CHAPTER 22

CHAPTER 22

NAGISING SI CZARINA dahil parang hinahalukay ang tiyan niya. She hastily ran towards the bathroom sink and vomited. Sapo-sapo niya ang ulo na parang umiikot habang nagsusuka siya sa lababo.

Damn! She was starting to hate this morning freaking sickness!

Nang maramdamang kaya na niyang tumayo nang tuwid at hindi na umiikot ang paningin, bumaba siya sa kusina at nagtimpla ng gatas.

Naglalaway siya sa kape na may cream pero hindi puwede dahil buntis siya. Kailangang gatas ang inumin niya para kay baby.

Pagkatapos inumin ang gatas, napagdesisyunan niyang lumabas para maglakad-lakad. She wanted to feel the sun kissing her skin. Pagbukas niya ng pinto ng bahay, natigilan siya nang makitang maraming naka-drawing na saging sa semento na nagsisilbing pathway patungo sa gate.

"Ano ang mga ito?" nakakunot na tanong niya sa sarili. Naguguluhan man ay naku-cute-tan siya sa mga drawing na saging sa semento.

Habang naglalakad patungo sa gate, pasulyap-sulyap siya sa mga drawing. Hindi niya napigilan ang mahinang tawa na lumabas sa bibig niya. Those drawings looked really cute. And who ever did that must be trying to be on her good side. Nang makarating siya sa gate, itinulak niya iyon pabukas.

Nahigit ni Czarina ng hininga nang mapatuon ang mga mata niya sa kalsada. Bulag lang ang hindi makakabasa ng nakasulat sa malapad na daan. Sinakop niyon ang left at right lane ng kalsada.

Umawang ang mga labi niya habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat. Those four words, five syllables and fourteen letters sent her heart and mind into haywire. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin basta paulit-ulit lang niyang binasa ang nakasulat sa kalsada na nasa harap ng gate ng bahay niya.

"Will you marry me?" ang nakasulat sa semento gamit ang chalk.

Nang makabawi sa pagkabigla, inilibot ni Czarina ang tingin sa paligid para alamin kung sino ang may kagagawan niyon para wala siyang makitang tao. She didn't see anyone, maybe because it was just five-thirty in the morning.

Until her eyes settled on the Lexus parked near her house.

Nilapitan niya ang sasakyan at parang may pumiga sa puso niya nang makitang tulog na tulog si Ymar habang ang braso at ulo nito ay nakapatong sa manibela. Ang isang kamay nito ay may hawak na velvet box na kulay-yellow. Bukas ang bintana ng sasakyan kaya kitang-kita niya ang hindi komportableng posisyon ng lalaki. May bakas pa ng chalk ang mga kamay nito.

Looking at Ymar, her heart tightened inside her chest. Bakit doon ito sa labas natulog? Kahit pa anong galit o inis ang nararamdaman niya, hindi niya kayang tikisin ang lalaki.

Hinawakan niya ito sa balikat at niyugyog ang katawan nito. "Ymar, gumising ka."

Ymar groaned. And then slowly, he strengthened up and looked at her with sleepy eyes. "Banana?"

Good heavens. Na-miss niya ang endearment na 'yon nito sa kanya.

"Yes?"

He smiled sadly. His eyes were still half closed. "I texted you last night. Sabi ko lumabas ka kasi may ipapakita ako sa 'yo. Naghintay ako pero hindi ka lumabas ng bahay, hanggang sa nakatulog ako." Tuluyan nitong iminulat ang mga mata, saka tumingin sa kanya. "I didn't mean to hurt you, Czarina. That wasn't my intention when I left. Umalis ako kasi ayokong mag-away tayo. I was jealous and I need to calm down. When I saw his lips touched yours, nagdilim ang paningin ko. Ako lang ang may karapatang humalik sa 'yo. Ako lang kasi ako ang asawa mo. May karapatan naman akong magalit, 'di ba? Alam kong may kasunduan tayo na tatlong buwan lang pero, Czarina, masakit, eh. Inayos ko agad ang dapat kong ayusin sa Taiwan at mabilis akong bumalik dito kasi gustong-gusto na kitang makita uli, gusto kong magakaayos na tayo, 'tapos madadatnan kong magkayakap kayo ng lalaking 'yon? What do you want me to think? I was so jealous and I was hurt. Kaya tinikis ko ang sarili ko na hindi ka puntahan sa bahay mo.

He chuckled humorlessly. "Pero ang totoo, niloloko ko lang ang sarili ko. Kasi palagi kitang inaabangan tuwing nasa kusina ka ng bahay mo, sinisilip kita para tingnan kung ayos ka lang ba o kung kumusta ka na." Bumuga ito ng malalim na hininga. "Czarina, alam kung may kasunduan tayo tungkol sa bata, at pumayag ako sa kasunduang iyon pero puwede bang bawiin mo 'yon? Puwede bang makilala naman ako ng anak ko? I badly want to hear her calls me daddy when she grows up. I wanted to be with her as she grows old. Actually, I want to be with you and to be with her in every way possible, if you would let me. Pagbigyan mo naman ako."

