Chapter 11

NAGSIMULA na si Savanna sa trabaho niya bilang office assistant ni Cade. Okay naman pala ang trabaho, hindi mabigat at magkahiwalay sila ng table ni Cade. Nasa-iisang opisina lang sila pero dahil sobrang busy ng binata, bihira rin sila nakakapag-usap.

Workaholic si Cade, at sa laki ng responsibilidad nito sa kumpanya ay halos doon na ito tumira sa opisina. Kaya hindi siya magtataka bakit binata pa rin ito sa edad na trenta y uno. Wala pa raw itong naging girlfriend pero may mga dini-date.

Kuwento ni Dean, bago hinawakan ni Cade ang business ay dalawang taon itong nasa custody ng psychiatric hospital dahil sa trauma na dinanas nito noong na-kidnap ito ng mga rebelde. Kidnap for ransom iyon, humingi ng fifty million ang mga rebelde sa parents ni Cade. Sinugod ng mga militar ang kota ng rebelde kaya nagkaroon ng engkuwentro.

Nasagip si Cade pero hindi ito makausap. Natakot si Savanna baka may trauma pa rin si Cade. Madalas niya itong makita na tulala at nakatanaw sa malayo. Kaya pala may kasama rin itong adviser at personal assistant na gumagabay rito.

"Savanna?"

Kumislot si Savanna nang marinig niya ang boses ni Cade. Matagal na pala itong nakatayo sa harapan niya. Busy kasi siya sa pagsasalansan ng papeles sa bawat folder. Nag-angat siya ng mukha.

"Uhm, sorry inaayos ko kasing mabuti ang files," aniya.

"Okay lang. Nag-lunch ka na ba?" tanong nito.

"Uh... hindi pa. Tatapusin ko lang ito para iba naman ang gagawin ko mamaya."

"Nag-order ako ng food. Sabayan mo akong kumain. Leave that, we had more time to work," maawtoridad na sabi nito.

Bilang boss, sinunod niya ito. Iniwan niya ang trabaho saka sumunod kay Cade. Pumasok sila sa lobby kung saan may round table at may nakahaing pagkain. Hindi siya nakapagbaon dahil late na siyang nagising.

"How's Summer?" tanong ni Cade nang magkaharap na sila sa hapag-kainan.

"Magaling na siya," tugon niya.

The authentic food catches her attention. She's not into classy food, nor international delicacies but she's not picky even in not familiar food. She loves those mouthwatering dishes with a simple presentation. May ibang pagkain lalo sa restaurant na over presentation pero hindi niya gusto ang lasa.

"Tomorrow we will have a business meeting with a business organization officer in Makati. I want you to come with me. All business owners will participate, I guessed," sabi ni Cade.

"Kailangan ba talaga ako?"

"Yes, I need you to assist me. We discuss the revenue, rules, and regulations regarding any kind of business. We will have also activities and the open forum topic."

"Okay, if that's required, I'm in."

"No dress code, just wear a dress either."

Tumango siya.

Hindi siya maka-get over sa lasa ng kinakain niya kaya hindi na niya masyadong iniintindi ang sinasabi ni Cade.

Pagkatapos kumain at tinawagan niya si Manang Lorna para sana kumustahin si Summer. Ang tagal nitong sumagot sa tawag niya. Naroon na siya sa kanyang working table. Nakatatlong dial siya bago sumagot ang ginang.

"Naku, sorry, Savi, hinabol ko kasi si Summer, sumama sa daddy niya kanina. Iyak siya nang iyak kaya inalo ko muna," sabi ng ginang.

"Ano?!" Napatayo siya. "Paanong sumama? Nariyan ba si Hance?" Inalipin na siya ng kaba.

"Eh dumating ho kaninang tanghalian, naghatid ng pagkain at mga laruan ni Summer. Hindi naman siya nagtagal. Kaso, noong paalis na siya, humabol si Summer hanggang sa gate. Mabuti nakita ni Sir Hance, ibinalik niya," kuwento nito.

