Chapter 10
ISANG linggo pa lamang magmula noong dumating sa Pilipinas si Savanna ay naiinip na siya. Hinahanap ng katawan niya ang daily routine na opisina sa umaga at bahay sa gabi. Natutuwa siya dahil mabilis napalapit si Summer kay Rosalie.
Maiiwan na niya ito kaya puwede siyang magtrabaho. Wala pa namang pasok si Rosalie. Pero balak niyang kumuha rin ng yaya ng anak niya. Hindi siya nakatiis, nag-report siya sa opisina ng airline company ni Cade sa Pasay City. Malayo iyon sa airport. Naroon na rin pala ang opisina ng maritime company nito.
Mabuti na lang may appointment letter na binigay si Cade, hindi na siya nahirapang maghintay. Pinapasok kaagad siya ng staff sa opisina nito. Dala niya ang updated resume niya. Namangha siya sa lawak ng opisina ni Cade. Parang buong ground floor na iyon ng bahay niya.
Naghihintay si Cade sa office table nito. Busy ito sa pagtipa sa laptop. Lumapit siya.
"Good morning!" masiglang bati niya.
Sinipat siya ng binata. "Good morning, Savi!" ganti nito pero seryoso. Itinuro nito ang silya sa tapat ng lamesa nito. "Please sit," anito.
Umupo naman siya. Naiilang pa rin siya kay Cade. "I'm not sure if you are accepting a new applicant for secretary," lakas loob niyang sabi.
Tumigil sa pagtipa sa laptop si Cade at ibinigay sa kanya ang buong atensyon. "Actually, I had a secretary but she needs an assistant. Ayaw ko namang maging assistant ka lang. Gusto kong magtrabaho ka sa akin, mismo," sabi nito.
Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"
"I need an office assistant here."
"B-but..."
"You just need to help me with my paperwork."
Kinabahan siya. Ayaw niya ng ganoong trabaho na palaging kasama ang boss. Kay Dean nga na kapatid niya ay naiilang pa siyang kasama sa loob ng opisina.
"I think I'm not fit in that work."
Cade laughed. "Why not? Dean told me that you're good at paperwork. Isa pa, mas magiging magaan ang trabaho mo rito. Of course, don't underestimate the salary. I'll offer you forty thousand a month."
Napanganga siya. "Okay lang ba 'yan pasahod sa trabaho ko?" dudang tanong niya.
"Well, your job was not just about paperwork. You will work with me outside the company also, like visiting my branch offices, business-related meetings, and anything."
Napalunok siya. Wala namang kaso 'yon sa kanya. Ang problema niya ay kung paano siya makaka-survive na palaging kasama si Cade. Hindi naman siya nag-aalangan na ma-develop siya rito, ang kaso, ayaw niya ng intriga.
"Sorry, I can't decide," aniya.
"What makes you hesitate then?" he asked seriously.
"Uhm, nothing. Naninibago lang siguro ako," sabi niya.
"Then, accept the job. Anytime you want you can start your work. Just call me if ready ka na. Update ko rin mga empleyado ko tungkol sa 'yo para aware sila."
Panay ang buntong-hiniya niya. No choice, kailangan talaga niya ng trabaho bago maubos ang perang ipon niya. Hindi siya maaring mamili ng trabaho dahil may anak siya na sinusuportahan. Kahit may sustento si Summer mula kay Dean ay hindi maaring umasa lang siya roon. Nahihiya na rin siya sa kuya niya.
"Sige, tatanggapin ko ang trabaho," sabi niya nang makapagdesisyon.
"Good. When do you want to start?"
"On Monday, is it okay?"
"Sure, it's up to you."
"Salamat sa opportunity, sir."
Ngumisi si Cade. "Come on, just call me Cade."
Ngumiti lang siya.
Mamaya ay nagpaalam na siya rito.
BAGO magsimulang magtrabaho ay may nakuha nang yaya ni Summer si Savanna. Sabado ng hapon ay nakatanggap siya ng invitation mula kay Sabrina. Iniimbita siya nito sa binyag ng pangalawang anak nito. Kinuha siyang ninang na hindi niya alam.
Masaya naman siya dahil kahit papano ay hindi siya nakalimutan ng kapatid. Kinabukasan ay gumayak siya para dumalo sa seremonya ng binyag. Isinama niya si Summer dahil gusto ring makita ni Sabrina.
