Chapter 8
NASA opisina niya si Hance at pinipirmahan ang tambak na papeles. Huling duty na niya iyon dahil dadalhin siya ng daddy niya sa US. When his dad decides, he didn't protest. His tears ran out from his eyes while singing the papers. Pain suddenly strikes his heart.
Mamaya ay natawa siya nang maisip na tama lang ang pasya niya na magalit kay Savanna.
"You deserved it, Savi. Sinaktan mo ako," gigil na sabi niya.
Hindi siya makatakas dahil maraming bodyguard na nakaabang sa labas ng opisina niya. Hindi niya mapuntahan si Savanna. "You're still mine, honey. You're mine! You're mine!" sigaw niya sabay hagis ng baso sa glass window.
Nagpuyos na naman ang puso niya. Ang sakit nito, parang dinudurog. Iniisip lang niya na hindi na babalik sa kanya si Savanna ay para siyang malalagutan ng hininga. Humagulgol siya ngunit kaagad ding natawa. Baliw na nga ata siya.
Tumigil siya sa pagluha nang may pumasok. Kunot-noong tinitigan niya ang matangkad na lalaking palapit sa kanya. He's wearing a black suit, looks like a foreigner. Or half-blood. Nang makalapit ito ay saka niya namukhaan. Matalim ang titig nito sa kanya.
"Akala ko nasa mental hospital ka na, Hance. Why are you still here?" simpatikong sabi nito sa kanya, na kaagad nagpainit sa ulo niya.
Marahas siyang tumayo at akmang susugurin ang lalaki ngunit may sumugod na dalawang bodyguard at ginapos siya.
"Who are you, asshole?!" gigil na tanong niya sa lalaki.
He giggled. "I'm Savanna's half-brother. I'm Dean, remember me?" pakilala nito.
Natigagal siya. Awtomatikong nakaalala siya. Huling kita nila ni Dean ay noong nagsuntukan pa sila sa garden ng bahay ng mga ito. Ayaw kasi nito na lapitan niya si Savanna. Sinabi pa nito na may sayad siya kaya siya napikon. Akala niya sa Amerika na ito nakatira.
"And what are you doing here?" mahinahon nang tanong niya.
"I'm here to break your neck..." Bigla siya nitong sinapak sa mukha.
Gaganti sana siya pero hindi siya makawala sa malalakas na mga kamay ng dalawang bodyguard.
May gumapos din kay Dean. Halos magkasing laki lang sila ng katawan kaya alam niya na kakayanin niya ito. Dumugo ang ilong niya at napunit ang gilid ng kanyang labi dahil sa lakas ng suktok nito.
"Ginawa mong basahan ang kapatid ko, hayop ka!" gigil na asik nito sa kanya.
"Ang kapatid mo ang gumago sa akin, Dean! Hindi siya nakontento!" buwelta niya.
Pilit siyang inaabot ni Dean pero hindi rin ito makawala sa dalawang lalaki. "You're fucking psychopath! Hindi ako papayag na wasakin mo ang buhay ng kapatid ko! Hinding-hindi mo na siya makikita kahit kailan! Kahit isang hibla ng buhok niya, hindi ko hahayaang mahawakan mo, hayop ka!"
He was hurt emotionally but his pride still eating him. "Leave my office now! Ilabas n'yo siya!" nanggagalaiting utos niya sa mga bodyguard.
Payapa namang sumama si Dean sa bodyguards.
He's about to explode but he can't move. Nang pakawalan siya ng dalawang lalaki ay nahagip ng kamay niya ang laptop at tumilapon sa sahig. Nahati ito sa dalawa.
"Aaahrrr!" gigil na sigaw niya. Pati ang upuan ay inihagis niya sa salaming pinto kaya nabasag.
"Sir, tama na!" pigil ng isang lalaki.
Naninilim na ang paningin niya. Nanginginig siya. Pinagsisipa niya ang mga lalaking pilit siyang pigilan. Mamaya ay dumating ang mommy niya kasama ang nurse na lalaki. Nagapos siya ng dalawang lalaki. May itinurok ang nurse sa kaliwang braso niya. Bigla siyang nanghina, nahihilo hanggang sa mawalan siya ng ulirat.
WALANG tigil sa pagpatak ang luha ni Savanna habang lulan siya ng eroplano katabi si Dean. Gabi na pero hindi pa rin siya makatulog. May isang oras na magmula nang umalis ang eroplanong sinasakyan nila sa NAIA. Nakatulog na sa tabi niya si Dean.
