Chapter Three

"ALEXA, please meet my cousin. He's Gaizer Sta. Maria. Siya ang anak ni Tito Hector," pakilala ni Franco sa pinsan nito.

Pagkarinig pa lang ni Alexa sa pangalan ng lalaki ay parang pinipiga ang puso niya sa sobrang inis. Hindi niya akalaing nabubuhay pa pala ang galit niya rito makalipas ang dalawang taon na iniwan siya nito sa ere. Tumayo siya at hinarap nang maayos ang lalaki. Hindi siya gumanti sa matamis nitong ngiti na itinuring niyang sumpa.

"Gai, she's Alexa San Diego, my fiancee," pakilala naman ni Franco sa kanya.

Nakatulong ang pagtawag ni Franco na fiancee sa kanya para makontrol niya ang galit. Mas mabuti nang alam ng lapastangang ito na naka-move-on na siya sa nangyari.

"Hi, Alexa! Pleasure to meet you. I guess nagkita na tayo sa main office before," sabi ni Gaizer na pinabulaanan ang namagitan sa kanila.

Tiningnan niya ang kanang kamay nito na naghihintay na daupin niya. Para hindi magduda si Franco, kinamayan niya ito. Pilit siyang ngumiti.

"Siguro. Hindi ko maalala. Baka nga nagkabanggaan na tayo minsan," aniya sa matigas na tinig. She pretended that didn't affected with Gaizer's presence.

Pilyo ang ngiti nito habang pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"So, let's have dinner first," pagkuwa'y apela ni Franco.

Siya na ang unang bumawi ng kamay. Lumipat siya ng silya sa tabi ni Franco. Umupo naman sa katapat nilang silya si Gaizer.

"So, kailan ang kasal ninyo? Invited ba ako?" mamaya ay tanong ni Gaizer.

Nakatuon ang atensiyon ni Alexa sa pagkain. She was trying to ignore Gaizer, but when he spoke, his voice seemed a curse that forced her to take a glance at him.

"Wala pang exact date pero planado na ang lahat," sagot ni Franco.

"Arranged na kaagad?" makahulugang tanong ni Gaizer, diniinan ang salitang 'arranged' with a hint of sarcasm in his voice.

Napilitan si Alexa na tumingin sa kaharap.

"What do you mean?" takang tanong ni Franco.

"Kasi parang ang bilis. Wala akong narinig na nagkaroon ka ng girlfriend," sabi ni Gaizer.

"Hindi naman kasi ako showy at naka-hide lahat ng impormasyon tungkol sa akin," ani ni Franco.

"You know how good I am when it comes to stalking Franc. I know you from the tips of your hair, cousin. Alam ko rin kung ano ang estado ng career mo ngayon." Pilyong ngumiti si Franco, at pasimpleng sinipat si Alexa, saktong napasulyap dito ang dalaga. "Naging busy ako last month kaya hindi ako nakapag-stalk sa status mo. Ikakasal ka na pala. Well, that's a good news. I was surprised. Pero parang napakabilis talaga. Siguro wala nang ligawan, kasal agad. May bunga na ba?" gatong pa nito.

Natameme si Franco matapos marinig ang mga sinabing iyon ni Gaizer. Hindi rin nakakibo si Alexa. Napansin niya ang pagkabalisa ni Franco. Hindi nito sinagot ang mga tanong ni Gaizer. Binuksan kaagad nito ang usapin tungkol sa project. Ibinigay nito sa pinsan ang laman ng business proposal mula kay Mr. Herera. Kasama na rin doon ng pinirmahang kontrata.

Maya't-maya ang tungga ni Gaizer sa beer habang binabasa ang dokumento. "Meron na bang proposed sketch for this project?" pagkuwa'y tanong nito.

"Yes, si Alexa ang gumawa lahat. Actually approved na ang design ng model houses and the clubhouse," sagot ni Franco.

