Sprint: Five

///

Miles has extra time for running. It started when he dropped two of his subjects this semester. Coach Martin just looked at him in disbelief when he discovered about it. His coach knows he really wants to spend more time in his sports. Pabor naman dito ang desisyon ngunit hindi pa rin ito kampante. He's slacking off for sometime now so he couldn't blame him for thinking that way.

It was four in the morning when he woke up and changed into his running attire. Minabuti niyang tumakbo sa labas ng University at balak gawin iyon ng ilang oras. Before that, he did some few stretches in order not to strain his muscles. The weather was good when he started to jog. It's cloudy and the wind is cool. Kaya lalo siyang ginaganahan.

Puerto Real is a city which modernity didn't prevail that much. There are lot of greeneries, pine trees and plants some corners. Nakahilera ang iba't ibang klase ng establishments sa gilid ng kalsada at iilan lang ang mga gusaling nakatirik doon. Policy na doon na bawal magtayo ng kahit anong gusali na lalagpas sa sampung palapag.

Nagpahinga muna sandali si Miles sa downtown, kung saan malapit lang ang dagat kaya bahagya niyang naamoy ang kaalatan nito. He chose to unwind a bit on one of the outdoor tables of a Café, facing some of the bushes situated near the cobbled pavement sidewalks.

The clouds are getting darkier when the clock strucks eight yet Miles kept on running around the Puerto Real. He didn't even budge when drizzle starts to fall and still continued to run until it became a sudden downpour. Kanya-kanya na ng silong ang mga tao ngunit nanatili lang na nagtatakbo si Miles. Basang-basa na siya at humahakab na ang university shirt niya sa katawan niya.

Even when the rain stopped, he continued to perform some drills when he got inside the oval truck. He did some jumping and running on the lane, increasing the speed every minutes until he couldn't run faster enough. Nagpahinga muna siya sandali, hinahayaan ang patak ng ulan na tumulo sa buong katawan niya.

Kinabukasan, Miles kept on shivering under his blanket. Masama ang pakiramdam niya ngunit itinulog na lang niya iyon at hindi na pumasok sa mga klase niya. Nananakit ang iba't ibang parte ng katawan niya partikular na sa mga binti niya at mga paa niya. Marahil, napasobra ang pagwork-out niya kahapon. Kahit nahihilo ay pinilit niya ang sariling bumangon mula sa kama at patamad na naglakad patungo sa nag-iisang mesa ng dorm. Muntik na siyang mabuway kung hindi lang siya nakakapit sa upuan.

Parang binabartolina ang ulo niya sa sakit kaya napasapo na lamang siya. Napansin din niya ang di-normal na init ng kanyang katawan.

"Oh hell," he murmured. Tinatamaan pa pala siya ng lagnat. Namamanhid rin ang kasu-kasuan niya. Nagtimpla na lamang siya nang kape habang nakatanaw sa labas. It was raining and when he glanced at the clock, it's ten thirty in the morning. He turned on the heater of the room because he's shivering.

Siya lang mag-isa roon sa dorm.

After he drank medicine for his fever, he sighed and went back to his bed. Doon siya nakahinga nang maluwag. Seconds later, he received a text message from his older brother.

From: Morrison

Mom and Dad wants you to go home this weekend. They have something to discuss with us.

Tila lalong sumakit ang ulo niya sa nabasa. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at sinipa ang kumot niya saka napatitig na lang sa kisame.

Ano naman ang importante nilang pag-uusapan? Are his parent are going to split? He scowled at the thought of it. He saw it coming. It's the reason why he didn't go home for weeks. Ever since he reached the age of thirteen, he saw his parents loud quarrels on their dining table.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at minasahe ang sentido niya. His breathes are uneven and he felt like he's on fire.

Kaya hindi siya umuuwi ay dahil sawang-sawa na siya sa away ng mga magulang niya. His older brother is five years older than him and workaholic, so he's the one to witness the quarrels, some quarrels were even petty. Wala siyang kinakampihan sa mga magulang bagkus lumayo lang ang loob niya sa mga ito nang tumuntong na siya ng kolehiyo. His once doting mother changed when she knew some of his Dad's strings of women. Yes, strings of women. Their family is a product of an arrange marriage.

Ni hindi na nagtatanong ang ina niya tungkol sa mga naging competitions niya. Ang buong atensiyon nito ay nasa Dad niya at ang pagpapatakbo sa sarili nitong clothing line. Miles and his brothers used to be inevitable when they're kids yet they grow apart over the years. Minsan nga, nakakalimutan niyang may pamilya siyang babalikan sa Manila.

Gusto niyang tumakbo ulit. Running makes him forget about his nuances for a while. Kapag hindi niya makontrol ang galit niya, tumatakbo siya. Kapag stress siya ay tumatakbo siya. It was also his therapy other than the sports he'd grown to love.

Nagtalukbong na lang ng kumot si Miles, pinakikinggan ang pagpatak ng ulan sa labas at ipinikit ang mga mata. Hinayaang lamunin siya ng kadiliman.

