Chapter 4

NAIILANG si Savanna na kasama si Hance sa supermarket. Ito pa ang nagtutulak ng cart niya. Saka niya namalayan na dumadampot din pala ito ng mga item saka inilalagay sa cart niya. Kinabahan siya baka biglang lumubo ang babayaran niya. Mga imported pa naman ang kinukuha nito.

Pagdating nila sa meat section ay iniwan siya sandali ni Hance. Magbabanyo raw muna ito. Namimili siya ng karne ng manok nang may sumundot sa dagiliran niya. Napapiksi siya.

Tumatawa sa likuran niya si Joshua, na anak ng dati niyang amo. Engineer din ito. Naging malapit ito sa kanya dahil ilang beses niyang na-solve ang problema nito sa mga magulang. He's a bad boy, a flirt, a womanizer.

"Long time no see, Savanna. Lalo ka atang gumanda," anito.

Inirapan niya ito. "Siyempre hindi na ako stress sa 'yo," aniya.

"Oh, talaga? O baka naman nadidiligan ka na."

Inambahan niya ito ng suntok. Ang bold din ng bibig nito. "Hindi ka na nagbago, manyak ka pa rin."

Tumawa pa ang hudyo. Akmang aakbayan siya nito nang may humila rito palayo sa kanya. Nagulat siya. Nilingon niya ito. Nalaki ang mga mata niya nang makitang pinipilipit ni Hance ang braso ni Joshua.

"Hey!" angal ni Joshua. Tumawa pa ito. "Hance?" untag nito.

Nasorpresa siya nang makilala nito si Hance.

Pinakawalan naman ito ni Hance saka lumapit sa kanya ang binata. Nagtatakang nakatingin sa kanila si Joshua. Lalong nagulat si Savanna nang akbayan siya ni Hance.

"Hey! Si Savanna 'yan hindi si Sabrina, Hance," amuse na biro ni Joshua kay Hance.

"I know and she's mine, so fuck off, asshole," turan naman ni Hance.

Nagtayuan ang balahibo ni Savanna.

"Grabe, ang bilis mong maka-move on. Pero ang totoo, ex ko si Savanna," sabi pa ni Joshua.

Tiningnan niya ito nang masama. "Sinungaling ka!" inis na sabi niya rito.

Tumawa pa ang hudyo.

"Lumayo ka, Josh, kung ayaw mong maisama ang karne mo sa naka-display rito," banta ni Hance sa lalaki.

"Okay, kalma. Masyado kang mainit. Kahit kailan talaga may sayad ka," sabi ni Joshua habang lumalayo.

Ramdam ni Savanna ang higpit ng kamay ni Hance sa balikat niya. Ang sama ng tingin nito kay Joshua. Narinig pa niya ang pagdaiti ng mga ngipin nito.

"Huwag mo na siyang pansinin," sabi niya.

Humarap siyang muli sa mga karne. Hindi naman maalis ang kamay nito sa balikat niya.

"Kaklase ko noong high school si Joshua, naaalala ko pa siya," anito.

"Maaring kaklase mo rin siya noong college. Engineer din siya," sabi niya.

"Oh, kaya pala. At bakit magkakilala kayo?"

"Anak siya ng dating amo ko."

"Totoo ba na naging ex ka niya?" usisa nito.

"Hindi, biro lang niya iyon. Hindi ako pumapatol sa katulad niya," turan niya.

Pagdating sa counter ay nagulat si Savanna nang ibigay ni Hance ang credit card nito sa cashier. Hindi na siya nakapag-abot ng pera dahil binayaran na ni Hance. Umabot ng walong libo ang binayaran nito. Akala niya'y kukunin nito ang mga inilagay nito sa cart pero para pala sa kanya. Mga imported chocolate iyon, juices, meat, fruits, at kung anu-ano pa.

"Hance, bakit naman gano'n?" walang puwang na tanong niya nang lulan na sila ng kotse nito.

"Please, don't ask me like that. Let me do this," awat nito.

Bumuntong-hininga siya. Namangha siya, alam pa ni Hance ang bahay niya. Naalala niya, sumasama ito sa kanila ng nanay niya noon at minsan ay doon pa natutulog.

