CHAPTER 7

CHAPTER 7

“YES, my grandmother is Adeline Madrigal. And yes, I’m her only grand-daughter.” Panimula ni Kendra. “Pero kahit pa ako ang nag-iisang tagapag-mana niya, hindi ako nakatakas sa pagiging istrekto ni Lola Adeline.” Ipinikit niya ang mata pansamantala para ihanda ang sarili sa isa na namang kasinungalingan na hahabiin niya.

Pagkatapos ng nangyari sa elevator, kailangan talaga niyang isekreto ang pagiging isa niyang dugong-bughaw. Kung kailangan niyang maghabi ng isang mahabang kasinungaling, then so be it, wala siyang pakialam kahit pa sunugin sa impyerno ang kaluluwa niya dahil sa pagsisinungaling.

Pagkalipas ng ilang segundo, iminulat niya ang mga mata. “Gusto ni Lola Adeline na magkaroon ako ng sense of responsibility. Gusto niyang matuto ako kung paano kumita at humawak ng pera. Bilang nag-iisang tagapag-mana niya, ayaw niyang maiwan akong walang alam. So she devised this plan.” Tumingin siya sa kulay tsokolate nitong mga mata. “Vladimir, wala akong balak na masama sa kompanya niyo. Hindi nga alam ni Lola na sa inyo ako nagta-trabaho. Ang alam lang niya may trabaho na ako at masaya na siya roon. Wala siyang kinalaman dito. Please, spare my granny, she doesn’t know anything.”

“And why would I believe you?” Puno ng pagdududa ang boses ni Vladimir habang matalim ang mga mata na nakatingin sa kanya.

“Why would I lie to you? Wala naman akong makukuha sa inyo. For your information, kung may isang negosyo man na ayaw pasukin ni Lola iyon ay ang Car import and export.” She actually didn’t know what she’s talking about. Hindi nga niya alam ang mga negosyo ng lola niya maliban sa mga Hotels at Resorts na pag-aari nito.

She’s lying to Vladimir, face to face. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang sekreto at pagsisinungaling niya.

Sana naman maniwala ito. Half of what she said was lies and she prayed to god that Vladimir did not smell her lies.

Hindi niya puwedeng sabihin ang lahat dito. Kendra wished that she could, but she cannot. It’s for her safety.

“Alam kong galit ka kasi nagsinungaling ako.” Wika niya ng nanatili itong tahimik at nakatingin lang sa kanya. “Ayos lang sa’kin kung sisigawan mo ako. Ayos lang din kung tatanggalin mo ako sa trabaho. I deserve it. But please, don’t tell anybody about this. Ayokong malaman nila na ako ang apo ni Adeline Madrigal. That could seriously endanger my life. Alam mo naman siguro na maraming masasamang nilalang ngayon na gagawin ang lahat para sa pera.”

Nakita niyang gumalaw ang panga nito tandan na tinitimpi nito ang pagkairita o galit na nararamdaman.

“Vladimir, please. Sigawan mo nalang ako, huwag mo lang ipagsabi sa iba—”

"So, saan ka nag-aral?" Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. "Hindi ko binasa ang resume mo. At hindi na rin ako magtataka kong puro kasinungalingan ang nakasulat doon."

Napatungo siya. "Not all of it."

Vladimir tsked. "So, ano lang ang totoo sa mga yun?"

She sighed. "My birthday. My address. My e-mail address. My age. My height and my weight."

“How about your blood type?”

Umiling siya. “Kasinungalingan ang nakasulat doon.”

Hindi makapaniwalang tumawa si Vladimir. "Wow. You are a fake."

"Hindi ako fake." Dipensa niya sa sarili at pinukol ng masamang tingin ang binata.

"Oh, yeah? If you are not, then why lie?" Vladimir smirked. "You are Adeline's grand-daughter. I don’t know about your parents but Adeline's wealth is enough to sustain your wants and needs. Why work in our company? Dahil gusto ng lola mo na magkaroon ka ng sense of responsibility? Yeah, right? Who does that?"

My dad. “I’m a bit of a rebel. Kaya pakiramdam ni Lola wala akong patutunguhan.”

