Chapter Five


GUSTO sana ni Cady na sa restaurant na sila maghapunan pero mas gusto ni Rue na magluto. Kung tutuusin ay puwede niyang papuntahin sa bahay niya si Aleng Alice na siyang nagluluto sa mansiyon nila pero ayaw pa rin ni Rue. Mas gusto nitong mapagod.

Pagdating sa dalawang palapag niyang bahay ay hinayaan niya si Rue sa kusina tutal ayaw nitong tumulong siya. Dumeretso siya sa kanyang kuwarto at inayos ang kama. Naisip niyang sa guest room na patulugin si Rue dahil maliit ang kama niya pero naisip din niya na magrereklamo ito. Inayos na lamang niya ang kama at pinalitan ang bed sheet.

Nagkalat pa ang mga gamit niya sa mesa at sahig. Once a week lang kasi siya naglilinis at ayaw niyang magpalinis sa katulong nila. Ayaw niya na may ibang taong nakakapasok sa kuwarto niya maliban sa parents niya.

Naabutan siya ni Rue na nagma-mop ng sahig habang nakabikini. Plano sana niyang maligo pagkatapos maglinis. Napako ang mga paa nito sa bukana ng pinto habang sinusuyod siya ng tingin.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan," masungit na sabi niya rito.

"Ngayon mo pa naisipang maglinis ng kuwarto. Parang hindi babae ang nakatira rito," komento nito.

"Tinambakan ako ng maraming trabaho this week kaya hindi ako nakapaglinis. Nakakahiya naman sa 'yo," aniya.

"Marunong ka rin palang mahiya sa akin. Gusto ko ang hitsura mo. You look good enough to eat."

Tiningnan niya ito ng masama. "Ang trabaho mo ang atupagin mo. Remember my rules here," sabi niya.

"I'm done cooking. Gusto ko sanang maligo muna. May water heater ba sa banyo mo?"

"Ako ang unang maliligo. Nakahanda na ang tubig sa bat tub ko."

"Good. Hihintayin na kita sa banyo," sabi nito saka deretsong pumasok sa banyo.

"Hey!" Hindi niya ito napigilan.

Minadali niya ang pagma-mop saka sinundan si Rue. Ang hudyo, nakalublob na sa bat tub na may bumubulang tubig. Iniwan nito ang mga hinubad nitong damit sa sahig. Nakapamaywang na tumayo siya sa tabi ng tub.

"Inihanda ko 'yan para sa akin. Umalis ka diyan!" pagtataboy niya rito.

"Huwag kang selfish. Ang mabuti pa, samahan mo ako rito. Huwag kang mainggit diyan," pilyong sabi nito.

"Halos hindi ka na nga magkasya riyan sa tub, sasamahan pa kita?" maktol niya.

"Magkakasya tayo rito, magtiwala ka. Take off your bikini, honey," anito. Pinasadahan pa nito ng tingin ang kabuoan niya.

Naiinis na siya rito. May tiwala naman siya na hindi nito lalabagin ang rules niya kaya kampante siyang naghubad. Pagkuwan ay sinamahan niya ito sa tub. Pumuwesto siya sa paanan nito. Halos hindi siya makagalaw dahil sinakop nito ang buong espasyo. Saktong pag-upo niya ay nasapo ng paa niya pagkalalaki nito. Natigilan siya nang maramdaman niya ang agarang pagkabuhay ng sandata ni Rue. Matiim na tumitig ito sa kanya.

"T-the rule," paalala niya rito habang nakatikwas ang isang kilay niya.

"I understand your rules but my manhood does not care about it. Isipin na lang natin na isa siyang cobra, na kapag nagalaw ay biglang manunuklaw," pilyong sabi nito.

"Shut up!" Inalis niya ang paa niya sa pagitan ng mga hita nito.

Mamaya ay kumislot siya nang dumapo naman ang isang paa ni Rue sa kanyang puson. Kumikilos iyon pababa sa pagitan ng kanyang mga hita. Tiningnan niya ito nang masama.

"Alam mo ba na ang ahas kapag nakakita ng palaka ay nagwawala? Gagawin nila ang lahat para makain ang palakang iyon," makahulugang sabi nito.

Mas iniintindi niya ang nararamdaman niyang nakakakiliting sensasyon kaysa sinasabi nito.

"Sa shower ka na lang maligo, puwede?" frustrated na samo niya rito.

Ngumisi pa ito. "Bakit? Ramdam mo ba na hindi kayang iwasan ng palaka ang ahas?" anito.

"Would you please stop talking about that fucking frog and snake? You're an asshole!" inis na singhal niya rito.