"I missed your place. Naalala ko, magkatabi tayo noon sa kama," sabi nito.

Nag-init ang mukha niya. Inasar pa siya noon ni Hance dahil nakaihi siya sa higaan. Nanaginip kasi siya noon na naiihi siya, paggising niya ay talagang napaihi na siya.

"Huwag mo nang ipaalala ang mga nangyari," aniya.

"Pero ang sarap isipin, Savi. Nandiri ka pa sa akin kasi may buhok na ang ari ko," walang abog na sabi nito.

Kinilabutan siya. Nahuli kasi niya noon si Hance na walang damit sa banyo. Doon siya nagsimulang makadama ng kakaiba rito. Nagsimula siyang humanga.

"Tama na," naiinis na sabi niya.

"Sige. Bumaba na tayo."

Nauna na itong bumaba at hinakot ang mga pinamili niya. Si Rosalie ang nagbukas ng gate. Hindi pa umuuwi ang nanay nito.

"Who's this girl?" tanong ni Hance matapos guluhin ang buhok ni Rosalie. Nauna na itong pumasok sa bahay. Feel at home.

"Pamangkin ko siya, si Rosalie," tugon niya. May bitbit ding echo bag si Rosalie mula sa pinamili niya. Si Hance ang nagbuhat ng malaking karton.

Dumiretso ito sa kusina. Pagkatapos ay gumala ito sa bahay. Sinundan niya ito hanggang sa laundry room. Nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin papasok at isinandal sa dingding. Hindi siya nakahuma nang hinapuhap nito ng halik ang kanyang bibig.

Awtomatikong dumantay ang bayolenteng init sa kanyang mga ugat at laman. Nanlumo siya nang tupukin ng init ang kamalayan niya. Pangahas ang halik nito habang minamasahe ang kanyang dibdib.

"H-Hance..." sambit niya nang iwan nito ang bibig niya. Hinahapo siya.

"I'm sorry," sabi nito nang tuluyan siyang layuan. "I have to go, baka hinahanap na ako ni mommy." Nagpaalam na ito.

Hindi siya nakapagsalita. Sinundan lang niya ito at hinatid ng tingin hanggang makalabas. Si Rosalie ang nagsara ng gate.

Naiwan pa ang init ng halik nito sa bibig niya. Bahagya pa ring nangangatal ang mga kalamnan niya dahil sa tensiyon na iniwan ng binata.

HINDI pa rin naka-get over si Savanna sa ginawa sa kanya ni Hance noon sa bahay niya. Kaya sa tuwing nakikita niya ito ay kinakabahan siya. He was reckless and wild. Palagi siya nitong pinapakaba. Nagugulat siya sa tuwing tumutunog ang telepono dahil madalas ito ang tumatawag.

Abala siya sa pagtipa sa keyboard ng computer nang tumunog na naman ang telepono sa tabi niya. Napalundag siya. Tiniis niya ang caller. Alam niya si Hance lang iyon. Kaninang umaga pagpasok niya ay may bouquet na naman ng bulaklak sa lamesa niya. Pangatlong araw nang ganoon. Walang pangalan na nakalagay kung kanino nanggaling pero biglang tumatawag sa kanya si Hance at tinatanong kung nagustuhan niya ang bulaklak, kaya alam niya na ito ang nagpadala.

Minsan ay busy si Hance at may lakad kaya hindi sila nagkikita. Kung magkasama man sila na may ibang tao, pansin niya na sa kanya nakatuon ang paningin nito. Nag-assume na siya na gusto talaga siya ni Hance. Ayaw lang niyang may makaalam sa hakbang nito dahil ayaw niya ng intriga. Ilang linggo lang simula noong na-cancel ang kasal ni Hance kay Sabrina. Ayaw niyang isipin ng iba na siya ang dahilan.

Tumigil ang pagtunog ng telepono. Mamaya ay biglang bumukas ang pinto. Nagulat siya nang biglang pumasok si Hance. Niluluwagan nito ang necktie nito habang humahakbang palapit sa kanya. Ang talim ng titig nito.

