CHAPTER 12
CHAPTER 12
HABANG SUMISIMSIM NG KAPE na may kaunting krema, kausap ni Czarina sa cell phone ang sekretarya niyang si Tinna. Binibigyan niya ito ng instruction kung ano ang gagawin habang wala siya.
"Tinna, 'yong mga pasyente ko na maghahanap sa akin habang wala ako, i-refer mo na lang sila kay Dra. Singzon, okay? Nakausap ko na siya kagabi at pumayag siya na siya muna ang mag-asikaso sa mga pasyente ko habang nasa convention ako."
Kaklase niya si Dra. Singzon noong nag-aaral pa siya at malapit na kaibigan. Tuwing nagbabakasyon siya, ito ang pansamantalang humahawak sa mga pasyente niya. Ganoon din naman ang ginagawa niya tuwing ito ang wala.
"Opo, Doktora," tugon ni Tinna. "Enjoy your convention in Isla Tech."
Sa Isla Tech gaganapin ang convention na dadaluhan niya. Ang Isla Tech ay isa sa kilalang isla sa bansa. Isa iyon sa mga isla na dinadayo ng mga dayuhan. The whole island was a beach resort, at excited na siyang makapunta roon.
She smiled. "Thank you. Sige, I'll hang up now. Always lock the clinic, okay?"
"Yes po, Doktora."
"Good. Sige, bye."
"Bye. Enjoy. Happy trip po."
"Salamat."
Tinapos na ni Czarina ang tawag at inubos ang agahan na inihanda niya para sa sarili. Pagkatapos niyang hugasan ang mga ginamit na tasa, kutsara at pinggan, nagtungo siya sa kanyang kuwarto at kinuha roon ang travelling bag niya. Mabuti na lang at may-isa pa siyang travelling bag. Naroon kasi ang isa sa bahay ni Ymar at wala siyang balak na bumalik do'n.
Speaking of that guy... galit pa rin siya at naghihinakit pa rin ang puso niya na umiibig na rito. Kaya selos na selos siya dahil napapamahal na sa kanya si Ymar. And going to Isla Tech would clear her mind. Malay niya, baka pagbalik niya, hindi na niya mahal si Ymar.
Sana nga.
Bitbit ang travelling bag, lumabas siya ng bahay at pumara ng taxi.
When the taxi stopped at the airport, she quickly paid the driver and stepped out. 'Buti na lang nakapagpa-book agad siya ng flight patungong Isla Tech kagabi.
Habang naglalakad papasok sa airport, pilit niyang iwinawaksi sa isip si Ymar. Gusto niyang maging stress-free habang nasa Isla Tech siya. Sarili muna niya ang iisipin niya bago ang iba. Tama nang umiyak siya kagabi.
KUMUNOT ANG NOO ni Ymar nang bumaba siya ng sasakyan at nakitang madilim ang buong bahay ni Czarina. Magkatabi lang ang bahay nila kaya hindi iyon nakaligtas sa paningin niya.
"Where is she?" tanong niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa bahay ng babae.
Nakakunot pa rin ang noo niya habang papasok sa bahay niya. Nasaan kaya si Czarina? Bakit madilim ang bahay nito?
Is she on a date again? Shit! With that guy again? Nakakairita!
"Ymar, bakit hindi na rito natutulog si Czarina?" nakataas ang kilay na tanong ng kanyang ina nang madaanan niya ito sa living room.
He blew a loud breath. Sinubukan niyang pigilan ang inis na nararamdaman pero hindi niya nagawa. "Tinatanong mo pa talaga?" He chuckled sarcastically. "Mom, kaya wala si Czarina dahil kay Tatiana. Bakit ba kasi inimbitahan mo pa ang babaeng 'yon dito? Hayan tuloy, nagkandaletse-letse na ang relasyon namin ni Czarina." Nagtagis ang mga bagang niya at hinilamos niya ang mga palad sa mukha. "Kung wala sana si Tatiana, eh, di sana masaya kami ngayon ni Czarina. Pero dahil nandito si Tatiana, ni hindi ko nga alam kung nasaan si Czarina ngayon at kung bakit madilim sa loob ng bahay niya."
Mataman lang na nakatitig sa kanya ang kanyang ina habang inilalabas niya ang sama ng loob.
Then his mother's face softened. "I'm sorry. Hindi ko naisip na mangyayari 'to. Tatiana said she's just here for vacation. Hindi ko alam na hindi magugustuhan ng asawa mo si Tatiana. Kung alam ko lang, eh, di sana hindi ko siya pinatuloy rito."
"Too late." Pagak siyang tumawa. "Way too late."
Walang imik na nagtungo siya sa kuwarto niya at itinulog na lang ang inis na nararamdaman. Bukas, hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan si Czarina.
He needed to see her. He needed to hug her. Hindi siya mapapakali hangga't hindi niya nakikita at nayayakap ang babae. Nasanay na siya na palagi itong nakikita at nayayakap, kaya ngayong wala ito, he felt incomplete. And God knew he wanted to feel complete again.
