Chapter 19


MAG-ISANG umuwi sa bahay si Savanna. Nakauwi na rin ang Tita Mylene niya. Gising pa ito at nanonood ng telebisyon sa salas. Nilapitan niya ito at nagmano.

"Nasaan na ang anak mo, Savi?" kaagad ay tanong nito.

Hindi pa nito alam na nagkabalikan na sila ni Hance. "Hiniram po muna ni Hance," tugon niya.

Napabalikwas ito nang tayo. "Huwag mo sabihing..."

"Okay na po kami ni Hance," aniya.

Nanlaki ang mga mata ng ginang. "K-Kuwan, alam na ba 'to ni Dean?"

Umiling siya. "Saka ko na po sasabihin."

"Diyos ko. Ano ba itong pinasok mo? Ibinilin pa naman sa akin ng Kuya mo na huwag kita hayaang makipagkita kay Hance. Ano ba naman, Savi? Alam mo naman na galit na galit ang kuya mo kay Hance."

Bumuntong-hininga siya. "Tita, nagbago na si Hance. Magaling na siya," depensa niya.

"Oo naroon na tayo, pero paano ang kuya mo?"

"Maiintindihan din po niya ako."

"Hay! Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Alam ko na kukulitin ka ni Hance dahil ilang beses siyang pumunta rito noon at nagtatanong kung may balak ka pang umuwi. Kinukuha rin niya ang address ninyo sa Boston. Siyempre, hindi ko binigay."

"Iniwasan ko rin naman po siya pero iwan, nahihirapan ako lalo noong ang bilis napalapit sa kanya si Summer."

"Ang sabihin mo, mahal mo pa talaga si Hance at hindi mo siya kinalimutan."

Indeed. She doesn't have reasons to deny it. Iyon naman talaga ang totoo. Naisantabi ng isip niya si Hance pero itinago ito ng kanyang puso.

"Nandito na ito, Tita. Masaya naman ako sa desisyon ko. Ang mahalaga, masaya rin ang anak ko na kasama ang tatay niya," naninindigang sabi niya.

"Bahala ka nga. Ihanda mo na ang sarili mo sa masasabi ng kapatid mo," anito saka muling umupo.

Iniwan na lamang niya ito. Pumanhik siya sa kanyang kuwarto.

Umaga pa lang ng Linggo ay bumiyahe na sila papuntang Laguna. Hiniling ni Savanna na magsimba sila. Excited si Summer na nakakita ng maraming punong kahoy. Isang araw lang naman sila doon. Ipapasyal din nila sa mga tourist spot si Summer.

Pagkatapos magsimba ay namalengke na sila para sa tanghalian na babaunin nila sa galaan. Na-miss niya ang rest house ni Hance. Ang tagal din nilang naglagi roon noon. Habang nagluluto siya, busy naman ang mag-ama sa paliligo sa swimming pool.

Gusto ni Hance ng may sabaw kaya nilagang baka ang niluto niya at fried chicken naman ang request ni Summer. Bihira nadadalaw ni Hance ang rest house nito kaya ang ibang gamit ay maalikabok na. Kailangan pa niyang banlian ng mainit na tubig ang mga ito. Walang laman ang refrigerator nito. Konti lang naman ang pinamili niya, saktong pang-isang araw lang.

Saktong nakaluto siya tapos nang maligo ang mag-ama. Natuto na rin si Hance mag-asikaso kay Summer. Ito pa ang nag-aayos ng buhok ng bata at namimili ng damit. Mas maarte pa ito sa kanya. Gusto ata gawing manika ang anak nila.

Natuwa siya nang makita na pareho ng T-shirt ang mag-ama. May nakaimprinta na puso sa harapan ng pink na damit. May ganoon din siya na pinasadya ni Hance. May nakasulat na 'mommy' sa gitna ng puso. Ang damit ni Hance ay 'daddy' ang nakaimprinta. Kay Summer naman ay 'baby'.

Pumuwesto na ang mag-ama sa harapan ng hapag-kainan. Ginutom ang mga ito sa kakalangoy.

"Mommy, Daddy teaches me how to swim," pagmamalaki ni Summer.

Pinagdilatan niya ng mga mata si Hance. "Baka mamaya malunod anak mo, ah," aniya.

"Relax, sa mababaw lang kami at may life vest naman siya," ani ni Hance.

"Saka mo na siya turuan kapag seven years old na siya. Mabilis lang siya matuto."

"Nerbyosa ka talaga."

"Nanay ako, Hance, kapakanan ng anak ko ang priority."

"So, pang-ilan ako?"

