Chapter Twenty-two

DALA na ni Alexa ang maleta niya sa Herera village. Alas siyete ng umaga siya umalis ng mansiyon pero nagpaalam muna siya kay Lola Amara. Pinabaunan pa siya ng matanda ng pinaluto nitong beefsteak. Bigyan daw niya niyon si Gaizer.

Tumambay siya sa private house na pinapagamit sa kanila ni Mr. Herera. Wala pa roon si Gaizer. Malaki na ang improvement ng construction. Nakialam siya sa kusina at pinainit sa microwave ang dala niyang ulam. May naisaing nang kanin ang katiwala.

Inihanda na niya ang tanghalian sa hapag kainan. Mamaya ay narinig na niya ang boses ni Gaizer na may kausap na lalaki sa labas. Sinilip niya ito mula sa bintana. Kausap nito ang foreman. Nang mapansin niyang papasok na ito ay pumuwesto na siya sa harap ng hapag. Nasorpresa ito nang makita siya.

"Oh, you are finally here!" bungad nito.

"I've just arrived," aniya.

Umupo ito sa katapat niyang silya. Nagsalin kaagad ito ng kanin sa plato.

"Nagpadala si Lola ng beefsteak para ulam natin. Hindi ka pala nagpaalam sa kanya no'ng umalis," sabi niya.

Hindi natuloy ang pagsandok ni Gaizer sa steak. Matamang tumitig ito sa kanya. "Tulog pa siya noong umalis ako," anito.

Iniwasan nito ang steak. "Masarap ang steak. Ako ang nagluto," pagsisinungaling niya.

Tumikwas ang isang kilay nito. "Sigurado ka? Kapag ako sinumpong ng allergy lagot ka sa akin," sabi nito.

"Ano? Allergic ka sa beef?" untag niya.

"Hindi. Allergic ako sa oyster sauce. Si Aleng Lucy kaya ay nilalagyan ng oyster sauce ang steak."

Bigla siyang kinabahan. "Ahm, si Aleng Lucy talaga ang nagluto. Nilagyan talaga niya ng oyster sauce," pag-amin niya.

"Kita mo. Mabuti siguresta ako."

"Allergic ka pala sa oyster. Hindi ko alam."

"Ngayon alam mo na. Iilan lang na lamang dagat ang tinatanggap ng katawan ko. Take note; hindi ako puwede sa hipon, crab, mussel, at iba pang may mga shells."

"Bakit kailangan ko pang i-take note?" natatawang tanong niya.

"Take note ulit; you're born to be my wife and cook my meal everyday. So dapat alam mo lahat ng puwede at hindi ko puwedeng kainin," sabi nito.

"Tumigil ka. Huwag kang assuming," aniya pero masaya siya sa narinig.

Mabuti na lang may nalutong tinolang manok ang katiwala. Iyon ang inulam ni Gaizer. Naiisip niya ang Last Will habang pinagmamasdan niya si Gaizer na kamakain. Hindi pa siya handang ibigay rito ang mga iyon.

Kailangan niyang maging maingat para hindi siya sumabit sa kaguluhan sa pamilya nito. Maghihintay lang siya ng tamang tiyempo o 'di kaya'y sikretong ipaparating niya rito ang papeles at hindi kailangang malaman nito na sa kanya nanggaling.

"Ano pala ang sabi ni Lola kanina?" mamaya ay tanong ni Gaizer.

Ang sarap nitong panoorin habang kumakain, nakakatakam dahil ang guwapong ngumuya. Namumukol ang muscles nito sa panga, na dumagdag sa kamachuhan nito.

"Uh, nagtatampo si Lola. Iniisip niya na nagtampo ka o galit sa kaniya," aniya.

Gaizer grinned. "Lola knows how hard for me to defend my rights to the company. Alam niya ang katotoohanan na ako lang ang may karapatang magmana ng kumpanya. Gustuhin ko mang magtampo pero hindi ko siya matiis," seryosong pahayag nito.

She felt Gaizer's frustration. Ang hirap ng sitwasyon nito. "Pero kung alam mong tama ka, dapat ipaglaban mo. Siguro may malalim na dahilan si Lola Amara bakit hinayaan niyang magdesisyon si Sir Roger para sa kumpanya."

