Chapter 18
DAHIL sa pagdududa ni Cade, ang naging tagpuan nina Savanna at Hance ay sa bahay ni Sabrina. Palagi itong nauuna roon. Idinadahilan lang niya sa bodyguard na inimbimbita silang mag-dinner. Alam ni Sabrina ang galaw nila ni Hance.
"Hanggang kailan ba kayo ganyan? Ako ang nahihirapan sa inyo, eh," sabi ni Sabrina nang magkasalo na silang lahat sa hapunan.
Kararating lang din ni Ace mula ospital. "Oo nga, ano ba ang plano ninyong dalaga?" gatong ni Ace. Katabi nito ang asawa.
Hindi umiimik si Hance. Kain lang ito nang kain. Bumuntong-hininga siya. Hindi pa rin buo ang confident niya na komprontahin si Dean.
"Hindi ko pa alam kung paano sabihin ang totoo kay Kuya na hindi kami nagkakasamaan ng loob," nanghihinang sabi niya.
"Mahirap talaga kung nakadepende ka sa kuya mo," ani ni Ace saka sinipat si Sabrina. Pinaparinggan ata ang asawa.
"Oh, ipapaalala mo na naman sa akin ang kahinaan ko noon," sabi ni Sabrina.
"Magkapatid nga kayo ni Savanna. Pareho kayong sunud-sunuran sa kuya ninyo," banat ni Ace.
"At least natauhan na ako. Pasalamat ka mas pinili kita."
"Malaking kawalan mo ako, Sab, sinasabi ko sa 'yo."
"Asus. Tampuhin ka naman. Ikaw nga itong hindi marunong lumaban, eh. Iyakin," tudyo ni Sabrina sa asawa.
"Nirespeto ko lang ang desisyon mo. Pero alam ko na hindi mo rin ako matitiis."
"Seriously, Ace?"
Naiingit si Savanna sa mag-asawa. Gusto rin niyang maranasan ang ganoong malayang relasyon. Masaya nga sila ni Hance, limitado naman.
Napansin niya natahimik si Hance. Magmula nang dumating sila ay seryoso na ito. Halatang pilit ang pakikisama nito. Alam niya masama ang loob nito dahil pinagawalan niya na dumalaw sa kanila sa bahay.
Nang makapagsolo sila sa lanai ay masinsinan niya itong kinausap. Nakatulog na sa kandungan nito si Summer. Napagod din ito kakalaro sa mga pinsan.
"Konting tiis na lang, magiging malaya rin tayo, Hance," sabi niya rito. Nakaupo siya sa katapat nitong silya.
Nagtagis ang bagang nito. "Bakit si Cade ang mag-decide? Wala siyang karapatan, Savi. Boss mo lang siya, hindi dapat siya nakikialam sa mga desisyon mo, lalo sa nangyayari sa loob ng tahanan mo. He's courting you, right?" anito sa matigas na tinig.
"Pinatigil ko na nga siya sa panliligaw pero makulit."
"Then you allow him to decide for your house. Malakas lang ang loob niya dahil protektado siya ni Dean."
"Hindi ko naman sinusunod ang mga suhensyon niya, eh. Pero si Kuya ang nagsabi na magpalagay ng CCTV footage sa palibot ng bahay."
"Dahil sinabi sa kanya ni Cade. Alam ko ang takbo ng mga utak nila, Savi. Talagang desidido silang sirain tayo nang tuluyan."
"Hindi na ako papayag, Hance," naninindigang wika niya.
"Then, what are you waiting for? Kailan ka magkakaroon ng lakas ng loob na tapatin ang kapatid mo?"
Magkasunod siyang bumuntong-hininga. "Hindi ko makompronta si Kuya lalo nasa malayo siya. Ayaw ko naman na sa phone lang kami mag-usap."
"Then hayaan mong malaman niya na may ugnayan pa tayo. Huwag mo akong itago sa kanila lalo na kay Cade. Kung hindi mo kaya, ako ang gagawa ng paraan," nauubusan na ng pasensyang sabi nito.
Inalipin siya ng takot. "Please, ayaw ko ng gulo, Hance."
"Hindi magkakagulo kung wala naman tayong ginagawang masama, Savi. Lalo tayong magigipit kung magtatago lang tayo."
"So ano ang gagawin ko?"
"Tama nang pagtatago. Napapagod na ako. Tama na ring arte. Ipakita mo kung ano ang totoo. Wala na akong pakialam sa bodyguard mo."
"Hance, baka kung ano ang gawin sa 'yo ni Kuya."
