Chapter 12
HINDI na ulit nakita ni Savanna si Hance sa meeting. Mga representative na lang nito ang bumalik. Pagkatapos ng duty niya ay niyaya pa siya ni Cade na maghapunan pero tumanggi siya. Gusto niyang sabayan sa hapunan ang anak niya. Simula kasi noong nagsimula siyang magtrabaho ay hindi na niya nakakasabay kumain si Summer. Madalas ay tulog na ito pag-uwi niya.
Hinatid na lamang siya ni Cade sa bahay niya. Napansin na naman niya ang kotse ni Hance sa labas ng bakuran.
"Parang gusto kong ma-try kumain dito sa bahay mo, Sav," sabi ni Cade.
Nakahinto na ang kotse nito sa tapat ng gate pero hindi pa ina-unlock ang pinto. Kinabahan siya nang maisip na baka totohanin ni Cade ang sinabi. Nahinuha kasi niya na baka bigka itong magsumbong sa kuya niya kapag madalas nitong madatnan si Hance sa bahay niya. May pangako pa naman siya kay Dean.
"Wala kaming tagaluto. Hindi rin kami nagluluto ng sosyal na putahe," sabi niya.
"No problem. I love native dishes, too," anito. Binuksan na nito ang pinto.
Dumalas pa ang kabog ng dibdib niya nang maunang tumalilis ng sasakyan si Cade. Nagmadali rin siyang bumaba. Lumabas naman ng bahay si Rosalie at binuksan ang gate matapos niyang pintudin ang button.
Nakabuntot sa kanya si Cade hanggang sa loob ng bahay. Napako ang mga paa niya sa sahig nang maabutan niya sa salas sina Hance at Summer na naghaharutan sa couch.
"Hm, dito na pala nakatira si Hance?" anas ni Cade.
"Mommy!" excited na sambit ni Summer nang makita siya.
Napatingin din sa kanila si Hance. Napalis ang sigla sa mukha nito, at matamlay na umayos ng upo. Tumakbo sa kanya si Summer. Kinarga naman niya ito at hinalikan sa bibig.
"Hi, little Summer!" ani ni Cade saka hinaplos ang buhok ng anak niya.
"Uncle Cade?" sambit ng bata. Minsan lang nito nakita si Cade pero natandaan kaagad ang pangalan.
"Yes, baby."
"Why are you here?"
"I'm here to have dinner with you and your mom," tugon ni Cade.
Ibinaba niya si Summer. Pagkuwan ay dumiretso siya sa kusina. Mabuti na lang maraming nilutong ulam si Rosalie. Nagluto rin si Manang Lorna ng sinigang na baka. Maliban sa lutong ulam, may naka-aluminum dish na mga pagkain na halatang luto sa restaurant. Malamang dala ni Hance ang mga iyon.
Pinagtulungan nila ni Rosalie na madala sa hapag-kainan ang mga pagkain. Pagbalik niya sa sala ay kaharutan na ulit ni Summer ang tatay nito. Si Cade naman ay busy sa kakatingin ng mga litrato sa ibabaw ng divider sa gilid ng hagdan. Ang awkward lang na hindi nagpapansinan ang dalawang lalaki kahit magkakilala.
Hindi naman literal na magkakilala ang dalawa. Siguro, dahil parehong nasa business industry at kilala, kaya may alam ang mga ito sa pagkatao ng bawat isa.
"Guys, let's eat!" tawag niya sa mga ito. "Summer, dinner time na," paalala rin niya sa kanyang anak na parang walang pakialam. Tawa ito nang tawa habang kandong ng ama at binabanat ang pisngi ni Hance.
Nanunang sumunod sa kanya si Cade. Karga naman ni Hance si Summer papasok sa hapagkainan. Wala pa ang Tila Mylene niya kaya si Rosalie at Manang Lorna ang kasalo nila. Katabi niya si Cade. Kandong naman ni Hance si Summer sa tapat nila. Sinusubuan nito ang bata ng pagkain.
"Allergic siya sa seafood," paalala niya kay Hance.
"Okay," ani ni Hance. May kasamang seafood kasi ang dinala nitong pagkain.
Ang ulam naman nila ni Cade ay nilagang baka at pritong tilapia. Naalala niya, kay Hance ata nagmana si Summer na allergic sa seafood. Pareho ang reaksiyon ng katawan ng mga ito sa naturang pagkain.
