Epilogue
TATLONG buwan magmula noong normal na ipanganak ni Alexa ang panganay nila ni Gaizer ay saka sila nagdesisyong magpakasal sa simbahan. As Gaizer's promised, they will have their honeymoon in Japan. Excited na siya.
Simpleng kasal lang sana ang gusto nila pero si Lola Amara ang may gusto ng magarbong selebrasyon na ginanap sa Tagaytay. Imbitado lahat ng kaanak niya at sa side ni Gaizer. Siyempre, dumalo rin si Franco at Rendel kasama ang asawa nito.
"Mabuhay ang bagong kasal!" panabay na sigaw ng mga tao nang pagbaba nila ng bride's car sa mansiyon.
Sinalubong na sila ng mga bisita. Nagmula na sila sa simbahan at diretso na roon upang pagsaluhan ang naihandang pagkain. Dalawang baka talaga ang pinakatay ni Lola Amara at isang litson.
Sa malawak na hardin ang salo-salo. Merong catering at banda, meron ding naihandang mga pakulo para sa kanila. Mabuti na lang nagkaayos na si Gaizer at Roger. Naroon din ito kasama ang asawa at mga kaibigan. May sarili nang contraction company si Franco at katuwang ang ama sa pagpapalakad nito.
Hindi naman nagtagal si Alexa sa party dahil nagwawala ang anak niya kahit karga ng yaya nito. Sa kaniya kasi ito dumidede. Iniwan na niya si Gaizer at pumasok siya sa kuwarto at pinadede ang kaniyang anak. Napagod din siya at gusto nang matulog.
Nakaidlip na siya nang may humipo sa kanang binti niya. Nang tingnan niya'y si Gaizer. Hubad-baro na ito.
"Tulog na si baby, ilipat na natin sa kona," sabi nito.
"Sige." Hinayaan na niya ito na ilipat sa kona si Baby Kaizer. Tinamad na siyang bumangon kahit humihilab na naman ang kaniyang sikmura.
Mabuti may dalang pagkain si Gaizer. Hindi rin ito nakakain nang maayos sa party. Pinagsaluhan nila ang pagkain.
"Anong oras ang flight natin bukas papuntang Japan?" tanong niya rito.
"Alas dos ng hapon," tugon nito.
"Mabuti may oras pa tayong magpahinga. Pero naihanda ko na lahat ng kailangan natin."
"Good. May meeting ako bukas ng umaga sa opisina. After no'n pupunta na tayo ng airport."
Tumango lang siya. Ang yaya lang ni Baby Kaizer ang makakasama nila dahil busy ang daddy niya kaya hindi rin makasama ang kaniyang ina.
"Okay lang bang matulog muna ako sa umaga? Ilang gabi nang wala akong maaos na tulog dahil kay Baby," aniya sa asawa.
"Oo naman. Tutulungan naman kitang mag-alaga sa anak natin. At saka nariyan si Yaya Marlyn, basta mag-save ka lang ng gatas sa bote ni Baby."
Natutuwa siya dahil lahat ng gusto niyang gawin ay suportado si Gaizer. Pumayag na rin itong magtrabaho siya ulit sa kumpanya at gagawa lang ng sketch. Hindi naman kailangang sundin niya ang working hour. Ayaw niyang ma-stock lang ang kaalaman niya.
Sakto lang ang dating ng mag-asawa sa airport kinabukasan after lunch. Hindi naman sila nahirapan sa kanilang anak dahil mas matakaw ito sa tulog tuwing umaga. Basta busog ito, tulog lang nang tulog. Mabilis lang naman ang biyahe.
Pagdating sa Tokyo ay diretso na sila sa bahay ni Gaizer. Katabi lang pala ng bahay nito ang puntod ng ina nito, na tanging abo na lamang. Dahil gabi na silang nakarating, ipapabukas na nila ang pagdalaw sa puntod ng ina ni Gaizer.
Picture lang ang unang pinakita ni Gaizer sa kaniya tungkol sa design ng bahay nito. She loves the modern and classy design but the traditional Japanese houses were still there.
Naktulog naman siya sa biyahe kaya okay lang na late na siyang matulog. May katiwala roon si Gaizer at pinaghandaan ang pagdating nila. Dalawang palapag ang bahay at mayroong tatlong kuwarto sa itaas, dalawa naman sa baba. Malawak ang lupain na naliligiran ng malalagong halaman at punung-kahoy kaya ang lamig sa pakiramdam.