“A rebel?” Lumapit ito sa kanya at itinaas ang mukha niya gamit ang isang daliri nito. His face was so near hers she can feel his breath mixing with her own. “You don’t look like a rebel to me. Alam mo ba kung anong nakikita ko kapag nakatingin ako sa’yo? Beauty. Innocence. And lies.” Tumalim ang mga mata nito ng banggitin ang salitang lies.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. “I’m sorry kung nagsinungaling ako. I didn’t mean to—”

“Yes, you did. You applied in our company, Kendra. Of course you mean to lie to us.”

Hindi siya makatingin sa mga mata ng binata. Alam niyang galit ito sa pagsisinungaling niya. Naiintindihan niya ang galit na nararamdaman nito. Vladimir was the one who accepted her when Lachlain did not approved of her as their secretary.

Vladimir maybe feeling betrayed because of her lies.

“Sorry.” Hingi niya ng tawag ulit. “Siguro sinasadya ko pero kailangan kong gawin iyon.”

“Para ano? Para magkaroon ng sense of responsibility?” Puno ng sarkasmo ang boses nito.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Oo.”

“Bullshit!”

Napaigtad siya sa lakas ng boses nito. Pero kahit malakas ang boses nito at puno ng galit, hindi siya natatakot dito.

Nang makita nitong napaigtad siya sa gulat, lumambot ang ekspresiyon ng mukha nito. “Sorry. I shouldn’t have shouted at you.”

“Ayos lang.” Tipid siyang ngumiti. “Diba sinabi ko naman na okay lang kung sisigawan mo ako?”

“Yeah, but I can’t bear to see you flinch in fear because of me.”

“I’m not afraid.” Aniya at itinanong dito ang kanina pa bumabagabag sa isip niya. “Paano mo nalaman ang tungkol sa’kin?”

“Wala kang karapatang magtanong.” Wika nito sa malamig na boses. “Nagsinungaling ka sa’kin, sa amin ni Lachlain.”

Nawalan siya ng imik. Ayaw na niyang magsalita pa dahil baka mas lumala ang galit na nararamdaman nito. Ayaw niyang mas lumala pa iyon. Tama ng nagtitimpi ito na sigawan siya.

Nang hindi siya umimik ng ilang minuto, nagsalita ito.

“Nagtanong-tanong ako.” Basag nito sa katahimikan. “Nang makita kitang kausap sa Adeline Madrigal, nagduda na ako. Pareho kasi kayo ng apelyido. Hindi naman ako nahirapan na alamin ang totoo tungkol sa’yo. Sa kapit-bahay niyo palang, sapat na para masabi kung nagsisinungaling ka sa amin. Tapos nuong isang araw na galing ka sa Stronghold Condominium, sinundan ko ang taxi na sinasakyan mo. At doon ka nagpahatid sa bahay ni Adeline. Hindi ako kasing talino ni Lachlain pero hindi rin naman ako bobo para hindi mapagtagni-tagni ang mga impormasyong nalaman ko.”

Parang kinain niya ang sariling dila at hindi siya makapagsalita ng marinig ang paliwanag nito kung bakit nalaman nito. Kinakabahan siya, kung ito nga nalaman ang totoong pagkatao niya, ang taong iyon pa kaya na tumawag at nag-send sa kanya ng text?

“Iyon lang ba ang alam mo sa’kin?” Kapagkuwan ay tanong niya rito. “Ang ibig kong sabihin, may nalaman ka pa bang iba maliban sa ako ang nag-iisang apo ni Adeline Madrigal?”

Matalas ang mga mata ni Vladimir ng tumingin ito sa kanya. “Bakit may iba pa ba akong dapat malaman tungko sa’yo?”

Mabilis siyang umiling. “Wala na.”

Tinitigan siya nito na para bang binabasa nito ang nasa isip niya. “Stop lying, Kendra.”

“I’m not lying.” Mabilis na kaila niya.

“Okay. I’ll believe you.”

Isang munting ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. “Thank you, Vladimir—”

“For now.”

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Akala pa naman niya at naniniwala ito sa kanya.

