Chapter 9
MAHIGIT tatlong taon ang lumipas.
Sa loob ng tatlong taong paglalagi ni Savanna sa US ay nakaipon din siya ng malaking halaga. Libre ang pagtira niya sa bahay ni Dean kasama si Summer, ang tatlong taong gulang niyang anak na babae. Pero kahit libre, nakikihati siya sa gastusin. Nahihiya na rin siya sa kuya niya.
Okay naman siya sa kanyang trabaho pero dumating pa rin ang panahon na hinahanap niya ang Pilipinas. Nagdesisyon siya na bumalik sa Pilipinas. Hindi na rin kasi siya komportable sa ibang kaanak ni Dean na nakikialam sa business nito.
"Are you sure you want to go home, Savi?" kompirma ni Dean.
Naroon na sila sa salas ng bahay nito at magkaharap na nakaupo sa sofa. May hinihintay silang bisita na businessman ding kaibigan ni Dean.
"Yes, Kuya. Gusto ko namang maranasan mabuhay na walang sinasandalan. Isa pa, simula noong dumatin ako rito hindi ko masyadong nakakausap si Tita Mylene."
"Well, that's good to you. Basta ang pangako mo sa akin, ah."
Matabang siyang ngumiti. Nangako siya kay Dean na kakalimutan na niya si Hance. Though she had a hard time to do her task, she thinks she made it. Hindi na niya masyadong naiisip si Hance. Pero sadyang hindi ganoon kadaling malimutan nang tuluyan ang binata lalo pa't nag-iwan ito ng mahalagang alaala sa buhay niya, si Summer, na kopyang-kopya ang mukha nito.
"Yes, Kuya," sabi na lamang niya.
"Good."
Maya-maya ay may bumusinang sasakyan sa labas. Naunang tumayo si Dean. Kinabahan siya. Ang kaibigan na malamang iyon ni Dean na inirereto sa kanya. Napatayo siya at inayos ang kanyang sarili. Talagang nagbihis siya ng peach maxi dress at nagpahid ng light red lipstick. Half-Filipino-Australian daw ang kaibigan ng kuya niya at maraming business sa Pilipinas.
Napatingin siya sa main door nang salubungin ni Dean ang matangkad na lalaki na nakasuot ng abuhing tuxedo. Clean cut ang buhok nito, neat, hunk, gorgeous, and stunning. Ang tikas nito ay parang sundalo, maskulado, katamtaman ang kaputian pero halatang mistiso. Six footer din malamang kasi kasing tangkad ni Dean.
"The dinner is ready," sabi ni Dean sa kaibigan.
"Oh, I thought we would just talk about the business," sabi ng lalaki. Sinipat siya nito.
"Yes, we will discuss it over dinner."
Pagkuwan ay tinawag siya ni Dean. Lumapit naman siya sa mga ito. Napako na sa kanya ang malagkit na titig ng lalaki.
"So, is she your half-sister?" pagkuwan ay tanong ng lalaki kay Dean.
"Yes, she's Savanna Hilton," turan ni Dean saka humarap sa kanya. "Meet Cade Alcantara, Savi, we're friends since college in Oxford University," pakilala ni Dean sa kaibigan.
Na-amaze siya. Naiilang na ngumiti siya kay Cade. He extended his right hand to reach hers. Humawak naman siya sa kamay nito. Banayad nitong napisil ang kamay niya habang walang kurap na nakatitig sa kanyang mukha. His smile was sharp but seductive. Nag-init ang kanyang mukha.
Nagulat siya nang dalhin nito ang kamay niya sa bibig nito at pinatakan ng pinong halik sa likod. Napadalas ang pagsinghap niya.
"My pleasure to meet you, Savanna. Your brother was right, you're beautiful and simple," masuyong wika nito saka binitawan ang kanyang kamay.
"Nice to meet you, Cade, and thank you," turan niya.
Naiilang siyang makipagtitigan dito. Para kasing hinuhubaran siya ng tingin nito. Nagandahan lang siya sa blue eyeballs nito.
"So, let's proceed to the dining room," pagkuwan ay apela ni Dean.
Sabay-sabay na silang pumasok sa dining room kung saan nakahain ang masasarap na putahe. Mabuti na lang maagang nakatulog ang anak niya kaya walang makulit.
Nakikinig lang si Savanna sa paksa ng dalawang lalaki. Katabi niya sa upuan si Cade, habang kaharap naman nila si Dean. Tungkol sa business ang paksa ng mga ito. Na-amaze siya sa profile ni Cade. May-ari pala ito ng airline company at international maritime company. Walang panama ang yaman dito ng kuya niya.
Nagtapos sa Oxford University si Cade sa kursong business management, major in marketing. Pinoy ang tatay nito. Ang nanay nito ang Australian na nag-iisang anak ng mag-asawang politician at negosyante. Kapitan sa barko ang tatay nito na nagmula rin sa mayamang angkan sa Pilipinas. May tatlong kapatid na babae si Cade, ito ang nag-iisang lalaki at bunso kaya halos sinalo nito ang mana. Kaedad lang ito ni Dean, at super close friend.
