Chapter 34: Breaking Newer Grounds

Touchdown!

See below this chapter for more info. Char!

xoxo :)

***

"A few months ago, the showbiz industry was agog with the news that celebrated wunderkind Kyle Obregon didn't renew her directorial contract with RGF films.

Insiders were baffled as to what the real reason was for the non-renewal.

There were news that the director had nothing else to offer and experienced burnout from doing the same movies over and over.

There were rumors that she and RGF couldn't agree on the terms for the new contract, something that wasn't entertained by both camps.

When it was confirmed that Kyle was taking on something new, a project she always wanted to do, everyone involved in the production was tight-lipped.

When a blind item of her involvement with the scriptwriter came out, the very private director neither confirm nor deny anything.

It was only during the premiere of Mintonette , in a very rare moment of vulnerability, did the acclaimed director admit the relationship between her and the scriptwriter, Maria Zaragosa.

When I invited Kyle for another interview, the person who sat across from me was oddly different from the one I interviewed months ago.

She was smiling more.

There was a relaxed air about her and an excited glimmer in her eyes.

Something that was absent during her first guesting.

When I asked if it was love that was responsible, a smile lit up her angelic face.

That simple gesture was a testament to the power that love wields to whoever was courageous enough to let it in."

"What do you think of the interview?" Kinuha ni Kyle ang remote at pinatay ang TV.

Nasa sala kami isang hapon habang nasa labas si Henry at nakikipaglaro ng habulan kay Maico at Rico.

Tinuturuan niya ang dalawa ng fetch pero mas gusto ni Maico na umupo sa pool chairs kesa makipagharutan sa kanila.

Six months ago, pagbalik niya galing sa New York Film Festival kung saan kasali ang Mintonette sa line-up ng mga pelikula, nagpropose si Kyle.

Pwede daw bang maging permanent contract star sa puso ko?

Nasa compound kami nun at pinagluto ko siya ng Lucky Me Pancit Canton na may dalawang hard boiled na itlog kasi iyon daw ang gusto niyang kainin.

Muntik tuloy akong mapaso dahil noong nagtanong siya eh sinasala ko ang noodles.

Tinanong ko siya kung hindi ba siya nabibigla?

Saglit pa lang kami nagkakilala.

Paano kung may mga bagay siya na hindi magustuhan sa akin?

Ang sagot ba naman niya eh, paano daw kung ganoon din ako?

Tama nga naman siya.

Sabi nga, it takes two to tango.

Kahit hindi ako marunong magsayaw ng tango o kung anumang latin dances, dalawa kami sa relationship.

Pinaalala ko din sa kanya na nandiyan si Henry.

Ang sabi ni Kyle eh kinausap na daw niya ang kapatid ko.

Nagtanong siya dito kung okay lang na siya ang maging mainstay sa buhay naming dalawa.

Ang sabi ni Henry, wala daw problema sa kanya.

Pero tanungin daw ako kung gusto niyang makasigurado.

Tinukso ko siya na sala ang timing niya.

Na hindi man siya naghintay na maihain ko sa kanya ang pagkain.

"I've been thinking about this while I was in New York." Inalis niya ang tingin sa binabalatang itlog.

"Sigurado ka na ba talaga sa gusto mong gawin?"

Sinalin ko sa plato ang noodles at binudbod ang mga seasonings.

"I'm sure. Ikaw ba? You don't want to live with me?"

"Hindi naman sa ganun. Pero paano kapag nalaman ng daddy mo na sa inyo kami nakatira? Baka magalit iyon sa'yo."

"My dad has been pretty much absent in my life for as long as I can remember."

"Kahit na. Sa tingin ko, mas mabuti ng alam niya na may kasama ka na sa buhay at sa bahay mo kesa magulat na lang siya bigla kapag nakita kami ni Henry."

"Are you sure you that's what you want?" Naghugas siya ng mga kamay.

Pagkatapos ay sabay naming dinala ang pagkain sa lamesa.

