Chapter 3
SUNOD-SUNOD ang appointment ni Savanna sa labas kasama ang ibang staff. Ilang araw na rin siyang ginagabi ng uwi. Biyernes ng umaga pagpasok niya sa opisina ay nagtataka siya bakit nagkakandarapa ang ibang staff sa pag-aayos ng mga working table ng mga ito.
"Ano'ng meron?" tanong niya sa accounting officer na si Marby.
"Magre-report na raw si Sir. Hance!" turan nito.
Nawindang siya. Nakalabas na pala ng ospital si Hance. Halos isang linggo na rin ang nakalipas noong huli niya itong dinalaw sa ospital.
"Bakit natataranta kayo?" aniya.
"Eh bakit hindi? Halimaw 'yon. Lalong mainit ulo n'on dahil hindi na matutuloy ang kasal niya."
Natigilan siya. Iniwan na lang siya ni Marby ay wala pa rin siyang kibo. Talaga palang nakipagpaghiwalay na si Sabrina kay Hance. May kung anong kumukurot sa puso niya.
Dumiretso na lamang siya sa kanyang opisina. Makalat din ang office table niya kaya ito muna ang inayos niya. Nahawa na siya sa ibang staff. Wala siyang ideya kung paano maging boss si Hance. Pero bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Marby na halimaw raw si Hance.
Umupo na siya sa harap ng lamesa at sinimulan ang trabaho. Nagsisimula pa lang siyang magtipa sa keyboard ng computer ay napatigil siya nang biglang umingay sa labas. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Pagbukas niya'y bumungad sa kanya si Adele. Natataranta ito.
"Ayusin mo kaagad lahat ng papeles na naipon simula noong nakaraang linggo. Isama mo sa report ng mga transaksyon natin at mga approved project proposal. Kailangan maipakita mo kay Sir Hance ang mga iyon bago sumapit ang tanghali," sabi nito.
"Sige po."
"Ayusin mo mabuti. Ayaw ni sir na magulo ang filing ng papeles at nakaayon dapat sa petsa."
"Yes, ma'am."
Umalis din ito kaagad. Natataranta na rin siya. Magulo pa naman ang papeles. Hindi pa niya nai-print ang transaction report, merit of meetings nila. Ring nang ring pa ang telepono niya. Tumatawag ang ibang staff mula sa branch office sa Calabarzon. Bago kasi makarating kay Hance ang concern ng mga ito, sa kanya muna dumadaan at siya na ang magsabi kay Hance.
Humihilab na ang sikmura niya. Hindi pa niya natatapos ang report dahil matagal mag-submit ng report ng mga ito ang nasa branch office. Kailangan pag-isahin na lang.
Saktong alas-dose ng tanghali ay naayos niya ang files. Nanginginig na siya sa gutom. Bitbit ang makapal na papeles ay nagtungo siya sa opisina ng CEO. Natuklasan niya na ang mommy pa rin pala ni Hance ang presidente ng De Silva group. Kaya ito pa rin ang may kontrol sa daloy ng negosyo.
Dalawang beses niyang pinindot ang button sa may gilid ang pinto ng opisina. Nang bumukas ay dagli siyang pumasok. Bago ang working area ng CEO ay may dadaanang lobby. Papasok na siya sa glass door na censor. Saktong pagbukas ng pinto ay namataan niya si Hance na nakatayo sa tapat ng glass window, nakatalikod habang nagsusuot ng puting polo.
Ang lapad ng likod nito na may naggagalawang muscles. Ang tangkad nito, siguro nasa six foot. Malayo pa lang ay nasasamyo na niya ang masculine perfume nito na nakaaakit.
"G-good afternoon, sir," malumanay niyang bati. Nangangatal ang katawan niya dahil sa gutom. Pandesal at gatas lang ang almusal niya dahil walang natirang kanin.
Humarap sa kanya si Hance habang binubotones ang polo nito. Nasilayan niya ang matipunong dibdib nito at puson na may nagkaparte-parteng muscle. Nai-imagine niya ang pandesal na kinain niya sa abs nito. Napalunok siya nang tumingin siya sa mukha nito. He stared at her sharply. He looks like a hungry beast, a handsome beast.
"Hi, Savi! I missed your beautiful eyes," paanas na sabi nito.
Nag-init ang kanyang mukha. Pakiramdam niya'y may kung anong bumara sa dibdib niya.
"Magsa-submit lang po ako ng report," sabi niya.
"Come here, closer, honey," anito, ang sweet.
