PKL: Dalawampu't Lima
----x
Lumipas ang mga araw at panay ang paghahabol nila ng requirements dahil graduating na sila. Ang bilis ng panahon at mukhang doon na sila magtatapos. Nalulungkot man ay masaya pa rin si Daisy na magtatapos na siya ng highschool.
Nag-fourth grading exam. Bumaba sa puwesto si Shawn at inanunsiyo ang bagong SSG President hanggang sa sumapit ang two-week graduation exercises. Pakalat-kalat lang sa campus ang mga graduating students, ini-enjoy ang mga huling araw na magkasama sila. Nagpraktis sila ng graduation song sa AVR at dalawang section ang magpr-praktis doon.
Awkward nga lang dahil section 1, ang section nila at section A ang magkasama. Kanya-kanya ang usapan ng mga ito samantalang tahimik lang silang nagkatinginan ni Berry dahil parehong hindi gaanong nagpapansinan si Noah at Jecille. Hindi pa nagsisimula ang praktis at panay lang ang tugtog ng musika sa speaker. Pumainlanlang ang isang pamilyar na kanta.
When I Dream About You ang kanta na kinanta ni Stevie B na ilang araw din niyang kinanta dahil relate na relate siya doon. Napakanta tuloy siya nang wala sa oras.
"There are some things that I guess I'll never know. When you love someone you got to learn to let them go. When I dream about you that's when everything all right. You're in my arms. Here next to me. Forever. When I dream about you, Boy you never go away. Just close my eyes. Wait for my dreams. Cause I still love, loving you." Kumakanta siya nang bigla niyang napansin na tahimik na ang buong AVR. Natigil tuloy siya sa pagkanta niya.
Nang balingan niya ni Jin at Kei, pinipigilan nito ang pagtawa at si Berry naman ay hindi mabasa ang ekpresyon sa mukha at mahahalatang tutol ito sa nangyayari. Saka lang niya napagtanto na wala na ang musika. Napansin siya ng mga estudyante roon at nagkatinginan pa ang mga ito. May kinikimkim na ngiti sa mga labi na parang may naiintindihan ang mga ito. May nagsisikuhan pa sa mga ito na hindi niya maintindihan.
Bahagyang umawang ang mga mata niya nang makita niya katabi ng operator ng speaker si Lirio na may pilyong ngiti sa mga labi. Hindi ba ito titigil sa pagpapahirap na ginawa nito sa kanya?
Hayop ka, Lirio. Andami mo ng atraso sa 'kin. Humanda ka sa 'kin. Halata namang ito ang nagpatigil sa kanta at siya naman ay feel na feel ang pagkanta, hindi na namalayan na siya na lang ang nag-iingay sa loob ng AVR.
Tumikhim ito at pumainlanlang ang graduation song nila. Gusto na niyang lumubog sa kahihiyan. Hindi naman sa pangit ang boses niya. Apektado siya sa lyrics ng kanta.
"So we will start now?" Lirio said.
Nakakahiya! Sa sobrang kahihiyan, tinago niya ang mukha niya sa nakabukas niyang libro habang nagkakanta na ang mga ito ng graduation song. Hindi na niya matiis ang nerbiyos na bumabalot sa kanya kaya lumabas na siya ng AVR.
Kunyari walang nangyari pagkatapos nun, pero hindi pa rin siya nakaligtas sa pang-aasar ng buong section. Malas. Sa sobrang asar niya kay Lirio, hindi niya ito pinansin.
Puwede bang tinigilan na siya ng mga ito? Kasi naman obvious na walang awkwardness kay Noah at Jecille. Hell Parang walang nagbago. Akala niya, huhupa nang matapos ang nangyari sa booth sa kanila kay Shinoah. Magmula noon ay nagkahiyaan na silang dalawa.
'Hello? Mga sira-ulo kong classmates, sila po. 'Wag n'yo 'kong guluhin, kung ayaw niyong maging incredible hulk ako at magwala. Heto na nga't, step by step na ako sa paglimot. Oo, paglimot. Ang drama, di ba?' himutok niya sa sarili.
