Chapter 16
KAYA pala pinapapunta ni Hance si Savanna sa bahay nila Sabrina dahil birthday ni Ace. Magsi-celebrate ang mga ito. Nag-text din sa kanya si Sabrina.
Maaga pa lang ay umalis na sila ni Summer dahil gusto niyang tulungan sa pagluluto si Sabrina. Isang bodyguard lang ang kasama nila at isang driver. Kailangan nilang mag-ingat dahil tiyak na minu-monitor sila ni Dean.
Pagdating nila sa bahay ng mga San Diego ay naroon na si Hance. Hindi rin pumasok sa ospital si Ace. Sa labas lang naman ng bahay naiwan ang driver at bodyguard, sa may kubo roon. Binibigyan lang niya ng pagkain ang mga ito.
Ang saya ni Summer nang makita ang tatay nito roon. Kaagad itong nakipaglaro. May playground sa loob ng bahay si Ace para sa mga bata. Naroon ang mga ito at sinasamahan ang mga bata.
Silang dalawa naman ni Sabrina ang magkatuwang sa pagluluto. May mga bisita raw si Ace kaya marami silang lulutuin.
"Ang husay n'yong magtago ni Hance, ah," sabi ni Sabrina nang ikuwento niya rito na nag-o-over the bakod si Hance para makasama sila sa gabi.
"Oo nga pero nahihirapan na rin ako," aniya sa malamig na tinig.
Nagbabalat siya ng carrot. Si Sabrina naman ay ginigisa ang karne na gagawin nitong caldereta.
"Bakit hindi mo na lang kausapin ang kuya mo? Maiintindihan ka naman siguro niya."
Nag-alangan siya lalo nang ikuwento ni Hance kung ano ang mga dahilan bakit galit dito ang kapatid niya. Sa taas ng pride ni Dean, malabong papayag ito na balikan niya si Hance. Noon pa lang ay isinumpa na nito na hindi nito tatanggapin si Hance para sa kanya.
"Kung sana ay makuha sa pakiusap si Kuya, bakit hindi?"
"Natatali ka lang sa utang na loob mo sa kanya, sis." Hinarap siya ni Sabrina. "We had the same situation, Savi. Ganyan din ako noon kay Kuya. Halos kontrolado niya ang buhay ko dahil nga kay Hance. Pero noong na-realize ko na ginagamit lang ako ni Kuya para sa sarili niyang kapakanan, natauhan ako. At saka, hindi naman ako mahal ni Hance. Kaya ipinaglaban ko ang side ko," kuwento ni Sabrina.
Nakakuha siya ng ideya sa kuwento nito. Pero magkaiba ng ugali ang mga tao. Iba si Dean, at mas malaki ang utang na loob niya rito. Nagi-guilty rin siya dahil nangako siya sa kapatid. Hindi naman niya akalain na biglang babalik ang pagmamahal niya kay Hance, na akala niyang nawala na. Iba pa rin pala kapag nasa harapan na niya ang tao. Dahil din iyon kay Summer. Hindi niya kayang pagkaitan ng karapatan ang anak niya at magsinungaling dito habang buhay.
"Pinag-iisipan ko nga kung saan ako magsisimula," sabi niya.
"Sundin mo kung ano ang gusto ng puso mo, Savi. Kung saan ka masaya, go. Hindi ka naman pababayaan ni Hance. At nandito naman ako para alalayan ka."
Napangiti siya. "Salamat, Ate. Malaking tulong talaga na nakilala kita."
"I'm just concern, sis. Gusto ko ring maging masaya ka katulad ko."
Nabuhayan siya ng pag-asa.
Bago sumapit ang tanghali ay marami na silang naluto. Pulutan at meryenda sa hapon na lang ang niluluto nila ni Sabrina. Dumating ang pamilya ni Ace, ang mga magulang nito, kapatid na babae kuyog ang asawa't mga anak.
In fairness, ang hunk din ng bayaw ni Ace na si Gaizer. Dumating din ang kaibigan ni Ace, na sikat na modelo, si Franco Sta. Maria, na pinsan naman ni Gaizer. Kasama rin ni Franco ang artista at sikat na modelo nitong asawa na si Coleen Hernandez.
Tatlo na ang anak nina Gaizer at Alexa, na kapatid ni Ace. Dalawa naman ang anak nina Franco at Coleen. Natutuwa siya na nakilala niya nang personal ang sikat na si Coleen Hernandez. Ang bait nito at napakaganda.