Naging uneasy siya. Hindi na siya nagtaka kasi mabilis lang mapalapit sa ibang tao si Summer, lalo pa kaya sa tatay nito? Talagang ayaw silang tantanan ni Hance.

"Dapat hindi n'yo po pinapasok si Hance, Manang." Nanlumo siya.

"Eh hindi naman po, eh. Sa gate lang naman siya pero nang makita niya si Summer pumasok siya at kinuha ang bata. Naglaro lang naman sila saglit 'tapos umalis na si Sir. Eh mabilis masanay sa tao si Summer kaya noong magpaalam si Sir, umiyak siya at humabol."

Napasintido siya. "Sige, basta i-lock mo lang palagi ang gate."

"Opo, ma'am. Sa ngayon ay nakatulog na si Summer."

"Teka, ano'ng pagkain at laruan ang binigay ni Hance?" pagkuwan ay usisa niya.

"Spaghetti po at blueberry pie ang pagkain. Ang mga laruan naman ay barbie at doll house. May mga damit din at sandals, ang ku-cute nga, eh."

Bumuntong-hininga siya. "Okay po. Text n'yo lang po ako kapag gising na si Summer para makatawag ako," sabi niya.

"Sige ma'am."

Pinutol na niya ang linya. Binalikan niya ang kanyang trabaho. Hindi siya makapag-focus. Maya-mayang dumadapo sa balintataw niya si Hance. Alam niyang mahihirapan siyang pigilan si Hance para lapitan si Summer. Nagpasya siya na huwag na itong pagbawalan, basta hanggang kay Summer lang ito makakalapit.

HINATID ni Cade si Savanna sa bahay niya. Inimbita pa niyang pumasok ang binata pero tumanggi ito. May lakad pa raw ito. Pagbaba niya ng sasakyan ay napansin niya ang itim na Mercedez Benz sa unahan ng gate. Kinabahan na siya. Umaandar ito.

Hindi niya ito pinansin. Lumapit siya sa gate at sanay bubuksan nang may malakas na kamay na humapit sa kanang braso niya. Marahas siyang pumihit sa likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Hance, suot ang itim na polo at bughaw na pantalon.

Akmang babawiin niya ang braso ngunit hinigpitan nito ang pagkakahawak saka siya hinatak patungo sa kotse nito. Isinandal siya nito sa bintana ng kotse. Itutulak sana niya ito ngunit bigla siya nitong siniil ng pangahas na halik sa bibig. Awtomatiko siyang nanlumo nang gupuin siya ng bayolenteng init. Nagpoprotesta ang isip niya ngunit kumakabig ang kanyang puso.

She can't move to push him away, instead, she had lost control. She couldn't deny that she missed his touch, especially his kiss. Ganoon siya karupok. Pero hindi siya papayag na mahimasok ulit sa buhay niya si Hance. He can do whatever he wants, but he will never have her anymore.

Tumugon siya sa halik nito pero kaagad din niya ito itinulak. Nagmura ang binata. "You missed me, don't you?" he said huskily.

"Kissing you back wasn't define my real feelings for you, Hance." aniya.

He grinned. "Come on, you're just denying, Savi. Set aside your pride."

"Marupok ako, Hance, paano pa kung wala akong pride? Magmumuha akong basahan na puwede mong ilampaso kung kailan mo gusto," palabang buwelta niya.

"You're just misjudging me, Savi. Katulad ka rin pala ng ibang tao na hinuhusgahan ako dahil nagkaroon ako ng tama sa utak. You don't even ask me how I would feel if someone say that I was insane. I'm trying my very best to recover. Since you left me, I never stop loving you. I had realized that I lost the best medicine that I need, it's you, Savi." His tears ran out from his narrow eyes.

Parang pinipiga ang puso niya habang dina-digest ng utak niya ang mga sinabi nito. But still, she can't trust him instantly anymore. Natatakot na siyang maulit ang dati, na halos hindi siya makilala ni Hance. If he recovered from mental disorders, she would be grateful and happy for him.

"Okay na ako sa buhay ko ngayon, Hance. I don't need a man to sustain my needs," matigas na sabi niya.