Dumating ang araw ng graduation. Nasa football grounds naka-arrange ang mga monobloc chairs. Ang mga parents at spectators ng batch ay nanonood sa grandstand.
Second honorable mention si Shinoah sa buong General Curriculum. Nagbunga ang pagsisikap nito at ni Jecille na Fourth honorable mention sa Tech-Voch Curriculum.
Lutang ang pakiramdam niya sa graduation nila at parang hindi makapaniwala na nangyayari na talaga ang pagtatapos nila. Nag-iiyakan na ang mga kaklase niya habang pinaliligiran ang mga guro nilang gumabay sa kanila sa buong taon samantalang siya'y namamanhid na.
Huminga siya nang malalim, nagdadalawang-isip kung lalapit siya kay Shinoah para batiin ito ngunit parang nabuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niyang parehong nakangiting nag-usap ang mga ito.
Masakit pa rin talaga na ang taong gusto mo kayang pangitiin ng ganoon ng ibang tao. Umalis na siya sa tagpong iyon at lumapit sa pamilya niya na katabi lang ng pamilya ni Berry. Nag-picture sila nang magkasama.
Hinanap ito ng mga mata niya sa gitna ng maraming tao, ngunit, hindi na niya ito maaninag sa dami ng mga tao. Tinatawag na rin siya ng mga magulang niya na hinandaan siya sa bahay.
Hinubad niya ang puti niyang toga. Sa ilalim niyon ay ang uniform na puting blouse at maroon pleated skirt.
Luminga-linga siya, nagbabasakaling makikita ito ulit ngunit hindi pa rin. Nanlabo na rin ang mga mata niya. Huminga siya nang malalim at hinamig ang sarili niya. Paalam. Iba na ang landas na tatahakin natin.
Bagong libro na naman.
At hindi ko alam kung babasahin ko ulit.
Paalam, Noah.
* * *
Bumalik sa kasalukuyan si Daisy nang magpreno ang bus kaya napakapit siya sa yakap-yakap niyang bag. Napahinga siya nang malalim nang maaninag niya ang dagat na nadadaanan ng bus na sinasakyan niya patungo sa siyudad.
Baliw na talaga siya. Dadalo ba talaga siya sa Alumni Homecoming? Napapailing na lang siya. Marami na ng nagbago sa pitong taon niyang pagkawalay sa mga taong naging parte na ng buhay niya.
Hapon na siya nang dumating sa siyudad at salubungin ng maraming sasakyan. Ng mga taong naglalakad sa gitna ng downtown. Mga hilera ng street food. Mga gusali at mga lugar na buong niyang nakita noong kabataan niya.
Sumakay na siya ng taxi at binuksan ang bintana upang masamyo ang hangin ng siyudad. Napangiti siya nang maraanan ng taxi ang eskuwelahan niya noong highschool. Kaydami niyang mga alaala roon, samu't sari at kahit naibaon niya iyon ay bubulaga pa rin nang hindi niya inaasahan.
Nanlalata na siya nang makarating na siya sa bahay ng Tita Emerald niya na katulad pa rin ng dati. Tahimik. Tumambay muna siya sa terasa doon at hinayaan ang mga alaalang nagbalik sa kanya. Natawa na lamang siya nang makita niya ang teenager niya lulan ng bisikleta kasama ang dalawang lalaki sa buhay niya noon na sabay nagpapadyak sa pamilyar na daang iyon.
Handa na ba siyang harapin ang mga ito pagkalipas ng pitong taon?
* * *
"Hey, Daze." It's Lirio. No one calls her Daze except him. Napahawak siya sa dibdib niya nang wala sa oras nang umangat na ang jeep, tinatahak na ang Plaza Housing. Umangat kasi iyon at bigla siyang. Ilang taon ba naman siyang hindi nakasakay sa jeep na iyon na paangat ng uphill. Madalas sa JY lang at sumasakay ng habal-habal.