Ang ingay na ng kabahayan dahil sa mga bata. Ang nanay ni Ace ay nakaluklok lang sa wheel chair nito at nakamasid sa mga batang naglalaro. Na-stroke pala ito kaya paralisado na.
Lalong sumaya si Summer dahil ang dami nitong kalaro. Hindi naman siya nag-aalala dahil naroon si Hance at binabantayan ang anak nila. Hyper pa naman ito kapag maraming kalaro. Halos ayaw nitong tumigil sa pag-iindayog. Sinabihan lang niya si Hance na bantayan ang likod ni Summer baka basa na ng pawis. Inaatake pa naman ito ng hika kapag natuyuan ng pawis. Panay ang sunod ni Hance ng punas sa likod ni Summer. Wala itong inatupad kundi sundan ang kilos ng anak nila.
Saktong pagsapit ng alas-dose ay kumain na sila. Naroon sila sa hapagkainan na may mahabang lamesa. Hinatiran lang ni Savanna ng pagkain ang bodyguard at driver nila. Kakuwentuhan din ng mga ito ang driver ng ibang bisita. Mga big time ba naman ang bisita.
Napagod kakaluto si Savanna kaya pagsapit ng hapon ay nagpahinga siya sa guest room na inilaan ni Sabrina. Mabuti may dala siyang ekstrang damit maliban sa damit ni Summer. Naligo na siya roon.
Paglabas niya ng banyo ay saktong pumasok si Hance karga si Summer na nakatulog na. Maingat nito iyong inihiga sa kama.
"Palitan mo ang damit niya," sabi niya rito.
"May dala ka bang damit?"
Kinuha niya ang bag saka inilabas ang damit ni Summer. Nagbihis na rin siya. Sinuutan ni Hance ng diaper si Summer. Baliktad pa ang lagay nito. Ang dapat nasa harapa at nasa likod. Natawa siya.
"Baliktad 'yan," sita niya.
"Paano ba?" amuse na tanong nito.
"Baliktawin mo, dapat mas malapad sa likod para hindi lumagpas ang ihi," turo niya.
Inulit naman nito. "Ang sarap pala mag-alaga ng bata, kakaaliw," sabi nito nang matagumpay na naikabit ang diaper.
"Oo, nakatatanggal ng pagod," sang-ayon niya.
"Mas masaya kung maraming anak, 'di ba?" Kinindatan siya nito.
"Hm, hihirit ka pa, sure naman na masusundan si Summer."
Tumayo si Hance at niyapos siya sa baywang. Nagdikit ang mga katawan nila at masuyong magkatitig ang mga mata. Parang ayaw na niyang umuwi sa bahay niya. Gusto na niyang sumama kay Hance sa bahay nito.
"Mas magiging masaya kung malaya na tayong magsasama, Savi. Mas masaya kung legal tayong mag-asawa, na walang kontrabido," seryosong pahayag nito.
Bumuga siya ng hangin. "Makararating tayo riyan, Hance. Huwag tayong magmadali. Alam ko nahihirapan ka na rin."
"Yes, I know you, too."
Yumuko ito at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Kaagad naman siyang tumugon. Naudlot ang halikan nila nang may kumatok sa pinto. Kaagad silang naghiwalay.
"Huwag kang maglasing, ah?" habilin niya rito.
"Yes, ma'am. Take a rest," anito at sandaling pinaghinang ang kanilang mga labi.
Kanina pa kasi niyayaya ng mga lalaki si Hance na uminom. Hindi naman mga mukhang sugapa sa alak ang mga kainuman nito kaya hindi siya nag-alala. May nagdala ng imported liquor at wines. Usapan nila ni Sabrina wine lang ang iinumin nila pero pagsapit na ng gabi.
Sinabayan muna niya sa pagtulog si Summer.
NAGISING si Savanna na wala na sa tabi niya si Summer. Bumangon na siya at hinanap ito sa labas. Nakikipaglaro na naman ito sa ibang bata sa playground. Si Hance ay nakatulog sa sofa.
"Ang hina na ni Hance sa alak, nakatulog kaagad," sabi ni Ace.
Ang ibang kalalakihan ay nasa hardin at nag-iinuman pa rin. Napangiwi si Savanna nang makita ang driver at bodyguard niya na lasing na. Paano pa sila makauuwi?