Kahit anong aliw niya sa kanyang sarili ay nangingibabaw pa rin ang kirot sa kanyang puso. Ramdam pa rin niya ang pagmamahal niya kay Hance pero kailangan niya itong palayain alang-alang sa kinabukasan nila ng anak niya. Naniniwala siya na malalagpasan din niya ang sakit at malilimutan niya si Hance.
Pagdating sa Boston, dumireto sila sa mismong bahay ni Dean. Hindi raw siya puwede roon sa family house ng pamilya nito kasi baka hindi sila magkasundo ng stepmother nito. Even Dean not so close with his stepmother. My something daw kasi sa ugali ng babae. Ang laki ng bahay nito, may tatlong palapag, naka-elevator pa. All walls inside were made of glass. It's a fancy house. Bilyon daw ang ginastos doon ni Dean. Maluho ito pero hindi ito humihingi kahit piso sa daddy nito, puwera noong nag-aaral pa ito.
"Ang ganda ng bahay mo, Kuya!" manghang sabi niya.
Naroon sila sa malawak na lobby. Ang gara ng chandelier, mga kagamitan na gawa sa mamahaling kristal. Parang nakatatakot humawak sa mga gamit baka mabasag. Naiinggit siya sa kapatid.
"Thanks. It's the fruit of my hard work. It's all worth it." Iginiya siya nito papasok sa elevator na glass din ang pinto.
May hagdan naman pero ginawa daw ang elevator dahil sobrang mahalaga kay Dean ang oras. Ayaw nito na nasasayang kahit isang segudo. Gusto nito mabilis lahat. A wise billionaire mindset. 'Time is gold" ika nga.
Sa second floor lang naman sila pumunta. Iginiya siya nito sa pinaghanda nitong kuwarto. Mayroong tatlong kuwarto roon. Sa may dulo sila pumasok. Namangha siya. Para siyang pumasok sa luxury hotel suite. Ang luwag ng kuwarto, may queen size bed. Pulos puti ang kobrekama na nakaayos katulad sa mga kuwarto ng hotel. Ang laki ng glass door na may light pink na kurtina. May glass door pa patungo sa study room. May sarili itong bathroom and toilet. Nasisilaw siya sa ganda ng chandelier. Split type naman ang air-con, may sariling telebisyon.
"Sobrang ganda nito, Kuya," nagagalak na komento niya.
"Inilaan ko talaga ang room na ito para sa 'yo. You know, for in case you want to live with me here."
Napaisip siya. Ang usapan nila ni Dean ay pansamantala lang siyang titira roon. Gusto pa rin niyang tumira sa Pilipinas. Napalis ang ngiti niya nang biglang maalala si Hance. Kumislot siya nang akbayan siya ni Dean.
"What are you thinking, huh?" nakangiting tanong nito.
Umilong siya. "Wala po."
"Kalimutan mo na si Hance. Wala siyang maidudulot na maganda sa buhay mo," sulsol nito.
Dinala ni Dean ang maleta niya sa harap ng closet at ito ang nag-ayos ng mga damit niya. Nahihiya siya rito. Kaagad niya itong nilapitan at inagaw ang trabaho.
"I brought you here to help you to move on easily. You can work at my company while you're at home. You don't need to report to my office every day. Habang lumalaki ang anak mo, maalagaan ka rito ng kawaksi ko na mga pinay rin," sabi nito.
"Salamat, Kuya. Sobra-sobra na ang tulong mo sa akin."
"No worries. As I promised to nanay, I will help you financially while you're still single."
"Pero binigyan pa kita ng malaking responsibilidad. Nabuntis ako na walang ama," malungkot na sabi niya.
"That's not a problem. Bata ka pa naman. You can find a deserving man. Hindi mo deserve mapunta sa lalaking may tama ang utak," may gigil na sabi ni Dean.
Matamang tumitig siya rito. Hindi pa niya ito natanong kung ano ang ginawa nito noong nakipagkita kay Hance.
"Ano po ang napag-usapan ninyo ni Hance?" hindi natimping tanong niya.
"Well, we don't have a healthy conversation. Parehong mainit ang ulo namin. Sa inis ko, nasuntok ko siya. Gusto ko talaga siyang durugin kung wala lang ang mga bodyguard niya. Ikaw pa ang minamasama niya."
