CHAPTER 6
CHAPTER 6
"HINDI PUMASOK si Boss?" Tanong ni Knight kay Monet ng pumasok siya ng umagang 'yon at hindi nakita si SM. "Bakit daw? Nagtext ba siya sa 'yo? Anong sabi niya?" Sunod-sunod niyang tanong.
Inilabas ni Monet ang cellphone mula sa bulsa nito saka pinabasa sa kaniya ang text ni SM dito.
'Monet, 'di ako makakapasok ngayon kasi masama ang pakiramdam ko. Ikaw na muna ang bahala sa café.'
Kumuyom ang kamao niya. She's sick and she didn't bother informing him? Hindi ba nito naisip na mag-aalala siya rito kapag hindi ito pumasok?
Fuck!
"Knight, puwede mo bang puntahan si Boss?" Boses iyon ni Monet na pumukaw sa kaniya sa pag-iisip.
Napatingin siya rito, "okay lang ba na kayo lang muna rito sa café?"
Tumango si Monet at ngumiti. "Nag-aalala ako kay boss e. Wala siyang kasama sa bahay niya at siguradong hindi naman yon hihingi ng tulong sa iba kasi ayaw niyang maka-isturbo. Gusto ko sanang ako ang pumunta, pero diko puwedeng Iwan sa inyo ang café e. Saka mukhang close kayo ni boss, kaya ikaw na lang ang pumunta."
Tumango siya saka kaagad na lumabas ng café at sumakay sa Taxi niya.
Mabilis niya iyong pinaharurot patungo sa bahay ni SM. He was worried the whole drive.
Nang makarating siya dun, walang kahirap-hirap na inakyat niya ang gate ng bahay nito saka kumatok sa pinto ng bahay. He has practice in climbing gates after all.
Nakailang katok siya bago bumukas 'yon.
"K-Knight?" She sounded stunned to see him— she sounded and looked weak as well.
SM was wearing sweatpants and thick jacket. Her hair was all messed up and she looks really pale and weak.
Hindi na niya hinintay na papasukin siya nito. Pumasok na lang siya bigla saka inilapat ang kamay niya sa noo nito.
"Ang init mo." Nag-aalalang aniya.
Gumuhit ang pagod na ngiti sa mga labi ni SM, "yeah... kaya hindi ako nakapasok. Masama pakiramdam ko e. Teka, ba't nandito ka? Kulang na naman ang tao sa café—"
"They'll survive." Aniya saka pinangko ito.
Hindi naman pumalag si SM sa pagbuhat niya rito kaya madali niya itong nadala sa kuwarto nito at pinahiga sa kama.
"There." Aniya pagkatapos balutin ng kumot ang katawan nito, "you rest. Kumain ka na ba? Uminom ka na nang gamot?"
SM was just staring at him while he speaks.
"What?" Tanong niya rito ng hindi Ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kaniya.
"Knight?"
"Hmm?"
"Count is a tittle right?" She asked.
Knight stiffened. This woman... It took her that long to clarify things with him?
Puwede naman siya nitong tanungin deretso ng sabihin niya rito ang buo niyang pangalan kahapon, pero nanatili itong tahimik. Ni hindi nga ito nagtanong ng normal na dapat na itanong ng tao sa ganung sitwasyon.
She was silent yesterday. Deep in thoughts even when he drove her home last night.
Was she thinking of me all this time?
Telling her his full name and about Midnight as well... he'll be severely punish for it. Naghahanda na siya sa kaparusahang tatanggapin niya.
When? That, he doesn't know.
But that doesn't matter to him— the punishment doesn't matter to him. He just wanted SM to know who he really is— the man behind the name Knight Velasquez.
"If it's a title, then it's the same rank as the Earl in British. Am I right? I did some research."
Knight nodded. This is selfish. Telling her the truth. Dragging her to his world. But he can't stop— no, he doesn't want to stop. Gusto niyang malaman nito ang lahat-lahat tungkol sa kaniya kahit pa napakamakasarili nun.
For once, he wanted to be selfish.