“Sasabihin mo ba kay Sir Lachlain ang nalaman mo tungkol sa’kin?” Kapagkuwan ay tanong niya nang tumahimik ito.

Vladimir shrugged. “I don’t know.”

“Bakit hindi mo alam? I’m pretty sure you two are best of friends. Hindi naman kayo magiging business partners kung hindi.”

Nagkibit-balikat ulit ang binata. “I honestly don’t know. Half of me want to tell him and half of me want to keep this a secret.”

Napatitig siya rito. “Why would you keep my secret? Hindi ko naiintindihan kung ano ang kinalaman ‘non sa’yo.”

Humugot ng isang malalim na hininga si Vladimir at naglakad palapit sa kama at umupo sa tabi niya.

“Kendra, kapag sinabi ko ‘to kay Lachlain, nasisiguro kong paaalisin ka niya.”

“So? Isn’t that what you want? And anyway, I deserved it for lying.” Masakita para sa kanya na isipin na hindi na niya makikita pa ang masungit niyang Boss pero yun ang kabayaran ng pagsisinungaling niya.

Pagak itong tumawa. “When I confronted you, ang gusto ko lang ay malaman kung bakit ka nagsinungaling. Wala sa isip ko na paalisin ka sa kompanya. I don’t want you to go, I want you to stay.”

“Bakit naman?”

“Because,” hinilamos nito ang kamay sa mukha na parang napo-frustrate ito. “Because for the first time in my freaking life, I actually like a woman. Ikaw.” Humarap ito sa kanya. “I actually like you, Kendra. I like you in a way that, I want to bang you and keep you, not the ‘I want to bang you and leave you’ kind of like.”

“Hindi ko maintindihan ang ‘like’ na pinagsasasabi mo. Can you elaborate, please?” Naguguluhang sabi niya.

He sighed deeply in frustration. “I like you, the kind of like that can lead to love. Ngayon, naiintindihan mo na ako?”

Umawang ang labi niya sa pinagtapat nito. Hindi makapaniwalang kumurap-kurap siya. “A-Ano?”

“Kendra, I just said I like you. You don’t have to be shock about it.” Natatawang wika nito, “Is it that shocking? Sigurado akong sa ganda mong ‘yan, may nagkagusto na sa’yo.”

She pressed her lips together. “Mayroon na pero ... you’re my boss and…”

Tumawa ng mahina ang binata. “Weird ba na gusto kita at ako ang boss mo?”

Tumawa siya. “Sobra.”

“Weird is okay.” He paused, “Sometimes.”

Isang tipid na ngiti ang gumugit sa mga labi niya. “At dahil sa gusto mo ako, hindi mo sasabihin kay Lachlain ang totoo?”

“Yeah. After you told me your story, I realize, you’re secret can’t hurt anybody. And I know it’s selfish of me, pero, gusto kong ako lang ang nakakaalam ng sekreto mo.”

Napailing siya. “That’s not healthy for you.”

“I know.” Huminga ito ng malalim. “Pero ito ang unang pagkakataon na nagkagusto ako sa isang babae. So spare me of what’s healthy or not, sinusunod ko lang naman ang sinasabi nito.” Tinuro nito ang puso. “And if this makes you feel awkward, I’ll stop talking about my feelings for you. Kasi hindi naman ako bulag at hindi ako manhid, I know that you don’t feel the same way.”

Kinagat niya ang pang ibabang labi. “I’m sorry. You’re an okay guy, Vladimir. It’s not that I don’t like you, it’s just that, I’m still in the mid crisis of my life right now, I don’t want to complicate it by adding you to the equation. Mas makabubuti siguro kong manatiling single ang status ko.”

“I understand.” He tightly smiled at her then hold her hand. “Halika na. Bumalik na tayo sa opisina. Baka hinahanap na tayo ni Lachlain.”

Napatingin siya sa kamay nito na hawak ang kamay niya. “Do you have to hold my hand?”

“Masama ba?” Parang napaso ito at pinakawalan ang kamay niya. “Hayan. Hindi na.”

Gusto niyang matawa sa inakto nito.

