Chapter 15
PAGGISING ni Savanna kinabukasan ay wala na si Hance. Bumalikwas siya nang malamang alas-siyete na ng umaga. Pumasok kaagad siya sa banyo. Gising na rin si Summer at nakalabas na ng kuwarto. Maaga talaga nagigising ang anak niya.
Nagmamadali siyang nagbihis. May lakad pa naman sila ni Cade. Dadalaw sila sa office ng maritime company nito sa pier. Kailangan bago mag-alas-nuwebe ay nasa opisina na siya at naihanda ang papeles na dadalhin nila. Traffic pa naman.
Nagkape lang siya at isang subo ng fried rice. Pagkuwan ay nagmamadaling umalis.
Nauna na sa opisina si Cade. Hindi naman siya nito tinanong bakit siya late pero hindi siya nakaiwas sa nanghuhusga nitong tingin. Bawat kilos niya ay pinagmamasdan nito. Ang ipinagtataka niya ay bakit panay ang sulyap nito sa gawi ng leeg niya.
Nang pumasok siya sa palikuran ay saka lang niya napansin na may mga bakas ng kagat at halik doon si Hance. Mabuti na lang may dala siyang scarf. Ipinulupot niya ito sa kanyang leeg. Hindi baleng magmukha siyang badoy dahil hindi bumagay sa blouse at blazer niya ang pink na scarf.
Magkatabi pa naman sila ni Cade sa backseat ng kotse nito. Tahimik ang binata at nakatanaw lang sa labas. Tulala na naman ito.
"Mukhang napuyat ka," mamaya ay sabi nito pero sa labas pa rin nakatingin.
"Uhm, ang tagal kasing natulog ni Summer," alibi niya.
"Or baka may bisita ka pa kagabi."
Natigagal siya. Sinipat niya si Cade. Hindi naman ito nakatingin sa kanya. "Nako, wala. Nahirapan lang talaga akong napatulog si Summer. Ang kulit kasi niya. Hindi ko naman siya puwedeng tulugan baka kung ano ang magawa niya."
"But you look blooming despite your swollen eye bags." Tinitigan siya nito.
Nag-init ang kanyang mukha. "Thanks," aniya.
"You look in love, too."
Matabang siyang ngumiti. Hindi na siya nakakibo pero parang sinisigaan ang pang-upo niya. Hindi siya komportableng kasama si Cade.
Maghapong nasa labas sina Savanna at Cade. Bumisita rin sila sa branch office ng airline. Sa restaurant na rin sila nag-lunch. Kinagabihan ay hinatid pa siya ni Cade sa bahay niya kahit may sarili siyang sasakyan. Gusto lang daw nitong makita si Summer.
Saktong pagpasok nila ng bahay ay sumalubong si Summer. "Daddy!" excited na sabi nito ngunit kaagad ding sumimangot nang matanto na hindi daddy nito ang kasama niya.
"Hey, pretty, I'm Uncle Cade but soon will become your daddy," sabi ni Cade kay Summer. Akmang yayakapin nito si Summer pero umiwas ang bata.
"No. I want my daddy. Why he's not going home yet?"
Napalis ang ngiti ni Cade. Panay ang sipat nito sa kanya.
Nilapitan na lamang niya si Summer. "Stop playing baby, we will have dinner na," sabi niya rito.
"No, I won't eat without my Daddy. He promised to go home, right?"
Kinakabahan siya. Baka magduda na si Cade na bumibisita pa rin roon si Hance. "Uh, your dad was busy at work," sabi na lang niya.
Bago pa madulas ang dila ng bata ay kinarga na niya ito at dinala sa hapagkainan. Niyaya niya si Cade na kumain pero tumanggi ito. Hinatid na lamang niya ito sa labas ng bahay.
Palapit na sila sa kotse ng binata nang bigla siya nitong hilahin at isinandal sa gilid ng kotse. Nagulat siya nang walang abog na siilin siya nito ng halik sa bibig. Marahas niya itong naitulak. Pinakawalan naman siya ni Cade. Nagtatagis ang bagang na nakatitig ito sa kanya.