Ibinaba ni Gaizer ang binabasa saka ibinaling ang atensiyon kay Alexa. Kinakabahan ang dalaga bagay na hindi niya inaasahan. Hindi dapat siya kabahan. Hindi siya nakaiwas sa malagkit na titig ni Gaizer. Ang mga matang iyon ang dahilan kung bakit naisuko niya rito ang Bataan.

"Ayaw kong humusga pero bago makarating sa kliyente ang designs, gusto kong masuring mabuti ang mga iyon. Ayaw ko ng basura sa proyektong ito," seryosong pahayag ni Gaizer.

Nagtagis ang bagang ni Alexa. This guy was trying to annoy her. Giazer has naughty behavior that she would hate the most.

"Huwag kang mag-alala, kahit baguhan si Alexa, marami na siyang project na kumikita," depensa ni Franco.

"Of course proud ka dapat sa fiancee mo. Pero magkaiba tayo ng taste, Franco," supalpal nito kay Franco. Nabaling din ang tingin nito kay Alexa. "Gusto kong makita ang ginawa mong sketch bukas sa office, Alexa. Sisimulan na rin natin ang over all plan ng proyekto," anito pagkuwan.

Tumango lang ang dalaga. Hindi pa siya handang kausapin si Gaizer lalo pa't hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. She let the two guys talking while she enjoyed her food.

BAGO dinala ni Alexa ang ginawa niyang sketch ay sinuri muna niya baka may mali. Pero approved na iyon ni Franco kaya wala dapat siyang ipag-alala. Hinintay niyang matapos ang conference meeting bago nilapitan si Gaizer.

Naiwan sila sa conference room. Tumayo siya sa tapat nito at inilatag niya sa lamesa sa harap nito ang malapad na tatlong sketch paper. Hindi muna siya gagawa ng blueprint hanggat hindi approved ni Gaizer. Isa-isa naman nito iyong tiningnan.

"Masyadong maarte ang design mo sa single detached house. Takaw space rin ang design ng floor plan. Baka aabot ng five million ang halaga nito," komento nito.

"Pero approved na iyan lahat ni Franco," aniya.

"Walang alam sa art si Franco kaya kahit anong design ang ilatag mo sa harapan niya ay tatanggapin niya. Isa pa, magkaiba kami ng standard. Hindi ako ang tipo ng engineer na umaasa lang sa ideya ng architect," sabi nito.

"Excuse me, engineer ang papa ko for almost twenty years. He's an artist, too. Bago ko dinadala rito ang sketch ko, dumadaan muna sa pagsusuri niya ang mga iyon," matapang na buwelta niya.

Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ng binata. "Hindi lahat ng batikan sa serbisyo ay hindi na nagkakamali, Alexa. Lumilipas ang panahon, nagbabago ang uso maging ang estilo at paksa sa pagtuturo sa paaralan. Puwedeng ang mga ideya ng tatay mo na patok noon ay laos na ngayon. Sa industriya natin, kailangan din nating sumabay sa uso. Late pa nga itong mga latest designs ng kompanya, eh. Pinaglumaan na ang mga iyon ng ibang bansa. Hanggang kailan ba tayo mangangalakal ng ideya? Pati desinyo ng bahay kinakalakal natin. It's time to build our own idea. Puwede tayong gumaya pero gawan naman natin ng sarili nating bersiyon. Ang designs mo, halatang kinopya sa mga bahay sa Asian nobela. Ang dull tingnan. Gusto ko ng unique." Pumalatak na ito.

Pakiramdam ni Alexa ay ginatungan ng husto ng apoy ang ulo niya at biglang lumiyab sa init. Gusto niya ang trabaho at kompanyang pinagsisilbihan niya pero kung itong lalaking ito ang araw-araw niyang makakasama, gugustuhin na lang ata niyang ituloy ang planong magtrabaho sa ibang bansa at talikuran ang kasunduan sa pamilya ni Franco.