Namangha siya kay Cade, ang galing nitong magtanggal ng bone marrow sa buto ng baka. Paborito pa naman niya iyon. Hirap na hirap siya sa pagdukot ng nasa kanya. Nagulat siya nang kunin ni Cade ang buto ng baka saka tinukot ng bread knife ang bone marrow. Ibinalik din nito sa plato niya ang buto.
"Thanks," aniya.
"Gusto mo rin ba ng bone marrow?" tanong ni Cade.
"Oo, malinamnam kasi. Kaya palagi akong may stock ng buto ng baka."
"Pareho pala tayo. Since bata ako, gusto ko palagi may buto ng baka like bulalo."
"Nice."
"Actually pareho kayo ni Dean. Sa tuwing lalabas kami noon para mag-lunch, palaging order namin ay bulalo."
"Oo nga, eh. Pero pareho kami ni Kuya na hindi marunong magtanggal ng bone marrow," amuse na sabi niya.
Natawa si Cade. "I noticed that. Magkapatid nga kayo."
Nakadalawang subo pa lamang siya nang pakiramdam niya ay may nakatitig sa kanya. Sinipat niya si Hance. Tulala itong nakatitig sa kanya, mahayap ang mga mata. Hindi ito kumakain. Plato lang ni Summer ang nasa tapat nito.
"Daddy, meat," sabi ni Summer habang nakatingala sa mukha ng ama nito.
Kumislot si Hance at inasikaso si Summer. Namangha siya. Ang daming nakain ng anak niya. Kapag siya ang nagpasubo rito ay nag-aaway pa sila. Iiyak muna ito bago niya mapakain nang marami lalo kung may kanin. Marami lang itong nakakain kung spaghetti ang isubo rito. Himalang napakain ito ni Hance ng broccoli.
"Eat this green, baby. It's good for kids," anito kay Summer.
Todo buka naman ng bibig si Summer at isinubo ang maliit na hiwa ng broccoli. Dahil sa pagkamangha ay hindi namalayan ni Savanna na kinakausap siya ni Cade. Kinalabit pa siya nito.
Napatitig siya rito. "S-sorry," aniya.
"Sabi ko hindi ako magre-report sa office bukas. May dadaluhan kaming party ng parents ko sa Cebu. Pero mag-iiwan ako ng tatrabahuhin mo," sabi ni Cade.
"Ah, sige. Agahan ko na lang pagpasok bukas."
"Kahit late ka nang pumasok. Puwede ka ring mag-under time para makapagpahinga ka."
"Sige, salamat." Nagpatuloy siya sa pagsubo.
Naunang natapos kumain si Summer. Umalis na ito kasama si Hance na hindi man lang kumain.
"Mukhang nasanay na si Summer kay Hance. Baka katagalan mahirapan ka nang mapaghiwalay ang mag-ama," mamaya ay sabi ni Cade.
Bumuntong-hininga siya. "Kailangan din ni Summer ng atensiyon ng tatay niya," aniya.
"Yes, I understand. Pero lumalaki si Summer. Balang araw, magtataka siya bakit hindi close ang parents niya. For now, she thought her parents were in a good term. And what if someday, you will get married to another guy? Ang awkward na padalaw-dalaw si Hance sa anak mo."
Nagi-guilty siya. Malinaw ang pangako niya kay Dean na hinding-hindi siya papayag na makalapit sa kanila si Hance. Kaya nga siya niyon pinayagang umuwi ng Pilipinas dahil sa pangako niya. Natatakot siya na masira ang tiwala sa kanya ni Dean. Malaki ang utang na loob niya rito.
Hindi na niya nagawang kausapin si Cade. Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na ang binata. Nauna pa itong umalis kaysa kay Hance, na kasama si Summer na nanonood ng kiddie show sa salas.
Pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay siya namang tunog ng kanyang cellphone na nasa kanyang bag. Kaagad niya itong dinukot at sinagot nang malamang si Dean ang tumatawag. Wala pa ma'y kinakabahan na siya.
"Hello, Kuya?" sagot niya.
Kumislot siya nang biglang umalingawngaw ang boses ng kuya niya. Kaagad itong pumalatak.
"I told you, Savi, stop entertaining that Hance De Silva! Ano naman ang pumasok sa kukoti mo at pinayagan mo na makasama ni Summer ang walanghiyang tatay niya? Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa niya sa 'yo noon?"
