakunot noo ako sa sinabi nito.

Magkapatid sila?

I gasped upon realizing my confusing thoughts a while ago. Kaya pala parang pamilyar ang mukha ni Kuya Ali dahil magkapatid sila ni Alastair. And their name... Alastair and Alistair.

Ibig sabihin... napatingin ako kay Kuya Ali. Isang tango lang and I've already understood his explanation. Calixto is his father at kaya n'ya kilala ang mga bantay sa labas dahil tauhan 'yon ng ama nito.

"Oh, tama na reunion ano ba?! What's happening na ba?" iritado kong pinuntahan ang kama ni Nikkadorpha at s'ya ang inuna kong pakawalan sa kadena niya.

I tried to look on the mini-keypad of the chain.

I know my mother too well. Kung tingin niya, delikadong tao si Calixto at nagpunta rito dahil kinutuban na kukunin ang mga bihag then she might have done something on the passwords. Mom is aware that I will still pursue the act of saving these kids and her message to us was also clear that she changed the passwords from difficult to easy.

When I put my birthday on the code sinabi ko 'yon kay Kuya Ali para matulungan n'ya akong pakawalan silang lahat sa kadena.

Nang matapos namin silang pakawalan lahat ay nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin nang mahigpit. Medyo hindi ko nakilala ang yumakap pero nang magsalita ito'y bigla akong kinabahan ng husto.

"Thank you that you're safe, Asia. Thank you." Alastair said when I felt him speaking on my neck.

I heard gasped and most of them are clearing their throats.

"Jusko, ang babata pa pero ang lalandi na." rinig naming komento ni Nikkadorpha pero 'di ko 'yon pinagtuunan pa ng pansin when Alastair became too conscious if I have hurt myself or what.

"Brother, do that later once we're out of this place. Masyado kang mabilis. Dinaig mo pa ako." Wika ni Kuya Ali when he tapped Alastair's shoulder.

Alastair hugged me again, hindi ko na nakita ang pagtingin nito ng masama sa kapatid habang yakap ako. Natawa lang ng ilang saglit si Kuya Ali bago napailing iling sa kapatid.

Mabilis kaming umalis sa kwartong 'yon nang walang nakakakita sa'min. Palabas na kami ng metallic door when we heard gunshots upstairs at maging sa basement kung nasa'n kami ngayon. Una kong naalala si Mamma. Gusto ko s'yang puntahan but Kuya Ali pulled me inside of the metallic door then he closed it.

May kinuha itong malaking bato sa gilid tapos sinira n'ya ang passcode device na nasa gilid ng pinto nang sa gayon ay hindi na 'to mabuksan pa ng kahit sino.

"Tara na!" sabi n'ya sa'ming lahat.

Habang akay akay ako ng magkapatid ay sobra naman ang kaba na nararamdaman ko para sa aking Mamma at sa mga kaibigan nito. I know they're fighting them. I'm confident that my Mom can survive because she's the one who taught me few martial arts techniques and I saw how good she is.

Nang makalabas sa lumang pintuan na kahoy ay mas binilisan pa namin ang pagtakbo pababa ng bundok. May narinig kasi kaming sumigaw mula sa itaas na isa sa mga bantay at nag-ulat na nakatakas raw ang mga bihag.

Halos magpagulong gulong kaming siyam para lang makababa ng bundok. Nang matanaw ang isang bakanteng pick-up vehicle ay inutusan kami ni Kuya Ali na sumakay ro'n.

"Do you even know how to drive? Mukha kang mas bata sa'kin." natatarantang tanong ni Nikkadorpha habang nakatingin kami sa mga armadong lalaki na kasalukuyang pababa na rin ng bundok.

We saw Ali smirked in the front mirror when he finished revving up the car. "I won't be the crowned Heir for nothing." 'Yon lamang ang nasabi nito tapos ay sinimulan na nito ang mag-drive.


NANG makarating kami sa Amusement Park kung sa'n kami nagkakilala ni Kuya Ali ay gayon na lamang ang aming pagkagulat nang may nag-aabang na rin sa aming mga armadong lalaki. Their flashlights are aiming us as well as their guns. Medyo nasilaw kami ro'n na s'yang dahilan para itigil ni Kuya Ali ang sasakyan.

He can't drive back dahil maging ang likurang bahagi namin ay napapalibutan na ng mga armadong lalaki na galing sa bundok.

Oh my gosh, what are we going to do now? Nahuli na nila kami.

Hawak hawak kami ng mga armadong lalaki at nakapila sa pagdating ng amo nila. We are trying fighting them pero wala ang lakas namin bilang bata sa laki ng katawan ng may hawak sa'min.

"You are all have been naughty without Santa, kids." Napagawi ang tingin namin sa nagsalita at doon ko nakita ang pagdating ng ama ng magkapatid na Alastair at Alistair.

"Pakawalan mo nga kami rito! Ano pa ba ang kailangan n'yo?! Hindi naman naging successful ang ginawa ng mga dumukot sa'min sa pagturok ng kung ano sa katawan namin! We want to go home now!"

