Chapter Twenty-six

AYAW na muna sanang pumasok ni Alexa sa kumpanya pero pinapapunta siya ng papa niya dahil nagdesisyon si Roger na magkaroon ng munting pagtitipon para klaruhin ang tungkol sa eskandalong kinasasangkutan niya. Pagkakataon na niya iyon para magsalita at depensahan ang sarili.

Sa conference room kung saan inimbitahan lahat ng opisyales ng kumpanya at ilang empleyado na bumabatikos sa nasabing eskandalo. Ang ilan ay nagrereklamo dahil nag-aalala ang mga ito para sa susunod na magiging presidente ng kumpanya. Paano raw magagampanan ng susunod na presidente ang tunkulin nito kung sarili nitong relasyon sa magiging asawa ay hindi nito napangalagaan.

Iginiit ng mga ito na hindi seryoso si Alexa sa pagpapakasal kay Franco dahil may kalaguyo siyang ibang lalaki. Daladala pa rin ng dalaga ang kahihiyan habang pilit humaharap sa mga taong bumabatikos sa kanya. Nakaupo siya sa tabi ng kanyang ama at sa kanyang kaliwa ay nakaupo si Franco.

Nakita niya si Gaizer na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa katabi si Kent at iba pang opisyales. Si Roger ang nagbukas ng usapin. Nakaupo ito sa kabilang dulo ng lamesa.

"Para matapos na ang isyu tungkol sa video'ng kumalat, binibigyan ko ng pagkakataong magsalita si Ms. Alexa San Diego tungkol sa eskandalong kinasangkutan niya. Marami ang nagtatanong kung sino nga ba ang lalaking kasama niya sa video. Magkalita ka, Alexa. Sabihin mo sa amin ang totoo," sabi ni Roger.

Kinakabahan si Alexa. Nakatutok sa kanya lahat ng atensiyon ng mga tao. Tumigil ang paningin niya kay Gaizer na seryosong nakatitig sa kanya. Kahit anong pagpapalakas niya sa kanyang loob ay hindi niya kayang magsalita at aminin kung sino ang lalaking kasama niya sa video.

"Magsalita ka na, anak," udyok sa kanya ng papa niya.

Nanginginig ang kamay niya. Hindi talaga niya kaya. Kumislot siya nang biglang hawakan ni Franco ang kamay niya.

"Ako na ang magsasalita. Natu-trauma na si Alexa sa nangyayari kaya huwag na natin siyang usigin," sabi nito saka ito tumayo at kinuha ang atensiyon ng lahat.

Lalo siyang kinabahan sa isiping sasabihin nito ang totoo.

"Huwag na nating palakihin ang isyu na ito. Pasensiya na dahil hindi kami nag-iingat. Ako na ang magpapaliwanag. Ako ang kasama ni Alexa sa video. Walang ibang lalaking nakakalapit sa kanya kundi ako. Kauuwi ko lang n'on mula Cebu at pinuntahan ko siya kaagad. Sobra ko siyang na-miss kaya hindi ko napigil ang sarili ko. Ang naging problema doon, mayroong pumuslit na kuhaan kami ng video. Maaring isa sa panig ng kalaban ko sa mana ang may pakana ng pagkalat ng video. Gusto nilang sirain ang kasal ko. Umaasa ako na matitigil na ang isyu dahil labis na itong nakakaepekto sa pagsasama namin ng fiancee ko. Humihingi ako ng paumanhin. Kahit ganoon ang nangyari ay matutuloy pa rin ang kasal namin sa susunod na linggo," paliwanag ni Franco sa mga tao.

Nawindang si Alexa. Hindi niya inaasahan ang hakbang na ginawa ni Franco. Umugong ang mga komento ng mga tao. Mayroong naniniwala at mayroon ding nagdududa pa rin. Hindi na iyon mahalaga. Nakahinga siya nang maluwag nang magsialisan na ang mga tao.

Nag-usap si Roger at ang papa niya. Pinayuhan siya ng mga ito na maging maingat sa susunod. Nang silang dalawa na lang ni Franco ang naiwan ay nilapitan niya ito. Papaalis na rin sana ito.

"Franco," pigil niya rito.

Hinarap naman siya nito. Hindi na ito katulad dati na magaan ang pakikitungo sa kanya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya.

"Ano'ng gusto mong gawin ko, ilaglag ka? Hindi ako ganoon kasama, Alexa. Kahit binigo mo ako, wala akong karapatang kamuhian ka. Nirerespeto ko ang desisyon mo. Nasa iyo pa rin nakasalalay ang kasal. Nakapagdesisyon ka na ba?" anito.

