CHAPTER 20

CHAPTER 20

HUMAHANGOS NA PUMASOK si Czarina sa emergency room ng Romero's Hospital. Tinawagan siya ni Krisz Wolkzbin, isa sa mga pinaanak niya noon, at sinabi nitong manganganak daw ang asawa ng kaibigan ng asawa nito. And when she asked for the patient's name, she found out that it was Etheyl Vargaz, her patient.

Czarina gasped and halted on her step when she saw a doctor lying on the floor, unconscious.

"Gago ka! Huwag mong hahawakan ang asawa ko!" galit na sigaw ng isang lalaki sa doktor na nakahandusay sa sahig at sinuntok uli iyon.

"Ano ba, Calyx! Tama na!" sabi ng boses na kilalang-kilala niya.

Walang ingay siyang lumapit sa nagwawalang lalaki, and there he was, Ymar Stroam, standing beside the angry man. God, she missed him. Gusto niya itong yakapin pero pinigil niya ang sarili. Ayaw niyang mapahiya. Baka itulak siya nito palayo.

"Idiot!" Krisz voice dragged Czarina from her reverie. "You are a moron, Calyx," sigaw ni Krisz sa lalaki na sumuntok sa doktor.

So, that was Etheyl's husband. Really possessive.

"Talagang gagawin niya iyon kasi ob-gyn siya," dagdag pa ni Krisz.

Tumalim ang mga mata ng asawa ni Etheyl. "No man is touching my wife in that part of her body but me."

So possessive.

Pinandilatan ni Krisz ang mga nursing aide na nakatunganga lang sa mga ito. "Tulungan n'yo si Dr. Yongko na tumayo at gamutin n'yo. Dali!" Pagkasabi niyon ay binalingan nito ang asawa ni Calyx at sinuntok ang dibdib. "Ano ka ba naman, Calyx. Normal lang na gawin iyon ng doktor sa asawa mo. He is a fucking doctor!" Naiinis na hinilamos ni Krisz ang palad sa mukha. "Pareho lang kayong magkakaibigan!" Isa-isang itinuro nito ang mga lalaki maliban kay Ymar na walang imik lang. "Palagi akong stress kapag nanganganak ang asawa n'yo! At ikaw!" Pinanlakihan nito ng mga mata si Train Wolkzbin na nakangiti. "Huwag kang ngingiti-ngiti riyan. Mas malala ka pa sa kanilang dalawa."

Marami pang sinabi si Krisz at halatang high blood. Mataas at malakas na ang boses nito habang ang asawa nitong si Train na nagwala rin noon sa delivery room dahil ayaw niyang papasukin ay pangiti-ngiti lang.

Czarina composed herself before talking. Kaharap niya si Ymar kaya kailangan niyang maging relax. Ayaw niyang makita nitong nasasaktan siya.

"Relax, Krisz," she spoke with confidence. "Tataas ang presyon mo."

Four sets of eyes were trained on her the moment she spoke. Kasama na sa mga iyon si Ymar na walang emosyon ang mukha.

Czarina raked a cold stare over Ymar's hot body. "Well, well, well, if it isn't Ymar Stroam."

Pinukol siya ng masamang tingin ni Ymar. "Huwag mo akong kausapin, puwede ba?"

Ngiting-aso ang isinagot ni Czarina sa lalaki at naglakad patungo sa paanan ni Etheyl na kanina pa idinadaing na masakit na masakit na raw ang tiyan nito.

"I'm Dra. Czarina Salem," baling niya sa asawa ni Etheyl. "I'm an ob-gyn and..." Tumingin siya kay Etheyl. "The baby is about to come out." Itinuro niya ang limang nurse na babae. "You, you, you, you and you, dalhin n'yo na sa delivery room si Mrs. Vargaz. Ako ang magpapaanak sa kanya," sabi niya, saka naunang magtungo sa delivery room para ihanda ang mga gagamitin sa panganganak.



SHE WAS PREGNANT yet she was working? Ymar gritted his teeth. Ano ba ang nasa isip ng babaeng 'yon? Hindi ba nito iniisip ang laman ng tiyan nito?