Czarina stared at Ymar's sad face. Then she opened the driver's side and asked, "Gaano mo ako kamahal, Ymar?"

Hinilamos nito ang kamay sa sobrang frustration na nararamdaman. "I don't know." Napailing-iling ito at halatang hindi alam ang isasagot. "Ang alam ko lang mahal kita at sa oras na iwan mo ako at sabihin mo sa 'kin na hindi mo naman talaga ako mahal, siguradong magkikita tayo sa mental hospital, ikaw ang doktor ko at ako ang pasyente mo. Kasi mababaliw ako kapag may ibang lalaking maghaharap sa 'yo sa altar."

Inagaw ni Czarina ang yellow na velvet box na hawak nito, saka binuksan 'yon. Nahigit niya ang hininga nang makita ang isang Alvadora diamond ring sa loob ng maliit na kahon. Ibinalik niya ang tingin kay Ymar na nakatingin sa isinulat nitong "Will you marry me?" sa kalsada.

"Anong tinext mo sa akin kagabi?" tanong niya. "Your exact message."

"Lumabas ka dahil patutunayan ko sa 'yo ang pagmamahal ko. 'Yan ang mensahe ko sa 'yo kagabi. I waited..." Mapait itong ngumiti, "Hindi ka lumabas. You could have texted back."

"Lumabas ka riyan sa sasakyan mo," bossy niyang sabi at humakbang palayo sa sasakyan, patungo sa gitnang bahagi ng isinulat nitong "Will you marry me?" sa kalsada.

Naririnig niya ang yabag ng mga paa ni Ymar na sumusunod sa kanya.

Nang makalapit sa kanya ang lalaki, nagtanong siya. "Ano'ng ginawa n'yo ng haliparot na 'yon sa Taiwan?" Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman ang lahat.

Ymar answered. "Sumama siya sa akin kasi doon din naman ang punta niya. On our way to Taiwan, she confessed to me. Kinuntsaba pala siya ni Mommy na guluhin tayo. Mula't sapol pala, alam na ni Mommy na nagpapanggap lang tayo. And Mom likes you to be my wife for real. Kaya ang makulit at mautak kong ina, pinakiusapan si Tatiana na magpanggap din na may gusto sa akin para pagselosin ka. Hindi raw kasi sapat na kasal lang tayo, dapat daw mahal natin ang isa't isa."

Naningkit ang mga mata niya. "I love your mom but she's a conniving woman."

"Yeah. That's my mom all right."

Czarina sighed. Isang tinik na ang nabunot sa lalamunan niya. "Mahal mo ba talaga ako?"

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Ymar. "Czarina, naman, eh. Heto na nga, o, inaaya na kitang magpakasal. I'm more than willing to tie the knot with you. 'Tapos tatanungin mo sa 'kin kung mahal kita? Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para patunayan sa 'yo na mahal na mahal kita?"

Iniabot niya ang singsing kay Ymar. "Heto, ibinabalik ko sa 'yo."

Gumuhit ang sakit sa mukha nito. She could see pain in his eyes as he looked at the ring. "Czarina, no." Hinawakan nito ang kamay niya, saka masuyong sinapo ang mukha niya. "Please, don't." He rained kisses on her face as he whispered. "I love you so much... God, please, I love you. Huwag mo naman sa akin gawin 'to. Akala ko ba mahal mo ako. 'Di ba sabi mo, mahal mo ako? Wala akong pakialam kung nakipagyakapan ka man do'n sa ex mo. Just please, give me a chance to show you how much I love you. Huwag mo naman sa 'kin ibalik iyang singsing—"

"I want another proof of your love," sansala niya sa pagsasalita nito.

He stilled, then spoke. "Name it and I'll do it in a heartbeat," he replied quickly.

"Lumuhod ka, 'tapos ilagay mo iyang singsing na 'yan sa daliri ko, 'tapos itanong mo sa 'kin ang isinulat mo rito sa kalsada. I want to hear you say it."

Mabilis na lumuhod si Ymar at mahigpit ang hawak sa kamay niya na nagtanong. "Czarina Salem, will you marry me?" Isinuot nito ang singsing sa daliri niya. "Say yes."

She rolled her eyes and then released the smile that she'd been holding. "Sure. I'll marry you."

Napakurap-kurap si Ymar sa sobrang gulat sa tanong niya. "What?"

"I love you, Ymar," sabi niya na may ngiti sa mga labi. "And I would love you more if you marry me and be the father of our unborn child."

Ymar let out a relieved sigh. "Thank God." Mabilis itong tumayo at sinapo ang mukha niya, saka nilamukos ng halik ang mga labi niya.

She missed Ymar and his kisses. Iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito at buong pusong tinanggap at tinugon ang mapusok nitong halik. And when their lips parted, Ymar smiled lovingly at her.