Malamig na noon kaya pinaandar nila ang heater sa kuwarto. Mabuti sanay ang anak niya sa malamig na klima. Ilang oras lang itong nagising after dinner at nakatulog ulit matapos niyang mapadede.
Abala pa si Gaizer sa paglibot sa property nito kaya nauna na siyang nag-shower. Nag-enjoy siya sa Japanese food na hinanda ni Saide na asawa ng caretaker kaya ang dami niyang nakain. Sa tuwing dumidede sa kaniya si Kaizer ay ang bilis niyang gutumin.
Pagkatapos maligo ay nagsuot lang siya ng puting roba at tumambay sa terrace ng kuwarto nila. Natatanaw mula roon ang malawak na hardin. Maliwanag dahil sa bilog na buwan. Panay ang singhap niya dahil sa sariwang hangin na malamig. Lumuklok siya sa silya roon. Iniwan lang niyang bukas ang bintana upang marinig niya kung iiyak si Kaizen.
Narinig niyang bumukas ang pinto at kaagad ding nagsara. Alam niyang si Gaizer na iyon pero hindi na siya hinanap. Maaring alam na nito kung nasaan siya. Sumilip siya sa pinto. Namataan niya itong walang anumang saplot sa katawan at pumasok sa banyo.
Pumasok na rin siya at isinara ang pinto. Sinilip niya ang kaniyang anak sa kona nito katabi ng kama. Mahimbing na ang tulog nito. Hinagkan niya ito sa noo saka iniwan. Tinuyo niya ang kaniyang buhok sa bumubugang heater. Katamtaman na ang klima sa loob.
"Puwede mo nang i-off ang heater, babe," ani Gaizer na kalalabas ng banyo.
Nilingon niya ito. "Bakit?" takang tanong niya.
"Iinit din ang klima mamaya," anito, pilyo ang ngiti.
Natawa siya nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin. Natutuwa siya dahil talagang inipon ni Gaizer ang pasensiya. Hindi talaga siya nito ginalaw simula noong buntis siya hanggang sa manganak at sa kasalukuyan.
Inalis ni Gaizer ang tuwalyang tabing nito sa hubad na katawan. Hinintay niya itong makalapit saka siya yumapos dito. Kinalas naman nito ang laso ng kaniyang roba at tuluyang hinubad. Dumaiti ang naninigas nitong armas sa kaniyang puson.
"The long wait is over," anas nito sa kaniyang tainga.
"Yeah, and do what you want. Take me hard, babe," aniya.
Naghinang ang kanilang mga labi. Pagkuwan ay pangko siya nitong naglakad patungo sa kamay. Maingat siya nitong iniha habang walang puknat sa paghahalikan. Sabik din siya sa mainit nitong romansa.
Umigtad siya nang bumaba ang bibig nito sa kaniyang leeg--dumausdos sa kaniyang dibdib at halinhinang nilasap ang tuktok niyon. Napaungol siya sa nakahihibang na kiliti habang mariing humahaplos ang kaniyang mga kamay sa katawan nito.
"Lalong lumusog ang dibdib mo, ah," anito nang iwan ang dunggot niya.
"Siyempre, may gatas," nakangising sabi niya.
Hindi nito tinagalan ang kaniyang dibdib at bumaba na ang ulo sa kaniyang puson, hanggang sa pumagitan sa kaniyang mga hita. Doon ito tumagal. Medyo sumikip siya dahil sa humilom na tahi kaya expected niya na masakit ang pagpasok nito. Pero mabuti pinasukan muna iyon ng mga daliri nito at hinapuhap ng bibig at panlasa nito.
"Uhh!" She growled as Gaizer sucked her clit harshly. Gutom na gutom ito kaya hinayaan niyang gawin ang gusto nito.
Nang makontento ito sa kabasaan niya ay saglit nitong pinasubo sa kaniya ang kargada nito upang sukatin ang katigasan nito. He then put his shaft inside her slowly but deeply.
Napadaing siya sa unang sagad nito dahil gumuhit ang kirot pero saglit lang. Kalauna'y inulos na nito ang sandata kasabay ng malalakas na pagbayo. Hinayaan niya itong gumalaw dahil gusto nitong makaraos siya sa ilalim nito, and he gave what she deserved.