Pakibaril nga 'tong si Nikkadorpha. 'Yong sapul sa bibig please. Unahin n'yo na. Nakakairita na talaga.

"Dad! What's the meaning of this?! Bakit mo pina-kidnap ang mga batang 'to? At ang kapatid ko? Akala ko naglayas s'ya pero hindi naman pala!" ramdam namin ang galit ni Kuya Ali sa ama nito dahil sa nangyayari. "Please, let's go home to Italy. Stop this. Mom is sick, let's just take care of her."

Nahugot namin ang aming hininga dahil matapos lapitan ni Tito Calixto ang anak ay isang malutong na sampal ang ibinigay n'ya.

"Dad! Don't hurt, Kuya! Please! I did your bidding! Nothing happened! Please! Stop this!" atungal ni Alastair na nagsimula na ngayong umiyak. "Don't hurt him anymore. You always hurt him because of what happened when I was five years old! It's not his fault so please, I love my brother. I love you, Dad. Let's stop this. Please!"

Imbes na makinig sa anak ay inutusan nito ang may hawak kay Kuya Ali. "Isabit n'yo s'ya sa Ferris Wheel kung saan muntik nang mahulog si Alastair."

Ano'ng klaseng tatay s'ya? Kaya nitong gawin 'yon sa sarili nitong anak? Rinig ko ang atungal ni Alastair sa utos ng ama at tuloy tuloy na ang pag-agos ng luha niya.

Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko lalo pa nang may dumating at akay akay ang aking ina na ngayo'y bugbog sarado na. Mas lalo akong naiyak nang biglang sabunutan ng may hawak rito ang buhok n'ya at pilit na pinatingin sa aming lahat.

"Kids, ito ang taong kumidnap sa inyo hindi ba?" tanong ni Calixto sa mga nabihag.

Walang nagsalita miski isa kanila. Ano pa bang gusto n'ya? Bakit ba hindi nalang n'ya ito tigilan na?

"Gusto n'yo bang parusahan natin ang taong may dahilan kung bakit kayo nabihag ng mahigit isang linggo?" tanong pa nito na kinapikit ng mata ko.

I closed my eyes because I don't want to see this, I closed my eyes because I don't want to see and hear their answers. They will say yes and I just can't ask them to spare my mother's life. Gusto kong magmakaawa pero naunahan na ako ng takot at kaba.

"They're all looking at you with rage, Lucilla. It seems you've been a very bad kidnapper to them." May pang-uuyam na wika ni Calixto na mas nagpatangis ng aking luha.

"D-Darling?" I pursed my lips harder when I heard my mother's soft voice. Hindi ko s'ya tiningnan. I'm still closing my eyes while I'm silently crying. "That's right, d-darling. Just close your eyes. Okay? Whatever you hear... w-whatever you feel, don't open it. Do you hear me?"

Mas lalong dumagsa ang mga luha ko when I'm getting her message. I know what will happen next at mas lalo akong napahagulgol dahil ro'n.

"I love you, Mamma," I said while crying. "I will love you always."

I know Mom smiled. She smiled sadly upon hearing about my love for her.

"I love you too, Darling. My love for you will always be there in your heart. I'm proud that I have a brave daughter like you."

Ang sakit. Ang sakit sakit. I think my heart can't contain the pain. Wala na nga ang Papa ko tapos Mamma will leave me? Paano naman ako? Malas ba ako? Dapat ba hindi nalang ako pinanganak para hindi 'to danasin ni Mamma?

Hindi dapat ako pinanganak. Hindi nalang dapat ako nabuhay pa. Why am I hurting all the people around me? Bakit lahat ng tao na napapalapit sa'kin ay napapahamak? Am I not allowed to live normally? Am I not allowed to live peacefully with my mother?

A gunshot made me stop from breathing for a second.

Hindi ko napigilan ang buksan ang mata ko. Ang lupa ang una kong nakita, para akong malalagutan ng hininga habang dahan dahan kong inaangat ang aking paningin sa taong gusto kong makita.

Dapat hindi ko nalang binuksan pala ang mga mata ko. Dapat sinunod ko ang utos n'ya. Dahil mas lalong napupunit ang puso ko habang nakatingin sa taong nakahandusay sa harap ko. Her smile while staring at the night sky glowed like she'd done something better. Na hindi nito pinagsisihan ang mga nangyari.

Wala akong lakas na napatingin muli sa lupa. Tinakasan ako ng emosyon bigla habang nakatungo at lupaypay sa nangyari.

"That's what you get, Lucilla. No one betrays me at my back." Wika ni Calixto habang kabababa lang ng baril nitong ginamit sa pagbaboy sa kanya.

"I trusted her more than I do to you, Calixto." All of them looked at me when they heard me said something. I didn't say anything pero ramdam kong sa bibig ko 'yon nanggaling.