Naalimpungatan si Miles nang maramdaman niyang may nagpupunas sa kanyang katawan. Nanginig siya sa lamig dahil wala na pala siyang suot na sando at napako ang mga mata niya kay Theo na siya palang nagpupunas sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa nang mga ilang segundo at agad na dumako ang mga bata sa washboard stomach niya kung saan doon nakatigil ang basang towel nito.

"Shit, akala ko multo. Theo!" hindik niyang sigaw, umatras at sumandal sa headboard. Naihampas nito sa mukha niya ang basang towel na binabad yata sa maligamgam na tubig dahil bahagyang mainit iyon. Nahulog lang iyon sa kandungan niya saka niya inihagis kung saan. "Bakla ka ba?" biro niya.

Napamura ito at tuluyang tumayo saka namaywang na parang hari. Sinamaan lang siya nito ng tingin. Nagmukha itong payatot na kapre sa harap niya. "I'm not gay. Gago," mariing sabi nito.

Nangaligkig na naman siya sa lamig kaya hinila niya ang kumot sa kanya at takpan ang hubad niyang katawan. Tanging boxer shorts lang ang suot niya. "Kailan ka pa dumating?" Sumisingaw ang init ng katawan ni Miles, ngunit hindi kagaya kanina na masyado siyang mainit. Literally hot.

"Kanina. Hang-out lang kasama ng teammates ko sa may Eastside. Napansin kong hindi ka komportable sa pagtulog mo kaya dinama ko na ang noo mo. Figures. Buong araw kang tumatakbo sa gitna ng ulan. Kung hindi ka ba naman kalahating engot," walang-gatol nitong sambit at nagtungo na sa sa maliit na kusina ng dorm.

Nagsalin ito ng arroz caldo sa mangkok. He placed on the small foldable table. Bago nito iyon ipinuwesto sa harap niya ay humakbang ito palapit sa cabinet niya at kumuha ng shirt niya. Inihagis nito iyon sa kanya at kaagad niya namang isinuot. Umepekto naman yata ang gamot sa kanya kanina dahil hindi na masyadong masakit ang ulo niya ngunit medyo lupaypay pa rin ang katawan niya.

"Gusto mong ako na ang magpasubo sa 'yo?" pang-aasar ni Theo sa kanya. Tinaliman lang niya ito ng tingin at sumubo ng arroz caldo. Naupo lang ito sa sahig at tuluyang humiga. Marahil, pagod ito sa pakikipag-bonding sa teammates nito. They deserved the chill-out. Afterall, they brought the bacon to their alma mater, replacing the defending champion of the collegiate around the region. Next stop, regionals na naman ang mga ito sa susunod na taon.

"I have more time to focus on the upcoming intercollegiate track and field competition," Miles blurted out. Iyon ang pinag-usapan ng coach niya at sila lang dalawa ni Rasmus ang sinabihan nito tungkol roon.

Nayayabangan siya kay Rasmus nang pakiramdam niyang hindi nito sineryuso ang magaganap na marathon para sa mga kagaya nilang athletes. Nang dahil lang nanalo ito sa ibang bansa. Puwes, hindi naman ito pakampante at hindi niya hahayaang tapakan siya nito.

"Yeah, you dropped your two subjects. Good luck on that. Huwag mo lang masyadong binubugbog ang katawan mo sa training. Tingnan mo, nagkasakit ka," sermon nito na umupo nang nakalotus-position. Ang hahaba talaga ng mga biyas nito.

Kibit-balikat na sumagot si Miles. "Four times a week. 'Yon ang plano. The rest of the three days I will spent on doing an hour of meditating and warm-ups. Nabasa ko lang na epektibo ang meditation," supply niya.

"Kung iyon ang tingin mong makakatulong, why not?" Theo said and spread his legs. He scratched the side of his cheek. "First thing firsts, you need to reassess your diet, men. Bawal ka muna sa alcoholic drinks para hindi ka lalango-lango sa mismong competition."

Miles snorted. "Of course not. Why would I do that? Ayokong mabulilyaso na naman ako sa pagkakataong 'to. Tama nang may nakaligtaan ako."

"Guess you need some anger management therapy." Tumaas lang ang mga kilay nito."What? Totoo naman ah. You need it."

"Kaya kong kontrolin ang galit ko," giit niya. Well, may mga pagkakataong hindi. "That's why I ran. One of the reasons. To unleash my anger in running." Naging malayo ang tingin ni Miles sabay subo ng arroz caldo.

Sa Huwebes, mags-sign up na siya kasama si Coach Martin at Rasmus para sa marathon. Bukas, magpa-plano siya sa magiging routine niya, baguhin ang ilan sa nakasanayan niyang warm-ups, at patatagin lalo ang kanyang katawan.

Sisiguraduhin niyang uuwi siya bitbit ang isang trophy at isalpak sa kung sinong nagdududa sa kakayahan niya. Even his father.