Binawi niya ang kaniyang sketch saka kinulukot muli. Bumabara ang inis sa lalamunan niya kaya hindi niya magawang magsalita. Nang maibalik sa lalagyan ang kanyang sketch ay walang imik na tinalikuran niya ang lalaki. Ngunit hindi pa siya nakahahakbang ay napigil siya ng kamay ni Gaizer na kumapit sa kanang braso niya. Napilitan siyang harapin itong muli.

Dumestansiya siya rito nang makitang nakatayo ito at nakaharang ang malaking katawan sa harapan niya. Marahas niyang binawi ang kanyang braso. Tinapangan pa niya ang kanyang anyo para malaman nito na hindi siya puwedeng maliitin.

"Bakit parang abot langit ang inis mo sa akin, Alexa?" simpatikong tanong nito.

"I'm just disappointed, sir," aniya.

"No, that's not what I saw from your eyes. I heard your sigh twice. Ang totoo, galit ka pa rin ba sa akin?" seryosong sabi nito.

"Bakit naman ako magagalit? Trabaho lang ito, walang personalan," matapang na sabi niya.

"Hindi ganyan ang nababasa ko sa mga mata mo. Ramdam ko ang galit mo na mas malalim pa sa hukay. Kung tungkol pa rin iyan sa nangyari noon, let me explain what happened," anito.

Nilinis niya ang kanyang lalamunan. "Ah, 'yon ba? Matagal na 'yon. Nakalimutan ko na nga iyon. Balewala iyon kumpara sa ginawa sa akin ni Rendel," nagtitimping wika niya.

"So naka-move on ka na?" usig nito.

"Magpapakasal ba ako kung hindi ako naka-move-on? Isa pa, ano lang naman ang memorable sa isang gabi?"

"Maraming nangyayari sa loob ng isang gabi, Alexa. Kahit hindi mo sabihin, alam kong hindi ordinaryo sa iyo ang gabing iyon. Gusto kong pag-usapan ang tungkol doon kahit sandali lang."

Humakbang siya isang beses paatras. "Para saan pa? Ang hindi magandang alaala ay hindi na dapat binabalikan. Kung may nawala man, tinanggap ko dahil hindi naman iyon maibabalik kahit anong gawin ko. Ang mahalaga, tanggap ng lalaking papakasalan ko ang nakaraan ko," matapang niyang buwelta habang paatras. Wala namang kibo si Gaizer. "Sige, aayusin ko ang sketch ko. Excuse me," aniya sabay bira ng talikod.

MARIING nagtagis ang bagang ni Gaizer nang umugong sa tainga niya ang malakas na pagsara ng pinto pagkaalis ni Alexa. Naiinis siya dahil nadismaya siya sa pagkikita nila ni Alexa. Biglang bumungad sa kanya ang balitang ikakasal na ito at sa pinsan pa niya.

Parang may mali. Dalawang taon siyang nag-stalk sa Facebook account ng dalaga pero hindi niya nakitang nagpalit ito ng relationship status. Wala rin itong status o picture na kasama ang boyfriend nito. 'Tapos biglang malalaman niya na ikakasal na ito.

Hindi naman pumalya ang mga source niya na nagtatrabaho sa kompanya ng lolo niya. Walang nababalitang ikakasal na si Franco. Tinawagan kaagad niya si Kent, ang manager ng main office. Second cousin niya ito sa father side na inampon ng daddy niya na hindi legal.

"Yes, Gai?" sagot nito sa kabilang linya.

"Bakit hindi mo alam na ikakasal na si Franco? Kailan pa ito?" iritableng tanong niya.

"What? Who told you that?" nawindang pang sagot nito.

Lalo siyang nainis. "Hindi mo alam? Ang sabi ko alamin mo lahat ng kilos nila! Bakit may kasalang mangyayari? Huwag mo sabihig walang nakakaalam ni isa sa inyo rito sa kompanya ang tungkol sa kasal!" asik niya.