Traffic kaya late na silang nakarating sa simbahan. Kaunti lang naman ang mga dumalo. Babae rin ang second baby ni Sabrina at saktong isang taon. Sabay na pala ang one year birthday celebration nito. Mag-a-apat na taon na ang panganay nitong lalaki.
Patungo sa altar ng simbahan si Savanna nang mapansin niya na may nakasunod sa kanya. Mabagal ang hakbang niya dahil sa three inches sandals. Iyon lang kasi ang magkasya sa kanya dahil naiwan sa US ang iba. Puting dress na medyo maigsi ang laylayan ang suot niya. Sabi kasi ni Sabrina all white dapat ang damit nila. White gown din ang pinasuot niya kay Summer.
Sa kamamadali niya ay natapilok siya. Kamuntik na niyang mabitawan si Summer mabuti may malakas na brasong humagip sa baywang niya at umalalay sa likod ni Summer.
Tumahip nang husto ang dibdib niya. Sumiksik sa ilong niya ang matapang na pabago ng lalaki. She can't help but feel a familiar heat ran through her vein. The guy's presence seems to have a big connection to her.
Pumiksi si Summer at hinarap ang lalaking nasa likuran nila. Inalis ng lalaki ang braso sa baywang niya pero nakaalalay pa rin ang isang kamay nito sa likod ni Summer. Saka lamang niya naituwid ang kanyang tayo at tiniis ang kirot sa kaliwang paa niya na natapilok.
"Are you okay, baby?" tanong ng pamilyar na boses ng lalaki.
Tumulin ang tibok ng puso niya. Marahas siyang pumihit sa likuran. Hindi siya nagkakamali ng naisip, it was Hance, wearing an all white tuxedo. He's staring at her daughter, so it means, he was talking to Summer. Naibaling naman nito ang tingin sa kanya. Lalo siyang kinabahan.
Minsan na niyang naisip na sakaling magkita ulit sila ni Hance, ikakaila niya na ito ang ama ni Summer. Pero paano gayong walang duda dahil parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama? Idinadalangin na lang niya na sana nga ay wala nang amnesia si Hance at nakalimutan siya ulit.
"Siya na ba ang anak natin, Savi?" bigla'y tanong nito.
Inalipin ng kaba si Savanna. Hindi nga siya nakalimutan ni Hance, at wala itong pagdududa kay Summer. Nilakasan niya ang loob at mariing pinairal ang pride.
"No, we never have a child," tugon niya.
He sarcastically laughed. "Don't me, Savi. I feel my flesh and blood into her," he said aggressively.
Nilamon siya ng inis. "Feeling mo lang 'yan. Excuse me," aniya saka ito tinalikuran.
Pilit ang saya ni Savanna habang nakihalubilo sa pamilya ni Sabrina. Ninong din pala ng anak nito si Hance. Hindi siya komportable lalo pagdating sa bahay nila Sabrina. Sa hardin ginanap ang salo-salo. Gusto na sana niyang umuwi pero hindi siya pinayagan ni Sabrina.
Napansin din niya na ayaw magpaawat ni Summer sa pakikipaglaro kay Ash, na panganay ni Sabrina. May munting bisikleta si Ash na may upuan sa likod para sa pasahero. Masayang nagbibisikleta ang dalawa sa malawak ng hardin. Nakaangkas sa likod si Summer.
Kasama niya si Sabrina sa iisang lamesa. Pinapakain nito ang anak na si Missy. Kamukha pa rin ito ng tatay. Siya naman ay pinipilit kumain dahil talagang hindi siya komportable. Namataan niya si Hance na kausap ang pinsan na si Ace at ibang bisita sa open cottage malapit sa play ground kung saan naglalaro ang dalawang bata.
"Ang bilis ng panahon, no? Ang laki na rin ng anak mo," sabi ni Sabrina. Alam nito na anak niya si Summer kay Hance.
"Oo nga, dalawa na nga ang anak mo," nakangiting sabi niya.
"Gusto pa nga ni Ace sundan ng isa pang lalaki," sabi nito.
Natawa siya. "Ang sipag niya, ah."
"Eh gusto ko rin naman. Gusto ko napagitnaan ng dalawang lalaki si Missy," amuse na sabi ni Sabrina.
"Kung sa bagay, masaya kung maraming anak, kaya n'yo namang buhayin."
"Maiba ako, nag-usap na ba kayo ni Hance?"