"Sorry, nabigla lang ako," aniya nang matanto na napalakas ang pagtulak niya sa binata.
"Move on, Sav. I know how to make you hesitate why you can't accept me," may hinampong wika nito.
"Ayaw ko lang talaga, Cade. Sinabi ko naman sa 'yo, gusto ko munang mag-focus sa anak ko."
"Why you can't admit that you're still longing for Hance? You can't even tell your daughter that his father never exists. Sa halip, ipinakilala mo pa sa bata."
Naiirita siya pero hindi niya ipinakita rito. "May karapatan akong magdesisyon para sa anak ko, Cade. Siya lang sapat na sa akin."
Ngumisi ang binata. "Mukhang tama si Dean, matigas ang ulo mo. Anyway, have a nice day. About our Baguio trip, next week na lang," sabi nito saka tuluyang pumasok sa kotse.
Tumabi siya nang nagmaniobra ito. Nang makaalis si Cade ay napansin niya ang pamilyar na kotse na nakaparada sa kabilang kalsada. Kumabog ang dibdib niya nang mahinuha na kotse iyon ni Hance. Lalapitan sana niya ito pero may guwardiya na nakatambay sa gate.
Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone na hawak niya. Si Hance ang tumatawag. Dagli niya itong sinagot.
"Hello, honey!" bungad nito sa baritonong tinig.
"Uhm, k-kanina ka pa ba narito sa labas?" uneasy niyang tanong.
"Yes, honey, and I saw you kissing with the asshole," may diing turan nito.
"No, you're wrong. Hindi ako nakipaghalikan sa kanya, bigla lang niya akong hinalikan. Nakita mo naman na itinulak ko siya kaagad," todo paliwanag niya.
"Relax, I'm not angry. But I feel your fear, honey. It does mean, you're afraid to lose me, again, isn't it?"
Napakagat-labi siya. Totoo namang natakot siya baka magalit si Hance. Nadala na siya noon. Dahil sa paranoid nitong isip ay nasira sila.
"H-hindi, ah! Assuming ka lang," kaila niya.
Bumungisngis ang binata. "Don't be silly, honey. I feel you're just denying it. Abangan mo ako sa backyard, mag-o-over the bakod na naman ako. May pasalubong ako sa inyo ni Summer."
Bigla siyang na-excite. "Okay." Pumasok kaagad siya sa kabahayan.
Para walang gumala na guwardya at bodyguard, binigyan niya ng hapunan ang mga ito. Nagtungo na siya sa likod ng bahay kung saan dadaan si Hance. Naaawa na rin siya rito. Parang magnanakaw na sumasalisi lang para makasama silang mag-ina. Hindi nito deserve ang ginagawa.
But Hance willing to sacrifice his high profile life for her and Summer. She appreciate his effort. Kaya halos wala siyang pahinga sa kakaisip ng paraan kung paano niya magagawang legal ang pagsasama nila at matatanggap sila ni Dean.
Nakasampa na sa pader si Hance. Nakasuot lang ito ng itim na jacket na may hood at itim na jogging pants. Mukha talaga itong akyat-bahay, isang guwapo at hunk, bilyonaryo na magnanakaw. Mabuti naroon pa ang silya na iniwan niya. May dalang malaking paper bag si Hance at punpon ng rosas.
Pagkababa nito ay dumiretso na sila sa loob ng bahay. Aware naman si Manang Lorna at Rosalie kaya okay lang na makasama nila si Hance. Isinara kaagad niya ang main door. Hindi naman nakapapasok sa bahay ang tatlong bantay.
Talagang hindi kumain si Summer. Pagpasok nila sa hapagkainan ay sumigla ang bata.
"Daddy!" kaagad itong tumalon sa ama.