"Kahit wala ka na, masaya ako," biro niya.

"Kunwari ka pa. Hindi mo naman ako matiis."

Inirapan niya ito. "Kung alam mo lang, isinumapa kita noon."

"Noon 'yon. Saan ka ngayon? Heto at kasama ako." Pilyo itong ngumiti.

Hindi na niya ito pinansin. Umupo na siya sa tapat ng mag-ama. Kaya pala tahimik si Summer, pinapapak na nito ang hita ng manok. Hindi na talaga mapigilan ang paglubo ng katawan nito. Kaya hndi niya maiwasang paggigilan ito. Ang tataba na ng pisngi, bilog na bilog.

Tahimik silang kumakain ang tumunog ang cellphone niya na nasa tabi ng kanyang plato. Tiningnan lang niya ito. Si Cade ang tumatawag. Kinabahan siya. Hindi niya ito sinagot. Napatingin siya kay Hance na nakatitig din sa kanya.

"Who's calling?" tanong nito.

"Uhm, si Cade," walang pag-aatubiling sagot niya.

"Bakit siya tumatawag? Linggo ngayon," kunot-noong usisa nito.

Ang iniisip niya, baka pumunta sa bahay niya si Cade. Patay na. Naroon ang Tita niya. Huwag naman sana niyong sabihin kung nasaan sila. May tiwala siya sa driver at guwardya na hindi magsusumbong ang mga ito.

"Sagutin mo," udyok sa kanya ni Hance.

Hindi niya sinagot ang caller hanggang sa maputol ang tawag. Nang muling tumunog ang cellphone niya ay nagulat siya nang biglang kunin ni Hance ang cellphone at ito ang sumagot. Nataranta siya.

Lumabas pa ng kusina si Hance. Sinundan kaagad niya ito.

"WHO are you? May I talk to Savanna, please?" sabi ni Cade.

Nanggigil si Hance. Hindi siya nakapagtimpi. "It's me, Hance De Silva," sagot niya.

"What? Bakit nasa iyo ang cellphone ni Savanna?" nakataas ang boses na tanong nito.

"Isn't obvious? She's here at my house with our daughter."

"How dare you kidnapped them!"

"Excuse me? Kusang sumama sa akin ang mag-ina ko. And who are you to monitor them? You're just a boss of my fiancee."

"Put Savanna on the line, Hance! I need to talk to her!" bossy na utos nito.

"You can't command me, buddy. And please, stop calling her if it's not related to her job. Nakaiistorbo ka." Pinutol kaagad niya ang tawag.

Pagpihit niya sa likuran ay nakatayo roon si Savanna, namumutla. Mabuti na ring malaman ni Cade na hindi nito makukuha sa kanya si Savanna.

"It's all done. We will wait for your brother to arrive," sabi niya.

"Sana hinayaan mo na lang, sinagot mo pa eh," anito.

"Sav, kung hindi natin ipapaalam sa kanila ang totoo, lalong matatagalan. Laban nating dalawa 'to. Kung hihintayin ko kung kailan ka magiging handa, baka mauna pang makaaalam ang mga iyon at mapagplanuhan nang masama."

"Napa-paranoid ka lang. Puwede mo namang kausapin nang maayos si Cade."

"Siya itong over acting, feeling niya ang laking ng papel niya sa buhay mo. Wala akong pakialam kung ipinagkatiwala ka sa kanya ni Dean."

Nababasa niya ang takot sa mga mata ng dalaga. Nilapitan niya ito at niyakap.

Pagkatapos ng tanghalain ay bumiyahe na sila patungong Enchanted Kingdom. Enjoy na enjoy ang anak niya sa pamamasyal. Samantalang parang binagsakan naman ng langit si Savanna. Pinapanood lang sila nito habang nakasakay sila sa rides.

"Daddy I want this little horse ride in our house," hiling ng anak niya habang nasa likuran siya nito.

"Soon, baby," aniya.

Panay pa rin ang sipat niya kay Savanna. Nakaluklok lang ito sa beach sa labas, nakatulala habang nakatanaw sa kanila. She looks pale. He forgot to ask her about her medical condition.

Nang huminto ang sinasakyan nila ay binuhat niya si Summer at nilapitan ang ina nito. Palubok na rin ang araw. Balak niya na bukas pa sila uuwi para makapagpahinga pa sila.

"Umuwi na tayo," sabi nito.

"Bukas na tayo bumalik ng Maynila," aniya.

Her forehead knotted. "Why?"

"Let's have some rest first."

"May trabaho ako bukas, Hance."