Hindi siya nakasagot. Magulo pa rin ang isip niya.

"Sa tingin ko kailangan mo munang magpahinga. Mag-usap na lang tayo kapag nasa tamang huwisyo na ang isip mo," anito saka siya tuluyan iniwan.

Paulit-ulit siyang bumutong-hininga. Dahil sa ginawa ni Franco ay nabawasan ang stress niya. Nagdesisyon na rin siyang lumabas.

Patungo siya sa architects lodge nang masalubong niya sa pasilyo si Gaizer. Lalagpasan sana niya ito ngunit hinagip nito ang kanang braso niya. Hinarap niya ito pero dagli niyang inilayo ang sarili. Katatapos lang ng intriga ay baka masusundan na naman. May nagkalat na CCTV footage sa pasilyo.

"Mag-usap tayo," sabi nito.

"Please, huwag dito. Mainit pa ang isyu, Gaizer. Huwag mong gatungan," aniya.

"Fine. Magkita tayo sa Herera village sa Tagaytay bukas. Mayroon din tayong dapat ayusin sa project."

Tumango siya saka tinalikuran ang kasaup.

Nakapagdesisyon na si Alexa. Hindi na niya hihintaying mabaliw siya dahil sa mga nangyayari. Tatapusin na niya ang gulo. Kinagabihan ay inayos niya ang kanyang gamit na dadalhin sa Tagaytay. Inilagay niya sa kanyang bag ang nakasobreng Lat Will and Testament ng yumaong Sta. Maria.

Itinago niya ang gamit nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at pumasok ang kanyang ama. Tumayo siya at hinarap ito.

"May lakad ka ba bukas?" tanong nito.

"Opo. Pupuntahan ko ang project namin sa Tagaytay. Mayroon lang akong kailangang ayusin sa plano pero uuwi rin naman ako kinahapunan," aniya.

Lumamlam ang mga mata ng ginoo. Nilapitan siya nito at hinawakan sa kanyang balikat.

"Anak, I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka. Nabigla lang ako sa mga nangyari," samo nito.

Hindi siya naghinanakit dito dahil may kasalanan din siya. "Ako dapat ang humingi ng tawad, Pa. Binigo ko kayo. Naging pabaya ako."

"Nagi-guilty ako dahil nadadamay ka sa nangyayari. Hindi ka dapat naiipit sa sitwasyon. Malaki lang talaga ang tinatanaw kong utang na loob kay Roger kaya hindi ko siya matanggihan sa mga hinihiling niya sa akin. Pero nahihirapan na rin ako. Ayaw kong madamay sa sigalot sa pagitan nila at ni Gaizer. Unti-unti nang nababawi ni Gaizer ang lahat. Nahuli niya ang mga patagong transaksiyon namin sa labas. Nakuha ulit niya ang Zambales project. Nadamay ako sa isyu na ibinabato niya kay Roger na kumukuha ng kliyente sa labas na hindi idinadaan sa management. Kung sakaling manalo si Gaizer, patatalsikin niya sa kumpanya si Roger at kasama ako roon. Gusto ko na ring manahimik para hindi ka na madamay. Ang kaso, nangako na tayo na papakasal ka kay Franco."

Nag-aalala siya para sa kanyang ama. Dahil doon ay lalong lumakas ang loob niya na ibigay kay Gaizer ang alst will pero hindi niya personal na ibibigay.

"Huwag po kayong mag-alala, Pa, magiging maayos din ang lahat," aniya.

"Sana nga anak. Patawarin mo sana ako."

"Sss. Tama na. Wala ka namang kasalanan." Niyakap niya ito.

Pagkuwa'y sinamahan na niya itong maghapunan.

NAGKASUNDO sina Alexa at Gaizer na sa Herera village na magkita. Pumayag naman ito sa patagong pagkikita.

"Hindi ako sanay na ganito, Alexa. Para tayong mga kriminal na nagtatago sa batas," sabi ni Gaizer nang nasa beranda sila ng second floor ng private house ni Mr. Herera. Mabuti doon ay walang may pakialam sa kanila. Busy ang mga tao. Nakatayo ito sa dingding habang nakahalukipkip.

Nakatanaw siya sa malawak na lupain habang nakasandig sa railing na bakal. "Lalo lang lalala ang sitwasyon habang magkasama tayo, Gaizer. Hindi mo ba aaminin sa akin na may kinalaman ang mga alipores mo sa pagkalat ng video?" usig niya rito. Iyon ang naisip niyang posibilidad.

Nilapitan siya nito. Hinarap naman niya ito.