"Obvious naman kung ano talaga ang intensiyon ni Tito Roger. He wants the rights of the company. Hindi sila magkasundo ng daddy ko noon, at alam ko na may hinanakit siya sa daddy ko dahil palagi siyang napapahiya."

Hindi rin niya maiwasang maawa kay Roger. Hindi madaling mabuhay sa mahabang panahon na nanlilimos ng atensiyon at pagmamahal ng isang ama. A bastard son, is like a curse for those who never had an equal love. Matatapos lang ang gulo kung mailabas na ang totoong Last Will ng yumaong Sta. Maria.

"Puwede naman siguro ninyong hatiin ang mana na walang gulo," sabi niya.

"Imposible 'yan, Alexa, kung merong ganid sa pamilya. For me, I am willing to divide my grandfather's wealth and property equally if Roger lower his pride. Kaso gusto talaga niyang makuha ang kumpanya. Aba, hindi rin ako papayag doon, gayong alam ko na ako ang higit na may karapatan," ani ni Gaizer, pumalatak na.

Napabuga siya ng hangin. "Sige, kung ganiyan talaga ang gusto ninyo, wala akong magagawa. Sino ba ako?" aniya.

"Maiipit ka pa rin kung magpapakasal ka kay Franco, Alexa, siyempre, hindi ako papayag," giit nito, nakangisi.

Matamang tinitigan niya ito. "Saan ka hindi papayag?" usig nya rito.

"Na pati ikaw ay aangkinin ni Franco. Ibang usapan ito, Alexa, and it's not related to the company."

"What?" untag niya.

Malapad na ngumiti si Gaizer. "You're mine, only mine. I owned you since you permitted me to enter your life."

She chuckled. "Daig mo pa ang obsessed, ah," amuse niyang sabi.

"Yes, papunta na ako riyan. Imagine, since college, inaasam na kita."

"Nako! Tumigil ka nga riyan."

"I'm serious, Alexa. Owning you was one of my goals in life. And now that you are falling for me, I will do anything to have you officially," masuyong wika nito.

Alam niyang seryoso si Gaizer pero idinaan niya sa alibi para ma-distract ito. Sinubuan niya ito ng karne ng manok mula sa tinola. Isinubo naman nito iyon at humiling pa ng kasunod.

Pagkatapos ng tanghalian ay naglibot sila sa construction site. Nakausap din niya si Mr. Herera. Pumayag ito na si Gaizer na lang ang dadalaw sa site sa susunod na mga buwan.

Alas-singko ng hapon ay bumiyahe na sila pabalik ng Maynila. Hindi na talaga nagpaalam si Gaizer sa Lola nito. Hindi na sila dumaan sa kumpanya. Diretsong hinatid siya nito sa bahay nila.

Pagpasok ni Alexa sa bahay ay nadatnan niya ang mama niya sa sala habang nakaupo sa wheelchair. Hindi pa rin ito masyadong nakakapagsalita. Puro aksiyon lang. Yumakap siya rito saka humalik sa pisngi nito. Tinitingnan lang siya nito.

"Maayos ang naging simula ng project namin sa Tagaytay, Ma. Mabait si Mr. Herera. Kahit hindi ako magre-report doon araw-araw ay okay lang. Ang engineer na ang bahalang mag-monitor ng area. Ang saya mag-stay sa Tagaytay. Sa susunod kapag nakapag-ipon na ako ay bibili ako ng lupa doon para bakasyunan natin. Siyempre tatapusin muna natin ang bahay sa Makati para pag-uwi ni Kuya ay makalipat na tayo," sumbong niya sa ina.

Tatangu-tango lang ang ginang. Siya ang nagluto ng hapunan. Pinakain niya ang mama niya bago pinatulog. Nang makatulog na ito ay bumalik siya sa kanyang kuwarto at nagbabad sa social media habang nakadapa sa kama. Nag-stalk siya sa account ni Franco. Wala man lang itong mensahe sa kanya. Hindi rin updated ang status nito.