"Minamaliit mo ba ako?"
Tuma yo si Hance habang karga si Summer. Hindi niya ito napigilan hanggang sa labas ng bahay nila Sabrina. Nakabuntot lang siya rito. Sa kotse nito isinakay si Summer. Nagtataka ang driver at bodyguard bakit hindi sila sumakay sa kotse ni Dean. Kinausap lang niya ang driver. Pero loyal ang mga ito kay Dean. Malamang na magsusumbong ang mga ito.
Nahawa na siya sa tapang ni Hance. Walang nagawa ang guwardya nang siya mismo ang magpapasok kay Hance. Talagang gyera ang gusto nito. Inunahan na niya ang bodyguard na kung magsusumbong ang mga ito kay Dean ay lalayas silang mag-ina, lalong mawawalan ng trabaho ang mga ito. Mabuti nakisama ang mga ito.
Dahil naging maluwag ang bodyguards niya, nahihiram na ni Hance si Summer. Nadadala nito sa opisina si Summer at pinakilala sa parents nito. Siya lang ang hindi nito naisasama dahil tinambakan siya ng paperwork. Naging busy rin si Cade kaya hindi siya nito nahahatid sa bahay niya.
Malakas talaga si Hance. Nauto nito ang mga tauhan ni Dean. Kahit mawalan ng trabaho ang mga ito, kukunin ito ni Hance para magtrabaho rito. Aba, game ang tatlong mokong. Natanto siguro ng mga ito na mas galante at mabait si Hance. Nakuha sa suhol ang mga ito. Ang isang bodyguard ay nag-resign na at palihim na lumipat sa kumpanya ni Hance. Mabuti wala pa itong kapalit.
Inabot ng gabi sa opisina si Savanna. Saktong kararating lang ni Cade mula sa meeting nito. Niyaya siya nitong mag-dinner pero tumanggi siya. May usapan sila ni Hance na sa hotel sila mag-dinner kasama ang parents nito.
"Ihatid na lang kita," sabi ni Cade.
"Naku, huwag na. May driver naman ako. At saka, gabi na. Magpahinga ka na lang," aniya.
"What about our Baguio Trip? Magbo-book na ako ng hotel suite," paalala nito.
Napasintido siya. May usapan pa naman sila ni Hance na pupunta silang Laguna sa Linggo. "Puwede bang next Sunday na lang ulit? Gusto ko kasi munang magpahinga. Nahihilo ako sa kakabiyahe araw-araw," alibi niya.
"We can use my private jet to avoid a long hour of travel."
"Sa susunod na Linggo puwede. Ngayon kasi tinambakan ako ng maraming trabaho. Pinauwi ko rin kasi si Manang Lorna kaya walang mag-aasikaso kay Summer."
"So sino ang kasama ngayon ni Summer?"
Nataranta siya. "Ah iniwan ko siya sa half-sister ko," mabilis niyang sagot.
"So, next Sunday is final."
"Yes, next Sunday."
"Okay. Puwede ka nang umuwi. Bukas mo na ituloy 'yan," anito saka siya iniwan.
Ang saya niya nang malusutan si Cade. Paglabas niya ng opisina ay kinausap niya ang driver na ihatid lang siya sa West Star Hotel. Pinauwi na niya ito.
NASA VIP dining room ang kanyang mag-ama. Pagpasok niya ay namataan niya si Summer na kalaro ang lolo nito. May malaking batang robot na babae na kalaro si Summer. Humahagalpak ang tawa ng anak niya. Daalwang araw pa lang ito sa puder ng ama nito, instant close na kaagad sa grandparents.
Na-miss niya si Forena. Ito ang nag-aayos ng pagkain sa round table. Si Hance naman ay busy sa pagtimpla ng cocktail sa kabilang lamesa. Nang makita siya ng ginang ay kaagad siya nitong nilapitan at mahigpit na niyakap.
"Welcome back, hija! I'm so happy to see you again. Marami akong ikukuwento sa 'yo," sabi nito nang maghiwalay sila.
"Salamat po, Tita," naiilang na sabi niya.
"Come on, just call me mommy. Hindi magtatagal ay ikakasal din kayo ng anak ko." Iginiya siya nito sa round table kung saan maraming masasarap na putahe. Pinaghila pa siya nito ng silya.
