Chapter 18: Checkmate
WILHELMINA
ANOTHER CASE was closed. Minsan hindi ko maiwasang magtaka kung bakit lagi akong naiinvolve sa mga kaso. At tuwing may nangyayari, lagi kong kasama sina Harriet at Morrie, pati na rin si Aiden.
Dahil malakas ang tranquilizer na tumama sa waiter, kinailangan siyang dalhin sa clinic ng Bartholomew Building para hintaying magising. Guwardyado ng isang pulis ang kanyang ward at nakatali ang kanyang isang kamay sa kama para masigurong hindi siya makakatatakas.
We have successfully foiled the assassination attempt. The university chancellor is still alive and well. The Sherrinford Soiree, however, was abruptly ended. Ikinalungkot ng mga estudyante na hindi nila masyadong na-enjoy ang gabing ito. They were asked to return to their quarters, much to their dismay.
Kaming apat na sangkot sa kasong ito ay nasa Bartholomew Building din, hinihintay ang resulta ng lab test sa boteng nakumpiska ni Harriet sa bulsa ng waiter. If the contents of that anti-depressant bottle were poison and if the food or drinks served to the chancellor were laced with it, the man would be charged of attempted murder.
"Next time, kapag may ganitong murder plot o kung anumang nalalagay sa peligro ang buhay ng isang tao, inform n'yo kami," nakapamewang na pangaral sa amin ni SPO1 Cosmiano. Deja vu. Parang nangyari na ang ganitong senaryo ilang araw pa lang ang nakalilipas. "Do not go on your own when dealing with a dangerous man."
"The end justifies the means," Morrie answered. I would have suggested to them to inform the authorities about the murder plot, but they already made up their mind earlier. "We stopped the would-be assassin from killing the chancellor by making him think that everything is going as planned."
"Hoy, Morrie!" Parang ahas na bumulong si Harriet. Compared to the abandoned warehouse incident, we were successful on preventing someone's death and we captured the suspect.
Napabuntong-hininga na lang si SPO1 Cosmiano at napayuko. She knew that no matter what scolding she gives, we would still act on what our gut feeling tells us. "Aiden, next time you overhear something in the comfort room, idiretso mo na kaagad sa amin. Everything went smoothly in this case, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, aayon ang lahat sa inyo. Ang kailangan nating gawin ay i-minimize ang risk."
"Yes, ma'am," tumango ang Adlerian.
May dumaan na isang babaeng nakaunipormeng pang-nurse sa harapan namin. Nakasuot siya ng nurse cap at face mask kaya hindi ko nakita nang buo ang kanyang mukha. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa kuwarto kung saan nagpapahinga ang assassin.
"Kapag nagising na siya, you should interrogate him about how he's related to the Russian roulette killer," payo ni Harriet. Kung tama ang kanyang ipinupunto, the police might find a thread that would connect this case to the other ones. "May nakita akong papel sa bulsa niya kanina at meron itong letter 't' kagaya sa mga forced suicide victim. He might be planning to plant that near the chancellor once his target's dead. Unfortunately..."
"At posibleng connected din ang kasong ito doon sa nabanggit mong nangyari sa isang coffee shop?" tanong ni Aiden, naningkit ang mga mata. Harriet nodded in response.
Napahawak sa kanyang baba si SPO1 Cosmiano at tila may pilit na inaalala. "Narinig ko nga sa mga kasama ko na may nangyaring murder kahapon sa isang mall. A CEO of a lending company was killed via poison. Nakatakas daw 'yong salarin."
"Pareho ang method of killing nila at ang iiwang trademark sa kanilang biktima." Nagkrus ang mga braso ni Harriet at napatingin sa baba ang mga mata niya. "Ang pagkakaiba, babae ang salarin sa coffee shop murder habang lalaki ang nahuli natin ngayon. Pero... halos magkasing-tangkad silang dalawa. There's something strange about these cases."
"Iniisip mo bang iisang tao lang sila?" tanong ni Aiden. "Sa pamamagitan ng wig, make up at prosthetics, kaya niyang makapag-disguise bilang lalaki o babae."
"We will find out later kapag nagising na siya." Nagawi ang tingin ni SPO1 Cosmiano sa pinto ng kuwarto. "Kung totoo ngang konektado siya sa mga vigilante na nabanggit ng nakatakas na suspek noon, we can squeeze more info from him and confirm their existence."
Lumabas na ang nurse mula sa ward, tiningnan siguro ang kondisyon ng lalaki sa loob. Hindi nakatakas sa aking pansin ang surgical gloves na hindi naman niya suot-suot kanina. Why would she have those on?
"By the way, the chancellor has already left the campus for safety and security purposes. Baka meron pang accomplice ang assassin at magtangka sa buhay niya," SPO1 Cosmiano said. "I heard that he would task his best detective to investigate the attempt."
"Best detective?"
"Meron kasing isang specialized group of detectives na nasa direktang kontrol ng chancellor," our CSI instructor elaborated. "They said that they are the best among the best alumni of the university. Kapag merong high-profile case na inire-refer sa atin, they are the ones deployed."