Napalis ang ngiti niya. Matamang tumitig siya kay Sabrina. "Bakit naman kasi mag-uusap?" may iritasyong tanong niya.
"Uhm, I know you're still affected but I think Hance never let you go. He's always asking me about you. He knows that you're pregnant before you left so you can't deny the truth."
"Wala na akong pakialam sa kanya."
Ginagap ni Sabrina ang kamay niya. "Savi, alam kong natatakot ka pa rin dahil sa ginawa noon ni Hance. Pero magaling na siya. Magaling na ang amnesia niya pero hindi ka niya nakalimutan."
"Pero ang ibang sakit niya sa utak, gumaling ba?" may diing untag niya.
Natigilan si Sabrina.
Naudlot ang pag-uusap nila ni Sabrina nang magsigawan ang mga tao. Napatayo sila. Binalot ng kaba ang puso niya nang makitang sumimplang sa bike ang dalawang bata. Nadaganan ng bike ang anak niya!
Patakbong sumugod siya sa mga ito. Nakuha kaagad ni Ace ang anak nito. Napako ang mga paa niya sa lupa nang maunahan siya ni Hance sa pagkuha kay Summer. Inalu-alo nito ang anak niya na biglang umiyak. Natulala siya nang kaagad ding tumahan si Summer at yumakap sa ama nito.
"It's okay, baby. Daddy is here. Where's the pain, huh?" sabi ni Hance kay Summer.
Nangilabot si Savanna. Nang mahimasmasan ay sumugod siya sa mga ito at inagaw niya si Summer mula kay Hance. Nagulat pa ang binata.
"You should bring her to the doctor to check her, Savi," ani ni Hance.
"I know," tipid niyang tugon saka ito tinalikuran.
Mabuti na lang may kaibigang pediatrician si Ace na ninang din ng anak nito. Hindi pa ito nakakaalis. Tiningnan nito si Summer. May pasa sa kanang hita si Summer, at may pilay ito sa kanang braso na naipit ng bike.
Hinatid sila ni Ace sa bahay niya kinagabihan. Nilagnat si Summer pero napainom na niya ito ng gamot na nireseta ng doktor. Dahil hindi pa gumagaling ang anak niya, hindi na muna siya nag-report sa trabaho. Tumawag naman siya kay Cade at sinabi ang dahilan.
Lunes ng umaga ay abala sa paglalaba si Savanna. Nagtataka siya bakit ang ingay sa labas ng bahay. May kausap si Manang Lorna, na yaya ni Summer. Naroon siya sa laundry pero naririnig niya ang ingay. Wala naman si Rosalie dahil sumama sa nanay nito sa trabaho.
"Savi!" mamaya ay tawag ni Manang Lorna.
Iniwan niya ang labahan saka tumayo. Manipis na puting T-shirt lang ang suot niya at maikling denim pants. Magulo pa ang buhok niya na basta lang niya pinulupot at tinalian ng pulang ponytail. Napasugod siya sa salas. Ngunit kaagad din siyang natulos sa sahig nang mamataan niya si Hance na nakapasok na. May bitbit itong malaking basket ng prutas, punpon ng iba-ibang kulay na rosas, at nakakahong regalo.
"Sorry, pinapasok ko na siya. Siya raw po ang daddy ni Summer," anang ginang.
Nag-init ang bunbunan niya. "Dapat tinanong n'yo ho muna ako. Hindi dapat kayo basta-basta nagpapapasok ng kung sino," hindi napigil na palatak niya.
"Sorry po. Kilala ko naman po si Sir Hance, mabait po siya."
"Ako na lang ang awayin mo, Savi," apela ni Hance.
Nilagpasan niya ang ginang saka nilapitan si Hance. "Itigil mo 'to, Hance," aniya.
"I know you're still mad at me, but, please, give me a chance. I very sorry for what I had done to you," samo nito.
"It's no sense anymore, Hance. Matagal na kitang kinalimutan. Masaya na kami ng anak ko. Hindi na kita kailangan," giit niya.
"Hindi mo puwedeng ipagdamot sa akin ang anak ko, Savi," matigas na sabi nito.
Lalong uminit ang ulo niya. "I don't need you, Hance. Napalaki kong mag-isa si Summer na wala ka. Hindi mo lang alam kung anong hirap ko para lang maka-recover sa trauma at sakit na iniwan mo sa akin. Kamuntik ko nang maiwala si Summer dahil sa bangungot na itinanim mo sa utak ko! At ngayon maghahabol ka? No way! Please leave us alone!"