"You know, Hance always reminds me about you. I'm not against it, though. I'm so grateful to know that you chose to live here again. I asked Sabrina about your situation in the US, and she said that you're fine and raising your daughter alone. So nagpursige ako na tulungan si Hance na magpagamot. And first of all, I very sorry for what happened before. Malaking kawalan ka talaga sa anak ko, Savanna," masiglang pahayag ng ginang.
"Salamat po at sinusuportahan n'yo kami ni Hance."
"Of course, gusto kong maging masaya ang anak ko. I'm pretty sure, too, that you don't have to worry about Hance. Magaling na siya. Tiniyak namin iyon ng doktor niya."
"Opo, naniniwala ako. Pinatunayan naman iyon sa akin ni Hance."
"So, what about your brother?"
Napalis ang ngiti niya. "Hindi pa po niya alam ang nangyayari. Pero nakahanda naman po akong magtapat sa kanya."
Ginagap ng ginang ang kamay niya. "I understand your brother, Savi. If I have a chance to talk to him, I will, but Hance wants to do it personally. Ang kaso, hindi naman naglalagi rito ang kuya mo."
"Busy pa po siya sa business niya."
"Eh saan ka nagtatrabaho ngayon?" pagkuwan ay usisa nito.
"Nagtatrabaho po ako sa main office ng United Asian Air at JT Maritime company."
"Really? Paano ka nakapasok doon?"
"Na-hire po ako ng presidente ng kumpanya na friend ng kuya ko."
"Oh, si Mr. Cade Alcantara?"
"Opo."
"Binata pa 'yon, ah, matanda lang ng isang taon kay Hance, I guessed."
Kumibit-balikat siya.
Maya-maya ay inilapag na ni Hance ang tinimpla nitong cocktail sa lamesa nila. "Let's eat guys!" anunsyo nito.
Tinikman ni Forena ang cocktail. "Hm, humuhusay ka na sa pagtimpla ng cocktail, hijo," komento nito.
"Thanks, Mom. Magaling magturo ang bartender natin."
Kinarga naman ni Hillario si Summer. May sariling upuan at plato si Summer sa pagitan ng lolo at ama nito. Napansin niya na bago ang dress ni Summer. Pink ito, na may raffles sa laylayan. May pink din itong head band na may pekeng buhok na blonde. May ginawang blueberry shakes si Hance para kay Summer. Nagustuhan ng bata ang lasa. Gusto atang ubusin ang isang pitcher. Binawasan lang iyon ng ginang.
"Eat muna, baby," saway ni Forena sa apo.
Kumain naman ng kanin si Summer pero ang mga mata nito nasa blueberry shakes.
"Saan mo ba pinaglihi ang anak natin, hon?" tanong ni Hance. Siniko pa siya nito.
"Sa blueberry pie," mabilis niyang sagot.
"Oh, kaya pala ang hilig niya sa blueberry. Alam mo bang pumasok 'yan so fruit storage ng kitchen sa restaurant saka nanginain ng blueberry?" sabi ni Forena.
Natawa siya. "Sa US po kasi, talagang may stock akong blueberries at raspberry. Dito kasi bihira ang fresh blueberries," aniya.
"Mabuti na lang may supplier tayo from Canada," ani ni Hance.
"Kaya ayaw nang umalis dito ni Summer, eh," sabi naman ni Hillario.
Pinaspasan talaga ni Summer kumain dahil gusto na nitong makainom ng shakes. Nang makainom ay abot tainga ang ngiti nito. Hindi man lang siya nakatikim ng shakes. Cocktail naman ang ibinigay sa kanya ni Hance.
Halos hindi na makagalaw si Summer dahil sa kabusugan. Kaunting kanin lang naman ang nakain nito. Nabusog ito sa blueberry shakes.
"I can't move, Mommy," reklamo nito.
"Ayan, katakawan mo 'yan," kantyaw niya rito.
"Hon naman, huwag kang ganyan sa bata," saway rin sa kanya ni Hance.
Binuhat nito si Summer saka ibinaba sa sahig. Ang bagal nitong maglakad. Natatawa siya. Kumaway ito sa kanila habang nakabuntot sa lolo nito.
Naiwan silang tatlo ni Forena sa lamea. Umalis ang maglolo dahil manonood daw ng kiddie show. Pinagsaluhan naman nila ang cocktail habang nagkukuwentuhan. Napag-usapan nila si Dean.
"Na-met ko si Dean sa Florida noong first-time kong dumalo sa International Business Association Seminar. Actually, siya ang pinakabatang participant noon kaya agaw pansin siya," sabi ni Forena.
"College pa lang po kasi si Kuya sumasama na siya sa daddy niya. Palagi siya ang representative ng daddy niya sa tuwing may business-related meeting or seminar," aniya.