"Ignoring my call huh?" anito sa matigas na tinig.

"Uhm, kailangan ko kasing matapos ang ginagawa ko ngayon dahil kailangan nang mai-distribute sa ibang company. Hindi ba't pinagawa mo ako ng bagong rules and regulation?" aniya, hindi maitago ang kaba.

"It's noon, lunch is waiting," paalala nito.

"Nagbaon ako," aniya.

Itinukod nito ang mga kamay sa lamesa niya at inilapit ang mukha sa kanyang mukha. "Then, let's eat that together," anas nito.

Tiningala niya ito. Napatigil siya sa pagtipa. Hinawakan nito ang baba niya at walang anu-ano'y siniil siya ng halik. Ibinuka pa nito ang bibig niya at ipinasok ang panlasa sa kanya. Ginupo siya ng bayolenteng init. Nilamon siya ng tukso at hindi napigil ang sarili na tumugon sa halik nito.

Isang magkasunod na katok sa pinto ang umabala sa kanila. Mabilis na lumayo sa kanya si Hance.

"Hihintayin kita sa office ko, one minute," anito saka siya tinalikuran.

Paglabas nito ay siya namang pasok ni Adele. Naghatid ito ng tambak na papeles sa kanya.

"Mag-lunch ka na," nakangiting sabi nito pagkalapag ng papeles.

Nagtataka siya. First time siya nitong sinabihan nang ganoon. Dati ay nag-e-indorsyo ito ng dagdag niyang trabaho. Kaagad din itong umalis.

In-off niya ang computer. Kinuha niya ang kanyang bag at paper bag na pinaglagyan ng naka-lunch box na pagkain. Sumugod na siya sa opisina ni Hance. Naghihintay na ang binata sa mini dining room na karugtong ng opisina nito. May kuwarto rin ito roon.

Puting long sleeve polo na lang ang suot nito. Nakahanda na rin ang mga pagkain. Inilapag niya ang baon niyang pagkain sa lamesa. Si Hance pa ang nagbukas nito. Paksiw ng tilapiya lang naman ang ulam niya.

"Hm, it smells delicious," sabi nito.

Nagulat siya nang kinuha nito ang isang tilapiya. "Ayaw mo niyan kasi allergic ka," sabi niya.

"Walang allergic sa akin basta ikaw ang nagluto," nakangiting sabi nito.

"Bahala ka. Mangangati ka niyan mamaya."

Hindi ito nagpaawat. Lalo silang naging malapit dahil si Hance mismo ang nagpapaalala sa kanya ng mga masayang pinagsamaan nila noon. Talaga ngang na-stuck ang isip nito sa nakaraan nila.

Ang dami nitong nakain kahit namumula na ang ilong nito at naluluha. Umatake na marahil ang allergy nito. Panay ang singhot nito.

"Tama na 'yan, baka hindi ka makahinga," saway niya rito.

"Hm, no. I'll call Mom to buy me an antihistamine medicine for my allergy," sabi nito. Nag-deal na ito sa cellphone nito.

Hindi na siya kumibo. Masarap ang ulam nitong beef kare-kare. Nagmula pa raw iyon sa hotel nito.

Pagkatapos nito sa kausap ay nagpatuloy itong kumain. Nami-miss niya ang panahong adolescence period nila. Lahat ng kinakain niya ay kinakain ni Hance kahit hindi pa nito natitikman at bawal dito. Napakain niya ito noon ng daing at binagoongan na talbos ng kamote. Kumain din ito ng bituka ng manok na inihaw at ibang street foods.

"Magluto ka nga nga talbos ng kamote na may bagoong, at saka inihaw na hipon," sabi nito.

Kinabahan siya. "Kamuntik ka na ngang mamatay noon dahil sa hipon," sabi niya.

Tumawa ito. "Joke lang. Talbos na lang ng kamote. 'Tapos susubuan mo ako, then didilaan mo ang bibig ko dahil may naiwang bagoong."

Nag-init ang mukha niya dahil sa alaalang iyon. "Ano ba, ayaw ko nang maalala 'yon," aniya.

"Gusto kong gawin mo ulit, Savi, please..." parang bata na pilit nito.