"Inaamin ko pero maniwala ka, hindi ko alam 'yon. Nagulat din ako nang makita ang video. Hindi ko kontrolado ang kilos ng mga kasama ko. Hindi ako baliw para bigyan ng kahihiyan ang sarili ko, Alexa," anito.

"Nahihirapan na ako, Gaizer. Ayaw ko na ng gulo."

"So ano'ng gusto mo?"

"Gusto ko ng katahimikan. At matatahimik lang ako kung lalayo ako sa Sta. Maria."

"Puwede kang umalis sa Sta. Maria pero hindi mo ako puwedeng layuan." Tumapang ang anyo nito.

"Hindi mo ako puwedeng utusan. Hanggat hindi natatapos ang away sa pamilya mo, hindi ako puwedeng dumikit sino man sa inyo. Hindi ako sanay ng ganito, Gaizer." Nahihirapan ang damdamin niya sa pagpigil ng emosyon.

Masakit para sa kanya na ilayo ang sarili sa binata pero kailangan niya ng distansiya.

"Lalayo ka. Paano si Franco?"

"Hindi ko mahal si Franco. Tama ang hinala mo, wala kaming ibang relasyon maliban sa nagkasundo kami na magpakasal para sa mana. Pumayag ako dahil kay Papa," bunyag niya.

Hindi man lang nagulat si Gaizer. "Matagal ko nang alam 'yon. Marami akong source. Pinabulaanan ko ang ideyang iyon dahil wala akong sapat na ebidensiya. Maraming pangayayari na nagpatunay na hindi ninyo mahal ang isa't isa," anito.

"Kaya ba malakas ang loob mong mahimasukan sa buhay ko?"

"Matagal ko nang napasok ang buhay mo, Alexa. Hindi lang ako nabibigyan ng sapat na pagkakataon. Kahit pa totoong nagmamahalan kayo ni Franco, gagawin ko pa rin ang mga nagawa ko."

Natutuwa siya sa mga sinasabi nito pero nakadama siya ng lungkot. Nararamdaman niya na may malaking pagbabago sakaling nakuha na nito ang mana.

"Nakapagdesisyon na ako. Gusto ko munang lumayo," seryosong wika niya.

"You can't do this, Alexa. I won't let you go," protesta nito.

"Tama na, Gaizer. Palayain mo ako kahit sandali. Gusto kong ipahinga ang isip ko," mahinahong wika niya pero unti-unting naglalandas ang kanyang mga luha sa makikinis niyang pisngi.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "At ano ang gagawin mo? Itutuloy mo ang pagpapakasal kay Franco?" namumurong usig nito.

"Hindi. Wala akong pipiliin. Gusto ko lang mapag-isa."

"Hindi ako naniniwala na kaya mong talikuran ang lahat sa atin, Alexa. Nababasa ko sa mga mata mo ang hirap sa pagdedesisyon."

"Tama ka, Gaizer, hindi madaling magdesisyong layuan ka. Pero kailangan ko itong gawin dahil gusto kong maging ligtas ako sa piling mo."

"Alexa, sabihin mo, mahal mo ako 'di ba?" Pinahid ng kamay nito ang luha sa kanyang pisngi.

"Alam mo ang sagot ko. Kahit hindi ko sabihin, alam kong nararamdaman mo. Mahal kita kaya ko ito gagawin. Please, unawain mo ako," madamdaming pahayag niya.

Lumamlam ang mga mata nito ngunit nagawa nitong pigilin ang pagluha. "Naunawaan ko, Alexa. Huwag kang mag-alala, hindi rin magtatagal ang gulong ito. Please, huwag kang magbago," sabi nito.

Tumango siya. Hinagkan siya nito sa noo. Ang inaasahan niyang marinig mula rito ay nabigo siyang marinig. Gayunpaman ay tumugon siya nang siilin nito ng halik ang kanyang mga labi. Pinagbigyan niya ito sa gusto nito. Ang simpleng halik nito'y naging marubrob at makapaghanap. Niyakap siya nito at pangko habang naglalakad ito papasok sa inuukupa nitong kuwarto.

Inihiga siya nito sa kama habang patuloy na angkin ang mga labi niya. Ramdam niya ang pananabik nito dahil sa hindi mahintay na madama ang kanyang kahubaran. Naglakbay pababa sa kanyang dibdib ang mainit nitong bibig. Pinuno nito ng halik at pinong kagat ang nahantad niyang dibdib, habang ang mga kamay nito'y abala sa pag-alis sa saplot nito.

Pagkuwa'y inalis na rin nito ang nalalabing saplot niya. Umigtad siya nang ipaglandas nito ang kamay sa kanyang dibdib, at dumausdos iyon patungo sa kanyang kaselanan.

humalinghing siya nang gumalugad ang ilang daliri nito sa maselang parte ng kanyang pagk*babae.