"Uuwi ka raw ng Pilipinas, Sav?" tanong sa kanya ni Cade, nang iwan sila sandali ni Dean.
Dessert na lang ang kinakain niya. Si Cade naman ay sumisimsim ng red wine.
"Yes, next week sana," tugon niya.
"Tamang-tama, pauwi rin ako ng Pilipinas. Inasikaso ko lang ang branch offices ko rito pero sa Pilipinas talaga ako naglalagi, sa Pasay City. Do you have a plane ticket?"
"Uhm, magbo-book pa lang sana."
"Huwag ka nang mag-book. Sumabay ka na sa akin in my VIP flight. I have a private plane for a business trip that available for rent. Of course, it's free for you."
Lalo siyang nailang kay Cade. "Nakakahiya naman sa 'yo," aniya.
Kumislot siya nang hawakan ni Cade ang kanang kamay niya na may hawak sa kutsara. Matamang napatitig siya rito.
"It's okay, Sav. I feel your anxiousness. Dean tells me that you have a daughter," anito.
Marahang binawi niya ang kanyang kamay. "Yes, she's three years old now."
"Where's her father then?" usisa nito.
Bumuntong-hininga siya. "Matagal na kaming hiwalay," tugon niya.
"Are you married to him?"
"No. Naging magkasintahan lang kami."
"So, what happened?"
Nababalisa siya. Sa tuwing napag-uusapan si Hance ay para siyang idinadarang sa apoy. Hanggat maari ay ayaw niyang magkuwento.
"Hindi lang talaga nag-work ang relationship namin," sabi na lamang niya.
Mabuti dumating si Dean dala ang makapal na folder ng papeles.
Nang busy na naman ang dalawang lalaki ay nagpaalam na siya sa mga ito. Pumasok na siya sa kuwarto nila ni Summer. Masarap na ang tulog ng anak niya sa kama. Nakatihaya pa ito habang nakaawang ang bibig. Lumuklok siya sa tabi nito at hinagkan ito sa noo.
Habang nakatitig siya sa maamong mukha ng kanyang anak ay bigla na lang sumagi sa balintataw niya si Hance. She can't help but think about his condition. More than three years wasn't enough to forget him. Kumusta na kaya si Hance? Gumaling na kaya ang amnesia niyon?
NA-SAVE ang pamasahe nila ni Summer sa eroplano dahil libreng sakay sila sa VIP flight ng eroplano na pag-aari ni Cade. Bago sila naghiwalay ni Cade sa airport, binigyan siya nito ng calling card at appointment letter na walang expiration. Kapag daw gusto niyang magtrabaho sa kumpanya nito ay mag-report lang siya sa opisina nito.
Lulan na sila ng taxi ni Summer. Nakatulog ang anak niya sa kanyang kandungan. Nabinbin sila sa mahabang traffic sa Edsa. Alas-onse na kasi ng umaga kaya lalong bumigat ang daloy ng trapiko.
Inip na init na siya. Halos tatlong oras na silang hindi umuusad. Napasilip siya sa labas buhat sa bintana. Napatingala siya sa mataas na gusali na may higanteng billboard ng isang lalaki na nakasuot lamang ng itim na denim at puting long sleeve polo na hindi nakabotones kaya nakaladlad ang six pack abs. Sikat na brand ng kotse ang iniindorsyo nito.
Kumurap-kurap siya nang makilala niya ang lalaki. Tila may kung anong bumundol sa dibdib niya nang matanto na si Hance ang model. Lalong lumaki ang katawan nito at gumuwapo sa clean cut na buhok.
Kumislot siya nang umusad na ang taxi. Special trip iyon hanggang sa bahay niya. Halos magkandabale ang leeg niya sa kakalingon para hindi maalis sa paningin niya ang billboard. Sa sumunod na mga higanteng gusali ay may billboard ulit si Hance pero may kasama nang magandang babaeng modelo. Brand pa rin ng kotse ang iniindorsyo ng mga ito.
Nakasandal sa harapan ng kotse si Hance habang katabi nito ang babae na naka-red slim gown, nakalapat ang kamay sa dibdib ng lalaki. Hindi pamilyar sa kanya ang babae pero halatang may lahi rin itong banyaga.
Saktong nagising si Summer ay lumuwag na ang traffic.
"Mommy I'm hungry," reklamo nito.
Malayo pa sila sa bahay. Pinahinto muna niya ang taxi sa fast food chain. Bumaba silang mag-ina at pumasok sa loob. Gusto ng anak niya ng spaghetti kaya iyon ang binili niya. Bumili rin siya ng hamburger at fries.
Pagkatanggap ng pagkain ay lumabas kaagad sila at bumalik sa taxi. Binilhan din niya ng meryenda ang driver. Tumambay muna sila sa parking lot dahil kumakain si Summer. Sinusubuan na niya ito. Ayaw naman nitong mag-stay sila sa loob ng restaurant.