"I'm sorry." But she's smiling, she even bit her lip to suppress her laugh. Ito ang paraan niya ng pagganti rito. Ang sumakit ang ulo nito sa kakaisip nang ibinigay niya. Paano naman kasi, andami na nitong kalokohang pinaggagawa sa kanya noon. Marahil dahil sa gaganaping batch reunion ay naalala niya ang mga naging atraso nito sa kanya. What she did a while ago was her payback time.
"See you at the batch reunion," he hissed. Mukhang naniningkit ang mga mata nito ngayon. Ibig sabihin, hindi pa ito tapos sa kanya. May nagbago man dito ay ito pa rin naman ang Lirio na kilala niya noon. Hindi nagpapatalo. Mukha mang itong nakakatakot sa ibang tao ay may nakatago pa rin naman ang kapilyuhan nito.
"Great. See you." Siya na mismo ang pumutol ng tawag at ni-silent mode na ang phone. Babasahin kaya nito ang libro na iniwan niya sa Cafe & Restaurant? Pilya siyang napangiti habang tinatanaw ang pamilyar na tanawin sa labas ng jeep.
Nang makababa ay napasimangot siya nang bumungad sa kanya ang slope o downhill kung saan bigla siyang itinulak ng teenager na si Lirio. Mukhang umaatikabong gantihan ang maaaring mangyayari sa kanila sa reunion. Kung noon, hinahayaan niya ito. Puwes ngayon, iba na.
Doon din nagsink-in sa kanya na mas lalo pa niyang nadiin ang kanyang kaibigan. Naku po. Baliw na talaga siya.
She was massaging her head while walking down the slope, seeing the greeneries below. Pakonsuwelo na lang na mahirap iyon ianalisa. For now, hindi na muna niya sasabihin dahil tiyak na malalagot siya rito.
* * *
Isa sa mga paborito niyang alaala noong highschool ay ang sakay siya sa bus na katabi ang inaantok na Noah at ngayon nga'y bumibiyahe na siya patungo sa venue ng Alumni Homecoming na nasa North kung saan nandoon ang hotel and resort na pinamamahalaan ni Jenny Evangelista. Daphne's cousin, her cousin's wife.
Bumuga siya ng hangin at binuksan ang bintana ng bus. Mahaba-haba pa ang biyahe niya at ayon kay Berry, halos magkasabay lang silang sumakay ng bus pero magkaibang transit.
Sinadya nilang magkikita muna sila pagkat suporta nila ang isa't isa sa kung anuman ang mangyari sa Homecoming. Kasama niya sa iisang suite si Berry na mismong request nilang dalawa. Of course, they won't be obvious to their batchmates. May disguises na silang pinlano.
Makalipas ang halos limang oras na biyahe ay nakarating na siya sa destinasyon niya. Panaka-naka siyang natulog sa biyahe at kung minsa'y nakatanaw lang siya sa tanawin sa labas. Unti-unti nang nagsink-in sa kanya ang lahat. Na hinayaan niya ang sarili niyang dumalo roon. Hanggang kailan naman siya iiwas? Dadating pa rin ang panahon na kakaharapin niya ang ganitong tagpo. May punto si Daphne.
Napapangiti na lamang si Daisy nang madaanan niya ang pathway patungo sa beach resort at nang makita niya ang hotel ay tumungo na siya doon. Nakasuot siya ng sombrero kaya kampante siyang hindi siya makikilala ng batchmates. Lumapit siya sa receptionist upang kompirmahin na may reserved suite na siya at hindi pa dumadating ang kasama niya.
"Enjoy your stay, Ma'am!" magiliw nitong sambit sabay bigay sa kanya ng hotel card. Bitbit ang bag niya ay maingat siyang lumakad patungo sa elevator. Luminga-linga, sinisiguradong wala pa siyang nakakasalubong na batchmates niya.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang walang sumalubong sa kanya sa hallway. Tinapat na niya ang keycard sa magiging room nila at binuksan ang pinto. Namangha si Daisy nang makita ang malawak na dagat mula sa bintana ng hotel room.