Nataranta siya. Ang bilis namang nakarating dito ang balita. Wala siyang ibang naisip na maaring nagsumbong kundi si Cade. Pero hindi naman niya magawang kainisan ang binata.
"Sorry, Kuya. Umiwas naman kami ni Summer, eh. Pero bigla na lang napalapit si Summer kahit minsan lang sila nagkita ni Hance," katwiran niya.
"Hindi siya mapapalapit sa gagong tatay niya kung hindi mo ini-entertain iyan! Huwag mong pairalin ang karupukan mo, Savi. Isipin mo ang maayos na kinabukasan ninyong mag-ina! Alam mo ang kapasidad ng utak ni Hance. His mental condition was not easy to treat, based on my knowledge. Nalulong siya sa droga, at bugbog ang utak niyan kaya hindi mo matiyak kung kailan matino o hindi. Huwag mong hintayin na pati anak mo mapahamak! Malaman ko pang pinupuntahan kayo ni Hance, kukunin ko ulit kayo."
Naninikip ang dibdib niya. Pero may point ang kuya niya. "Sorry, Kuya. Nakita ko kasing masaya si Summer kay Hance. At kung ilalayo ko siya, baka mahirapan akong kontrolin si Summer," aniya.
"Dapat naisip mo 'yan sa simula pa lang. Naging maluwag ka, eh. Dapat hindi mo hinayaang makalapit ang Hance na iyan sa anak mo! O baka naman ikaw itong hindi makatiis?"
"Kuya, please ginagawa ko naman ang lahat para makaiwas sa kanya, eh."
"I won't believe you, Savi. Magpapadala ako ng bodyguard ninyo riyan para magbantay sa inyo. Hindi ako papayag na tanggapin mo ulit 'yang Hance na 'yan! Saksi ako sa paghihirap mo kaya hindi puwedeng mag-exist pa ang lalaking iyan sa buhay mo."
Hindi na siya nakaimik hanggang maputol ang linya. Pumasok na lamang siya sa banyo ay nag-shower. Pagkatapos ay lumabas siya na tanging puting tuwalya ang nakabalot sa hubad niyang katawan. Patungo na siya sa closet nang may kumatok sa pinto.
Lumapit siya sa pinto at binuksan. Napatda siya nang bumungad sa kanya si Hance na karga si Summer na nakatulog na. Awtomatikong naglakbay ang paningin nito sa kanyang katawan. Nilakihan niya ang awang ng pinto para makapasok ito.
Pumasok naman ito at maingat na inihiga sa kama si Summer. Panay ang buntong-hininga ni Savanna habang humuhugot ng lakas upang komprontahin si Hance. Ngunit nang humarap ito sa kanya ay bigla siyang nanghina.
His eyes were full of unexplained emotions. He looks innocent and vulnerable. Humakbang ito palapit sa kanya at huminto may isang dipa ang pagitan.
"Alam ko'ng gusto mo akong itaboy, ramdam ko, Savi. Ang ilang ulit mong pagbalewala sa akin, wala iyong katulad sa pagsaksak mo sa akin na patalikod. But I won't stop there. I will do anything to win you back into my life, kayo ni Summer," puno ng determinasyong pahayag nito.
Wala siyang makapang lakas ng loob, nanghihina siya. Mabibigat na hininga ang pinakawalan niya.
"Pinagbigyan lang kita, Hance. Hindi ito panghabang buhay. Please accept the reality that we're not meant for each other," aniya.
"Dahil ba may tama ang utak ko? Savi, nagtiis akong tumira sa psychiatric hospital sa kagustuhan kong gumaling. I made it. I did it for you."
"But it's too late, Hance."
"No, it wasn't. I could feel your sympathy for me."
"Tama na. Huwag na nating ipilit. And please, don't visit here again. Hindi mo na maaring makita si Summer," walang patumpik-tumpik na sabi niya.
Namutla si Hance. Nagtatagis ang bagang nito. "Hindi na kita maintindihan. Pati ba naman si Summer? Hayaan mo akong maging ama sa kanya."
Iniwasan niya ito. Kinuha niya ang kanyang bag saka kinuha ang card na iniwan nito. Pagkuwan ay pilit niya itong ibinabalik ngunit ayaw tanggapin ni Hance.