Knight took a deep breath, "In British, it's Earl but in my Country, In Spain, it's Count."
She chuckled softly. "What's a nobility doing here?"
"I have my reasons."
SM smiled, "okay."
He sighed. "I have a feeling that you're not gonna ask anymore."
Nagkibit balikat ito saka pinikit ang mga mata, "wala namang magbabago. Nobility or not, ikaw pa rin naman si Knight na palagi akong pinag-aalala."
Napatitig siya sa dalaga saka napangiti. "Don't treat me differently."
Umayos ito ng higa, "you wish... that won't happen."
Mahina siyang natawa saka hinalikan ito sa nuo, "nag-agahan ka na ba?"
Umiling ito.
"Is it okay if I made you some soup so you can take some meds?"
She nodded weakly.
"Sige," hinalikan niya ulit ito sa nuo, "pahinga ka na muna. Akong bahala."
SM's eyes opened a little before smiling at him, "thank you. You're indeed a knight."
He smiled back. "I'll be your Knight in shining armour anytime, boss."
SM closed her eyes with a smile on her lips.
Huminga siya ng malalim saka lumabas na ng kuwarto nito at nagtungo sa kusina ng bahay.
Habang nakatayo sa gitna ng kusina, doon lang niya naisip na wala pala siyang alam sa pagluluto.
"Oh fuck!"
I promised SM I'll make her some soup!
Knight tsked and pulled out the phone from his pocket. Pagkatapos ay tinawagan niya si Cloud.
"You busy?" Tanong niya sa butler na nasa kabilang linya.
"Just finished cleaning the house, why, my Lord?"
"Come to this address." Binigay niya ang address ng bahay ni SM. "At bumili ka ng gamot para sa lagnat. Hurry up." Pagkasabi nun ay pinatay niya ang tawag at naglagay ng tubig sa palangganita saka dinala iyon sa kuwarto ni SM.
Pagkatapos ilapag ang palangganita sa bedside table, naghanap siya ng telang babasain at gagamiting pamunas sa katawan nito.
Natagpuan ni Knight ang sarili sa banyo, ang mga mata niya ay nakatuon sa sampayan na naroon.
"There... face towel."
Nanigas ang kamay niya sa ere na aabutin sana ang face towel ng makita kung ano ang mga katabi niyon.
... underwear. SM's panties and bra's. They're all sexy looking.
"Fuck!"
Mabilis niyang hinablot sa sampayan ang face towel saka nagmamadaling lumabas ng banyo ng nabuhay ang pagkalalaki niya dahil naiisip niya ang hitsura ni SM na suot 'yon.
"Fuck..."
Knight keeps on cussing as he return to SM's side. Nang ilapat niya ang kamay sa leeg nito, sobrang Init nito pero pawis na pawis naman.
"Fuck."
Mabilis na hinubaran niya ang dalaga, pero siniguro niyang hindi maaalis ang kumot sa katawan nito habang hinuhubaran ito dahil basa na ang damit nitong suot.
Pagkatapos ay binasa ni Knight ang face towel saka piniga 'yon bago Ihinaplos sa mukha ng dalaga. Masuyo ang bawat paghaplos niya sa katawan nito gamit ang face towel. From her face, down to her neck, shoulders and then arms. Maingat siya ng ang dibdib na nito ang pinupunasan niya para kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito.
His pants tightened. "Fuck..."
Patigas ng patigas ang pagkalalaki niya lalo na nang nasa dibdib na nito ang pinupunasan niya. He was very careful not to touch her breast— it might set him off. He doesn't want to scare her.
Bumaba ang kamay niyang may hawak ng face towel sa beywang nito.
Napalunok niya.
Damn that sexy curves! It's going to be the death of me!
Panay ang lunok niya habang pinupunasan niya ang dalaga. Pasakit din ng pasakit ang puson niya.
"This is plain torture..." he mumbled when he started caressing her legs with the soft cloth. "Fuck me to hell..."
Itinigil niya ang ginagawa pagkatapos niyang punasan ang binti nito. Hindi na siya naglakas ng loob pa na punasan hanggang hita nito.