"Sorry. Hindi ko talaga alam. Pero, ano naman ang koneksiyon ng pagpapakasal ni Franco sa paghahanap natin ng Lat Will and Testament ng lolo mo?"

"Look, listen to me. It's not just about the fucking Last Will. Bago namatay si Daddy, nabanggit niya sa akin na ang ari-arian ni lolo ay diretsong mapupunta sa mga apo. Pero sa isang kondisyon at para hindi na magtalo ang mga anak niya, kung sino sa apo niya ang unang maikasal at magkapamilya, sa kanya mapupunta lahat ng kompanyang itinayo niya. Ang matatanggap lang daw ng mahuhuling apo ay ang private property ni lolo, mansion at ang farmland sa Tagaytay. Hindi ko alam kung bakit may ganoong kondisyon pa si lolo. Hindi naikuwento ni Daddy ang mga dahilan bago siya namatay. Malamang alam din iyon ni Tito Roger at Franco."

"Yes, narinig ko na 'yan sa abogado ng lolo mo. But it's not official. Nakasalalay pa rin sa Last Will ang lahat."

"Yes, but since hindi pa nakikita ang Last Will, masusunod ang kondisyon ni Lolo. Kailangan pa ring mapunta sa pamilyado ang mana."

"E kung gano'n pala, bakit hindi ka pa nag-asawa?" biro pa ni Kent.

Umismid siya. "Madali lang magplano ng kasal pero mahirap mahanap ang babaeng deserving," aniya.

"Sus, sa tagal mong nag-e-stalk ng babae, hanggang ngayon hirap ka pa ring makahanap. Ano'ng silbi ng ganda mong lalaki? Come on, Gai. Huwag ka nang makipaglaro sa kalaban. Alam mo naman pala ang kondisyon ng lolo mo. Ano pa ang hinihintay mo?"

"Hindi ako puwedeng umasa na lang sa kondisyon ni Lolo. It's a big joke. Baliw ba siya? Sa ginawa niya hindi ba niya naisip na lalong magkakagulo? Matalino si Lolo. Alam kong hindi iyon ang laman ng Last Will niya. Puwede pang baliktarin ng kaaway ang desisyon ni lolo. Maaring sila ang nakaaalam kung nasaan ang iniwang papeles ni lolo dahil sila ang naiwan bago namatay ang matanda. Hindi na mahanap ni Atty. Sandoval ang Last Will and Testament ni lolo. May nagnakaw raw niyon sa office niya. Walang ibang pinagbilinan si Lolo ng Last Will kundi si Atty. Fernan Sandoval na tatay ni Atty. Greg. Wala rin siyang alam sa napag-usapan ng dalawang matanda. Ang malas natin dahil namatay rin ang dating abogado ni Lolo. Hindi Iyon nai-endorse nang kay Atty. Greg ng tatay niya. Tanging video at sulat lang ang hawak niya."

"Pero si Atty. Greg Sandoval na rin ang abogado ng lolo mo dahil sa kanya nai-endorse ang record ng Lolo mo. Siya pa rin ang may hawak ng desisyon."

"Kaya nga kinukuha ko ang loob ni Atty. Greg. Tinutulungan na niya tayo na mahanap ang Last Will. Pero kung wala talaga, ang video at sulat ni Lolo ang susundin niya."

"Okay. Itutuloy natin ang plano. Tungkol naman sa reklamo mong kasal ni Franco, ako na rin ang bahalang mag-imbestiga. Kalma ka lang. Kung magreak ka kasi parang inagaw ni Franco ang babaeng mahal mo."

Mariing kumuyom ang palad niya. Parang sinasadyang sinasaid ni Franco lahat ng dapat ay sa kanya.

"Kunin mo na ang lahat huwag lang siya, Franco. Mararanasan mong magdildil sa asin at gumulong sa banig," pilyong sabi niya.