Sa isang linggong pagta-trabaho niya sa Lechmere Car import and export, narinig niyang napakababaero ni Vladimir, kaya naman natatawa siya sa inaakto nito.

“Sorry.” Mabilis na hingi nito ng tawad. “I should have not touched you or anything—”

“Shut up.” Natatawang saway niya sa binata at inilingkis ang braso siya sa braso nito.

Naramdaman niyang natigilan si Vladimir sa ginawa niya at binalingan siya.

“Is this okay?” Tanong nito habang nakatingin sa magkalingkis nilang braso. “I mean, we could walk without this and—”

“Yes, it’s okay. At saka ngayon lang naman ito. Sa opisina, hindi ito puwede.”

Napasimangot ito na parang bata. “Bakit naman?”

“Kasi nga kilala nila ako roon bilang isang mabait at mahinhing babae.”

He gave her an arched look. “At hindi ka mabait at mahinhin?”

“Mabait? Not really. I’m kind of a bitch sometimes. Mahinhin?” She gave out a short laughed. “Not really, but I’m no slut.”

Nang makalabas sila sa hotel na inuukupa, isinara iyon ni Vladimir at magkalingkis pa rin ang braso na sabay silang naglakad patungo sa elevator.

“If you’re not really ‘mabait’ and ‘mahinhin’, why pretend?” Naguguluhang tanong ni Vladimir nuong makasakay na sila sa elevator.

She shrugged. “Things I have to do to fit in. Alang naman tarayan ko ang Boss ko. The bitch side of me only comes out when I’m annoyed and irritated.”

Tumawa si Vladimir. “Buti hindi pa iyan lumalabas kapag kaharap mo si Lachlain.”

Nang mabanggit nito ang pangalan ni Lahclain, biglang sumikdo ang puso niya. Kinapa niya ang dibdib at marahang menasahe iyon.

“Lumalabas siya minsan, kapag hindi ko na kayang pigilan.”

Tumango-tango ang binata at humarap sa kanya. Akala naman niya may sasabihin ito sa kanya pero ganoon na lamang ang gulat niya ng ilapat nito ang labi sa kanang pisngi niya. Parang may kuryenteng dumaloy doon.

Para siyang tinulos sa kinatatayuan niya.

Bago pa siya makapagtanong kung para saan ang halik na iyon sa pisngi ay bumukas na ang elevator at  nauna na itong lumabas.

Napahawak siya sa pisngi habang papalabas ng elevator. Her eyes settled on Vladimir’s back. What the heck was that kiss for?

NANG MAKARATING sila sa opisina, may ibinigay sa kanyang maliit na sobre si Vladimir. “Give this to Lachlain. It’s an invitation for Car expo next week.” Hinawakan nito ang pisngi niya at hinaplos iyon. “See yah, Kendra.” Pagkasabi ‘non ay pumasok sa ito sa opisina nito.

Siya naman, bago pumasok sa opisina ni Lachlain, inayos muna niya ang sarili at siniguradong hindi siya haggard looking.

Kumatok siya bago pumasok sa loob ng opisina ng masungit niyang boss.

Napasinghap siya at umawang ang mga labi niya sa sobrang gulat sa tumambad sa kanya. Papers and folders were scattered on the floor. Some papers are ripped and some are crumpled. Nakatumba ang swivel chair at nakita niyang pira-piraso na ang telepono ng opisina.

Mabilis na hinanap ng mga mata niya si Lachlain.

Nakita niya itong nakaupo sa mahabang sofa at nakahilig ang ulo sa likod ng upuan at nakapikit ang mga mata nito.

He looked exhausted.

Nilapitan niya ang binata at akmang hahawakan niya ang balikat nito para gisingin ng biglang nagmulat ang mga mata nito at mabilis na hinatak siya pahiga sa mahabang sofa at sa isang kisap-mata, napahiga siya nito at kinubabawan siya.

She's incapable of screaming because she was too shock to scream. Nanigas ang panga niya sa sobrang gulat sa ginawa nito.

“Sir Lachlain—” Before she can say other than his names, his lips were on hers, kissing her roughly.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top