Kinikilabutan siya. Humakbang siya palapit dito. Mabuti nagsuot na rin ito ng black suit. Inilapag niya sa lamesa nito ang makapal na papeles na may tatlong folder. Hindi niya napigilan ang panginginig ng kamay niya.
Kumislot siya nang hulihin ni Hance ang kanang kamay niya. Awtomatikong napatitig siya sa mukha nito. Kunot-noong nakatitig ito sa kanya.
"Why are you shaking?" tanong nito.
Akmang babawiin niya ang kanyang kamay ngunit lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak.
"Uh... kasi hindi pa ako kumakain," sagot niya.
"Fuck! Who forced you to work hard without even eating your meal, huh? I'll fire those idiots!"
Nawindang siya. "No, nothing! I just did this by myself to submit this report to you as soon as possible," kinakabahan niyang sabi.
"Ako lang ang masusunod sa kumpanyang ito. I didn't command you to finish your works as soon as possible. Name those idiots and I'll fire them...now!" Binitawan nito ang kamay niya.
"Sir, please no," samo niya. Naisip kasi niya si Adele, kawawa naman kung biglang mawalan ng trabaho nang dahil sa kanya.
"Would you stop calling me 'sir'? You know my name, right?" bossy nitong utos.
"Okay," aniya.
"Now, tell me who the hell forcing you to finish your work immediately?"
Lalo siyang nataranta. "Wala. Ganito lang talaga ako magtrabaho. Ayaw ko na hindi natatapos kaagad ang papeles," alibi niya.
Tumalim ang titig sa kanya ni Hance. "Okay, I'll observe all employees." Dinampot nito ang telepono saka nag-deal. "I need a set of lunch here in my offer ASAP," sabi nito sa kausap saka ibinaba ang receiver ng telepono.
"Babalik na ako sa office ko," paalam niya.
"No, you're staying here. Nag-order ako ng pagkain mo," sabi nito.
Ang bigat ng mga paa niya. Napilitan na lamang siyang umupo sa silyang katapat nito.
Umupo na rin si Hance at tiningnan ang papeles na dala niya. Kalmado na ito. Hindi siya makapaniwala. Parang bomba na bigla na lang sumasabog si Hance. Kaya pala natataranta ang mga empleyado.
Maya-maya ay dumating na ang order nitong pagkain. Ang sosyal ng naka-plating na pagkain. Presentasyon pa lang mahal na. Inilapag ng lalaki ang plato at baso ng juice sa lamesa. Pagkuwan ay umalis na ito.
Tinitigan niya ang pagkain. Beef with mushroom ang ulam, may side dish na grilled asparagus at baby carrots. Mayroong maliit na hiwa ng hinog na mangga. Naiilang siya. Kailangan bang doon siya kakain?
"Sa office na lang ako kakain," sabi niya.
"No, eat that... here," anito habang nakatingin sa papeles.
Parang robot na sumunod naman siya. Gutom na gutom na siya kaya nilunok niya una ang kanyang hiya. Iba na talaga si Hance. Para itong hari na lahat ng gusto nito ay kailangang sundin.
"Ang sinop mong mag-file ng papeles. Hindi katulad ng naunang mga secretary, magulo at madalas kulang at hindi detailed ang report," mamaya ay komento ni Hance.
Lumapad naman ang atay niya. Ganoon din madalas ang komento ng mga naunang amo niya. Kahit siya ay ayaw ng magulong files, sumasakit ang ulo niya.
"Mas madali po kasing intindihin ang files kung nakaayos," aniya. Nakadalawang subo pa lamang siya.
Ibinaba ni Hance ang binabasa saka nag-focus sa kanya. Nailang na tuloy siyang sumubo.
"Totoo ba na half-sister mo si Sabrina?" pagkuwan ay tanong nito.
Nag-angat siya ng mukha. "Uh... oo. Iisa ang aming ama."
"So, ikaw ang anak ng tatay nila sa kabet."
Nagtagis ang bagang niya sa sinabi nito. Ayaw niyang marinig na tinatawag na kabet ang nanay niya kahit ganoon na nga. Naniniwala siya na hindi ginusto ng kanyang ina na maging kabet. Niloko iyon ng tatay niya, pinaniwala na wala itong sabit. Hindi rin ginusto ng nanay niya na maging kabet ng tatay ni Dean, dahil pinaniwala siya na hiwalay na sa asawa ang tatay ni Dean dahil magkahiwalay naman ng bahay. 'Yong pala, hindi naaprobahan ang divorce niyon sa asawa at sa huli ay nagkabalikan din.
"Hindi choice ni nanay maging kabet. Gusto lang niya ng lalaking magmamahal sa kanya pero niloko siya," depensa niya.