"Pero tumatanggap ka ng ibang lalaki." Naudlot ang pagluha nito. Tumapang ang anyo nito.

Hindi siya makatingin sa mga mata nito. "No, I did not accept him yet."

"Si Cade Alcantara? Come on, Savi, no woman can ignore him. He's wealthier than me."

Nainis siya sa sinabi nito. "Hindi ako mukhang pera, Hance. Hindi baleng maging single mom ako habang buhay, ayaw ko ng sakit ng ulo."

"But I can be a good father and a husband, Savi. Hayaan mo akong bumawi," samo nito.

"Kay Summer mo na lang ilaan ang effort mo. Bibigyan kita ng chance na makilala ka niya bilang tatay niya, pero hanggang sa kanya lang," matatag na sabi niya saka ito tinalikuran.

"Savi! Summer was not enough! I need you!" pahabol nito.

"Sorry. Maghanap ka na lang ng iba," aniya saka tuluyang pumasok ng gate.

Hindi niya naisara ang gate nang biglang pumasok si Hance. Saktong lumabas ng bahay si Summer at sumalubong sa kanya. Pero sa halip na siya ang lapitan ay nauna itong lumapit kay Hance.

"Hi!" bati naman ni Hance sa paslit.

"You again! Please stay here, uncle," sabi ni Summer. Humawak ito sa hinlalaki ng kamay ni Hance.

"No, I'm not your uncle. I'm your daddy," pagtatama ni Hance saka kinarga ang bata.

"Is that true? Why uncle Dean told me that I don't have a father?"

Nagulat si Savanna sa sinabi ni Summer. Hindi niya alam na ganoon pala ang itinatak ng kuya niya sa utak ng bata. Masama ang tinging ipinukol sa kanya ni Hance.

"That's not true, baby. I'm your father. Ask your mom," anito sa bata.

Tumingin sa kanya si Summer. Tinanguan niya ito. "Is he my father, Mommy?" kumpiram nito.

"Yes, baby," sagot niya.

"And why he does not live here with us?"

Hindi na siya sumagot. Iyon ang panahong hindi niya napaghandaan, ang kuweestyunin siya ng kanyang anak tungkol sa tatay nito.

"Umalis ka na, Hance," sabi na lamang niya sa binata.

Inilapag naman ni Hance si Summer. Aalis na sana ito ngunit biglang sumunod si Summer. Kumapit ang bata sa kamay ni Hance. Mangiyak-ngiyak na ito, namumula na ang ilong at umarko ang bibig. Pakiramdam ni Savanna ay binubusa ang puso niya.

Ayaw niyang makitang nasasaktan emotionally ang anak niya kaya hinayaan niya na mag-stay si Hance sa bahay niya para samahan sa hapunan si Summer. Hindi siya sumabay sa mga ito. Nagkulong lang siya sa kanyang kuwarto.

Nakaidlip siya. Paggising niya ay katabi na niya si Summer na nakatulog. Nahagip pa ng paningin niya ang likod ni Hance na lumabas ng pintuan. Napatingin siya sa mesita na may nakapatong na card, an ATM card.

Bumangon siya at lumapit sa mesita. Kinuha niya ang card. Nakapangalan ito kay Hance. May kasama itong kaperasong papel kung saan nakasulat ang pin para ma-access ang ATM. May maikling sulat din si Hance.

I'm sorry a million times. Please use this card for Summer's financial support.

I love you

Hance

Bumuntong-hininga siya. Tinanggap niya ang card para kay Summer. Itinago niya sa kanyang wallet ang card pati ang sulat.

MAAGANG nagising si Savanna dahil maaga ang simula ng dadaluhan nilang meeting ni Cade. Maliban sa kanya, kasama rin ang adviser nito'ng si Jose Alvaro. Nasorpresa siya nang malama'ng sa West Star Hotel gaganapin ang meeting. Pag-aari iyon ni Hance.

Pagpasok nila sa malawak na conference room ay marami nang tao. Nakaayos ang mahahabang lamesa sa litrang U. Pumuwesto sila sa kaliwang bahagi ng lamesa sa may dulo malapit sa pinto. Mga big time ang naroon, may-ari ng higanteng kumpanya sa bansa.