Humupa na ang lagnat ni Miles at napag-isipan niyang humapit sa 24/7, convenience store sa loob ng DCU sa may Eastside. He bought two bottles of blue gatorade and potato chips, para naman may malasahan ang bibig niya kahit papano. Pinurga lang siya ng arroz caldo at kung ano-anong soup ni Theo mula sa pack dahil wala na rin itong time magluto. He was glad, Theo was there for him. Nadatnan niya sa loob si Wayne na mukhang malalim ang iniisip sa harap ng isang stand na may mga pocketbooks. Madalang lang itong makita at nakita niya pa rito sa loob ng convenience store, of all places. Kaso mukhang gumagana na naman ang 'untouchable' aura nito. Nakakatakot lapitan pag ganito kaseryuso at in trance sa mga pinag-iisip nito. Kasama ito sa limang kasalukuyang POS list.

Miles shrugged his shoulders and chose to place his plastic of food in a vacant table inside the convenience store. Minutes later, he noticed that Wayne went outside of the convenience store.

He was munching some chips when Charles went inside the 24/7. Madali itong mapansin dahil minsan nakasuot ng riding uniform. Kagaya niya itong kulot pero hindi gaya sa kanya na brocolli-like hair. His eyes squinted when he noticed the guy was searching for someone. Probably, Wayne.

"Hey, Miles! Heard that you got a fever." Naningkit ang mga mata niya nang lapitan siya nito.

"Sinong nagsabi sa'yo?"

Charles sheepishly smiled and sat opposite of him. Nakikain na rin ito sa potato chips niya. "Heard Theo grumbling kung gaano ka daw ka-engot. Dude, 'di mo naman kailangan i-push ang sarili mo masyado."

"And? You're not pushing yourself? Even if you say POS is not your goal. At the back of our mind, us, athletes. Gusto mong mapabilang. Who wouldn't? The privileges. The opportunities." he blurted out and drank his gatorade.

Charles just chuckled as if he was hearing a joke. "I was just enjoying my sports, Miles. The competition is there but as long as I love what I'm doing. I know I am in the right track."

Naningkit ulit ang mga mata niya kung gaano kahigpit ang kompetisyon sa track and field team. The players there are self-driven, like him when it comes to their sports expertise. Hindi sila nagdedepende sa isa't isa unlike kung nasa basketball at soccer team ka like Shane and Theo did with their teammates.

"It's my technique actually." Mukhang hindi na rin nakatiis sa potato chips si Charles. Kinuha na rin nito ang isa pa niyang gatorade na para sana kay Theo. Guess mukhang bibili
ulit siya para kay Theo. "To make our competition in the stallion team, light and cool."

"But it's the other way around with you." he smirked. Theo and Miles observed Charles in his riding competitions so he knew about this.

"Dude, 'di ko 'to sinabi sa iba. Ba't alam mo? Even Wayne tells me na wala na akong pag-asa mag-seryuso." takang tanong ni Charles.

"I saw you looking at the scores, with serious eyes."

"Bah! Di ko alam na inoobserbahan mo na pala ako." Tumawa ito at parang bubuwelo pa yata ng asar pero sinamaan lang niya ito ng tingin.

"Sige, ituloy mo. Babayaran mo 'tong pinakialam mong pagkain ko."

Bago pa man ito makahirit ay may biglang maingay na pumasok sa convenience store, hingal na hingal. Tagatak ang pawis. Nakasuot ng jerseys niya. May headband sa ulo niya. Recognizable ang height nito sa mga athletes, maging ang mga mata nito na parang malalim na karagatan.

"Sa wakas! Tapos na rin! Uhaw na uhaw na ako." Tinamad na yata itong mamili at tumungo sa counter kaya nang makita sila ay kaagad na inagaw ang gatorade na pasimpleng dinekwat ni Charles sa kanya. Tinungga nito iyon at tinirhan lang sila ng plastic bottle.

Parang lantang gulay na tumabi ito kay Charles. Umaalingasaw ang pawis nito. Buti na lamang mahina ang aircon sa loob ng 24/7.

"Mukhang puspusan din ang training sa volleyball team ah," puna ni Charles. Miles luckily brought himself a white towel that he handed to Attwell which he willingly accepted. Pinunas nito iyon sa sarili nito.

"I insist at my vacant times. Malapit na rin ang battle of the universities. Kasama ang ibang teams. Well, except sa sports ni Preston, ikaw at Wayne. Ayos na ba pakiramdam mo, Miles?"

"Masyado bang malakas ang boses ni Theo kaya alam ninyo?"

"Charles told me," Attwell answered. Nginuso lang nito ang nakangising si Charles.

Napanguya na lang siya ng chips. "Ayos naman na. Speaking of battle of universities, hindi ang Westfield ang mahigpit na kalaban ninyo?"

Attwell released his headband and brushed his hair with his fingers. "Hindi. They are behind sa ranking last year."

"Well, may the best teams or university wins," Charles cheered and raised the gatorade.

///

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top