Inilabas naman niya ang laman ng paper bag. May isang kahon na blueberry at raspberry, fresh pa. May buong lemon chicken na dala si Hance at malaking box na imported chocolate. Natakam siya sa ulam kaya kaagad siyang umupo sa harap ng lamesa.
Umupo na rin ang mag-ama. Hindi maka-get over si Summer sa dami ng request nitong berries. Pinakain muna ito ni Hance ng kanin. Sumabay naman sa kanina si Rosalie. Si Manang Lorna ay nagpahuli na. Babantayan daw nito ang mga lalaki sa labas, baka may magkamaling pumasok sa bahay.
Sa nakikita niyang bonding ng mag-ama, alam ni Savanna na hindi na niya mapaghihiwalay ang mga ito. Masaya siya sa nangyayari at ayaw na niyang maudlot na naman iyon. Kung masasaktan ang mag-ama niya, higit na masasaktan siya. Kaya kailangan niyang magpakatatag at maging totoo sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng hapunan ay tumuloy ang bonding nila sa kuwarto. Naghaharutan pa ang mag-ama sa kama. Siya naman ay inaayos ang laman ng closet nila ni Summer. Mabuti na lang postponed ang Baguio trip nila. Hindi pa naman siya nakapag-impake. Pero kalaunan ay nawalan na siya ng gana, lalo nang makadama siya ng iritasyon kay Cade.
Nahahalata niya na agresibo na si Cade na mahimasukan sa buhay niya. Simple lang itong manligaw pero ramdam niya na seryoso ang binata. Ang ayaw lang niya ay ang pangingialam nito sa pagdedesisyon niya para kay Summer.
Nang makatulog si Summer ay siya naman ang hinarot ni Hance. Hahalikan sana siya nito nang bigla itong tumigil.
"Mag-toothbrush ka muna. May bakas pa ng bibig ni Cade sa bibig mo," sabi nito.
Kinurot niya ito sa tagiliran. "Ang arte mo. Hindi naman ako tumugon sa halik niya," aniya.
"Kahit na, nilawayan pa rin niya."
"Gago ka talaga!" Iitnulak niya ito.
"Sige na, magsipilyo ka na dahil kakainin ko ang bibig mo," nakangising sabi nito.
"Tumigil ka nga. Maaga akong matutulog ngayon."
"No, walang pasok bukas," paalala nito.
Oo nga pala, Linggo kinabukasan. Pumasok na lamang siya sa banyo at nag-hot bath. Nagulat siya nang sundan siya roon ni Hance. Wala na itong damit. Nagsalo sila sa ilalim ng shower. Hindi niya ito napigilan nang salantain nito ang katawan niya. They having rough sex for a minute, fast yet hot and lustful.
"Pumunta kayo ni Summer bukas sa bahay nila Sabrina, hihintayin ko kayo roon," sabi Hance nang nakahiga na sila sa kama. Napagitnaan nila si Summer.
"Hey, may bodygaurd kami," aniya.
"Hindi naman makakapasok sa bahay nila Sabrina ang mga iyon. Gusto ko lang kayong makasama maghapon."
"Sige," kaagad niyang pagpayag.
Hinalikan niya si Summer sa noo. Nagulat pa siya nang panabay nilang gawin iyon ni Hance. Nagkabungguan ang mga ulo nila. Sabay pa silang humagikgik.
"I missed you so much, Savi. Sa kabila ng nangyari sa atin, hindi ko akalain na mabibigyan mo ulit ako ng change. Kaya ang saya ko, though patago pero sobrang nag-e-enjoy ako," seryosong pahayag nito.
Napalis ang ngiti niya. Alam niya'ng nahihirapan na si Hance. "I appreciate your effort, Hance. I'm also thankful that you never give me. You proved to me how sincere you are. I'm sorry if nagmatigas ako noong una. Pero hindi ko mapigil ang damdamin ko. Noong nakita kita ulit, parang nabura lahat ng sakit at sama ng loob ko. Alam ko naman kasi na hindi ka likas na masama, na biktima ka rin," masuyong sabi niya.