Naiinis na bumuga siya ng hangin. It pissed him that Czarina was working.

Iniwan siya nina Calyx at Lander nang ilabas si Etheyl ng delivery room. Calyx lost consciousness after hearing from the nurses that Etheyl had triplets. Biniro pa nila ito ni Lander at kahit minura sila, alam niyang masaya ito at nakatatlo agad.

Akmang tatayo na siya nang lumabas si Czarina ng delivery room. Sapo nito ang ulo na para bang nahihilo. His body went stiff when she saw her hold on to something to support herself.

He looked away, stood up and walked towards the exit. The memory of Czarina kissing another man still lingered in his mind and he wanted to kill that other man with his bare hands.

SINAPO NI CZARINA ang ulo nang lumabas siya ng delivery room at naramdaman niyang parang umiikot ang paningin niya. Humawak siya sa pinakamalapit na mesa para suportahan ang sarili.

Nang maramdaman niyang medyo okay na siya, pinilit niya ang sarili na maglakad patungo sa exit ng ospital. Nakakailang hakbang palang siya nang biglang umikot na naman ang paningin niya at nawalan ng balanse ang katawan. But before her body would hit the tile floor of the hospital, strong arms caught her.

"Shit!"

Was it just her imagination or was that Ymar's baritone voice?

Naramdaman niyang may bumuhat sa kanya. Hindi niya maimulat ang mga mata dahil tuwing sinusubukan niya, umiikot ang paningin niya at nasusuka siya. So she just closed her eyes and let unconsciousness won her over.



CZARINA GROANED as her eyes opened. Bahagyang umawang ang mga labi niya nang mapansing wala siya sa kanyang kuwarto kundi nasa kuwarto ni Ymar!

"Crap!" Mabilis siyang bumangon at kasabay niyon ay parang hinahalukay ang tiyan niya.

Czarina ran fast towards the bathroom and vomited on the sink. Nang matapos siyang magduwal, parang hinihingal na bumalik siya sa kama at nahiga uli. Wala siyang pakialam kung nasa kuwarto siya ni Ymar. She had to lie on the bed pronto or her body would drop on the floor.

Tinakpan niya ang mga mata gamit ang kanang braso at sinapo ang tiyan niya. Sumasakit ang gilid niyon sa hindi niya malamang kadahilanan.

Narinig niyang may bumukas na pinto pero hindi niya pinansin 'yon. And then the space on the bed beside her, dipped. Then Ymar's voice filled her ears.

"Dadalhin ba kita sa ospital?"

"Huwag na." Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mapasigaw sa sakit. "Kaya ko 'to. It's just stress."

"'Yan ang napapala mo kasi buntis ka na nga nagtatrabaho ka pa rin." May bahid na galit ang boses nito. "Why do you do that? Para i-impress ang lalaking 'yon? Does he even know that you're pregnant with my child? O baka naman nagpanggap kang walang asawa sa harap niya para balikan ka? What a pathetic—"

"Manahimik ka, Ymar. Wala kang alam kaya manahimik ka kung ayaw mong pagsisipain kita riyan." Matalim ang boses niya. "And I'm not bluffing."

Natahimik si Ymar at hindi na nagsalitang muli. Nang maramdaman niyang kaya na niyang maglakad at hindi na nananakit ang tiyan niya, bumangon siya at naglakad palabas ng kuwarto.

"Where the hell are you going, Czarina?!" Ymar's voice sounded mad but she didn't care. "Czarina!"

"I'm going home."

"No!" Mabilis itong lumapit sa kanya at pinangko siya. "You're staying here."

Hindi siya nagpumiglas nang buhatin siya nito at ibinalik sa kama.

Bumuntong-hininga si Ymar, saka tumabi ng higa sa kanya. "Mag-ingat ka naman. Anak ko rin namang iyang dinadala mo. Of course, I would care," sabi nito. "Kahit naman ayaw mo na sa 'kin, alagaan mo naman ang anak natin."