Nagsasalita na ang speaker sa harapan. Mamaya ay may mga pumasok pang grupo. Napadoble ang lingon ni Savanna sa pintuan nang mamataan niya si Hance kasunod ang dalawang lalaki na pawang naka-amerikana, at isang babae na naka-office attire. Si Hance ay simple lang ang suot. He just wore black long sleeve polo and black denim.

Pumuwesto ang mga ito sa lamesa katapat nila. Nanlaki ang mga mata ni Hance nang makita siya. Sinipat din nito si Cade na katabi niya sa gawing kaliwa. Busy si Cade sa pagtipa sa iphone nito. Tiniis niya na huwag mapatingin kay Hance. Abala siya sa pakikinig sa speaker.

Naging busy na rin ang lahat nang may ipagawang activity ang host ng meeting. Pagsapit ng tanghalian ay pumunta silang lahat sa VIP dining room. Doon sila pinagsilbihan ng mga dining staff ng masasarap na putahe.

Abala sa pagsubo si Savanna nang mapansin niya na hindi kumakain si Cade. Nakatingin lang ito sa kanya. Naiilang na tuloy siyang kumain. Baka isipin nito patay gutom siya. Pandesal lang kasi ang almusal niya kaya gutom na gutom siya pagsapit ng tanghali. Si Mr. Alvaro ay mabagal kumain dahil may binabasang papeles.

Mamaya ay ngumiti si Cade. "Just eat, Savanna," sabi nito.

"Uhm, nakakahiya, ako lang ang malakas kumain," amuse na sabi niya.

Cade giggled. "Don't mind me. Mahina talaga akong kumain lalo sa ganitong lugar. Hindi lang talaga ako sanay na kumakain sa public dining room."

"Ah kaya pala. Pero masasarap naman ang mga pagkain."

"Yeah, given na 'yon, lalo kung pamilyar ka na sa lugar."

Napatda siya. Mukhang may gustong tumbukin si Cade.

"Oo, pamilyar nga itong lugar," sabi lang niya.

"Of course, this hotel owned by your ex-boyfriend, right? Pansin ko na panay ang sulyap sa 'yo kanina ni Hance. Napapatingin ka rin sa kanya."

Napalunok siya. Hindi niya alam na binabantayan din ni Cade ang kilos niya at ni Hance.

"Naku, wala 'yon. Hindi lang siguro niya expected na kasama ako sa events."

"Mukhang hindi pa siya naka-move on. Ganoon ka rin ba?" tudyo nito.

Nataranta siya. Tumawa siya na pagak. "Hindi, ah. Matagal na kaming walang ugnayan."

"Pero binigyan mo siya ng karapatan sa anak mo."

"Sa anak ko lang."

"So, are you ready to fall in love again?"

Matamang tumitig siya kay Cade. Wala naman talaga siyang balak tumanggap ulit ng lalaki sa buhay niya. Katunayan hindi niya pinansin si Dean noong ireto nito sa kanya si Cade. Sinabi na niya sa kuya niya na ayaw muna niyang makipagrelasyon.

"Uhm, gusto ko munang mag-focus sa anak ko," sabi niya lang.

"Mas maganda kung meron kang inspirasyon at katuwang, Sav. Alam ko kaya mong itaguyod mag-isa ang anak mo, pero kailangan mo rin ng makakasama sa pagtanda."

Bumuntong-hininga siya. "Hindi naman siguro ako pababayaan ng anak ko," aniya.

Natawa si Cade. "You should enjoy your life, Sav. But your life will be more colorful and happy if you have a partner. Alam ko'ng nami-miss mo ring makipagrelasyon."

Kinikilabutan siya. Ramdam niya ang init ng titig sa kanya ni Cade. "Ayaw ko na munang ipilit ang isang bagay na hindi ko pa kayang panindigan," matatag na sabi niya.

"Or maybe, your heart still tied on your past with a man who left a souvenir in your life."

Matamang tumitig siya kay Cade. Hindi na niya ito nasagot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top