"It's all my fault, Savi. Ang nangyari sa tin, lahat ng ito, karma sa akin. Ang dami ko ring nagawang kasalanan noon, lalo kay Sabrina at sa lalaking nagmahal sa kanya. Lahat ng pinaranas kong hirap sa kanila, dinadanas ko ngayon. Pero taam nga ang sabi ng iba, once nagbago ang isang tao, meron at merong tatanggap sa kanya at magpapatawad. Ang dami kong na-realize noong nasa hospital ako. Itinatak ko sa isip lahat ng payo sa akin ng doktor at mga concern na tao. They undress me, from my soul, ang especially the dark side of my heart. And I found myself so weak. Matapang lang pala ako dahil sa maskara. Noong natanggal iyon, feeling ko isinilang akong muli," puno ng inspirasyong kuwento nito.
Hindi napigil ni Savanna ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Inabot naman ng kamay ni Hance ang pisngi niya saka pinahid ang bakas ng luha roon.
"Bakit ba ang rupok mo, Savi?" amuse na tanong nito.
Tinabig niya ang kamay nito. "Ang drama mo kasi. Parang hindi na ikaw ang Hance na nakilala ko."
"So, gusto mo 'yong dati na may sayad?"
"Huwag, gusto ko ang ngayon," agap niya.
"Then, don't show me your tears, pauungulin kita ulit," biro nito.
Tinanyakan niya ang binti nito. "Pahingain mo naman ako. Ang dami mo nang inipon sa sinampupunan ko."
"Baby boy na 'yan."
"Sigurista ka, ah."
"Yeah, I know that having a baby was the best foundation to make our relationship strong. And don't dare to allow Cade to kiss you again."
"Hindi na."
"Mag-resign ka na rin sa kumpanya niya."
"Ano? Hindi basta-basta 'yon, Hance."
"Mabubuhay ko kayo ni Summer kahit hindi ka magtrabaho, Savi. Doon tayo tumira sa Laguna o kaya sa bahay ko. Ipapamahala ko sa 'yo ang hotel ko kung gusto mo ng trabaho," desperadong sabi nito.
"Hance, though you're inborn rich, I still want a simple life. I don't need that wealth. I want peace of mind and freedom," sabi niya naman.
"Then talk to your brother and tell him what you want."
Bumigat ang kanyang paghinga. Nahihirapan pa rin siyang magdesisyon kung paano niya haharapin si Dean. Alam niya'ng mapapasama siya rito. Kailangan niyang mag-ingat dahil alam niya na minu-monitor ni Dean ang kilos niya sa pamamagitan ni Cade. Itong Cade naman, kaagad nagre-report sa kuya niya. Ang masaya pa niyan, baka may dagdag at bawas ang istorya.
"Hindi madali ang sinasabi mo, Hance. Hindi mo kilala si Kuya. Kapag nagdesisyon iyon, kaagad niyang ginagawa."
"Sobra namang pananakal ni Dean sa buhay mo. Pero sa palagay ko, gusto niya na tanggapin mo si Cade. Malaki kasi ang pakinabang niya sa business ni Cade. Once nagkaroon ng malaking connections ang kumpanya nila, lalong aangat si Dean. Tuso ang kuya mo, Savi. Kilala siyang buwaya sa business world. Nilalamon niya ang maliliit na companies to raise his. Naluto na ng pera ang utak ni Dean."
May point si Hance. Kahit noong nagtatrabaho siya sa kumpanya ni Dean, pansin niya na kumakapit si Dean sa mga sikat na personalidad na mayroong malalaking business. Nagti-trade ito sa iba-bang uri ng negosyo. Kaya may connection ito sa lahat ng international companies. Pinasok nito kahit ano na maaring makatulong sa pag-angat nito. Pero minsan, marumi rin itong magtrabaho.