I already read about them somewhere. They have a clearance rate of ninety-five porcent. Once a case was assigned to them, the client may consident that solved already. They are the pride of our university. Those detectives are known by an acronym: L.O.K.I.
"Ang hindi ko maintindihan, kung totoo ngang ang mga vigilante ang nasa likod nitong assassination attempt, bakit nila tatargetin ang chancellor natin?" tanong ni Aiden. I had exactly the same question in mind. "May nagawa ba siyang krimen noon?"
"As far as I know, Atty. Raphael Ibarra is a philanthropist," Morrie added. May mga nabasa rin akong news articles tungkol sa mga achievement ng chancellor. The news articles portrayed him as a good man. "Him being a target of those justice-mongering idiots seems off."
Come to think of it, he was also well connected with politicians. There were photos of him joining them in lavish birthday celebrations, groundbreaking ceremonies and other events. Ang ilan sa kanila, sa kasamaang palad, ay mga corrupt.
Ngunit mukhang hindi sapat na dahilan 'yon upang mapunta siya sa hitlist ng mga vigilante.
"What if he did something terrible in the past?" Harriet suggested, lowering her voice. The chancellor is a man of reputation, and she knew that she must not speak ill of him. "O baka ayaw nila ang ginagawa niyang pagsuporta sa isang detective school na pwedeng mag-hunt sa kanila balang-araw?"
But that would be contrary to the vigilantes' mission. Gusto nilang hatulan ang mga suspek at kriminal na hindi magawang hatulan ng batas. Kung tatargetin nila ang isang philantropist tulad ng university chancellor sa dahilang hindi tugma sa kanilang ipinaglalaban, mawawalan ng saysay ito.
Saktong kakababa sa hagdanan ni Dr. Wendy, dala-dala ang isang papel. Nakapatong sa kanyang likuran ang puting lab gown na lagi niyang suot dito sa clinic. Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit na suot niya kanina sa soiree. "Confirmed. Potassium cyanide ang laman ng bote at hindi anti-depressants. May natagpuan ding traces ng lason sa inumin ng chancellor."
"I knew it," nakangising bulong ni Harriet.
"That waiter should be awake by now. Let's go?"
Sinamahan namin siya sa pagpunta sa room ng assassin. Naunang naglakad sa amin si SPO1 Cosmiano at pinagbuksan ng pinto ang doktor. Pagbukas nito, biglang napahakbang paurong si Dr. Wendy, namutla, nanlaki ang mga mata at napatakip ng bibig.
"WHAT THE—"
Sumilip kaming apat sa loob para tingnan kung ano ang nakita niya. Nagulat kami nang madatnan namin ang kalagayan ng suspek. Nakatali ang isang kamay sa kama. Duguan ang ulo. Nabahiran ng pulang likido ang pader na kinasasandalan niya.
Nagmadaling pumasok si SPO1 Cosmiano sa loob at hinawakan sa pulso ang suspek. Tumingin siya sa amin at marahang umiling. Sunod niyang pinuntahan ang kasama niyang pulis na nakahandusay sa sahig. Walang sugat o dugo sa katawan. Nawalan lang siguro siya ng malay.
Inilabas ng kasama naming police officer ang kanyang radio sabay sabing, "Officer down! I repeat, officer down! Suspect's dead!"
Hawak-hawak ng walang malay na pulis ang kanyang baril na may nakakabit na silencer. Sa unang tingin, baka siya mismo ang bumaril sa assassin. Ngunit may isa pang paliwanag.
"Just when we are this close to finding out more information about them, saka mangyayari 'to!" naiiritang banggit ni Harriet, nagpalakad-lakad sa labas ng kuwarto habang kinakagat ang kanyang mga kuko. "What does the truth always slip away from our grasp? Meron bang may balat sa pwet sa inyo?"
"Someone doesn't want him to talk to the police," Morrie commented, reclining his back against the wall. "Once he's under police custody, they can encourage him to sing and spill the beans about his pals. That's something that the vigilantes wouldn't want to happen."
"Iisa lang ang ibig sabihin nito," sambit ni Aiden sabay taas ng kanyang hintuturo. "Meron siyang kasabwat na nasa loob pa ng campus. Ang taong 'yon ang magpapatahimik sa kanya sakaling mahuli siya."
"A bullet to the head silences him forever," Morrie added. "The vigilantes' secret is still safe."
The assassin was still alive in his room ten minutes ago. If the unconscious policeman guarding him did not fire the gun, then it might be someone else who visited the room. And there's one person in mind.
Mabilis kong isinulat ang sumusunod na tuldok at gitling sa aking iPad, at saka ko ipinakita sa mga kasama ko: -• ••- •-• ••• •
"Nurse? 'Yong nag-check kanina sa room ng waiter?" Harriet recalled, to which I only nodded.
"Tama!" Napapalakpak si Aiden. "Walang ibang taong pumasok sa kuwarto maliban sa babaeng 'yon! Baka pwede nating ipatawag ang mga naka-duty na nurse ngayong gabi at itanong ang mga alibi nila noong oras na pinatay ang waiter."
"But we don't have any nurses on duty right now," Dr. Wendy said, surprising the four of us.
Cliche it may sound, but the plot thickens.
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top