Hindi nakapagsalita si Hance. Maya-maya ay may bumusinang sasakyan sa labas. Napatakbo si Manang Lorna sa labas at ito ang humarap sa bisita. Mamaya ay bumalik ito.
"May bisita ka po," anito.
Lumabas siya upang harapin ang bisita. Nagulat siya nang makita si Cade sa labas ng gate na may bitbit na punpon ng rosas at malaking paper bag na kulay pula. Nakasuot pa ito ng amerikana.
"Hi! I just drop by to visit you and your daughter," nakangiting sabi nito.
Binuksan niya ang maliit na gate at pinapasok ito. Lumabas naman ng bahay si Hance. Wala na itong bitbit. Marahil ay iniwan nito ang dala kay Manang Lorna.
"Salamat. Pasensya na, hindi pa ako makapagsimulang magtrabaho," aniya.
"No worries, wala pa naman masyadong trabaho," anito. Nabaling ang tingin nito kay Hance. "May famous model ka atang bisita," pagkuwan ay sabi nito, tinutukoy si Hance.
Hindi na siya magtataka bakit kilala nito si Hance. They both in the top of business industry. Walang imik naman si Hance na nilagpasan sila. Lumabas ito ng gate pero sinipat nang matalim si Cade.
Hindi maintindihan ni Savanna bakit parang may sariling buhay ang puso niya. Tila gusto nitong habulin si Hance.
"Why he's here?" curious na tanong ni Cade.
Naglalakad na sila papasok sa kabahayan. "He's my ex-boyfriend," walang kiming sagot niya.
Napahinto sa bukana ng pintuan si Cade at marahas na humarap sa kanya. "You mean, Hance De Silva was Summer's father?" usisa nito.
Wala siyang dahilan para magkaila. Malalaman din iyon ni Cade. Tumango siya. "Oo," aniya.
Tumuloy na sila sa salas. Nakapatong pa sa mesita ang pasalubong ni Hance. Pinaalis niya iyon kay Manang Lorna at ipinalit ang mga dala ni Cade.
"Grabe, big time rin pala ang ex mo. Pero bakit narito siya? Hiwalay na kayo 'di ba?" anito nang makaupo sa sofa.
Lumuklok naman siya sa katapat nitong sofa. "He just visiting my daughter," malamig ang tinig na turan niya.
"And you allowing him to see your daughter?"
Matamang tumitig siya kay Cade. May panghuhusga ang mga mata nito. "Actually not."
Ngumisi si Cade. "He's being desperate. I think I have an idea why you left Hance."
Curious na tumitig siya sa binata. "What?"
"I don't have the intention to destroy his image but I think you know him already. Matagal nawala si Hance dahil nagpagamot ito sa Florida. Usap-usapan sa business organization na iyon nga, may severe mental disorder si Hance."
Nawindang siya. Kumalat na pala talaga ang kondisyon ni Hance. Pero lalo pa itong sumikat. Nagkunwari siyang walang pakiaalam.
"Ayaw ko na siyang napag-uusapan. Wala na akong pakialam sa kanya," sabi niya.
"Okay, I'm sorry," ani Cade. "So, how's Summer?"
"Nakatulog siya sa kuwarto. Mabuti wala na siyang lagnat," tugon niya.
"That's good. Mabuti rin may yaya siya. Puwede mo na siyang iwan para magtrabaho."
"Oo nga."
"Hindi rin naman ako magtatagal. Napadaan lang talaga ako," pagkuwan ay sabi ni Cade. Tumayo na ito.
"Sige. Salamat sa pagbisita at sa pasalubong." Tumayo na rin siya.
"No worries. Just call me if you're ready to work."
"Okay."
Hinatid na niya ito sa labas ng bahay. Papasok na sana siya nang mapansin niya ang itim na kotse na nakaparada sa likuran ng kotse ni Cade. Nakaalis na si Cade. Nang lumabas si Manang Lorna ay tinanong niya ito.
"Kaninong kotse 'yon, Manang?"
"Ay, kotse po 'yan ni Sir Hance! Hindi pa pala siya nakaaalis?" anito.
Kinabahan siya. Nang makapasok ang ginang ay isinara niya ang gate, may kandado pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top