"Huwag ka nang magtrabaho, mag-resign ka na."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "We can't rush anything, Hance. Huwag tayong padalus-dalos."

"So ano'ng gagawin mo kapag nagkita kayo ni Cade? Don't say makikisama ka pa sa kanya."

"Kailangan ko rin siyang makausap para linawin ang lahat. Ayaw kong basta na lang tumalikod na walang maayos na usapan. Hindi mo ako katulad na basta na lang nagdedesisyon," anito saka tumalikod. Nagpatiuna na itong naglakad.

Mariing nagtagis ang bagang niya. Sumunod na lamang sila hanggang sa kotse. No choice, umuwi na sila ng Maynila kahit inabot sila ng dilim. Hindi na sila nagkausap. Pinaiwan nito si Summer kaya umuwi siyang mag-isa sa bahay niya.

Nang hindi siya makatulog ay umalis siya at nagtungo sa kanyang hotel. Naroon pa ang mommy niya sa kanyang opisina at nagbibilang ng pera. Sa tuwing Linggo pa naman ay fully book sila at maraming walked in na kumakain.

He sat in front of her. "How's the income?" walang buhay niyang tanong.

"Kahit naman sabihin ko sa 'yo, barya lang sa iyo ang one million income ng hotel a day," nakangiting sabi ng ginang.

Ngumisi siya. Usually, one million is just for rainy season income. It's the month of April, he expected that he will receive more than twenty million. Napuno ang malaking cash box niya. Pinakamababang room accommodation ng hotel niya ay five thousand for overnight stay. VIP room, nasa twenty-thousand overnight stay. Mayroon nang three-hundred six rooms and hotel niya, hindi kasama ang ballroom, function, talong conference room at iba pa. Iba rin ang income sa restaurant at open for public swimming facilities, na madalas ginagamit ng mga Athlete. Kaya nakapasa ang hotel niya sa five star standard qualification ng department of tourism.

Mas malaki naman ang West Star Hotel and Casino sa Florida, triple rin ang income roon kaya nakasama ang business niya sa nakahanay sa work market. Nasa top 8 siya sa asusasyon nila international. Maliban sa hotels, namana rin niya ang real estate developer. He owned multiple subdivisions, condominiums, a construction companies. May separate income rin siya as engineer sa mga single projects niya. Pero dahil sa tambak na responsibilidad, bihira na siya tumatanggap ng solo projects. Inaasa na lang niya ang mga kliyente sa engineers niya at architects.

"May sobra bang ten million?" tanong niya sa ginang.

"Yes, actually, twelve million. Naitabi ko na ang for employees salaries and other expenses."

"Kukunin ko ang sobra, idi-deposit ko sa bank account ko na para kay Summer."

Bumuntong-hininga ang ginang. "Kailan mo ba kukunin ang mag-ina mo? Gusto ko nang makasama madalas ang apo ko," ungot nito.

"We're having trouble resolving Savanna's problem, Mom. I can't force her to live with me officially. Ayaw ko rin siyang ma-pressure."

"Dapat magpakasal na kayo para naman malagay sa tahimik ang buhay ninyo. Kawawa naman ang anak ninyo."

"Darating tayo riyan, Mom."

He's blessed to have a supportive mother. Since her mother quite her political career, her time was only for him. Late na pero bawing-bawi. Hindi naman niya ito sinisisi, o sinusumbatan sa mga pagkukulang nito sa kanya bilang ina. Hindi rin hamak ang sakripisyo nito sa kanya. Pinagtiyagaan siya nitong alagaan at inintindi.

"Thanks for all your sacrifices, Mom. I never expected that my life will be complete again. Without you, I can't make it," he said emotionally.

Ginagap nito ang kamay niya. "Of course, as a mother, I'm willing to do anything for my child's the best future. I know money wasn't enough to sustain your needs as a child. I had realized all of this when I saw you happy with Savanna. Kahit noong mga bata pa kayo, nakikita ko na kahit pala wala ang pera, mapapasaya ka. Kaya nagseselos din ako noon sa nanay ni Savanna, kasi napalaki niya na masaya ang anak niya sa simpleng buhay."

Napangiti siya. Alam na niya ang mga dahilan ng mommy niya bakit nito pinaalis noon si Savanna at nanay nito. Pero may kasalanan din pala siya. Napakapusok niya noon.

"Ilang ulit na akong nag-sorry pero magso-sorry ulit ako, Mom. Sorry sa katigasan ng ulo ko," aniya.

"It's not you, hijo. Ako na ina mo ang nagkulang. Sa nanay nakasalalay ang paglaki ng bata. Kaya alam ko na hindi ko nagampanan nang maayos ang papel ko bilang ina mo."