"Bakit sila nalasing?" wala sa loob na tanong niya sa mga lalaki.
"Uminom kasi ng alak," pilosopong sagot ni Gaizer.
Natawa siya. Oo nga naman. Ang driver niya ay nakatulog na sa loob ng open cottage. Itong bodyguard na si Jomar ay sugapa pala sa alak. One on one nakikipag-inuman kay Gaizer. Si Franco at Coleen ay nauna nang umuwi. Kaya pala nabawasan ang mga bata.
Alas-sais na ng hapon. Pinainit lang nila ni Sabrina ang tirang pagkain. Nauna nang umuwi ang parents nito. Katuwang nila si Alexa sa paghahanda ng hapunan. Sila lang naman ang kakain dahil nalasing na ang iba.
"Loko talaga si Kuya Gaizer, nilasing ang driver at bodyguard mo, Savi. Siya hindi pa lasing," ani ni Sabrina. Naroon na sila sa hapagkainan at nag-aayos ng pagkain.
"Naku, gago talaga 'yong asawa ko na 'yon," sabi naman ni Alexa."
Tumawa siya. Pero mabuti na rin iyon para hindi sila makauwi. Gusto pa niyang makasama si Hance.
Maya-maya ay pumasok si Gaizer at kumuha ng pulutan. Pinalo ni Alexa ng tinidor ang kamay nito.
"Hoy! Tama na 'yan! Ang lakas ng loob mong uminom, mamaya hindi na tayo makauwi!" sita ni Alexa sa asawa.
"Hindi naman ako naglalasing, eh. Konti lang iniinom ko, hinahaluan ko ng tubig. Nilasing ko lang ang alalay ni Savanna para may libre akong imported chocolate kay Hance at free hotel accommodation tayo sa hotel niya," sabi ni Gaizer.
"Siraulo ka talaga!"
Tumakbo si Gaizer para iwasan ang kamay ni Alexa.
Napangiwi si Savanna. Ang kulit ng mag-asawa pero sweet. Natawa siya sa ideya ni Hance na lasingin ang driver at bodyguard niya. Pero pati ito nalasing.
Tinawag na nila ang mga bata para maghapunan. Ginising naman niya si Hance. Lulugu-lugo itong bumangon. Para mahimasmasan ito, pinainom niya ito ng tea.
"Nalasing na ba ang mga sagabal sa pagmamahalan natin, Savi?" nakangising tanong nito nang mahimasmasan.
Naroon sila sa kusina. "Oo, lasing na lasing na. Ikaw talaga, puro ka kalokohan."
"Ang galing ni Gaizer. Magdamag tayong magkakasama." inakbayan siya nito.
"Nalasing ka naman."
"Ang daya kasi ni Gaizer magpaikot ng baso. Tuso ang gago."
Natawa siya. Pagkuwan ay sabay na silang nagtungo sa hapagkainan. Naroon na rin si Gaizer at kumakain. Si Summer ay nakikisabay sa ibang bata. Ganado itong kumain.
Umupo sila ni Hance sa katapat ng mag-asawang Gaizer at Alexa. Si Sabrina at Ace naman ay nasa unahan nila. Magkakatabi naman ang mga bata sa hanay nila Alexa.
"Alam n'yo kayo, ang simple lang ng problema n'yo," sabi sa kanila ni Gaizer. Nagkakamay itong kumain. "Puwede naman kayong magtanan. Ang yaman mo, Hance, bakit hindi mo gamitin ang pera mo para ibili ng sariling bansa ang babeng mahal mo? Yaong walang ibang tao na makapapasok."
Kinurot ni Alexa sa braso ang asawa nito. "Tumigil ka nga! Wala kang matinong suhesyon, hindi ka nakakatulong!" sita nito.
"Tama naman, eh," depensa naman ni Gaizer.
Iiling-iling si Hance. Panangiti lang si Savanna.
"Ayaw ko namang umasa sa pera ko, Gai. Gusto ko ng challenge para patunayan kay Savanna na handa akong magtiis. Kaduwagan ang pagkapit sa pesa para umangat at manalo sa laban. Kaya ko pa namang maghintay. Gusto ko si Savanna ang magdesisyon," ani ni Hance.
"Kung sa bagay, sanay ka sa bugbog," wika ni Gaizer saka tumawa. Panay ang siko rito ng asawa.
"Tumahimik ka na nga," si Alexa.