Ang account naman ni Gaizer ang tiningnan niya. Nagulat siya nang makita ang kaka-post nitong litrato na kasama siya. Mga picture nila sa Herera village noong naglilibot sila sa construction site. May mga litratong naisama na kitang-kita na nakahawak sa baywang niya ang binata habang inaalalayan siya sa paglalakad sa gilid ng hukay. Ang ibang litrato ay nakaakbay ito sa kanya.

"Sira ba siya? Bakit niya nai-post ang mga litratong iyon?" aniya.

Naka-online ang binata kaya kaagad siyang nagbukas ng video call. Kaagad naman itong sumagot.

"Hoy! Bakit nai-post mo pa ang mga picture?" tanong niya.

"Hi, baby! What's wrong with my post?" nakangising sabi nito.

"May mga picture na awkward. I-private mo ang mga picture."

"Ano naman ang awkward doon? Natatakot ka lang, eh."

"Hindi ako natatakot. Ayaw ko lang ng intriga."

"Come on. Magtatago pa ba tayo? Alam na ng soon to be father in law mo ang kalokohan natin."

Nawindang siya. Bigla siyang kinabahan. Biglang may kumatok sa pinto. Isinara niya ang kanyang laptop.

Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Pagbukas niya'y bumulaga sa kanya ang seryosong mukha ng papa niya.

"P-Papa, kumusta ka na?" aniya saka humalik sa pisngi nito.

Nagtataka siya bakit wala man lang siglang pumasok nang tuluyan sa silid niya ang kanyang ama. Isinara niya ang pinto.

"Bakit, Pa? May problema ba?" nababahalang tanong niya.

Hinarap siya nito. "Magsabi ka sa akin ng totoo, Anak. May relasyon ba kayo ni Gaizer?" deretsong usisa nito.

Awtomatiko'y inalipin ng kaba ang dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Hindi pa siya nagsinungaling sa papa niya ni minsan.

"Sagutin mo ako, Anak. Ano itong sinasabi ni Roger na nakita niya na hinalikan ka ni Gaizer noong gabi sa birthday ni Ma'am Amara? Totoo bang may relasyon kayo?" usig nito sa matigas na tinig.

Lalo siyang nangatog. "Pa, trabaho lang naman ang nag-uugnay sa amin," pilit niyang pagsisinungaling.

"Kailan ka pa natutong magsinungaling, Alexa?!" asik nito.

Nasindak siya at bahagyang napaatras. Hindi na niya naitago ang katotohanan. "Pa, pinilit ko naman siyang iwasan. Siya ang pilit na lumalapit sa akin," naluluwang pag-amin niya.

"Ganyan ka ba kahina, ha? Alam mong ikakasal ka kay Franco, bakit hindi ka nag-iingat?! Ano na lang ang sasabihin sa atin ni Roger? Ang laki ng tiwala ko sa 'yo, Alexa! Nagtiwala ako na hinding-hindi mo sisirain ang reputasyon natin sa mga Sta. Maria! Baka nakalimutan mo na kung hindi dahil sa tulong ni Roger ay wala na ang mama mo!"

Hindi na niya napigil ang pagdaloy ng kaniyang luha. "Sorry, Pa," aniya.

"Sorry? Kung gusto mong maibalik ang tiwala ko sa 'yo, iwasan mo si Gaizer. Hindi siya ang tamang lalaki dahil siya rin ang sisira sa atin. Hindi mo ba naisip? Maaring ginagamit ka lang niya laban sa pamilya ni Franco. Alam niya ang tungkol sa kondisyon ng lolo niya kaya gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang kasal ninyo ni Franco. Gamitin mo ang utak mo, anak. Huwag puro puso at kapusukan. Walang lugar sa pamilya natin ang mahina," palatak nito saka siya iniwan.

Lumuklok siya sa gilid ng kama at humagulgol. Inaasahan na niyang mangyayari iyon pero hindi niya napaghandaan ang sakit na dadanasin niya dahil sa galit ng papa niya. Itinatak niya sa kaniyang kukoti ang mga sinabi ng ama pero labag sa kalooban niya na tanggapin na tama ang akosasyon nito kay Gaizer.

Kahit ano pa ang negatibong maririnig niya hinggil sa pagkatao ni Gaizer ay hindi na siya basta apektado, dahil alam niya sa kaniyang sarili na kilala niya ang binata at hindi ito kayang ipagtabuyan ng puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top