Mukhang hindi na muna siya lalabas hangga't hindi pa dumadating si Berry. Napagdesisyunan na lang niyang humilata sa kama para ipagpatuloy ang nakaw niyang tulog sa bus.
* * *
"Ha? Kasal? Sigurado ka ba?" nanlalaki ang mga matang maang ni Daisy kay Shinoah. Pagak siya na natawa, kabado sa sinabi nito. "Baka nadala ka lang sa sermon ni Father."
"Hindi. Totoo. Gusto kitang pakasalan," mariin nitong pahayag, hinuhuli ang mga mata niya at nandoon na naman ang tingin nitong parang siya lang ang babaeng nakikita ng mga mata. Walang awat sa pagtibok ang kanyang puso at nanginginig ang mga kamay niya. Bakit sa ganitong pagkakataon pa? Bakit sa panahon pang nahihirapan siyang iahon ang sarili niya?
"B-bakit? Pero . . . Seryuso ka ba? Noah, 'wag ka namang magbiro. Hindi nakakatuwa." Uminit ang mukha niya at naitakip niya ang bibig niya dahil hindi pa rin siya makapaniwala. Humakbang ito papalapit sa kanya, hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin.
"Hindi ako nagbibiro. Totoo. Gusto kitang pakasalan dahil mahal kita. Mahal kita, Mako. Kung hindi ka naniniwala dahil sa mga nangyari, gusto kong hayaan mo akong patunayan iyon." Natutop niya lalo ang bibig niya. May kung anong sensasyon na kumakalat sa sikmura niya. Oo, masaya siya pero bakit may bahagi sa puso niyang nasasaktan siya? Bakit bumalik pa ito sa panahong gulong-gulo siya sa sarili niya.
Dahil sa panghihina ay napaupo siya sa tiled floor ng pilgrim center ng Basilica. Hinamig niya ang sarili niya at inisip nang maigi ang sagot niya rito.
Diyos ko, totoo ba 'to? Bakit ganoon? Di ba dapat masaya ako ngayon? Bakit parang may napiga sa 'kin?
Seryusong tao si Noah. Hindi ito magbibitiw ng salita na biro lang para dito. Oo, gusto ng puso niyang tanggapin ito ng buong-buo at bigyan ito ng pagkakataong patunayan sa kanya ang damdamin nito ngunit sa estado niya ngayon ay hindi niya iyon magawa.
"Tumayo ka na d'yan." Akmang alalayan siya nito para tumayo pero pinanlisikan lang niya ito ng mga mata.
"Heh! Kasalanan mo 'to!" Umirap siya at sinikap na tumayo. Baliw na siya sa magiging desisyon niya at alam niyang dadating ang panahon na magsisisi siya at hindi na niya mababawi ang ganitong pagkakataon. How could she accept it when she's too scared of the possibilities, the negative ones?
Parang puputok na siya sa sobrang saya na may halo nang kalungkutan. Mula nang makita niya ito ulit ay nagkakagulo na naman ang sistema niya, napuyat siya sa kakaisip rito, distracted siya sa eskuwela at unti-unti siyang binalikan ng symptoms niya. Paano kung hindi nito matanggap na mayroon siyang diperensiya sa mentalidad niya? Paano kung makaapekto siya rito at ayaw niyang maging hadlang sa pagsisikap nitong abutin ang pangarap nito? Ayaw niyang maging hadlang. She wants him to soar high, to earn his sacrifices in life.
"Noah, I'm sorry." Naitakip niya ang mukha niya nang mabasag ang boses niya. "Pero hindi ko kaya. Hindi pa ngayon. Hindi ko pa kaya ngayon." Natigilan ito sa biglaang outburst niya at pilit niyang umapuhap ng mga salitang sasabihin. "Mahina ako pagdating sa ganito at di ko pa kayang mag-risk ng emotions kasi . . . kasi di pa talaga ako magaling, Noah. Gulong-gulo pa ako ngayon, nalilito ako sa sarili ko kung kaya ko bang panindigan at ayokong maapektuhan niyon ang damdamin ko para sa 'yo pero . . . hindi sapat ang pagmamahal natin di ba? Kasi . . . tinatanong mo ako ng kasal . . . ng commitment . . . I'm sorry, Noah. Not this time." Patuloy lang siya sa pagluha, hinayaang pumatak iyon sa sahig.