Nagbabadya nang lumuha ang kanyang ina. Palagi na lang silang nagdadramang mag-ina.

"Okay na, Mom, mamaya makakaubos ka na naman ng isang rolyo ng tissue sa kakaiyak. Naging iyakin na rin ako dahil sa inyo."

Tinampal nito ang kamay niya. "Ikaw kasi, ang drama mo."

Pagkuwan ay nagbilang na sila ng pera. Noong huling check kasi niya ng ATM account niya na iniwan kay Savanna ay may isang daang libo na lang. Hindi talaga niya masyadong nagagamit iyon. Kung tutuusin, sampung libo pa lang ang nabawas ni Savanna sa pera. Nagbigay pa ito ng resibo sa kanya. Halos gatas at diaper lang ang pinamili nito.

MARAMI nang missed calls si Dean. Hindi pa rin sinagot ni Savanna ang huling tawag nito hanggang nakatulog siya. Nakabalik na rin si Manang Lorna kaya iniwan niya rito si Summer kinabukasan.

Pumasok pa rin siya sa trabaho. Hindi pa nagre-report sa opisina si Cade. Ayon sa secretary, may flight daw si Cade papuntang US para bisitahin ang offices nito roon. Inalipin na siya ng kaba. Tiyak na magkikita roon sina Cade at Dean.

Hindi niya maintindihan ang kanyang mood. Mabilis siyang mairita. Nagduda na siya na baka buntis siya. Hindi natuloy ang buwanang dalaw niya. Hinintay muna niyang lumipas ang dalawang buwan bago magpakonsulta sa doktor.

Maghapon siya sa opisina. Talagang hindi na dumaan doon si Cade. Dumiretso na iyon sa US. Dapat pala ay kasama siya nitong pupunta kaya ito pumuta sa bahay niya para sana kausapin siya tungkol doon. Tapos na ang pagpapanggap niya matapos kausapin ni Hance si Cade. Naiinis lang siya sa padalus-dalos na desisyon ni Hance. Iyon lang ang hindi nabago sa ugali nito, at ang minsang pagka-paranoid.

Kinagabihan pag-uwi niya ng bahay ay nadatnan niya roon si Hance at kasalo sa hapunan si Summer. May dala na naman itong pagkain. Wala siyang ganang kumain. Sa maghapon ay isang hiwa ng pizza pie lang at champorado ang kinain niya, naisuka pa niya ang iba.

"Mommy, let's eat!" yaya ni Summer.

"Eat well, baby. Magbibihis lang si Mommy," sabi niya. Nilagpasan lang niya ang mga ito.

Nanlalata siya pagpasok ng kuwarto. Nag-hot bath siya. Pagkatapos makapagbihis ay humiga na siya sa kama na may nakapulupot pang tuwalya sa kanyang buhok. Nakaidlip na siya nang may sumampa sa kama. Naalimpungatan siya.

Nasa tabi na niya ang kanyang mag-ama. Nairita siya sa likot ng mga ito. Hindi siya nakatiis, lumipat siya sa kama ni Summer. Kasya naman siya kaso hindi siya maaring gumulong dahil mahuhulog siya. Sumasakit ang ulo niya sa ingay ni Summer. Tili ito nang tili. Tinakpan niya ang kanyang tainga.

Mabuti tumahimik din ang mga ito. Kinukuwentuhan ni Hance si Summer ng kuwentong pambata. Himala, dati ayaw ni Summer na may nagsasalita sa tabi nito habang kinukuha ang antok. Nakikinig ito sa ama at hindi malikot. Na-amaze siya. Nang sipatin niya ang mga ito, napansin niya na nakakapikit na si Summer. Tuloy pa rin ang kuwento ni Hance. Pati siya ay inaantok na rin.

Nakakapikit na siya nang may mainit na bagay na humahaplos sa pingi niya. Pagmulat niya ng mga mata ay namataan niya si Hance na nakaupo sa silya sa kaliwa niya. Sisunuklay nito ng daliri ang buhok niya na nakalugay. Inalis nito ang tuwalang nakapulupot dito.

"Are you okay?" paos nitong tanong.

"Yeah, I'm just tired," tugon niya.

"Take a rest." Hinagkan siya nito sa noo. Pagkuwan ay tumayo ito.

"Saan ka pupunta?" Hinabol niya ito ng tingin.

"Magpapahangin lang ako sa labas. Hindi pa kasi ako inaantok," anito.

"Sige." Sinundan lang niya ito ng tingin hanggang makalabas ng pinto.

Mabilis din siyang ginupo ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top