"Magaling siya kung tutuusin ang kaso, pagdating sa world market, hindi siya nakahahabol sa ranking. Bukod sa bigatin ang mga kakompitensya, hindi sapat ang experiences niya when it comes to marketing strategy. He's not following the marketing standard. Wala siyang polidong record na talagang nag-raise siya ng company in the single proprietor and using his income. Marami siyang kaalyadong kumpanya na mas malalakas sa kanya kaya siya nilalamon at hindi napapansin. Sa association kasi namin, priority ang independent businessman. So noong nai-apply ko si Hance, pumasa siya sa standard since Hance reached the minimum monthly income record in single proprietor company that reached also the world market. Not acceptable ang corporation. Mostly kasi sa companies ni Dean ay corporation. Mayroon siyang single proprietor pero hindi kumikita sa world market," paliwanag ni Forena.
"Kaya insecure sa akin si Dean," sabad naman ni Hance. "Mas bata ako sa kanya pero naungusan ko siya. Ang international hotel ko sa Florida ay sarili ko nang income iyong puhunan ko at wala akong stock holders. Solo ko iyong pinapatakbo. Even my parents never support me financially. Ang mga namana kong business, doon lang sila nakikialam."
"Siguro, hindi matanggap ni Dean na naunahan siya ni Hance dahil mas nauna siyang naging miyembro ng asusasyon, samantalagang alam niya na may pinagdadaanan pang karamdaman ang anak ko. Iginigiit niya na hindi patas ang pagili ng opisyales sa asusasyon at maaring may pinapaburan. To be honest, I never assists my son to his won business. Talagang may sariling diskarte si Hance. Aside of business, may sarili rin siyang income sa pag-side-line niya sa endorsement and Media guesting, both local or international," ani ni Forena.
Naintindihan na niya bakit noon pa ramdam niya na may personal na galit si Dean kay Hance. Kaya pala kilalang-kilala nito si Hance. Grabe ang galit nito noong nalaman nito na may relasyon sila ng binata. Gayunpaman, wala siyang balak masamain ang kapatid niya. Alam din niya ang dahilan bakit naging agresibo si Dean sa pag-angat sa larangan ng business.
"Naintindihan ko po kayo. Mabait naman po si Kuya. Naimpluwensiyahan lang siya ng ibang partner niya sa negosyo na pinu-push siya sa mga bagay na hindi niya gamay. Ang daddy rin kasi niya ay mahilig sa kompitensya. Kaya nagpursige si Kuya dahil minamaliit ng kaanak niya ang kakayahan niya. Kaya noong nagkaroon na siya ng sariling kumpanya, nagsumikap siya na makaangat kaagad," kuwento niya.
"Wala namang masama roon, hija. Pero sana, maging transparent siya. Huwag naman siyang manghila ng iba para siya ang umangat. Pinipersonal niya ang isyu niya kay Hance. Por que hindi siya nakapasok sa top businessman ng asusasyon namin, pag-iinitan niya ang anak ko. Pati tuloy ang relasyon ninyo ni Hance idinamay niya. Though talagang may kasalanan ang anak ko, at least naman, tingnan niya ang good side bago siya humusga," dumidepensang sabi ng ginang.
Ramdam ni Savanna ang pagmamahal ni Forena sa anak. Ayaw nito na inaapi ang anak, kahit sino namang ina.
"Matatauhan din po si Kuya. Hindi pa kasi niya ramdam ang impact ng ginagawa niya," sabi na lamang niya.
"Eh kasi wala pang pumupuna sa kanya at nagtatama sa ginagawa niya," apela ni Hance.
"Iyan ang hirap kapag bigla kang pumasok sa business na ang goal mo kaagad ay umangat. Matalino naman siya, nasilaw lang siya sa kapangyarihan," wika ni Forena.
"Oo nga po. Ganoon din kasi ang tatay niya," komento niya.
Kumislot siya nang akbayan siya ni Hance. "Off topic," anito. "Sa Linggo doon muna kami sa Laguna, Mom. Kayo na muna ang bahala rito," paalam nito sa ina.
"Oo ba. Maganda 'yan para makapag-bonding kayong pamilya. Ipasyal n'yo si Summer para naman maaliw ang bata," anang ginang.
"Sure. Tuloy na rin ang honeymoon."
Tumawa ang ginang. "Silly." Tinampal nito sa braso ang anak.
Kinurot naman ni Savanna ang baywang ng binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top