Chapter Thirty

NAG-STALK si Gaizer sa social profile ni Alexa. Matapos siya nitong in-unfriend ay hindi siya nag-friend request dito. Baka lalo lang itong magalit sa kanya. Naiinis pa rin siya sa kanyang sarili dahil napabayaan niya ang dalaga dahil sa mana. Nakita niya ang mga kaka-upload na picture ni Alexa.

Tapos na pala ang bahay na pinapagawa ng pamilya nito. Pamilyar sa kanya ang design. Bagamana may pagkakaiba pero kilala niya ang style ng entrada at second floor. Original design niya iyon. Ganoon din ang pinagawa niyang bahay sa Tagaytay, sa private lot niya na sakop din ng farmland pero sinadya niyang inihiwalay para lang sa future wife niya.

Binili niya ang six hundred square meters lot sa lolo niya noong binigyan siya ng mommy niya ng allowance na one million pesos. Dream house niya iyon para sa babaeng mahal niya. Para kay Alexa, the only woman he wants for the rest of his life. Kaya hindi siya papayag na masayang ang panahong iginugol niya para makuha ito.

It's never too late, he can do more to win her heart back and accept him without any doubt. Alam niya nadala lang ng galit si Alexa, at kapag naihayag na niya nang maayos ang side niya ay maiintindihan din siya nito. Kaya hindi siya maaring magsyang ng panahon.

Naiinis siya nang makitang kasama ng dalaga sa picture ang hilaw niyang karebal, si Franco. Magkasama pa talaga sa blessing ng bahay ang dalawa. Mukhang masaya naman ang dalaga. Hindi niya ito matiyempuhan. Lalo siyang nainis nang malamang nag-apply si Alexa sa kumpanya nila Rendel.

Kaya noong gabi pa lang ay nai-chat niya si Rendel at sinabing huwag tanggapin si Alexa. Gusto niyang gipitin ang dalaga para lunukin nito ang pride para bumalik ito sa kanya. Lahat ng malalaking construction company na kilala niya ang may-ari ay kinausap niya at sinabing huwag tanggapin si Alexa San Diego sakaling mag-apply ito. Hindi naman niya siniraan ang dalaga. Idinahilan lang niya na nagtatampo lang ito sa kanya kaya ito lumayas.

Nasisiraan na siya ng bait sa kakaisip ng paraan kung paano niya maibalik ang dalaga sa piling niya. Nang ayaw siyang tantanan ng stress ay nagpasya siyang magpalamig muna sa Tagaytay. He needs some fresh air.

Sabado ng gabi ay bumiyahe si Gaizer patungong Tagaytay. Nagpalipas siya ng gabi sa dream house niya. Bumili na rin siya ng mga bagong gamit para roon. Last year pa iyong natapos.

Kinabukasan ay nagtungo siya sa merkado at bumili ng bulaklak at kandila para dadalhin niya sa puntod ng lolo niya't ama. Bago siya pumantang burol ay tumambay muna siya sa mansiyon. Matagal-tagal ring hindi sila nakapag-usap ni Lola Amara. Nadatnan niya itong nakaupo sa wheel chair nito sa hardin at pinapanood ang mga ibong dumadapo sa mga halaman.

Bumili rin siya ng puting rosas para rito. Hindi nito namalayan ang pagdating niya. Nagulat na lang ito nang bigla siyang sumulpot sa harapan nito.

"Apo!" bulalas nito.

"Kumusta ka, Lola?" aniya.

Napaiyak ang matanda. "Diyos ko, salamat at naisipan mong dalawin ako," anito.

Niyakap niya ito nang mahigpit. Pagkuwa'y ibinigay niya rito ang bulaklak. Hinalikan siya nito sa noo. Lumuklok siya sa silya na inilipat niya sa harapan nito. Ayaw nitong bitawan ang mga kamay niya. Ramdam niya ang emosyon nito, masaya na halatang may pagkabalisa.

"Patawarin mo ako, apo. Marami akong pagkukulang sa 'yo at sa mommy mo. Kasalanan ko kung bakit natagalang napunta sa 'yo ang kumpanya ng lolo mo," sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano po ang ibig n'yong sabihin?"

"Noong namatay ang lolo mo, kinuha ko kay Atty. Sandoval ang Last Will and Testament na pinagawa niya pati ang video. Itinago ko iyon para hindi masaktan si Roger sa naging desisyon ng lolo mo. Naaawa kasi ako kay Roger. Ayaw kong masayang ang paghihirap niya para sa kumpanya," bunyag nito.

Natigagal siya. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. He felt a bit disappointment but he can't curse his grandmother.

"Kayo ang nagtago ng Last Will ni Lolo?" manghang untag niya.

"Oo, apo." Humagulgol ang matanda. "Pero napagpasyahan ko na noong ibalik iyon dahil nalaman ko na nagkakagulo na kayo. Pero may kumuha niyon sa kuwarto ko."