Sandali nitong hinalikan ang kanyang mga labi. Pagkuwan ay ibinalik nito ang mainit nitong bibig sa mayayaman niyang dibdib, katuwang ang isang kamay nito sa paghubog ng bawat bahagi niyon.

Maya-maya lamang ay naramdaman na niya ang munting panlasa nito na naglalaro sa kanyang kuntil. Walang tigil ang kanyang halinghing habang patuloy ang pag-urong-sulong ng ilang daliri nito sa loob niya, ganoon din ang paglalaro ng bibig nito sa kanyang kaselanan. Tumagal ito roon ng ilang minuto bago ito nagpasyang sumampa sa kanya. Iginiya nito ang sandata papasok sa nakaabang niyang puwerta.

Inilingkis niya ang mga paa sa katawan nito at sinabayan ang pag-indayog ng katawan nito sa ibabaw niya. Bawat ulos ng sandata nito sa kanya ay nag-iiwan ng nakakahibang na sensayong nagdadala sa kanya sa nalalapit na kaginhawaan. Habang tumutulin ang pagbayo ng katawan nito sa kanya ay lalo lamang nagpapalaya ng mga hibang na tinig ang kanyang bibig. Kumapit siya sa kobre kama nang pakiramdam niya'y nasa sukdulan na siya. Hindi na niya namalayan ang sumunod na hakbang ni Gaizer dahil sa labis na kaligayahang dulot ng pag-abot niya sa sariling orgasmo.

Nanumbalik lamang ang kamalayan niya nang matagpuan ang sarili na nakadapa habang ang mga kamay ay kumakapit sa head rest ng kama. Bahagyang iniangat nito ang ibabang bahagi ng katawan niya. Lumuhod siya at inihanda ang sarili.

Inangkin siya nitong muli mula sa likuran. Mahigpit ang kapit nito sa kanyang tadyang habang sinisimulang umulos ang armas sa kanya.

"Sa palagay mo ba matitiis kong layuan mo ako? Pagbibigyan kita pero hindi iyon magtatagal. Hindi puwedeng mawalay ka sa akin nang matagal, Alexa" sabi nito sa ilalim ng paghingal.

Panay lang ang daing niya. Iniiwasan niyang isipin na katawan lang ang gusto sa kanya ni Gaizer. Nararamdaman niya na higit pa roon ang gusto nito.

"Huwag mo sanang bigyan ng masamang kahulugan bakit sa tuwing nagkikita tayo ay gusto kong maangkin ka. Gusto ko itong gawin hindi dahil sa pagnanasa. Gusto ko ito dahil..." Hindi nito natapos ang sasabihin nang hindi na nito magawang kotrolin ang kilos.

Nagsumikap na itong marating ang inaasam na kaginhawaan. Ibinalik siya nito sa pagkakahiga sa kama saka ito nagpatuloy sa pag-ulos nang mabilis at may gigil na magsalubong sila sa turok ng kanilang pagnanasa. Hindi ito nabigo. Naramdaman niya ang pagsaboy nito ng mainit na likido sa kanyang kaibuturan nang halos panabay nilang sinalubong.

Bumagsak ang pagal nitong katawan sa ibabaw niya. Nararamdaman niya ang labis na pangangatal ng katawan nito dahil sa tensiyon at init.

Nang mahimasmasan ay umahon ito mula sa kanya at nagbihis. Nagpaalam ito na bibisitahin ang construction site. Nanatili naman siyang nakahiga at ikinalma ang sarili.

HABANG nag-iikot sa construction site si Gaizer ay nilubos ni Alexa ang pagkakataon. Pumasok siya sa kotse nito na hindi naka-lock. Inilagay niya sa drawer sa tapat ng driver seat ang nakasobreng Last Will and Testament ng lolo nito.

Nang makabalik na si Gaizer ay niyaya niya itong magmeryenda. Pinag-usapan nila ang tungkol sa proyekto. Pumayag naman ito na ito na ang mag-aasikaso ng lahat na kailangan, at ito na rin ang magmo-monitor ng ongoing construction.

Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon ay nagdesisyon siyang bumalik ng Maynila. Hindi naman nag-abala si Gaizer na ihatid siya dahil kailangan pa nitong hintayin si Mr. Herera. Baka raw doon na ito magpapalipas ng gabi.

Gusto pa sana niya itong makasama pero darating sa gabing iyon ang Kuya Ace niya mula America. Susunduin nila ito ng papa niya sa airport. Maghahanda rin siya ng mga pagkain bilang selebrasyon sa pagbabalik ng kuya niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top