Chapter 2- Chat
Kenshin
This is why I hate taking commercial flights kahit pa business class. Sobrang galaw ng katabi ko... at ano ba ang pinapanood nito? Mga Korean?
"Can you please, stop moving?" Malapit na kitang sakalin.
"Sorry?" Inalis nito ang headphone at tumingin sa akin na nagtatanong ang mga mata.
"Are you saying something?"
"I am trying to work in here. Stop moving like you are a worm soaked in vinegar." Naiinis na sagot ko sa kanya.
I don't have anything against high maintenance people. Lumaki rin ako sa pamilya na may pera kaya alam ko at naiintindihan ko ang luxury ng mga kabataan. Nagdaan din ako sa ganyan, until I earned my own money. And boy, it's very hard to earn for your own.
"This..." tinuro ng katabi ko ang pagitan namin. She draw an imaginary line. "...is my space. Whatever I do with my space is my business. Hindi kita pinapakialaman, Mister."
"You really don't know the word CONSIDERATION, don't you?"
"Oh, I know it alright. It's a noun, means thoughtfulness of others." Sarcastic na sagot nito sa akin.
Smart ass...
"If you really don't like being bothered by even my existence, why not fly your own jet?" Dagdag pa nito.
"I will, next time," I replied with equal sarcasm.
Laking pasasalamat ko ng makatulog ang katabi ko kaya nakapagtrabaho na ako ng maayos. Although tinutulungan ako ni Raiden sa company, hindi pa siya fully into it talaga. Pasulpot-sulpot lang siya sa opisina. At si Ate Sakura, mas gusto na niyang maging Shadow... Ayaw niyang humawak ng company. Hindi daw siya lalaki. Alam kong ginagamit niya lang excuse iyon. We are not traditional Japanese family na dapat lalaki lang ang hahawak ng company. Hindi nga kaming purong Japanese. Quarter na lang ang dugo namin na Japanese. Mas nangingibabaw ang dugong Pinoy sa amin. And the responsibility falls in me. Tinutulungan pa naman ako ni daddy, but the major decisions, ako na ang gumagawa.
Tiningnan ko ang schedule ko na pinadala ng assistant ko through email. Kung ganitong palipat-lipat ako ng bansa, kailangan ko talaga ang eroplano. Kung bakit kasi ayaw ni Kuya Carlos ng international flights? At ayaw ko naman ang mga nirerefer niyang mga piloto sa akin. Hay, tangina Lego, kailan ka uuwi?
After three hours, 23 minutes and 45 seconds and counting, gumalaw na ang katabi ko at nag-inat.
"Ahhh, refresh." Sabi nito. Nahinto siya sa paghigab ng mapatingin sa akin at binaba ang mga kamay.
"Ahh.. Excuse me, can I pass?" Tanong niya. She didn't waited me to answer. Tumayo siya at bitbit ang bag na nasa paanan. Dumaan sa harapan ko at nagmamadaling pumunta sa toilet. Hindi niya napansin na nalaglag ang laptop ko na nasa table na nasagi ng bag niya.
"Christ..." I murmured bago ko binalik ang laptop na nasapo ko.
My phone that is connected to the aircraft wifi, pinged.
Lego: Kamusta si Rose?
Ken: Buhay pa.
I rolled my eyes. Isa pang tanga... Hay, tinamaan ka ng magaling, Lego.
Lego: Good. May nanliligaw ba?
Ken: Ako!
Lego: TANGINAMO KA...
Natawa ako ng bahagya.
Ken: Wala ka eh. Makupad ka. Para kang pagong.
Lego: (typing)
Ang haba yata ng tina-type.
Lego: Ken, huwag ka ng gumaya kay Noah, hayop ka. Hindi magandang biro yan. Uuwi ako... Putangina, uuwi na ako.
Ken: Hahaha, ulol. Umayos ka. Hindi ka mabiro gago.
Lego: Hayop ka. Aatakihin ako sa puso sayo.
Ken: Akala ko ba si Rose lang ang may sakit sa puso? Nahawa ka na?
Lego: On serious note, inaatake pa ba siya?
Ken: Not that I know. Huwag naman sana.
Napahinga ako ng malalim.
Hindi ko kayang isipin na may mamamatay pa sa kamay ko. May dahilan nga siguro kung bakit hindi ako sumunod sa yapak ni mommy. I can't... stand... death.
Lego: I still have a few flights that I need to finish. Uwing-uwi na ako.
Ken: Tapusin mo muna Lego. Hindi naman aalis si Rose.
Lego: Pero baka wala na akong babalikan...
Ken: Kasalanan mo yan. Tanga ka eh.
Lego: Gago... Ipamukha mo pa.
Ken: Ipapamukha ko sa iyo pag-uwi mo. Wala ka bang pinormahan man lang ba sa US?
Lego: Wala... Di ko masikmura.
Ken: Nice. Ang bait naman.
Lego: Matino naman ako. Ako nga ang niloko dati.
Ken: Akala ko naka-move on ka na?
Lego: Oo pre... kaya nga ready na akong harapin si Rose.
Ken: GOODLUCK.
Lego: Tangina, kinabahan ako. Caps Lock pa. Sobrang galit ba siya?
Ken: Hahaha... Bye Lego. Istorbo ka sa trabaho.
Lego: LOLS... saang lupalop ka ba ng mundo ngayon?
Ken: OTW sa Japan.
Lego: Ge, ingat J-POP.
Ken: Namoka.
"Excuse me ulit."
Napatingin ako sa babae na dumaan na naman sa harapan ko at nasagi na naman ang laptop.
"Oppss... Sorry." This time nasapo niya ito at inilapag sa table.
Pagkaupo niya sa tabi ko, tumawag agad siya ng Flight Attendant at humingi ng maraming pagkain. Oh Lord, patulugin nyo siya ulit ng makapagtrabaho ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top