I will die having a fucking boner! This is not good!
Pinakialaman na niya ang closet ni SM. Kumuha siya doon ng sleeveless saka sweatpants at Ingat na ingat siyang hindi maalis ang kumot sa katawan nito habang binibihisan ang dalaga.
He likes kissing her and he would like to do more than kissing her— but... she's sick. He won't take advantage of her like that.
Saka na... kapag maayos na ito.
Nang matapos bihisan si SM at nakalabas na siya ng kuwarto, nakahinga siya ng maluwang.
Self-control. I owe you.
Kalalagay lang niya ng palangganita sa lababo ng marinig niya ang doorbell na nag-iingay.
Mabilis siyang naglakad palabas ng bahay para buksan ang gate.
"Silence!" Knight hissed as he opens the gate, "you'll wake her up—" he stilled when he saw that Cloud was not alone. "Anong ginagawa niyan rito?" Tanong niya sa butler sabay turo kay Midnight na nakatayo sa likod nito.
"I have no Idea." Sagot ni Cloud saka binigay sa kaniya ang pinapabiling gamot. "Papasukin mo na ba kami?"
Nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate para makapasok ang dalawa at sabay-sabay silang pumasok sa bahay.
"Who owns this house?" Cloud asked.
"Your girlfriend?" Midnight asked.
"No." Knight sighed. "She's my boss In the café where I work."
"Oh." Cloud looked at him teasingly. "You're that close, huh?"
"You do know that It's not gonna have a happy ending, right?" Ani Midnight na matiim na nakatingin sa kaniya.
Nawalan siya ng imik.
Malakas na bumuntong-hininga si Cloud. "Enough. My Lord said she's just his boss, let's leave It at that." Anito saka humarap sa kaniya, "why'd you call for me?"
"This way." Aniya saka dinala ang dalawa sa kusina. "I called you here to make some soup. Sarapan mo, para 'yan sa boss ko."
"Of course, my Lord." Kaagad na tinupi ni Cloud ang manggas ng suot nitong polo saka binuksan ang dalawang butones sa itaas ng damit nito bago nag-umpisang gumawa ng sopas.
Siya naman ay Iniwan ang dalawa sa kusina para dalhin ang gamot kay SM. Kailangan na nitong makainom ng gamot, baka mas lumala ang lagnat nito.
"Boss," she still has high fever, "here. Inumin mo muna 'tong gamot. Upo ka muna."
Bumukas ang mga mata nito saka pinilit ang sariling makaupo kahit nanghihina ito. Kaagad niya itong Inalalayang uminom ng gamot at tubig saka nahiga ulit at natulog.
Siya naman at lumabas ng kuwarto at bumalik sa kusina.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya kay Night ng makitang pinapakialaman nito ang itlog sa ref ni SM.
Binalingan siya ni Night. "Cooking?"
"Don't bother. Baka tayo naman ang magkasakit sa luto mo."
Humaba ang nguso ng kapatid. "It's the thought and effort that counts."
"Bakit? Makakain ba namin ang thought and effort mo?" Tinuro niya si Cloud. "Leave the cooking to him, understood? And this is not our house so don't act abnormal."
Midnight just tsk and went to sit on the dining table.
Habang siya naman ay may nakakuha sa atensiyon niya. "Woah! Cloud, look—" turo niya sa nasa island counter, "is that Instant coffee?"
Kaagad namang tumango si Cloud, "yes, my Lord. Shall I make you one—"
"No. I can do it." Kaagad siyang lumapit sa Island counter at kumuha ng dalawang stick ng coffee powder, "an addition to my book of life experience."
Kumuha siya ng dalawang tasa at nilagyan niya ng tag-isang stick ng coffee powder ang bawat isa saka dinala iyon sa dining table.
"Cloud, boil some water." Utos niya kay Cloud.
Bumuntong-hininga ang kapatid. "You know, Kuya, normal people have a thing called thermos to make instant coffee easier."
He frowned, "thermos? What was that— wait— fuck!" Nanlaki ang mga mata niya. "Did you just call me Kuya?"