"Oo naman."

Hinila ni Kyle ang isang upuan at pinaupo muna ako bago siya pumuwesto sa hapag kainan.

"Alam mo, kung anuman ang maging reaksiyon ng daddy mo sa desisyon mo, mas mabuti ng alam niya. Kahit hindi kayo masyadong close, matutuwa din iyon na hindi mo nakalimutang magsabi sa kanya. Mahalaga pa din ang magpakita ng respeto."

"If that's what you want, bae, that's what I will do."

Isang linggo pagkatapos ng usapan namin na iyon, tumawag si Kyle.

Nag-usap na daw sila ng daddy niya.

Noong una, nagulat ito ng malaman na may girlfriend na siya.

Nang magsabi siya na niyaya niya akong pumisan sa bahay niya, medyo nahigh-blood nga daw.

Pero pinaliwanag naman niya na pareho kami na nasa tamang edad at pag-iisip sa gusto naming gawin.

Well, knowing Kyle, siguradong English ang pagkakasabi niya pero ganun na din ang gusto niyang ipahiwatig.

Para daw sigurado na wala kaming makalimutan, niyaya niya ako na puntahan ang nanay-nanayan niya na si Mommy Chato.

Hindi ko pa namimeet ang matriarch ng Royal Gem Films pero ng pinakilala ako ni Kyle, sinabi niya sa akin na ako pala ang sumulat ng huling movie na ginawa ni Kyle.

Baka daw meron pa akong mga script na naitatago dahil naghahanap sila ng mga bagong material.

Wala akong script.

Pero sinabi ko kay Mommy Chato na kung meron ay ipapahatid ko kay Kyle.

Diniretsa din niya ako na baka gusto kong magtrabaho sa production company nila.

Ang sagot ko? Pag-uusapan namin ni Kyle.

Pagkatapos kasi ng premiere ng Mintonette, kinausap ako ni Neri.

Nag-offer siya ng work sa Spring Rain bilang writer.

Sinabi niya na hindi masyadong malaki ang sweldo at sa loob ng isang taon eh dalawang movie lang ang ginagawa nila.

Pumayag ako bilang freelancer.

Okay naman sa kanya dahil hindi daw sila tulad ng RGF na may malaking budget para sa mga writers nila.

Kinausap ko si Kyle tungkol dito tutal siya naman ang may alam sa mga ganitong bagay.

Sinabi niya na pagdating daw sa stability, siguradong lamang na lamang ang RGF.

Pero pagdating naman sa creative control, di hamak na doon magaling ang Spring Rain.

Tanungin ko daw ang sarili ko kung ang pagsusulat ang gusto kong gawin full time?

O baka gusto ko daw na maghanap ng day job tulad ng ginagawa ko sa electronics company at gawing sideline ang pagsusulat?

"You have a lot of options. The choice is yours."

Pagkatapos ng ilang araw na pagmumuni-muni, nagpasya ako na maging freelance writer para sa dalawang kumpanya.

Payag naman si Mommy Chato.

Naghanap na din ako ng trabaho online para bago kami lumipat ni Henry sa bahay ni Kyle eh kahit papaano ay nakapaghanda na ako.

Nang sinabi ko kina Mang Nelson at Aling Ligaya na aalis na kami, nalungkot ang mag-asawa.

Tinanong pa nila ako na sigurado na daw ba ako sa desisyon ko na makisama kay Kyle?

At kapag may ginawa daw na hindi maganda si Kyle, anytime ay pwede kaming bumalik.

Sinabi ko na wala silang dapat ipag-alala dahil mabait naman talaga si Kyle.

Bago ako magpasa ng resignation letter, sinabihan ko na agad si Mommy Lucing.

Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman niya.

Buti na lang daw at malapit na siyang magretire dahil siguradong mamimiss niya ako.

Balak niya ding pumunta sa Canada para makapiling ang mga anak niya.