"No, please. Matatanda na tayo. Hindi na puwedeng gano'n."

"So, we can do what matures do?"

Natigilan siya. "Ano ba ang pinagsasabi mo? We're just friends."

"But I like you, Savi. It's more than just friends."

"No, naguguluhan ka lang."

"Fine. Let's figure it out later."

Hindi na siya umimik. Nagpatuloy siya sa pagsubo.

Ang bagal kumain ni Savanna kaya naiwan siya sa lamesa. Pumasok na sa banyo si Hance at naligo. Siya na lamang ang nagligpit ng pinagkainan nila at naghugas sa may munting kusina nito. Gusto niya ang interior design ng mini kitchen nito.

Pagkatapos ay hinintay niyang makalabas ng banyo si Hance dahil magpapaalam na siya. Halos isang oras na ito roon. Kinatok na niya ang pinto.

"Hance, babalik na ako sa office," paalam niya.

"No! Sinabi ko na kay Adele na may ipapagawa ako sa 'yo. Stay here," sagot nito.

"Ano ba ang gagawin ko?"

"At may office. Organize the files according to date!"

"Okay."

Lumabas siya at tinungo ang office table nito. May nakatambak na papeles doon. Kinuha niya ito at sinimulang inayos habang nakaupo siya sa couch.

Mula roon ay natatanaw niya si Hance na palakad-lakad sa extension na salamin lang ang dingding. Tanging puting tuwalya lang ang nakabalot sa katawan nito. May kausap ito sa cellphone pero hindi naririnig dahil sa kapal ng salamin.

Nang mapuno ang pantog niya ay iniwan niya ang kanyang ginagawa. Pumasok siya sa extension ng opisina at dumaan lang sa tabi ni Hance. Pumasok siya sa banyo. Nasamyo niya ang mabangong sabon na ginamit ni Hance. Ang luwag ng banyo lalo na ang shower area. Naiingganyo siyang maligo.

Naghubad siya ng damit at tumapat sa shower. Katawan lang niya ang kanyang binasa. Hindi naman siya nagtagal baka magtaka si Hance. May isa pang puting tuwalya at iyon ang ginamit niya. Isinuot din niya ulit ang kanyang damit.

Paglabas niya ng banyo ay nagulat siya nang mamataan si Hance na prenteng nakaupo sa silya habang nakaharap sa kanya. Hindi pa ito nagbibihis. Tumayo ito at biglang hinubad ang suot nitong tuwalya.

Nanlaki ang mga mata niya ang maladlad ang kahubaran nito. Nagsikip ang dibdib niya nang masilayan kung gaano ito kayaman sa pagkalalaki. Hindi na siya magtaka dahil mistiso ito. Pero kinabahan siya. Pilit niyang iniiwasan ang binata pero humarang ito sa daanan niya. Sa mukha lang niya ito siya nakatingin.

"H-Hance, magtatrabaho na ako," aniya.

"I'm the boss, sasabihin ko kung kailan ka magtatrabaho," anito.

"P-pero..."

"Please, huwag mo akong iwasan."

"Hindi naman, eh. Kaya lang..."

"Kaya lang ano?"

Matamang tumitig siya sa mga mata nito. Nag-uulap ang mga ito, napupuno ng pagnanasa. Nanghihina siya. Pakiramdam niya'y nahipnotismo siya.

Hindi siya nakahuma nang kabigin nito ang baywang niya at hinatak siya palapit dito. Lalo siyang nanlumo nang siilin nito ng halik ang kanyang bibig. Nadarang siya sa tukso at kaagad na tumugon sa halik nito. Dahil sa kanyang pagtugon ay lalong lumalim ang halik nito. Binuhat siya nito at pangko habang naglalakad ito patungo sa desk katabi ng couch sa may gilid ng salaming dingding.

Napasinghap siya nang lamukusin ng mga kamay nito ang kanyang dibdib. "Uh... H-Hance..." hinahapong sambit niya. Sandaling naghiwalay ang bibig nila.

"Calm down, I can manage this. Just enjoy, honey," anas nito.

Napapikit na lang siya habang hinuhubaran siya nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top