"Yeah." Night said nonchalantly then he got up and went to pick up a steel container and showed it to him, "Kuya, meet Thermos. Ginagamit ito para manatiling mainit ang tubig na pinakulo mo at para hindi ka na magpakulo ulit."
Kapagkuwan ay nilagyan ni Night ng tubig ang dalawang tasa na may kape.
"There." Night smiled. "Hello, instant coffee."
Pareho silang umupo sa dining table ni Night saka sabay na nag-kape. Pareho silang walang Imik habang hinihintay na matapos ang ginagawang sopas ni Cloud.
But an hour later— after four cups of coffee with Night— the soup was still not done!
Nasagad na ang pasensiya niya sa paghihintay. "Cloud, hindi ako marunong magluto pero nasisiguro kong hindi ganito katagal gumawa ng sopas!"
Panay ang halo ni Cloud sa sopas, "you told me to make a delicious soup, my Lord, and this is how I do it. Twenty more minutes."
Midnight tsked. "What's taking so long? Even I can make a soup in five minutes. Tastes good too."
"Nonsense!" Cloud hissed at Midnight. "How could you make a delicious soup in five minutes?!"
Tumayo si Midnight saka binuksan ang mga cupboard sa kusina saka may kinuha sa pangatlong cupbaord na binuksan nito.
It's a colour maroon plastic cup with a word 'noodles' on the side.
"Watch me." Sabi ni Midnight saka inalis ang cellophane na nakabalot sa plastic cup at tinanggal nito ang plastik na takip niyon saka inilabas doon ang dalawang uri ng maliit na pakete kasama ang maliit na tinidor na gawas sa plastik din.
Ang isa ay parang powder at ang isa naman naman at maliliit na matitigas na bagay.
"What's that?" He asked.
"Just watch." Ani Midnight.
Even Cloud is watching. Nakuha na rin ni Night ang atensiyon ng butler niya.
Ang matigas na maliliit na bagay na nasa isang pakete— na nalaman niyang gulay pala— ay ibinudbod nito 'yon sa loob ng plastic cup kasama ang isa pang pakete na powder ang laman saka nilagyan nito iyon ng mainit na tubig galing sa Thermos.
Pagkatapos ay kumuha ito ng pinggan at itinakip iyon sa ibabaw ng plastic cup bago tumingin sa relong pambisig nito.
"Hmm... 3 minutes will do." Ani Midnight.
Si Cloud naman ay sinusuring mabuti ang Plastic cup. "This is a very weird soup container. Is that even safe?"
Midnight grinned. "I ate it all the time."
"I see." Tumango-tango si Cloud, "you're still alive so I'll assume it's a safe food."
Napailing-iling si Midnight saka tumingin ulit Ito sa orasang-pambisig.
"It's time." Anito saka inalis ang pinggang nakatakip sa Ibabaw ng plastic container.
Kasabay nun ang panunoot ng mabangong aroma sa ilong nila.
"Woah! That smells good!" Knight exclaimed.
"Tastes good too." Nagmamalaking sabi ni Midnight saka itinulak 'yon palapit sa kaniya. "Taste the soup and the noodles."
Tumango siya saka ginawa ang sinabi ng kapatid.
"Hmm... the soup tastes awesome... and the noodles! It's great!" Inabot niya iyon ng Cloud. "Here, taste it. And it's just fucking three minutes!"
Cloud was about to taste the instant noddles Midnight made when they heard a voice from the kitchen's door.
"I'm in my house... right?"
NAGISING si SM mula sa pagtulog at kahit papaano ay bumalik na ng kaunti ang lakas niya. Napangiti siya ng mapahawak sa noo at nahawakan ang bimpo na naroon.
She's sure that Knight put it there.
Naalala niya ang pagbuhat nito sa kaniya, pagpupunas sa katawan niya at pagpapa-inom sa kaniya ng gamot.
Bumangon siya kahit hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam.
"K-Knight?" Mahina ang boses niya habang tinatawag ang pangalan nito.
Umuwi na kaya ito? Bakit nalungkot siya sa isiping umalis na Ito?