Someone is controlling my body. Ginagamit nito ang katawan ko para makapagsalita. Halata iyon sa kombinasyon ng dalawa naming boses.

"W-Who are you?" tanong ni Calixto sa akin pero tila hindi ko 'yon pinansin.

"I'm a threat to your world but it seems you didn't take Lucilla's warning seriously." Tugon ko habang dahan dahan inaangat ang aking ulo.

Kita ko ang pag-atras ng lahat nang makita nila ang nag-aasul kong mga mata.

"Y-You chose Lucilla's daughter as your vessel? Why?! My unborn daughter was the best choice!" ramdam ko ang galit ni Calixto mula rito. Ramdam ko ang hindi nito matanggap na kinasadlakan ng anak nito.

"Because you don't deserve it. You will use your unborn daughter for own good that's why I didn't choose her."

"You can't be s-sure—"

"I know you too well, Calixto. Besides, you caused my vessel's awakening that instead of gift and prosperity, my blood will bring them a curse. Instead, to help them live normally, they will live under the darkness of your doing."

Ang taong may hawak sa'kin ay biglang tumilamsik ng malayo. Now, I'm standing with grace sa harapan nilang lahat.

Masama kong tiningnan si Calixto. "Mata sa mata. Ngipin sa ngipin." Wika ko then I felt myself floating above them.

The moon shines so brightly under me. I raised my hands sideways and I felt something happened.

"No! Huwag ang mga anak ko! Bitawan mo sila!" rinig kong sigaw ni Calixto habang hawak ko sa magkabilang kamay ko ang leeg nina Alastair at Alistair.

"A-Asia!"

"T-Tasia!"

They both called me. Malakas ang hangin ang bumalot sa amin. I felt them shooting their guns at me.

I looked down on them. Still holding the brothers in my hands.

How dare them to defy me?

"Kneel!" malakas kong utos sa mga taong nasa baba at parang kumpas 'yon nang bigla silang napaluhod lahat. I felt a burning sensation on my chest when I did that.

All of them are kneeling over me. That's right. Kneel in front of me. Kulang pa 'yang pagluhod ninyo sa kabastusang ginawa ninyo sa Mamma ko.

"Calixto," tawag ko sa lalaking hindi na malaman ang gagawin ngayon. The almighty aura that he emits is now gone. A crying father is what I'm seeing. He's begging. No, I didn't beg. I won't let him beg.

"Sino sa kanila ang gusto mong unahin ko?" tanong ko rito. I heard the brothers are calling me. They want me to listen. No, I won't listen again.

"Hindi ka makapamili? Pwes... ikaw ang mauuna." I looked at him with an intense glare. I felt my eyes changed colors. From pure blue, it became an ocean and fire color. "Let the Wheel of Fate chooses your destination, Calixto. It's a just a matter of having a Life or Death."

His eyes turned into stone grey. Nanigas ang buo nitong katawan habang nakanganga sa kanya.

Guilty.

From grey eyes, his eyes turned into pure black. Maging ang katawan nito ay nawalan ng buhay katulad ng paghatol sa kanya ng guilty. Hindi lang si Calixto ang nakaranas no'n. Maging ang lahat ng tauhan nito ay sinapit ang kaparusahang pinataw ko.

Binalingan ko ang magkapatid na kasalukuyan kong hawak. "Kayo naman." Anas ko tapos ay binitawan ko si Alastair.

"Asia! No!" protesta ni Alastair habang unti unti ko s'yang binaba sa lupa habang dalawang kamay ko na ang nakahawak sa leeg ni Ali.

"P-Please, d-don't d-do this." Wika ni Ali sa'kin.

"I'm sorry." Wala kong pusong wika sa kanya. "I need to do this."

Ali's body became lifeless.

Nang ihiga ko 'to sa lupa ay si Alastair naman ang sunod kong tiningnan. His eyes are full of hatred and rage towards me.

"You will kill me? Kill me now, Monster! You killed my brother! I will never forgive you! Never!"

Tinapatan ko ang mukha n'ya tapos ay hinawakan ko ang panga nito habang seryoso ko s'yang tinitingnan.

Are you sure about this, Anastasia?

Apollo asked mentally.

I closed my eyes and let Apollo do something to Alastair.

"I'll be held responsible for him." Tugon ko sa tanong na narinig ko.

You're not just my vessel, Anastasia. I'm also choosing you as the Queen of Apollo. Rule me with your grace. I'm your servant.

"Sleep, Alastair." Utos ko kay Alastair at s'yang bagsak nito sa lupa.

Pinakatitigan ko ang paligid. Wala nang ibang gumagalaw maliban sa'kin. The guards are dead. The victims have been ordered to sleep. Hanggang sa ang huling mga salita nalang ng Apollo sa loob ko ang huli kong narinig...

I'm affirming Raja Alistair Aldeguer as your Seventh Keeper. And I'm choosing King Alastair Aldeguer not just your First Keeper but also... the Descendant of Apollo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top