Tumawa siya nang pagak. "Nakakalimutan mo na ba ang usapan natin, Ymar, na kapag nabuntis mo ako, akin lang ang bata at hindi ka makikialam sa kanya?"

"Wala tayong usapang ganoon," pagkakaila nito.

"Alam mong mayroon."

"So ano'ng gusto mong palabasin, na sosolohin mo ang anak natin? Ganoon ba 'yon?"

Bigla na lang pumasok sa isip ni Czarina ang alaala nito at si Tatiana na masayang nag-uusap tungkol sa Taiwan. Sabay pang umalis ang dalawa. They were happy that day, samantalang siya, grabeng dami ng luha ang lumabas sa mga mata niya.

Nakakapagod din naman pala ang masaktan. Nakakapagod na umasa. Nakakapagod na maghintay sa wala.

"Galit ako sa 'yo, Ymar." Oras na para ilabas niya ang kanyang hinanakit dito. "Bigla ka na lang umalis patungong Taiwan nang hindi man lang ako kinakausap nang matino. Basta ka na lang—"

"I saw what I saw, Czarina."

"'Yon na nga, eh, you saw what you saw. Pero mali naman ang nakita mo." She faced him and looked deep into his eyes. Ipinakita niya sa pamamagitan ng kislap ng kanyang mga mata ang sakit na ipinaranas nito sa kanya. "Justine kissed me. Hindi ako ang humalik. I was shocked too. Sasampalin ko sana siya pero dumating ka, 'tapos bigla ka na lang nang-akusa ng kung ano-ano. Ymar, naman. I don't feel anything towards Justine—"

"Kung ganoon, bakit nakita ko kayong magkayakap noong isang araw?" Doubt shadowed his voice. "You two are hugging like there's no tomorrow. Damn it, Czarina! Huwag mo naman akong gawing tanga!"

Napatitig siya kay Ymar, pagkatapos ay bumalik sa isip niya ang pagyakap sa kanya ni Justine dahil umiiyak siya. He saw that? He was there?

"Nakita mo 'yon?" mahinang tanong niya.

Ymar chuckled coldly. It sent shiver down her spine. "Hindi naman yata ako bulag, Czarina. At sa labas pa talaga kayo ng bahay mo nagyakapan. Baka nakakalimutan mong kapitbahay mo ako. Bumalik agad ako kasi gusto kitang kausapin, but I saw you two hugging. Sa tingin mo, ano'ng iisipin ko?"

"Ymar..." Huminga siya nang malalim. "It's not what you think—"

"It's not what I think? So ano, hindi ikaw 'yong kayakapan niya? Bullshit!"

She blew a frustrated breath. "Bakit ba ang kitid ng utak mo? Hindi mo pinapatapos ang paliwanag ko!" Pinandilatan niya ito. "You know what, you're a piece of shit! Sa halip na makipag-usap sa akin, pumunta ka sa Taiwan para takasan ang problema natin. 'Tapos ngayon ako pa ang pinapalabas mong masama samantalang ikaw ang umalis at OA kung makapag-assume? Letse ka! Isa kang nakakairitang sperm!" A lone tear escaped her eyes. "Ang sakit-sakit na! Napapagod na ang puso ko na umasa na magkakayos tayo. Napapagod na ako. Napapagod na akong mahalin ka, Ymar, kasi masakit na masakit na. Ayoko nang mahalin ka pero itong puso ko, kahit anong pigil ko, ikaw pa rin ang isinisigaw nito. But even though I'm in love with you, I won't let you hurt me like this. I won't."

And with her dizzy head, she stormed off and left Ymar's house. She just blurted out her feelings for him. Nakakahiya pero ayos lang. Mabuti nga at alam nito ang nararamdaman niya para sumiksik sa utak nito na hindi niya kayang makipaghalikan sa ibang lalaki dahil ito ang mahal niya.

Pero kahit pa mahal na mahal niya ito, isa itong ugok na sperm!

Ugok na sperm! Sperm!


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #possessive