Hindi niya namalayan na wala na siyang kausap sa cellphone. Pagkuwan ay pinagmasdan niya ang nakadikit na naka-frame na larawan ng lolo niya sa dingding. Katabi nito ang lola niya at ang Tito Roger niya. Ang hindi niya matanggap ay bakit walang picture ang daddy niya kasama ng Sta. Maria group of companies family. Buhay pa ang lola niya at nakatira ngayon sa mansiyon nila sa Tagaytay. Caregiver lang ang nag-aalaga sa lola niya. Limang taon na rin silang hindi nagkikita.

Pagsapit ng tanghalian ay lumabas ng opisina si Gaizer para sa restaurant na kumain. Hindi kasi niya gusto ang pagkain sa cafeteria. Pagdating niya sa garahe ay naabutan niya si Franco at Alexa sa tapat ng kotse ng pinsan niya. Sa unang sulyap ay may dalawang dangkal pang agwat ang dalawa.

Nang muli niyang sulyapan ang mga ito ay nakita niyang nakadikit na halos ang katawan ng mga ito. Inaayos ng dalaga ang kuwelyo ng damit ni Franco. Hindi niya inalisan ng tingin ang mga ito hanggang sa masaksihan niyang hinalikan ng dalaga sa labi si Franco.

Kombinsido na sana siya sa nakita pero saksi niya ang mabilis na pag-iwas ni Franco sa dalaga na parang nagulat. Hindi rin niya pinalagpas ang pagsulyap sa kanya ni Alexa. Malamang kanina pa siya nito nakita. Imposibleng hindi dahil magkatabi lang ang kotse nila ni Franco.

"Dito ka na lang muna mag-lunch, may kailangan lang akong ayusin sa BIR," narinig niyang sabi ni Franco sa dalaga. Sumakay na ito sa kotse nito.

Mabilis magbasa ng reaksiyon ng tao si Gaizer. Nabasa niya ang pagkadismaya sa mukha ni Alexa. Sinadya niyang panoorin ito. Nang akmang babalik ito sa loob ng gusali ay mabilis niyang iniharang ang sarili sa daraanan nito.

"Mukhang tumatabang sa iyo ang boyfriend mo, ah. Simpleng lunch hindi ka masamahan. Ang alam ko may lunch break pa rin ang BIR. Baka naman may iba siyang ka-lunch," sabi niya.

"Ano ba ang pakialam mo?" mataray na sabi nito.

"Wala pero concern lang ako. Hindi magandang mag-ingora ng magandang babae. Lalabas ako para mag-lunch. Gusto mong sumama? Sagot ko ang gastos. Puwede na rin nating pag-usapan ang tungkol sa project. Puwedeng lunch meeting na rin," aniya.

Bumuga ng malalim na hininga ang dalaga. "Salamat pero nakapag-order na ako ng lunch sa cafeteria. Mag-set na lang tayo ng meeting para sa project. Aalis din kasi ako mamaya papuntang Cavite," sabi nito saka siya iniwan.

"Okay. Take your time," sabi na lang niya.

Pinanood na lang niya ang dalaga na papasok sa gusali. Hindi siya sanay na maignora kaya parang kinukutkot ng inis ang puso niya. Nagbago bigla ang isip niya. Hindi na siya sa restaurant kakain. Pagtitiyagaan na lang niya ang pagkain sa cafeteria.

Ginamit niya ang kanyang meal stub. Wala kasi siyang dalang cash. Isang cup ng kanin lang at isang serve ng penakbet ang kinuha niya. Maraming kumakaing empleyado pero hindi niya nakita si Kent. Baka sa labas kumain. Sa lamesa malapit sa pinto niya nakita si Alexa. May kasama itong dalawang babae na HR assistant ng kompanya. Nagkasya na lamang siyang panoorin ito habang inaalala ang masarap na gabing pinagsaluhan nila noon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top