Parang binubusa ang puso niya habang iniisip kung paano siya sirain ng maling paniniwala ni Hance. Hindi niya napigil ang kanyang pagluha.
"Come on, stop crying, Savi. Your tears won't deserve a man like Hance, he's nobody!"
"Hindi niya ako naintindihan." Humagulgol siya.
"Dahil ayaw niyang umintindi! Paano ka niya maintindihan, eh may tama ang utakl niya! He's pathetic, a paranoid! Kaya huwag kang mag-aksaya ng luha at oras sa hayop na 'yon! Mag-focus ka sa anak mo. Don't ever use his family name to your child, or even insisting that he's the father of your child."
Lalong nanikip ang dibdib niya. Alam niya hindi madaling makalimot, pero kailangan niyang magsikap. "Opo," aniya.
"Huwag kang magpakatanga sa lalaking 'yon, Savi. I don't care if he's one of the riches man in the Philippines! Marami akong client na mas mayaman pa sa kanya na magugustuhan ka," anito sabay reto.
"Hindi naman po yaman ang habol ko, Kuya," depensa niya. Pinahid niya ang kanyang luha.
"I know, but just in case lang naman. Maraming matinong lalaki, Savi. Kung guwapo ang gusto mo, marami akong kilala na higit pa kay Hance, walang sakit sa pag-iisip."
Umiling siya. "Huwag na, Kuya. Mas gusto ko na lang mapag-isa. Okay na sa akin ang anak ko."
"Then stop thinking about Hance. Take a rest," anito saka siya iniwan.
ISANG buwan pa lamang si Savanna sa bahay ni Dean ay nababagot na siya. Hinahanap pa rin ng katawan niya ang environment sa Pilipinas. Tatlong pinay ang kasambahay ni Dean at may mga edad na. Mababait ang mga ito at parang prinsesa ang turing sa kanya.
Lunes ng umaga ay sinamahan siya ni Meranda sa OB/GYN. May kotse si Dean na pinagamit sa kanila, kasama driver at dalawang bodyguard. Private clinic ang pinuntahan nila at wala masyadong pila kaya mabilis lang sila. Mabuti na lang malusog naman ang baby niya.
"Okay lang ba kung mamalengke muna tayo, ma'am?" tanong ni Meranda nang nakasakay na sila sa kotse.
"Sige po."
Sa gitna siya ng kotse umupo. Nasa likuran naman niya ang dalawang bodyguard. Si Meranda ay katabi ng driver. Naiilang siya. Hindi siya sanay sa luxurious na buhay.
Pagdating sa parking lot ng supermarket sa fifth floor ay bumaba rin siya. May gusto rin siyang bilhin kaya sumama siya kay Meranda. Nakabuntot din sa kanila ang dalawang bodyguard.
Paglapag nila sa grocery store ng gusali ay kumuha siya ng sarili niyang cart. Inagaw naman ito ng isang bodyguard at ito ang bumuntot sa kanya. Mabuti pinadala sa kanya ni Dean ang credit card nito. Wala pa naman siyang hawak na dollar. Nagki-crave siya ng maasim na prutas kaya tumambay siya sa fruits section.
Habang namimili ay bigla na lang dumapo sa isip niya ang senaryo, noong kasama niya si Hance na namalengke. Doon niya umpisang naramdaman na lumalalim ang paghanga niya sa binata. Lalo na nang mapunta siya sa meat section. Hindi na naalis sa kukoti niya si Hance. Pakiramdam niya'y kinukuyumos ang puso niya.
Hindi niya namalayan na inaabot na pala sa kanya ng lalaking nag-asekaso sa pinili niyang karne.
"Excuse me, ma'am? Here's your purchased meat," pukaw sa kanya ng lalaki.
Kumislot siya. Natulala pa siya. Ang bodyguard na lamang niya ang kumuha sa supot ng karne. Pinoy din ito.
"Okay lang po ba kayo, ma'am?" tanong ng bodyguard.
"Uh, yes, sorry," aniya.
Nang makuha lahat ng kailangan niya ay pumila na siya sa counter. Kalahati lang ang laman ng card niya. Hindi kasi siya pamilyar sa ibang brand ng item kaya nag-alangan siyang kumuha. Kahit sa gatas para sa buntis ay nahirapan siyang pumili. Kinailangan pa niyang basahin ang mga nakasulat sa likod nito. Baka kasi maninibago ang katawan niya.