PUMASOK SI YMAR sa clinic ni Czarina, saka lumapit sa sekretarya nito.
"Is Czarina here?" tanong niya sa babae.
Alam niyang sasagutin siya nito dahil nagpakilala siyang asawa ni Czarina noong isang araw. Sana nga lang ay hindi ikinaila ni Czarina ang sinabi niya sa babae.
"Mr. Stroam, kayo po pala." Ngumiti ito. "Hindi po ba nasabi sa inyo ni Doktora na um-attend siya ng convention sa Isla Tech?"
He stilled. "Isla Tech?"
Um-attend? Sino ang kasama nito? Was she alone or was she with someone else? The green monster clouded his rational thoughts.
Fuck it.
"Oho. Kahapon pa po siya umalis. Three days po ang convention. Ikalawang araw na po niya ngayon."
"Thanks."
Nagmamadali siyang lumabas ng clinic at tinawagan si Valerian Volkzki.
"What do you want?" padaskol na tanong sa kanya ni Valerian mula sa kabilang linya.
Sumakay siya sa kotse niya. "Ready my plane. I'll be leaving to Isla Tech an hour from now."
Malutong na nagmura si Valerian. "I'm not your freaking personal assistant, dimwit! Asikasuhin mong mag-isa ang eroplano mo!"
Hindi niya binigyang-pansin ang pag-ayaw nitong asikasuhin ang pribadong eroplano niya. "I need a pilot too."
"Fuck you." Pinatayan siya ng tawag ni Valerian.
Napailing-iling na lang si Ymar at pinaharurot ang Lexus patungo sa AirJem Airport. He was going to see Czarina today. Hindi na niya alam ang gagawin kapag hindi pa niya ito nakasama ngayong araw.
PAGKATAPOS NG IKALAWANG ARAW ng convention, agad na bumalik si Czarina sa cabin na tinutuluyan niya. Ginanap ang convention sa isang beach sa Isla Tech at bawat isa sa kanila na dumalo ay may tig-iisang cabin na nagsilbing tulugan nila.
Habang naglalakad pabalik sa cabin niya, mabilis na tumitipa ang mga daliri niya sa keyboard ng cell phone. Ka-text niya si Anniza na panay ang tanong ng kung ano ang dapat gawin ng isang babaeng buntis. Napakakulit nito. Nakikisali pa ang fiancé nitong si Dark na tinawagan pa talaga siya kanina habang nasa convention siya!
Agad siyang pumasok sa loob ng cabin at nagbihis ng maikling shorts at halter shirt, saka simpleng itim na tsinelas.
Czarina was still busy texting Anniza when someone knocked on the door.
"Sandali lang!" sigaw niya mula sa loob ng cabin.
Baka isa iyon sa staff ng isla at lilinisin ang cabin. Iniwan niya ang cell phone sa ibabaw ng kama at binuksan ang pinto.
Czarina's body went rigid when she saw who was outside the door. Hindi 'yon staff ng isla. It was Ymar and he looked irritated.
"You left without telling me?!" galit na sabi ni Ymar. "Why?!"
Napaatras siya sa lakas ng boses nito. "Ano ba'ng problema mo? Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I'm mad at you, Czarina!" Sa halip sa sagutin ang tanong niya, iyon ang lumabas sa bibig nito.
She rolled her eyes. "Eh, di wow."
Nagtagis ang mga bagang ni Ymar at tuluyan nang pumasok sa cabin niya. "Bakit ba bigla ka na lang umalis nang walang paalam, ha?"
She glared at him. "Ano ba'ng problema mo sa pag-alis ko? Ymar, umalis ako dahil galit ako sa 'yo, so bakit ako magpapaalam?"
Ymar blew a loud and frustrated breath. "Dahil pa rin ba 'to kay Tatiana?"
"Oo." Umupo si Czarina sa gilid ng kama habang magkasalubong ang mga kilay niya. "Sabi mo sabay tayong mag-aagahan pero pinili mong mag-agahan kasama ang haliparot na 'yon. Take note, Ymar, ipinagluto pa kita. Sige nga, sabihin mo sa 'kin kung bakit hindi ako dapat magalit sa 'yo?"
"That's why I'm here," sabi nito sa malambing na boses. "I want to say sorry for that morning. Hindi mo ba ako mapapatawad?"
Inirapan niya ito. "Buwisit ka! Hindi mo ako madadala riyan sa sorry-sorry mo. Punta ka ro'n sa dagat at magpakalunod ka. Baka kapag patay ka na, mapatawad kita."
Ymar sighed and then he knelt in front of her. Napamulagat siya sa ginawa nito. She didn't take Ymar for a man who would kneel in front of a woman.
"Ymar—"
"Sorry na." Nagsusumamo ang boses nito habang hawak ang mga kamay niya. "Bumalik naman ako sa bahay mo pagkatapos naming mag-usap ni Tatiana pero wala ka na ro'n. I didn't choose Tatiana over you. Natagalan lang naman ang pag-uusap namin dahil hiniling ko sa kanya na huwag maglalalapit sa 'kin kasi may asawa na ako." He kissed the back of her hand. "Patawarin mo na ako. Please? I haven't seen you for two days, Czarina. Na-miss kita."