Pinaalalahanan niya ako na laging mag-iingat at huwag makakalimot sa kanya.

"Don't worry, My. Araw-araw ko kayong kukulitin sa Facebook Messenger.

Lungkot at excitement din ang naramdaman ni Henry.

Pero timing na din siguro ang proposal ni Kyle dahil pumasa siya sa entrance sa UP-Diliman.

Kung sakali, ako lang pala ang maiiwan sa Cavite.

Kinausap ko din si Krista.

Nagpaalam ako sa kanya.

Nalungkot din siya at sinabi na baka lumipat na din siya sa Maynila.

Nahihirapan na din daw kasi siyang magbiyahe dahil sa traffic.

May padespedida party sina Mang Nelson at Aling Ligaya bago kami umalis.

Nandoon si Kyle at hindi pala siya marunong kumanta.

Aliw na aliw sa kanya ang mga kapitbahay dahil sa sintonado siya.

Game na game naman na pinagbigyan niya ang mga bisita.

Anim na buwan ang lumipas bago napagbigyan ni Kyle si Roslyn na mag-guest ulit sa show nito.

Bukod kasi sa naging abala sa mga international circuit sa pagpopromote ng Mintonette, may pelikula na siya agad na naghihintay sa RGF.

Hindi na din siya pumirma ng kontrata.

Mas pinili niya na maging freelancer.

Hinahati niya ang oras sa Spring Rain at RGF.

Wala ding problema kay Mommy Chato.

Ang mahalaga daw ay makita niyang masaya ang anak-anakan niya.

"Mukhang in-love na in-love ka." Tukso ko sa kanya.

Nakaakbay siya sa balikat ko at nakapatong naman ang mga binti ko sa kandungan niya.

"But I am in love." Hinalikan niya ang puno ng tenga ko.

Nakiliti ako at bigla ko siyang nahampas sa braso.

Tawa lang ng tawa si Kyle sa reaksiyon ko.

Pati tuloy ako natawa na lang din.

Tama si Roslyn sa sinabi niya.

Ang mga ngiti sa mukha sa mukha namin ang patunay sa kapangyarihan ng pag-ibig.

Pero hindi naman ito nangyari kung hindi kami naglakas ng loob.

Kung hindi namin isinantabi ang pride, kung hindi namin binigyan ang chance na kilalanin ang isa't-isa, baka hindi natapos ang Mintonette.

Baka walang Maria sa buhay ni Kyle Obregon.

FIN

***

It's a very special day today.

So special that I slept in. Regalo ko sa sarili ko :)

Alam ninyo na kung bakit dahil I've been doing updates everyday for the last twelve days.


The other reason that makes this memorable is because it officially marks my fifth year of writing for Wattpad.

Five years ago today, I was looking for my dream that I haven't crushed (and lupit ano?)

Well, more like a dream I haven't given up on.

Writing was one of them.

It was a rough start but I had so much fun. I'm still having fun.

Along the way, I met people who became friends.

The song I chose for this chapter was a suggestion from a friend.

She was right. It made me happy listening to it. It made me dance. I love to dance.

Thanks MillsHunsaker.


I would also like to take this chance to thank everyone who read, voted and commented on Off-script.

When I wrote this, I was suffering from a severe case of self-doubt. Haha!

It sounds so funny now when I think about it.

Does this mean I write better when I'm doubting my skills? Just thinking out loud, peeps.

Salamat sa mga long time readers na nakita ko ulit.

It's like a reunion kapag nakikita ko ang mga tao na matagal ng nagtitiyaga sa mga pinaggagagawa ko :)

Then to all the silent readers, thanks a lot.

I know you're there.

Sana po eh napapasaya kayo ng inyong abang lingkod.


I have a week-long break as another gift to myself.

Maghahanap na naman ako ng iaalay sa inyo.

Pagbalik ko, magkita-kita po tayo ulit.

Marami pong salamat :)

LCCervantes :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top