Marami pang bibilhin si Meranda kaya pinauna na sila nito. Isang bodyguard lang ang kasama niya dahil kasama ni Meranda ang isa na katulong nito sa pagbubuhat. Naghihintay na silang bumukas ang elevator. Ang tagal nitong bumaba.
Naiinip na siya. Nang tumunog ang elevator ay pumuwesto na siya sa unahan ng pila. Kasunod niya ang bodyguard na bitbit ang pinamili niya. Nang bumukas ang elevator ay tila natuka ng ahas si Savanna. Nakatayo sa harapan niya si Hance, suot ang itim na suit. Nasa gitna ito ng mga lalaki. Matalim ang titig nito sa kanya.
"You're mine, Savi... only mine!" sabi nito sa galit na tinig.
Tumili siya nang akalang dadambahin siya nito. Nanginig siya at inatake ng nerbiyos.
"Ma'am! What happened?"
Hindi na niya makilala ang boses na nagsalita. Naninilim ang paningin niya. Kahit pumikit siya ay nakikita pa rin niya si Hance. Hanggang sa naramdaman niya na nakalutang siya. Wala na sa wisyo ang isip niya.
Nagising si Savanna na pulos puti ang paligid niya. May nakatarak na swero sa kanyang kaliwang braso habang nakahiga siya sa hospital bed. Namataan niya si Dean na nakatayo sa pintuan at kausap ang amerikanong doktor.
Nang umalis ang doktor ay nilapitan siya ni Dean. Hinila nito ang silya saka umupo sa kanyang kaliwa. Naihilamos nito ang palad sa mukha, panay ang buntong-hininga.
"Next time kapag may bibilhin ka, ilista mo na lang para si Meranda na ang bibili. Papupuntahin ko na lang dito ang OB-GYN sa susunod mong check-up," sabi nito.
"A-ano po ang nangyari?" paos niyang tanong. Masakit ang lalamunan niya.
"Hinimatay ka dahil sa matinding nerbiyos. Ano ba kasi ang nakita mo? Tili ka raw nang tili, takot na takot at ayaw mong pumasok sa elevator kaya binuhat ka ng bodyguard," anito.
Naalala niya, nakita niya si Hance sa elevator. Nanikip na naman ang dibdib niya at napaluha.
"N-nakita ko si Hance. Galit na galit siya sa akin at gusto niya akong saktan," kuwento niya.
"Shit!" he cursed and shook his head. "May trauma ka na sa kanya. Huwag mo na kasi siyang isipin!" inis na sabi nito.
"Pinipilit ko naman siyang kalimutan, Kuya."
"You're being emotional, Savi. Masisiraan ka ng ulo kung kukunsintihin mo ang sarili mo! Kaya nga kita dinala rito para hindi mo maisip ang lalaking 'yon!"
Gumagulhol na siya. "Sorry, Kuya," sabi lang niya.
"Kung may concern ka sa anak mo, alisin mo sa kukoti mo si Hance. Kamuntik nang mapahamak ang baby mo."
Inalipin siya ng kaba. Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. "Opo," aniya.
"Wala naman si Hance, eh. You're just hallucinating. Pina-review ko ang CCTV footage ng supermarket sa elevator kung saan kayo huminto. Wala sa mga sakay ng elevator na sumalubong sa inyo si Hance. Sa kakaisip mo sa kanya kaya kung anu-ano na ang nakikita mo," palatak ni Dean.
Nawindang siya. Hindi pala totoong nakita niya si Hance! Nababahala siya. May problema na rin ba siya sa pag-iisip?
"Okay lang ba ako, Kuya?" nagpa-panic na tanong niya sa kapatid.
Ginagap nito ang kamay niya. "Yes, you're fine. You're just overcome with your fear and nervousness because of Hance. So stop thinking about him. Next week, bibigyan na kita ng trabaho at home para maaliw ka. May laptop akong pinabili para sa 'yo na may access sa system ng office ko. As usual, it's also related to secretarial duties but not so hard. You don't need to work on time. Four hours lang ang bubuuin mo at hindi kailangang tuluy-tuloy," sabi nito.
Nakadama siya ng ginhawa. "Salamat po."
Nakatulong ang work from home ni Savanna para maaliw siya. Kahit papano ay hindi na siya inaatake ng nervous kahit bigla-bigla niyang naiisip si Hance. Pero may pagkakataon na nami-miss niya ang binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top