"Well, that's a common reason. Hindi ko naman minamasama ang nanay mo dahil kilala ko siya. She's a good mother, a caring woman who willing to do anything to raise her daughter in a good way. Kita naman sa 'yo kung paano siya magpalaki ng anak."
"Salamat. Ang dami nang nangyari sa aming mag-ina."
"Yeah. I don't have an idea why you left our family."
Nag-aalangan siya kung dapat ba niyang sabihin kay Hance ang dahilan bakit umalis sila ng nanay niya sa bahay ng mga ito. Dahil iyon kay Forena. Nagseselos si Forena sa nanay niya dahil mas gusto ni Hance na kausap ang nanay niya.
"Hindi ko rin alam ang dahilan," sabi na lamang niya.
"Wala na akong ibang maalala maliban sa panahong kasama kita, Savi. That was a moment that I felt I'm not alone," seryosong wika nito.
Bumagal ang kanyang pagsubo. Hindi niya magawang makipagtitigan kay Hance. Nanghihina kasi siya dahil sa nakagagayuma nitong titig.
"Mas masaya ang buhay mo ngayon at noong mga nagdaang taon. Successful ka na. Sayang hindi natuloy ang kasal ninyo ni Sabrina," aniya.
"I didn't feel regret. She doesn't love me, or she never loved me. She's in love to Dr. Ace San Diego, my cousin. I won't chase her for nothing."
"But you still love her," giit niya.
"I can't feel that love towards her, Savi."
"Kasi may amnesia ka. Once gumaling ka na, baka hahabulin mo rin siya."
"No, not anymore. Magpapakasal na sila ni Ace."
"Mararadaman mo naman 'yan sa puso mo."
He shook his head. "I can't feel anything but hate feeling against her. Yeah, the heart can save some memories but I can't feel it."
"Hindi mo naman siguro pakakasalan si Sabrina na walang dahilan. Siya pa raw ang dahilan bakit ka nadisgrasya dahil hinabol mo siya."
Mariing kumunot ang noo ng binata. "Yeah, I can't deny that fact but I can't imagine myself doing that shit to a woman like her. Sabrina was familiar to me, her face. Pero wala akong feelings sa kanya. I just realized that only her face was my basis to be obsessed with her. Kamukha niya ang babaeng palagi kong napanaginipan."
Nangunot ang noo niya. Lumalim ang titig sa kanya ni Hance. "So, iniisip mo na siya ang babae na 'yon.
"I think so. Noong nakita kita, naisip ko na ikaw 'yong babae sa panaginip ko. Naaksidente rin ako noong seventeen years old ako dahil sa drag race. Actually, hanggang doon lang ang naaalala ko ngayon. May history na ako ng amnesia dati, a temporary amnesia. Nakalimutan ko ang ibang nakaraan. Nagulo ang isip ko pero iisang mukha ng babae ang nakikita ko. Ang babaeng iyon ang madalas akong yakapin sa tuwing inaatake ako ng depresyon," kuwento nito.
Kinabahan siya. Ang dami na palang nangyari kay Hance. Bugbog na ang utak nito. Ibig sabihin, noong naaksidente ito ay nakalimutan na siya nito. At noong nagpapagaling, ibang mga tao na ang nakasalamuha nito.
"Maaring namulat ka na si Sabrina ang palagi mong nakikita."
"Siguro. Hindi ko alam pero sigurado ako na hindi ko siya mahal. Iba ang gusto ko pero siguro nga, inisip ko na siya 'yon."
"Malalaman mo rin 'yan kapag gumaling ka nang tuluyan."
"Ayaw ko nang bumalik ang alaala ko, Savi. Gusto ko itong nangyayari ngayon."
Nawindang siya. "Para ka lang bumalik sa teenage life mo, Hance."
"Yes, I want this. Ito 'yong panahon na masaya ako, malaya, may inspirasyon. At higit sa lahat, kilala kita."
Natigilan siya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nais nitong ipahiwatig. Gusto ba siya ni Hance noon?
"Mga bata pa tayo noon," amuse na sabi niya.
"Pero gusto kita, Savi. Kaso bata ka pa, ganoon din ako. Kaya okay na sa akin na kaibigan muna. Pero nangako ako na paglaki mo, liligawan kita."
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Mabilis na uminit ang mukha niya. "Ganoon talaga ang mga bata, mapupusok," aniya.
"You're right. Pero hindi na tayo mga bata, Savi."
Natawa siya. "Ang tagal na no'n, Hance. Imposibleng ganoon pa rin ang nararamdaman mo. Naguguluhan ka lang dahil sa amnesia."