Humagikgik pa ito. Hindi siya nakatiis, sinabuyan niya ito ng tubig saka siya tumayo at lumabas ng tub.

"Nice butt. You're so sexy, honey," sabi pa nito.

"Fuck you!" hasik niya. Siya na lamang ang naligo sa shower.

"Come on, do it, honey!" hamon nito.

Hindi na niya ito pinansin. Mabilis siyang naligo. Pagkatapos ay binalot niya ng tuwalya ang kanyang katawan.

Nang makalabas na ng banyo si Cady ay saka niya naalala na walang tuwalya si Rue at malamang wala itong pamalit na damit dahil hindi sila dumaan sa bahay nito para kumuha ng damit nito. Sa inis niya'y pinabayaan niya ito.

Nakapagbihis na siya. Puting underwear ang isinuot niya na sinapawan niya ng pink na nighties. Pinapatuyo na niya ng hair blower ang buhok niya nang lumabas ng banyo si Rue. Wala itong anumang saplot sa katawan at butil-butil pa ang tubig sa katawan nito.

"May I barrow your towel?" anito.

Kumuha naman siya ng bagong tuwalya sa closet niya saka ibinato kay Rue. Itinuloy niya ang kanyang ginagawa.

"Amoy kahoy naman itong towel mo," reklamo nito.

Tiningnan niya ito buhat sa malaking salaming kaharap niya. Ipinulupot nito ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nito.

"Ano ngayon ang isusuot mo?" tanong niya rito.

"Isusuot? Oo nga, ano. Uh, hindi bale, hindi na lang ako magdadamit. Matutulog lang naman tayo. May damit naman ako sa office. Doon na lang ako magbibihis bukas. Lalabhan ko na lang mamaya ang hinubad kong damit. May dryer naman ang washing machine mo siguro," anito.

Naging uneasy si Cady. "You can't stay with me overnight while you're naked, Rue. Mamili ka ng damit ko at meron kang brief dito," aniya.

"Bakit pa? Igigiit mo naman sa akin ang rules mo. Useless ang paghubad ko. Isa pa, hindi ako sanay sa lamig lang ng air-condition. Kahit nakahubad ako, pagpapawisan pa rin ako. Okay na ito."

Kinuha niya ang ninakaw niyang brief nito saka ibinato rito. Nasalo naman nito iyon.

"Wear that. Sa sahig ka matutulog kung hindi mo iyan isusuot. Utang na loob, huwag kang magkalat dito. Nakakagutom ka," palatak niya saka siya lumabas.

Dumeretso na sa kusina si Cady at inihain sa hapag-kainan ang mga niluto ni Rue. As usual, more on vegetables na naman ang niluto nito. Naglabas siya ng isang pakete ng hotdog saka niluto.

Saktong naluto na niya ang hotdog nang bumaba si Rue. Natigilan siya nang makita ito'ng suot ang kanyang puting nighties na halos mapunit sa sobrang sikip sa katawan nito. Nagmukha itong suman na binalot sa dahon ng saging. Hindi niya malaman kung magagalit o matatawa siya.

"Okay na ba ang suot ko? Hindi na ba mukhang kalat sa paningin mo?" nakangiting sabi nito.

Hindi na niya napigil ang kanyang pagtawa. "Para kang ahas na katatapos lang magpalit ng balat. Hindi ko ini-expect na may kabaliwan ka rin, Rue. Please, magpalit ka," aniya habang kinukontrol ang tawa.

Natawa rin ito. Pagkuwan ay hinubad nito ang nighties. May suot din itong panloob. Lalo siyang natawa nang makitang suot nito ang puting backless niyang blouse na hindi niya sinusuot dahil maluwag sa kanya pero hapit na hapit iyon sa katawan ni Rue. Bakat na bakat ang matipunong dibdib at puson nito.

"Ang cute mo namang tumawa," sabi ni Rue.

Natigilan si Cady. Bumuntong-hininga siya. Pagkuwan ay lumuklok na siya sa silya. Umupo na rin si Rue sa katapat niyang silya. Titig na titig ito sa niluto niyang hotdog.

"Allergic ka ba sa gulay?" tanong nito.

"Baka kasi hindi ako matunawan. Mukhang isinawsaw mo lang sa mainit na tubig ang mga dahon ng gulay. Okay na sa akin ang ginisang sayote pero ayaw ko ng steamed broccoli. Meron namang beef tenderloin sa ref. Sana beef steak na lang," reklamo niya.

"Puro ka meat. Hindi tayo magkasundo pagdating sa pagkain. May niluto naman akong grilled tuna," anito.