"Please, kunin mo na at makaaalis ka na. It's all over, Hance. Huwag ka nang magpumilit. Mag-focus ka na lang sa buhay mo. Makakatagpo ka rin ng ibang babae." As she said those words, it seems to be a hundred spade tearing heart.
"No, I won't. Keep that. Hindi mo ako mapipigilan, Savi. I'm willing to die to have you and Summer," agresibong sabi nito saka siya iniwan.
Nangatog ang mga tuhod ni Savanna. Napaluklok siya sa gilid ng kama at pilit ikinakalma ang kanyang emosyon.
MAY isang salita si Dean. Talagang nagpadala ito ng tatlong bodyguard nila ni Summer. Bantay sarado sila. Pinagamit din nito sa kanya ang kotse nito na naiwan doon at may kasama pang driver. Siguresta talaga si Dean.
Ang problema niya ay si Summer. Bukam-bibig ng anak niya ang tatay nito. Ayaw na nitong kumain kung hindi ang daddy nito ang sumusubo. Nag-aaway na sila.
"Open your mouth, baby," sabi niya rito.
Naroon sila sa salas at nag-aaway. Half-day lang siya sa opisina dahil tumawag si Manang Lorna at sinabing ayaw tumigil sa pag-iyak ni Summer. Hinahanap nito ang tatay nito.
"No eat, Mommy," umiiling na sabi nito.
"Hindi puwedeng hindi ka kakain, anak! You did not eat breakfast."
"No, I want Daddy here," pagmamatigas nito.
"Your daddy will never come back. He does not belong here."
"No, Mommy! No!" Bumalahaw na ito nang iyak.
Naiiyak na rin siya. Ayaw pa rin nitong kumain.
Para maaliw ito ay nagpasya siya na pumunta sa bahay nila Sabrina. Pinag-drive naman sila ni Mang Ernie. May kasama pa silang dalawang bodyguard. Mabuti na lang nauto ni Ash si Summer at nakasalo sa pagkain. Saktong nagluto ng spaghetti si Sabrina para meryenda ng mga anak nito.
Hands-on ito sa mga bata. Hindi na ito nakabalik sa trabaho dahil hindi na pumayag si Ace. May business naman ito pero bihira na mag-report sa opisina dahil naroon naman ang kuya nito. Naghihintay lang ito ng shares ng income.
"Grabe naman ang kuya mo, sis. Talagang pinadalhan ka ng bodyguard, ah," sabi ni Sabrina.
Tinutulungan niya ito sa paghimay ng grapes. Naroon sila sa lanai. Nakatulog ang bunso nito kaya si Ash lang ang binabantayan. Nasa salas ang dalawang bata at kumakain ng spaghetti habang nanonood ng cartoon. Mula roon ay natatanaw nila ang mga ito.
"Hindi ko naman masuway si Kuya. Siya ang naghirap noong nasa puder niya ako. Inako niya ang responsibilidad sa aming mag-ina. Binigyan pa niya ako ng magandang trabaho. Kung wala siya, baka hindi ako naka-recover," aniya.
"Kung sa bagay. Pero sana masaya ka rin sa pasya mo."
Sandali siyang natahimik. Hindi niya maikakaila na nahihirapan siyang magdesisyon. Pakiramdam niya'y umiikot lang ang buhay niya sa desisyon ng kuya niya. Pero pasalamat pa rin siya dahil pinayagan siya nitong umuwi. Ang tungkol kay Hance, sisikapin niya na maputol ang ugnayan niya rito. Natiis niya ito ng tatlong taon, kahit hindi lubusang nakalimutan, naniniwala siya na magtatagumpay siya.
"Okay naman ako sa ganitong buhay. Ang mahalaga lang sa akin ay si Summer," sabi niya pagkuwan.
"So, wala ka nang balak mag-asawa?" usig nito.
She took a deep breath. "Hindi na siguro," labas sa ilong na sabi niya.
Maya-maya ay may bumusinang sasakyan. Napatayo si Sabrina at lumabas. Pagbalik nito ay kasama na ang asawa nito. Sa entrada pa lang ng pintuan ay naghalikan ang dalawa. Ang sweet ng mga ito. Hindi niya napigil ang sarili na mainggit.
"Oh, may bisita pala tayo!" bulalas ni Ace. May pasalubong itong isang kahon na mansanas.
Natuwa naman siya dahil kung ano ang kakainin ni Ash ay kinakain din ni Summer. Tama lang ang desisyon niya na ipasyal doon ang anak niya. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top