Si Cade kasi ay transportation ang linya nito. Dahil may hotel and travel agency business si Dean, dumikit ito kay Cade to have an access to the airline company. Nakuha nito nang libre ang tourist plane ni Cade as part of his plan to tour his clients around the world. Alam ni Dean na may lapses si Cade, may pagka-unghang pagdating sa business kaya ito palaging may adviser. Sinasamantala ni Dean ng kahinaan ng kaibigan para kumita sa kumpanya nito pero hindi alam ni Cade, nalulugi ito kay Dean.
"Kaya galit noon sa akin si Dean dahil hindi niya mapantayan ang international West Star Hotel ko sa Florida. Hindi niya nakuha ang diskarte ko. Kahit may tama ang utak ko, toso rin ako pagdating sa business. Ginagamit ko ang media para mas makilala ang business ko. At ang issue ko sa utak, ginamit ko rin iyon para mapag-usapan pa ako ng mga tao. Pero naging inspirasyon ako sa iba, dahil sa kabila ng pinagdaanan ko, I still managing the giant companies. Kaya kung masama akong tao, hindi magtitiwala sa akin ang higanteng auto company sa bansa, to endorse their products. My inspirational testimony with media coverage cleared my flaws. Kaya hindi ako magtataka kung gigil lalo sa akin si Dean," kuwento ni Hance. "Your brother was a psychopath, insensitive, and a person with crab mentality. Ayaw niyang makitang nalalamangan siya ng iba. Gusto niya siya lang ang nasa taas."
Nasaktan si Savanna sa sinabi ni Hance hinggil kay Dean pero hindi naman niya ito masisi. Talagang ganoon ang kapatid niya.
"Aware ako sa nangyayari sa kapatid ko, Hance. Hindi ko rin siya masisi kasi biktima rin siya ng pag-aalipusta ng ibang tao. Inalipusta siya ng pamilya niya sa father side. Kaya noong nakapagpatayo siya sa sarili niyang business, pinatunayan niya na kaya niyang umangat," depensa niya.
"Pero sana huwag siyang sakim at makasarili. Huwag din siyang namemersonal. Business is like a game, you have to be sports all the time if you want to remain on top. Hindi puwedeng sinasamahan ng personal issue ang business. He's not professional. Kung galit siya sa akin dahil sa business, doon lang, huwag niyang idamay ang relasyon natin. Ipinapalandakan pa niya sa organisasyon namin na hindi pa ako magaling, na malabong gumaling ang sakit ko dahil nalulong ako sa droga na napabayaan."
Lalo siyang nasaktan sa natuklasan. Of course, Dean treat her like a princes despite the truth that he has a devil side. Pansin niya iyon lalo kung humarap sa ibang empleyado si Dean. Kung hindi pa siya tumira nang ilang taon sa puder nito ay hindi niya ito lubos na makikilala. Bihira naman kasi sila magkita noon kaya akala niya talaga ay sobrang bait nito.
Ganoon pala talaga, hindi makikilala nang lubusan ang isang tao kung hindi ito kasama nang matagal sa iisang bubong. Lalong naawa siya kay Hance. Hirap na nga itong nakipaglaban sa sakit nito, may mga tao pang sumisira rito. Ang masaklap pa, kapatid pa niya.
"Humihingi ako ng tawad sa nagawa ni Kuya, Hance. Alam ko nasaktan ka," samo niya.
"Hindi naman ako galit, Savi. Naintindihan ko siya. Pero kung pakikialaman pa rin niya tayo, ibang usapan na 'yon."
"Salamat sa pag-unawa." Iiyak na naman saka siya pero naunahan siya nito ng pigil. Piningot nito ang ilong niya.
"Iyakin ka talaga. Mautlog ka na nga," anito. Dumukwang pa ito sa kanya para lang halikan siya sa bibig.
"Ikaw rin," sabi niya.
Ngumiti lang ito saka bumalik sa pagkakahiga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top