"I miss you, banana."

"Mas na-miss kitang sperm ka. Buwisit ka! Alam mo ba kung ilang balde ang niluha ko nang dahil sa 'yo? Sperm ka talaga. Sperm! 'Tapos mahal mo naman pala ako. Sperm ka—"

Ymar sealed her lips, making her stop rambling. "Bakit ba ang hilig mong sabihin ang salitang sperm na 'yan?"

Czarina chuckled at Ymar's furrowed eyebrows. "I used to use the word 'letse ka.' 'Tapos na realize kung parang hindi suited sa isang doktora na katulad ko ang salitang 'yon so ini-English ko. Letse, in English, sperm. O, 'di ba, mas sosyal?"

Hindi makapaniwalang napailing-iling si Ymar. "English-in mo man, pareho rin naman ang ibig sabihin n'on."

"So? Mas sosyal naman ang sperm, 'no."

Ymar rolled his eyes then pressed his lips on hers. "I love you, Czarina. Finally. Masasabi ko na rin ang tatlong salita na iyon na hindi matatakot na baka hindi tayo pareho ng nararamdaman."

Niyakap niya nang mahigpit si Ymar. "I cried so much, Ymar, because of you. I was mad. Kasi habang umiiyak ako, na-realize ko na hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Hindi ko kayang mabuhay nang walang Ymar sa tabi. I even asked myself, nabuhay naman ako ng twenty-seven years na wala ka, bakit ngayon kailangan na kita?" Masuyo niyang hinalikan ang mga labi nito. "Ang sagot ay sa maikling panahon na nakasama kita, sobrang napamahal ka na sa akin."

Hinaplos ni Ymar ang pisngi niya, saka puno ng pagmamahal na ngumiti. "Noong una kitang nakita, nagandahan talaga ako sa 'yo. 'Tapos kumatok ka sa pinto ng bahay ko at nagpakilala, pati pa pangarap mo, ipinaalam mo sa akin. I closed the door at your face, and when you can't see me anymore, I smiled. I hate that the terrace connected to my room, ayoko kasi ng maingay. Masyadong public ang terrace na 'yon. Pero nang bilhin mo ang katabing bahay, naging paborito ko na ang terrace na 'yon. At kahit napakaingay mo, ayos lang sa akin. Kahit pa bungangaan mo ako o kahit pa hindi ka tumigil sa pagsasalita, that's okay. I love you, and I accept everything about you. And you are the only person who can make me talk for hours. And I like it. And I love you."

It made her heart flutter. At habang yakap siya nang mahigpit ni Ymar, she felt safe. She felt complete. She felt elated. She felt good, contented and just downright happy.

"So, kailan ang kasal natin?" excited na tanong ni Ymar.

Mahina siyang natawa. "Ngayon na gusto mo?"

"Ayoko nang shotgun wedding tulad ng ginawa ni Mommy sa atin," sabi nito. "I want a grand wedding, with thousands of guests to witness our love for each other. I want them to see you being officially mine, and me being officially yours."

Pinagsalikop niya ang kamay nila ni Ymar. Her eyes stared at her diamond ring. Finally.

Hindi niya napigilan ang sariling sakupin ng mainit na halik ang mga labi ni Ymar na buong puso namang tinugon nito.

Mas lumalim pa ang halik nila nang bigla na lang may bumusina. Mabilis na naghiwalay ang mga labi nila ni Ymar at tumingin sa pinanggalingan ng busina.

It was that Japanese looking guy on the CCTV house.

"Ymar! You need to hear this!" Nagmamadali itong lumabas sa sasakyan at lumapit sa kanila. "Here. Listen." Ini-loudspeaker nito ang cell phone na hawak. "Say it, my man."

And from the other line, someone shouted. A male voice.

"Welcome to the Possessive Husband Club, Ymar Stroam!"

Ymar shouted back at the phone. "Fuck you, Tyron!" Inagaw nito ang cell phone, saka itinapon.

Napangiwi si Czarina nang magkawasak-wasak iyon. Sayang, mamahalin pa naman.

"Fuck you, Ymar. That's expensive," pagalit na wika ng lalaking singkit.

"And I don't give a fucking shit." Inakbayan siya ni Ymar, saka iginiya papasok sa bahay. "Inaantok pa ako, banana. I want to sleep beside you. Puwede ba? Gusto kitang yakapin habang natutulog ako."

Napangiti siya sa paglalambing nito. "Oo naman. I miss cuddling with you."

"Hoy, Stroam, bayaran mo ako!" sigaw pa rin ng lalaking singkit.

"Yeah. Me too. And then we'll make love the whole day after I woke up," pagpapatuloy nito sa pagsasalita. "I—"

"Stroam! Bayaran mo ang phone ko!"

"Love you, banana."

Czarina smiled. "I love you too, Ymar."

Pumasok sila sa bahay niya na hindi pinapansin ang singkit na lalaki.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #possessive