Tumahimik na si Gaizer. Ang mga bata naman nag-ingay. Nagkukuwentuhan ang mga ito.
Napangiti si Savanna nang natuto na ring magkuwento si Summer. Marami na itong alam na salitang Tagalog. Bukod sa tinuturuan ito ni Rosalie, nanonood din ito ng kiddie shows na tagalog.
Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na sina Gaizer at Alexa. Pinaalala pa ni Gaizer ang suhol kuno rito ni Hance.
Inabot ng alas-onse ng gabi sina Sabrina at Savanna sa kusina. Inubos nila ang mga hugasin habang nagkukuwentuhan. May tira pa ring mga pagkain. Mahihinang kumain ang ibang bisista nila. Ang mga bata ang kakaunti lang naman kung kumain.
Pagpasok niya sa inuukupa nilang kuwarto ay nakatulog na ang kanyang mag-ama. Saktong pag-upo niya sa kama ay tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesita. Dinampot niya ito.
Si Dean ang tumatawag. May ilang missed calls na pala ito sa kanya. Malamang nag-report na rito ang bodyguard niya na naiwan sa bahay. Bumuntong-hininga muna siya bago ito sinagot.
"Hello, Kuya?"
"Where are you? Hindi pa raw kayo umuuwi sabi ng bodyguard," anito.
"Narito kami sa bahay nila Sabrina. Birthday ng asawa niya at tumulong ako sa pagluluto," tugon niya.
"At bakit hindi pa kayo umuuwi?"
"Nalasing ang driver ko at bodyguard. Ayaw ko namang pilitin silang magising."
"So diyan na kayo magpapalipas ng gabi? Sana sinagot mo ang tawag ni Cade. Pumunta siya sa bahay mo wala ka." Pumalatak na ito.
"Busy kasi ako kanina."
"O baka naman sumasalisi ka, Savi. Huwag ko lang malalaman na palihim ka pa ring nakikipagkita sa Hance na 'yon."
Inalipin siya ng kaba. Hindi na niya alam kung paano ang pagsisinungaling ang gagawin niya.
"Savanna?" untag ni Dean.
"Yes, Kuya. Sorry, inaantok na kasi ako," alibi niya.
"O sige, matulog ka na. How's Summer?"
"Nakatulog na siya."
"Okay. Basta umuwi kayo nang maaga. And please, call Cade and explain why you're not at home today."
"Opo."
Naputol na ang linya. Hindi niya tinawagan si Cade. Humiga na siya sa tabi ni Hance. Gumalaw ito at humarap sa kanya. Nagulat siya nang bigla itong nagmulat ng mga mata.
"Sino kausap mo?" paos na tanong nito.
"Uhm, si Kuya. Nagtatanong lang bakit wala kami sa bahay," turan niya.
Ngumisi si Hance. "Grabe, kahit malayo siya alam na alam niya ang kilos mo, ano? Mabuti may time pa siyang isipin ka. Talagang desperado na ang kapatid mo, honey."
She sighed. "Matatauhan din siya," aniya.
"Kailan pa? Hanggat hindi mo ipinagtatapat sa kanya ang totoo, hindi siya titigil. What are you waiting for, Savi? Hindi magtatagal mabubuntis ka, malalaman din niya iyon. Sino ang iisipin niya na ama, si Cade?"
Kunot-noong tinitagan niya ito. "Huwag mo akong pini-pressure, Hance."
"Of course not. Tinutulungan lang kitang maging matapang at magpakatotoo sa sarili mo. Sumasabay nga lang ako sa sitwasyon dahil ayaw ko ring magsimula ng gulo. Gusto ko ikaw ang magsimulang gumawa ng hakbang saka kita aalalayan."
Bumuga na naman siya ng hangin. "Hayaan mo muna akong mag-isip," sabi niya.
"Okay, but don't over think baka mabaliw ka. Just trust yourself, honey. If you really want to be free, you can open the cage even there's a chain around it. Your decision will set you free and brought you to the real happiness."
Na-inspire siya sa mga sinabi nito. "Thank you, Hance. If wala ka, baka hindi ako magiging matapang."
"Wala kang ibang makakapitan kundi ang taong tunay na nagmamahal sa 'yo, Savi."
Ngumiti siya. Pagkuwan ay ginawaran nito ng halik ang knayang noo-pababa sa kanyang ilong, at tuluyang naghinang ang kanilang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top