Maingat at dahan-dahan ang hakbang niya palabas ng kuwarto at pababa sa salas. Nang makarating siya sa salas, nagsalubong ang kilay niya ng makarinig ng ingay sa kusina.
Knight? But who's the other two voices?
Tinahak ng mga paa niya ang daan patungo sa kusina.
And when she reached the kitchen door, she stilled.
Three men hovering over a cup of instant noddles.
Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa tatlong kalalakihan.
"I'm in my house... right?" Tanong niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa tatlong lalaki na ngayon ay nakatingin na sa kaniya.
Three men. Two with the same face and the other one is maybe the same age as the two? She's not sure.
Pero bakit nasa bahay niya ang mga Ito?
Tumingin siya kay Knight. "I'm in my house... right, Knight?" Tanong niya sa binata.
And the two— the one who looks exactly like Knight and the other one who's holding the cup noddles looks like they're in shock while looking at her.
"Knight—"
"Yes?" Knight's lookalike answered her.
"Hindi ka si Knight." Sabi niya saka naglakad palapit kay Knight. "Who are these people? Kasama mo ba sila?"
"Wait—" anang kamukha ni Knight na hinawakan siya sa braso para pihitin paharap dito. "How did you—"
"Don't touch her!" Mabilis na inalis ni Knight ang kamay ng kamukha nito sa braso niya. "She's min—my boss."
"I'm Knight." Anang kamukha ni Knight.
SM sighed. "Don't push it, I'm not in a good mood right now. I know you're not Knight."
"You actually can tell." Bakas sa boses ng lalaki na may hawak na cup noodles ang pagkamangha.
Tumango siya saka tumingin kay Knight. "Inviting people to someone's home without that someone's permission is wrong."
"I know." Sinapo ng kamay nito ang mukha niya, "I was just so worried. At nangako akong gagawan ka ng soup pero, hindi pala ako marunong magluto. So, I called Cloud," iminuwestra nito ang kamay sa lalaking may hawak ng cup noodles, "my butler. And he," Iminuwestra naman nito ang kamay sa kamukha nito, "tag along. Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Umiling siya. "Pero medyo nabawasan na... mukhang gumagana na ang gamot na binigay mo sa 'kin."
"That's good." He sounded and looked relieved. "sorry again for inviting other people you don't know into your home."
It Is disrespectful but Knight has his reason. She should be thankful that Knight is here and he took good care of her. That's more than enough to forgive him.
"It's okay. I understand." She smiled even when she feels weak and face Knight's look alike. "Hi. I'm SM." Inilahad niya ang kamay.
Still looking stunned, Knight's lookalike accepted her hand. "Ahm... i—I'm Midnight." May pag-aalangan ang boses nito.
"Nice to meet you." She smiled politely at Midnight, "siya nga pala, pumunta ka sa café kapag maayos na ako. Babayaran kita sa isang araw mong pagta-trabaho dun."
Midnight looked at her. Lips parted in shock. "Y-you knew it was me?"
Tumango siya. "Your voices sounds different. You two smells different too." Kapagkuwan ay humarap siya sa isa pang estrangherong lalaki na naroon. "Hi. I'm SM." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.
The man accepted her hand then he bowed down. "I am Cloud Beaumont Sebastian, a butler and a servant to the Head of the house of Velasquez." Then he smiled at her, "It's a pleasure to meet you, my Lady."
Inagaw ni Knight ang kamay niyang hawak ng butler nito saka hinila siya nito palapit dito at itinago siya sa likod nito.
Sumilip siya kay Cloud mula sa likod ng balikat ni Knight saka nginitian ito. "Nice to meet you."
Nilingon siya ni Knight. Iritado ang mukha nito. "Stop smiling at them."
Tumaas ang sulok ng labi ni Cloud. "My Lord, so selfish of you."
Knight got irritated more. "She's mine."
"Are you?" Midnight asked her with a smile, "his, I mean?"
Umiling siya na ikinatawa ng dalawa maliban kay Knight na hindi maipinta ang mukha.
"My Lady," ani Cloud sabay hugot ng upuan sa hapagkainan, "please sit here. I will ready your meal this instant."