Naubos nito ang spaghetti. Pumapak din ito ng potato fries. Nagmaniobra na rin ang driver. Marami nang sasakyang pumarada sa parking lot kaya busy ang guwardya sa pag-assist ng parating. Palabas na sila ng garahe nang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Napabilis ang pag-atras nila. Namanhid daw kasi ang kamay nito.
Mamaya ay umalog nang husto ang sasakyan. Napatili siya at niyakap ang kanyang anak. Mabuti wala pa sila sa gitna ng kalsada. Umingay ang mga busina ng sasakyan sa labas. Nagulat siya nang may kumalampag sa bintana ng taxi sa gawi ng driver. Nakahinto na sila. Tumalilis kaagad ang driver at hinarap ang lalaking naka-polong bughaw, galit na galit. Ito ata ang driver ng sasakyan na inatrasan nila.
Napansin niya na namumutla na ang driver ng taxi. Malaki ata ang damage ng kotse na ninundol nito. Bababa sana siya pero ayaw kumalas sa kanya ni Summer. Mahigpit ang yakap nito sa kanya, nanginginig.
Nang lumala pa ang tensyon sa labas ay nagdesisyon na siyang bumaba. Napatingin siya sa likurang itim na limousine na may yupi sa harapan. Nalaglag ang panga niya. Ang laking gagastusin nito. Kaya pala nanginginig ang driver ng taxi.
"Pasensya na po talaga, sir, hindi ko po nakontrol ang manibela kasi namanhid ang kamay ko," depensa ng taxi driver.
"Sa boss ko ikaw magpaliwanag," galit na sabi ng limousine driver.
Nakialam na siya. "Baka ho mabigyan n'yo kami ng sapat na oras para maayos ang problema. Sasagutin naman namin ang pinsala, kailangan lang muna naming makauwi kasi ang anak ko hindi sanay mabinbin sa ganitong lugar," pakiusap niya.
Iniwan sila ng driver ng limousine at kinatok ang amo nito na naroon lang sa loob ng sasakyan. Ang tagal pang bumaba. Naghihintay sila. Mabuti nasa gilid na sila ng kalsada, walang nakaabala sa traffic.
"Mommy, I'm scared," angal ni Summer.
"Just a minute, baby, we're going home," alo niya rito. Nakabaon ang mukha nito sa leeg niya.
Mamaya ay bumalik ang limousine driver kasunod ang matangkad nitong boss, naka-amerikana at may suot na oversize sunglasses. Natigilan si Savanna nang makalapit sa kanila ang boss. Pamilyar sa kanya ang buong presensya nito.
Nang magtanggal ito ng sunglasses ay para siyang natuka ng ahas, naistatwa siya. Pakiramdam niya'y naglaho lahat ng tao sa paligid niya at silang dalawa lang ng lalaki ang naroon. Awtomatikong tumulin ang tibok ng kanyang puso.
"Mommy I wanna go home," reklamo ni Summer, na siyang nagbalik ng isip niya sa realidad.
Hindi siya binabangungot. Totoong kaharap niya si Hance. Nabaling ang tingin nito sa anak niya. Pagkuwan ay muling tumitig sa kanyang mukha. Pinagpapawisan siya nang malamig.
"Stop arguing, Gaston. Don't force them to pay for the damages," pagkuwan ay sabi nito sa driver pero hindi maalis ang tingin sa kanya.
Tumahimik ang driver nito. Bigla naman siyang inalipin ng kanyang pride.
"No, I will pay for the damages. Iuuwi ko lang ang anak ko, then sasama ako sa pagpapaayos ng kotse mo para sagutin ang gastusin," aniya.
"Huwag ka nang mag-abala, Miss. Keep your money and go home safe," sabi lang ni Hance saka siya tinalikuran.
Hindi inaasahan ni Savanna ang banayad na kirot na nabuhay sa kanyang puso. Bakit ganoon? Hindi na ba siya kilala ni Hance? O baka magaling na ang amnesia nito at bumalik sa panahong hindi na siya nito maalala. Nakatanaw lang siya sa sasakyan nito na papaalis.
"Mabuti na lang mabait si Hance De Silva. Abswelto tayo, ma'am," sabi ng driver. Mukhang kilala na ng lahat ng tao si Hance.
Walang imik na pumasok na lamang sila sa taxi. May damage rin sa likuran ng taxi kaya dinagdagan niya ang bayad sa driver para pampaayos nito. Mabuti pag-aari nito ang taxi.
Pagdating sa bahay niya ay sinalubong kaagad sila ni Rosalie. Alam na ng mga ito na darating sila. Dalaga na si Rosalie. Naghanda ng maraming putahe ang tiyahin niya. Namamahay pa ang anak niya kaya mailap ito sa ibang tao. Pero sa umpisa lang naman ito maailap. Pinakain ulit niya ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top