Kumislot siya nang hawakan nito ang kanang kamay niya. Napatitig siya sa mga mata nito'ng namumungay.
"Kaya ayaw kong bumalik ang alaala ko, gusto ko ganito na lang," anito.
Marahang binawi niya ang kanyang kamay. Matabang siyang ngumiti. "Hindi puwede, Hance," aniya.
Gusto niya si Hance pero hindi niya ito kukunsintihin. Magulo pa ang isip nito.
"Bakit hindi puwede? May boyfriend ka na ba?" anito. Tumapang ang mga mata nito.
"Wala, pero kasi may sakit ka."
"Wala akong sakit," mariing sabi nito.
"Magpagaling ka muna."
"Okay, susundin ko ang medication ko. Pero once gumaling na ako, magpakasal ka sa akin."
Napanganga siya dahil sa sinabi nito. "H-Hance, okay ka lang? Hindi biro ang sinasabi mo," manghang wika niya.
"Yes, I'm not joking, Savi. Noong nakita kita sa ospital, para akong mababaliw matapos kang mawala. Masaya ako noong bumalik ka."
Kinikilabutan na naman siya. "No, it's not right. Magpagaling ka muna bago mo sabihin 'yan." Uminom na siya ng juice. Hindi niya naubos ang pagkain. "Sorry, I need to go back at work. Thanks sa food," paalam niya.
Hindi naman siya nito pinigilan nang tumayo siya. Binitbit na niya ang plato niya palabas ng opisina nito.
Malakas pa rin ang tibok ng puso ni Savanna pagdating niya sa opisina niya. Nadi-distract siya ng mga sinabi ni Hance. Hindi niya malaman kung matutuwa siya o matatakot.
Alas-kuwatro pa lamang ng hapon ay nakalabas na ng opisina si Savanna. Mabuti wala siya masyadong trabaho. Wala na siyang stock na lutuin sa bahay kaya plano niya na mag-withraw ng pera sa ATM para makapamalengke siya.
Nag-aabang na siya ng jeep sa waiting shed na katapat ng ten story building ng De Silva Group. Nasa ika-walong palapag ang opisina niya at opisina ng CEO. Malamang wala na roon si Hance dahil wala na ang kotse na ginagamit ng mga De Silva.
May kalahating oras na siyang naghihintay. Mamaya ay may humintong itim na ford ranger sa tapat niya. Napaisip pa siya. Nang bumukas ang bintana sa driver side ay nagulat siya nang makita si Hance. May suot itong sunglasses.
"Hi! Going home?" kaswal na sabi nito.
Awtomatikong kumabog ang dibdib niya. "Uh, hindi. Pupunta pa ako sa palengke," sagot niya.
"Get in, I'll go with you."
Tumahip pa nang husto ang dibdib niya. "No, thanks. Baka makaabala na ako sa 'yo," mariing tanggi niya."
"Come on, Savi, we're friends, right?" pilit nito.
Lumingon-lingon pa siya sa paligid. Pagkuwan ay sumakay siya at umupo sa tabi ni Hance. Kaagad itong sumibad.
"Akala ko umuwi ka na," aniya nang nabinbin sila sa traffic.
"Yes. Tumakas lang ako."
"Ano?!" Marahas niya itong sinipat.
Kumislot siya nang bigla nitong hinawakan ang kaliwang hita niya at pinisil. Pilyo itong ngumiti. "Gusto kitang makasama, Savi."
Nawindang siya. "Hance, mali ito," aniya.
Marahang tinabing niya ang kamay nito'ng nakahawak sa hita niya. Nakataas pa naman nang bahagya ang skirt niya. Mabuti may itim siyang stocking. Pero tumagos pa rin sa balat niya ang init ng palad nito.
"Walang mali, Savi. We're both single. Huwag kang kabahan, wala akong gagawing masama sa 'yo."
"Pero hindi ka pa magaling."
"And so what? Gagaling din naman ako sabi ng doktor."
"Ayaw kong konsintihin ka, Hance."
"Then, hayaan mo na ako. Masaya ako, Savi. Kapag pinigil mo ako, baka lalo akong mabaliw."
Kumagat-labi siya. Nakokonsensiya siya. Hindi na lamang siya kumontra. Sinamahan pa siya nito sa banko at nag-withraw ng pera. Kinakabahan siya kasi sikat si Hance. Dahil palagi itong nalalagay sa cover ng magazine at feature ng mga TV shows, nakilala na rin ito ng mga tao. At saka, sikat na politician ang mga magulang nito kaya kakambal ng pangalan nito ang kasikatan.
Mabuti may suot itong sunglasses.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top