Tumango siya saka umalis siya sa likuran ni Knight at umupo sa hinugot ng upuan ni Cloud.
SM was just looking at Cloud as he ready her meal. Impeccable manner, the way his hand moves was graceful, the way he stands and carry himself— he's like a butler from a movie.
"Enjoy your meal, my Lady." Ani Cloud na bahagyan pang yumukod habang ang isang kamay ay nasa dibdib nito.
She nodded with a smile and started eating the soup while looking at Cloud.
"Stop staring at him!" Inis na saway sa kaniya ni Knight. "Sa 'kin ka lang dapat tumitingin. Cloud! Do you want to die! Doon ka sa hindi ka niya nakikita!"
"My apologies, my Lord." Kaagad na sabi ni Cloud.
Napailing na lang siya sa ka-weird-duhan na naman ni Knight. "Thank you for the soup, Cloud." Kapagkuwan ay thmingin naman siya kay Knight na masama ang tingin kay Cloud. "You have a butler, but you're my waiter." Tumaas ang kilay niya, "nagpapanggap ka bang mahirap?"
"Nope." Umupo si Knight sa tabi niya, hindi pa rin maipinta ang mukha nito. "I am poor."
"Oh. Okay. The more reason you should work harder." Aniya kay Knight. "Huwag kang absent ng absent. Tatanggalin talaga kita sa trabaho. Hindi ako nagbibiro."
"Are you not gonna ask why he's poor?" Midnight interject, baffled at her.
"Hindi ka ba magtatanong kung bakit siya nagta-trabaho kahit may butler siya?" Dagdag na tanong ni Cloud.
Sasagot sana si SM ng maunahan siya ni Knight.
"Don't bother you two. She won't ask. That's her attitude."
Napangiti siya dahil mukhang kahit papaano at nakikilala na siya ni Knight ng paunti-unti.
"Huwag kayonh maghintay na magtanong siya tungkol sa inyo, hindi 'yon mangyayari." Dagdag ni Knight.
Midnight looked at her curiously, "are't you curious at all?"
"I am, but I'm stopping myself since it's none of my business." Pagsakabi niyon ay tinuro niya ang cup noodles na hawak ni Cloud. "Where did you get that?"
Tinuro naman ni Cloud si Midnight. "He's the one responsible, my Lady."
Napangiwi si Midnight, "pinakialaman ko ang laman ng cup board mo. Don't worry, I'll pay for it!"
"It's okay. Hindi mo na kailangang bayaran 'yon." Inubos niya ang laman ng soup sa bowl saka uminom ng tubig, "salamat sa masarap na soup." Tumayo na siya saka nagpaalam, "babalik na ako sa kuwarto para magpahinga." Nginitian niya ang tatlo, "feel free to cook lunch for yourselves."
Dahan-dahan ang galaw niya pabalik kasi nararamdaman niya ang panghihina ng katawan pero hindi pa siya nakakalabas ng kusina ng may pumangko sa kaniya.
It's none other than Knight.
"Let me carry you back to your room." Anito.
Tumango siya saka ihinilig ang ulo sa matitipunong dibdib ng binata. "Knight?"
"Yes, boss?"
"Thank you for the soup and for taking care of me."
He smiled. "Akala ko si Cloud lang ang pasasalamat mo. Magseselos na sana ako."
SM just smiled and closed her eyes. Ramdam niya ang bawat hakbang ni Knight hanggang sa makapasok sila sa kuwarto niya at maihiga siya nito. Nagmulat lang siya ng mata ng maramdamang kinumutan siya nito.
"Pahinga ka na." Masuyo ang boses na sabi sa kaniya ni Knight.
Tumango siya saka ipinikit ulit ang mga mata.
"Rest well, Sweet Monday." Ani Knight at naramdaman niyang hinalikan siya nito sa nuo, "I'll be back later for your medicine."
SM's eyes remained closed until she heard the door to her room closed as well. Then a smile appeared on her lips as she drifted off to sleep.
Thank you, Knight. I promise to take care of you too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top