Dahil sa kasabikan ay lalo silang nagtagal. Minsa'y siya ang pumaibabaw rito at umiindayog. Sinulit nila ang mahaba-habang oras at ilang minuto lang ang pahinga. Meron pa silang tatlong araw roon kaya hindi siya maaring magmadali. Gusto kaagad ni Gaizer na sundan ang anak nila kaya todo effort ito. Pero siyempre, kailangan ng distansiya. Healthy naman siya pero okay na sa kaniya ang isang taon o dalawang taong age gap ng mga anak nila.
Mabuti na lang natapos nila ang round three bago nagising si Baby Kaizer. Ginutom na ito kaya pinadede niya. Nauna nang natulog sa kaniya si Gaizer dahil ito ang lubos na napagod sa bardagulan nila sa kama.
KINABUKASAN ng umaga ay nilibot ng mag-asawa ang munting vegetable farm ng katiwala ni Gaizer. Natuwa siya sa mga lettuce at broccoli kaya nagpapitas siya. Gusto niyang gumawa ng salad.
Tulog pa si Kaizer kaya iniwan nila sa yaya nito. May mga prutas ding nakatanim sa paligid katulad ng mansanas at dalandan. Marami na itong bunga kaya nagpapitas na rin si Gaizer. Napuno ang dalawang basket nila.
Pagkatapos ay dumiretso na sila sa puntod ng ina ni Gaizer. May litrado ang ginang sa ibabaw ng ginawang puntod kung saan nakalagay ang base ng abo nito. Nagsindi sila ng kandila at nag-alay ng taimtim na dasal. Saka lang siya pinakilala ni Gaizer sa ina nito.
"Mom, it's been a long since I last visited you here. And now, I am coming with my wife, Alexa, and our first baby boy Kaizer. He's still sleeping," amuse na kausap ni Gaizer sa ina.
"Hello po, Mommy!" bati naman niya sa litrato ng ginang na nakangiti. Ang ganda nito, nakuha rito ang kahalati ng mukha ni Gaizer.
Inakbayan siya ni Gaizer. "Siya ang sinasabi ko sa inyo na babaeng mahal na mahal ko, Mom. She's the reason why I chose to change myself. Sinabi ko sa inyo dati na magbabago ako para mahalin ako ni Alexa, and I did my best, she's now officially mine, I owned her, and I assured that no one can steal her from me."
Siniko niya sa tagiliran si Gaizer. "Grabe ka namang magmahal. Alam ko nang wagas ang pag-ibig mo pero huwag mo naman akong busugin nang husto," angal niya.
"Ayaw mo n'on? Bihira ang lalaking kagaya ko. Wagas magmahal pero kaya ring magtiis," anito.
Natawa siya. "Oo na, gustong-gusto na kita. Sobrang mahal din kita kaya handa akong ibigay ang buong pagkatao at puso ko sa 'yo."
"Naks. Magtira ka naman sa sarili mo."
"Meron naman, eh. Basta para sa pamilya natin, gagawin ko ang lahat."
"Me too."
Humarap siya rito at inilingkis ang mga kamay sa leeg nito. "I love you so much, babe. And thank you for all of your effort to love me almost half of your life," she said, full of love.
Niyapos naman siya nito. "Mahal din kita, sobra. Basta sabihin mo lang kung ano ang gusto mo, ibibigay ko as long as makabubuti sa 'yo. Ayaw ko ring masakal ka ng pagmamahal ko."
"Thanks, but your love and care were enough."
Yumuko ito at pinaghinang ang kanilang mga labi.
Mamaya ay bumulahaw ang iyak ni Kaizer. Naghiwalay sila ni Gaizer nang makita niya ang yaya karga ang anak niya na umiiyak. Patakbong sinalubong nila ang mga ito.
"What happened?" tanong ni Gaizer sa yaya.
"Bigla lang po umiyak. Nagugutom na ata," anito.
Kinarga ni Alexa ang anak at kaagad pinadede. Sabay na sila ni Gaizer na pumasok sa bahay. Sa lobby sila tumambay. Inutusan niya ang asawa na ipaghiwa siya ng mansanas. Tumalima naman ito.
Habang nagpapadede siya sa anak ay sinusubuan siya ni Gaizer ng mansanas. Sabay kuwentuhan na rin habang nanonood ng Japanese drama. Ganoon ang routine nila sa Tokyo, love making sa gabi, family bonding sa umaga, gala sa hapon.
Nakamit ni Alexa ang married life na inaasam niya, masaya, masagana, at puno ng pagmamahal. Ang suwerte niya kay Gaizer. Wala na siyang hahanapin pa rito.
The End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top