Ang gulat na rumehistro sa mukha nito ay napalitan ng nang-uunawang tingin saka ito tumango. Naging mas malalamlam ang mga mata, unreadable again and flash of emotions could be seen but only lasted for seconds. She's sorry for hurting him this way. "Maghihintay ako."
"No! 'Wag ka nang maghintay," pilit siyang ngumiti rito at suminghot. Napakurap-kurap siya para hawiin ang paglabo ng kanyang mga mata sa pagluha. "'Wag mong ikulong ang sarili mo sa 'kin. Mabuti kang tao. Marami ang magmamahal sa 'yo nang higit pa sa 'kin."
* * *
Napabalikwas ng bangon si Daisy, malakas ang tibok ng puso at dahil disoriented pa ay naghulog na siya nula sa hinihigaan niyang kama. Marahas siyang napailing at tinapik ang mga pisngi. Rumaragasa ang mga alaala niya ngayong haharapin na niya ang lahat. Siguro, naging paranoid lang siya lalo dahil doon kung kaya't minumulto siya ng kahapon. Nahila niya ang kumot sa sarili niya at nanghihinang napasandal sa pader.
Sa pagkakataong iyon na bahagya siyang nagpa-panic ay bumukas ang pinto ng hotel room niya at iniluwa niyon si Raspberry na parang nakakita ng multo.
"Daisy!"
"Berry!" Tila nakakita siya ng karamay at kaagad na sinalubong ito ng yakap.
"Nakasabay ko si Lirio." Napahiwalay siya rito at napahawak sa mga balikat nito. Mukha itong pagod. Naibaba nito ang bag sa sahig at pabagsak na umupo sa kama. "Sa bus."
"Ha? May sarili naman 'yung sasakyan. Ba't naman siya sasakay ng bus?" takang tanong niya at tinabihan ito ng upo.
"Hindi ko rin alam. Nakita ko lang siyang lumulan ng bus na sinasakyan ko patungo rito. Dito rin kasi ang destinasyon niya," paliwanag nito at napabuntong-hininga na lang.
"Nakita ka ba niya sa bus?" Saka lang ito lumingon sa kanya na may pag-alala sa mukha.
"I don't know. Malapit lang ako sa bintana at nakasuot ako ng sunglasses. Isa pa, he didn't see me for years to recognize me that easy. Natagalan ako dahil hindi ako bumaba sa municipality. Ayokong makasabay siyang bumaba ng bus at makilala pa niya ako."
"Ang importante, wala siyang kaide-ideya na ikaw ang author ng libro kung saan siya ang hero. Kahit hints sa libro, di niya mahahalata na ikaw, di ba? Gaga ka, bakit di ko nahalata noong highschool tayo. Di ka man lang nagsabi sa 'kin na gusto mo na pala si Lirio," nagtatampong sambit niya at tumayo sa harap nito. Nasapo lang nito ang noo.
"It's not that important. It was just a puppy crush, okay? And it was eons ago. Marami nang nagbago ngayon," katwiran pa nito. "I felt like I want to rest all day. Ikaw? Bakit nakita kitang nagtalukbong ng kumot sa sahig? You weren't that comfortable of attending this forsaken Alumni Homecoming, right?"
Napapangiwing napatango na lamang siya rito.
"Right, we are just crazy to attend this batch reunion." Natawa siya ngunit nandoon pa rin ang uncertainty. "Sometimes, I kept convincing myself that I only attended this because of how nice the resort is. Yeah right."
Kagaya nito, kinombinsi nga niya ang sarili nang paulit-ulit ngunit hindi pa rin siya nakombinsi. Mas lalo lang siyang mafru-frustrate sa kaiisip.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top