Na-miss din naman niya ito. She was moved by his simple gesture, the kneeling and kissing the back of her hand. But she was still annoyed. She was still pissed.
Pinukol niya ito ng matalim na tingin. "Galit ako sa 'yo, Ymar. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong pinapaasa ako sa wala. Ayoko sa taong nangangako sa akin pero hindi naman tutuparin. At 'yon ang ginawa mo. Kahit pa ilang sorry ang sabihin mo sa harap ko, hinding-hindi ko matatanggap 'yon. Kasi kapag galit ako, galit ako."
Ymar's blue-gray eyes looked deep into hers. They were pleading. "Ano ba ang kailangan kong gawin para mawala ang galit mo?"
"Wala." Nagkibit-balikat siya. "Hintayin mong humupa ang galit ko sa 'yo. Then we will be in good terms again."
Bumuntong-hininga si Ymar. "Can I at least hug you?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "No. You can't."
Nagsusumamo ang bukas ng mukha nito pero hindi siya nagpadala. Pilit niyang pinatigas ang damdamin. Dapat maranasan nito kung paano magalit ang isang Czarina Salem.
"Please? Payakap naman, o." Halos nagmamakaawa na si Ymar. "Na-miss kita."
Umiling siya. "Hindi puwede. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi sinungaling ka."
Kinuha ni Czarina ang cell phone sa ibabaw ng kama at nagmamadaling lumabas ng cabin. Iniwan niya si Ymar sa loob na nakaluhod pa rin.
Kapag matagal pang magmakaawa si Ymar sa kanya, alam niyang bibigay na siya kaya naman umalis siya at nagtungo sa isang coffee shop at doon nagpalipas ng oras.
She was moved that Ymar followed her here just to say sorry. Her heart pounded when he said he missed her. Her heart melted when he asked for a hug. Kung galit ang pag-uusapan, alam niyang hindi na siya masyadong galit. Selos... 'Yon ang nararamdaman niya ngayon kaya ayaw niyang patawarin ito.
She was jealous of Ymar and Tatiana. Letse naman, eh! 'Pag bumalik siya sa Manila at naroon pa rin ang Tatiana na 'yon sa bahay ni Ymar, she swear, papatulan na talaga niya ang kaplastikan nito.
Buwisit!
Nang lumipas ang isang oras na nagsawa na siyang tumambay sa coffee shop, naglakad-lakad naman siya sa dalampasigan. Napilitan lang siyang umuwi nang magdilim na ang buong paligid.
Nasa labas pa lang siya ng cabin, kitang-kita na ni Czarina ang isang tangkay ng tulip na may naka-roll na papel sa stem niyon.
"What the hell?" Tinakbo niya ang pagitan nila ng bulaklak at pinulot ang tulip.
Don't tell me... umabot ito rito?
These past few days since she and Ymar started pretending, wala na siyang natatanggap na tulips. At ngayon, heto na naman.
Binasa niya ang nakasulat sa papel na naka-roll sa stem.
Banana. I miss you.
Napakagat-labi si Czarina at mabilis na pumasok sa cabin. She was rooted in place when she saw Ymar standing a meter away from the door and he was holding a bouquet of tulips.
Malalaki ang matang napatitig siya sa lalaki at sa hawak nitong bulaklak. Napakurap-kurap siya kapagkuwan. "A-ano'ng..."
Lumapit si Ymar at iniabot sa kanya ang bulaklak. "For you. Hindi ako nakapagbigay sa 'yo these past few days kaya ngayon na lang ako babawi."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "A-ano?"
Nagbaba ng tingin si Ymar na para bang may ikinakahiya ito. "I was the one who always put one tulip outside your door," pag-amin nito at parang tinatambol ang puso niya. "It was me." Nagtaas ito ng tingin sa kanya. "Ako 'yon."
"Why do you do that?"
"I'm just trying to be a good neighbor," sabi nito na hindi makatingin sa kanya.
"Bullshit. Give me another reason."
Ymar looked at her with pure shyness and it sent her heart into frenzy. That shy face... goodness! Then he spoke with utmost sincerity. "It's because I like you, Czarina. I like you very much. At masyado lang akong torpe at dinadaga para sabihin sa 'yong gusto kita. Is that enough para patawarin mo ako? Wala na kasi akong maisip na ibang paraan para magkaayos tayo. I don't like Tatiana, palagi kaming nirereto sa isa't isa ng mga magulang namin noong magkapitbahay pa kami pero ayoko, hindi siya ang tipo kong babae. It's you that I like, Czarina. Simula noog una kitang makita sa labas ng gate ng bahay ko, nagustuhan na kita."
Umawang ang mga labi niya at parang kinakapos siya ng hininga sa inamin nito. Totoo ba iyon o nag-iilusyon na naman siya? Ymar liked her? For real?
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top