"Nagsawa na ako sa tuna. Dapat kasi nagpaluto na lang tayo kay Aleng Alice."

"Hindi dapat tayo umaasa sa tagaluto. Pasalamat ka dapat dahil marunong magluto ang asawa mo pero hindi mo naman naa-appreciate. Kung tutuusin, maswerte ka sa akin. Ako naman ang malas sa 'yo," maktol nito.

Natigilan siya. Matiim na tinitigan niya si Rue. "You know who I am, Rue. I owned the giant company and managing almost ten thousand employees. Hindi sapat ang isang araw na pag-upo ko sa opisina para matapos lahat ng trabaho. Ganoon ka rin kaya umaasa ako na maiintindihan mo ako," seryosong wika niya.

Seryosong tinitigan lang siya ni Rue. Pagkuwan ay kumain na ito.

KINABUKASAN ay napilitang bumangon nang maaga si Cady dahil nanririndi siya sa lakas ng tugtog mula sa lobby. Pumasok siya sa banyo at nagsipilyo. Alas-singko pa lamang ng umaga. Pagkuwan ay lumabas siya ng kuwarto. Nasa unang baitang na siya ng hagdan nang mamataan niya si Rue na nagpu-push-up gamit ang isang kamay sa sahig. Tanging bughaw na brief lamang ang suot nito.

Naggagalawan ang mga muscles nito sa likod na kumikintab dahil sa pawis. Ang aga nitong nagising para lang mag-work out. He has perfect body figure, halatang hindi lang basta hinubog ng fitness equipment. Aminado siya na naaakit siya sa katawan nito. Given nang guwapo ito pero mas malakas ang hatak ng katawan nito sa attention niya. Kadalasan ay mga sikat na modelo at artistang lalaki lang ang nakikita niyang may ganoong katangian. At wala pa siyang nakilalang businessman na kasing kisig at guwapo ni Rue. Hindi rin minsan pumasok sa isip niya na makapag-asawa ng isang artistahin at hunk na katulad nito.

Marami ang nagsasabi na artistahin din siya at malakas ang sex appeal, of course because she has a drop of Spanish blood. Katunayan maraming kilalang binatang businessman ang nanligaw sa kanya. Ang kaso, wala sa bokabularyo niya ang pagpasok sa isang relasyon. Iniisip niya noon, bata pa naman siya kaya gusto muna niyang mag-focus sa business. Pero ang pagdating ni Rue sa buhay niya ay hindi niya pinaghandaang mabuti.

Bumaba siya ng hagdan at pinahinaan niya ang volume ng music player na siyang umabala kay Rue. Tumayo ito at humarap sa kanya. Hindi niya nasaway ang kanyang sarili na suyurin ng tingin ang pawisan niyang asawa.

"Good morning, honey!" nakangiting bati nito at akmang hahalikan siya pero iniharang niya ang kanyang palad sa mukha nito.

"Nakalimutan mo na ba na kasama sa rules ko na hindi puwedeng mag-ingay at hindi ako puwedeng istorbohin kapag natutulog?" paalala niya rito.

"Pero umaga na. Nakapagluto na ako ng breakfast," sabi nito.

"Madilim pa sa labas. Tulog pa si San Pedro. Ang tugtog mo abot-langit," palatak niya.

"Fine. Fine. Pahiram pala ng pajama mo at T-shirt. Tatakbo ako sa labas," sabi nito.

Patakbong pumanhik ito sa hagdan. Pumasok naman siya sa kusina. Mainit pa ang sopas na niluto ni Rue. Naglagay siya ng kaunting sopas sa mangkok. Kumuha rin siya ng pinainit na pandesal na nilagyan ng butter sa loob. First time niyang kumain na ganoon kaaga. Noon ay alas-siyete na siya ng umaga nagigising at alas-otso ang almusal niya. Mukhang sapilitan siyang mag-a-adjust ng routine dahil kay Rue.

Pagkatapos niyang mag-almusal ay nagbihis siya ng puting pajama at puting blouse. Naingganyo na rin siyang mag-jogging. Maliwanag na ang paligid nang lumabas siya. Tumakbo siya patungo sa malawak na lupain. Gising na rin ang mga trabahador ng ransyo. Namataan niya si Rue na kausap si Mang Amando, na siyang tagaalaga ng mga kabayo at baka.

Mamaya ay pinagamit ni Mang Amando ang puting kabayo kay Rue. Nagtataka siya. Noong dumalaw roon si Rue ay takot itong sumakay sa kabayo. Pinilit pa niya ito para may kasama siyang mangabayo pero tumanggi ito at idinahilan na hindi ito marunong sumakay sa kabayo. Nagkunwari lang ba ito noon?

Nang sumampa sa likod ng kabayo si Rue ay walang kahirap-hirap at halatang sanay na ito dahil komportable ang kabayo na sakay ito. Nang makaalis si Rue sakay ng kabayo ay nilapitan niya si Mang Amando.

"Manong, akala ko hindi marunong sumakay sa kabayo si Rue," aniya.

"Iyon nga rin po ang akala ko noon, Ma'am. Noong unang punta kasi niya rito tinanong ko siya kung marunong siyang mangabayo pero sabi niya hindi. Pero sabi niya kanina, natuto raw siya noong nasa California siya. Baka ho pinilit niyang matuto para sa inyo," sabi ng ginoo.

Iyon din ang iniisip niya. Tatlong buwan noon nagbakasyon si Rue sa California bago ito umuwi para sa kasal nila. Maaring pinag-aralan nito lahat ng bagay para mapantayan siya. Noon lamang niya na-appreciate ang effort nito. Pero ipinagtataka rin niya ang isa pang bagay. Tungkol sa pagmamaneho ni Rue. Noong hindi pa sila ikinasal ay hinatid siya nito sa opisina niya sakay ng kotse nito. Maingat naman itong magmaneho at hindi parang nakikipagkarera.

Weird.

Nagpatuloy na lamang siya sa pagtakbo hanggang makarating siya sa kural ng mga inahing baka. Naabutan niya roon si Rue. Pumasok ito sa kulungan ng inahing baka. Nasorpresa siya nang naroon ang ilang manggagawang lalaki at natataranta habang inaasikaso ang manganganak na baka.

Nang pumasok sa kural si Rue ay sinundan niya ito. Mayroon silang veterinarian pero wala pa roon.

"Nasaan si Dr. Greg?" tanong niya sa mga tauhan.

"Tinawagan na namin siya, Ma'am. Ang sabi niya nasa Maynila pa siya. Inutusan na niya kaming maghanap muna ng available na veterinarian. Mahihirapan kasing manganak ang baka dahil may injury pa ang kaliwang paa niya at may sugat siya sa hita gawa noong nabagsakan siya ng natumbang poste," sabi ni Tonio.

"Paano 'yan? Baka mamatay ang anak niya," nababahalang wika niya.

Napatingin siya kay Rue na tumiungko sa paanan ng manganganak na baka. Hinihipo nito ang puson ng inahing baka.

"May gamit bang naiwan ang doktor ninyo para sa pagpaanak ng baka?" tanong nito sa trabahador.

"Meron, sir pero naka-lock ang clinic. Dala kasi ni Dr. Greg ang susi. Nakalimutan niyang iwan sa amin. Wala rin kaming susi roon," sagot ni Tonio.

"Hindi bale. Pakidagdagan na lang ang dayami sa paanan niya at pakikuhaan ako ng maligamgam na tubig. Kumuha rin kayo ng lupid," ani Rue.

Tumalima naman si Tonio at mga kasama nito.

Nag-aalala si Cady. Dumadaing na ang inahing baka. "I think we need to call an expert," aniya.

"No need, I can manage this," sabi ni Rue.

"Ikaw? Ano'ng alam mo sa pagpapaanak ng hayop?"

"Just watch me, honey. Trust me, I can do this," anito.

Nang dumating ang kailangan nitong gamit ay tinalian nito ang dalawang paa ng baka na magkahiwalay saka itinali sa mga poste. Pagkuwan ay pumuwesto ito sa pagitan ng mga hita ng baka saka inantabayanan ang paglabas ng ulo ng anak ng inahin. Nakaalalay naman si Torio. Ang ibang kalalakihan ay gumagapos sa katawan ng inahing baka.

Nang lalabas na ang ulo ng baby ng baka ay ibinuka pa ni Rue ang puwerta ng inahin at inalalayang makalabas ang anak nito. Ipinasok na nito ang isang kamay sa puwerta ng inahin saka mabilis na inilabas ang anak nito. Napapangiwi si Cady habang pinapanood si Rue.

"Lumayo ka, honey, baka matadyakan ka ng baka," sabi nito sa kanya.

Umatras naman siya. May isa pang palabas na anak ang inahin. Ligtas din iyong nailabas ni Rue. Pinapabilib talaga siya nito. Hindi na niya tiningnan kung ano ang ginawa nito sa pasyente. Lumabas na lamang siya ng kural dahil nahihilo siya sa lansa ng dugo at naghalong amoy ng dumi ng baka.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top