Iniisip niya na ang lola niya ang naglagay ng files sa kotse niya, mali pala.

"Ano? Hindi kayo ang naglagay ng files sa kotse ko? Sino?" usig niya rito.

"May suspetsa ako. Noong gabi bago ko nalamang nawawala ang isang kopya ng Last Will at ang video, walang ibang pumasok sa extension ng kuwarto ko kundi si Alexa. Naalala ko kasi ibinalik niya ang hiniram niyang damit ko at mga alahas. Walang ibang nakapapasok doon kahit si Kristel. Pinagkatiwalaan ko siya kasi nga mabait siyang bata at magiging kasapi rin siya ng pamilya natin. Sa palagay ko siya ang nagbigay sa 'yo ng papeles."

Nawindang siya. Hindi siya makapaniwalang gagawin iyon ni Alexa. "Hindi po personal na binigay sa akin ni Alexa ang papeles. Iniwan lang niya iyon sa kotse ko," aniya.

Naisip niya. Baka gusto na ring makalaya ng dalaga sa gulo ng pamilya niya kaya nito iyon nagawa.

"Pero mas mabuti na ring ginawa iyon ni Alexa. Naging maayos din ang lahat," sabi ni Lola Amara.

"Opo. Pero patawad dahil naidiin ko si Tito Roger sa kasalanan niya," aniya.

"Hindi kita masisisi, apo. Ako man ay nagulat sa mga ginawang pagnanakaw ni Roger sa kumpanya. Kung talagang nagkasala siya, nararapat lang siyang maparusahan. Nagtiwala ako sa kaniya kaya hindi ko minsan naisip na makagawa siya ng kalokohan. Hindi naman ako nagkulay ng payo sa kaniya."

"Pero hindi ko na po itinuloy ang kaso," aniya pagkuwan.

Namilog ang mga mata ni Lola Amara. "Apo..."

"Naisip ko na wala rin namang mangyayari kung ipapakulong ko si Tito Roger. Hindi siya malaking kawalan sa kumpanya. Masisira lang lalo ang reputasyon ng pamilya natin kung magpatuloy ang sigalot sa pagitan namin."

"Apo ko, salamat naman at nagawa mong magpatawad. Naniniwala ako na busilak ang iyong kalooban. Pagpapalain ka ng Diyos. Nawa'y lahat ng hilingin mo sa kanya ay maisasakatuparan," masiglang sabi nito.

"Sana nga po, Lola. Wala akong ibang hiling ngayon kundi ang ibalik Niya sa akin ang babaeng mahal ko." Napangiti siya.

"Mababalik siya sa 'yo, apo, magtiwala ka lang." Hinalikan siya nito sa pisngi, kabilaan.

Ngumisi siya saka tumayo. "Hindi po ako tumitigil sa pag-asang babalik siya."

"Mabuti kang lalaki kaya nararapat lang na mabigyan ka ng babaeng magmamahal sa iyo ng buong puso."

"Salamat, Lola. Aalis na po ako. Pupunta pa ako sa burol. Dadalawin ko ang puntod ni Lola at Daddy," paalam niya.

"Sige, apo. Bumalik ka lang dito kapag gusto mo ng kausap. Ikaw naman ang may-ari nitong farm kaya kahit anong oras mo gustong pumunta rito ay welcome ka," sabi nito.

"Opo." Humalik siya sa pisngi nito saka lumisan.

Pagdating niya sa pundot ng mga yumao niyang mahal sa buhay ay nag-alay siya ng taimtim na dasal. Pagkatapos ay inilabas niya ang kanyang saloobin habang nakatayo sa pagitan ng puntod ng lolo at daddy niya.

"Dad, Lo, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga pagkukulang ko. Salamat at pinagkatiwalaan ninyo ako. Ipinapangako ko na aalagaan ko ang kumpanya at lahat ng ari-ariang iniwan n'yo sa akin. Dad, pangako ko sa 'yo, aalagaan at puprotektahan ko ang mahal ko sa buhay. Magiging mabuti po akong lalaki. Salamat sa lahat ng sakripisyo ninyo at pagmamahal para sa akin. Mahal na mahal ko po kayo," madamdaming pahayag niya sa mga yumao.

Pagkuwa'y nagdesisyon na siyang umalis. Papasok na siya sa kanyang kotse nang napansin niya ang tricycle na papasok sa malaking tarangkahan ng farm may limang dipa ang layo sa kinaroroonan niya. Nakatutok ang paningin niya sa babaeng sakay ng tricycle.

"Alexa?" sambit niya.

Hindi siya nagdalawang-isip sa kanyang nakita. Nagbago ang isip niya. Hindi na muna siya uuwi. Ginupo siya ng pananabik at iginiit na si Alexa ang kaniyang nakita.

INIHATID si Alexa ng tricycle sa mismong tapat ng mansiyon. Binayaran niya ito ng doble para lang hindi siya maglakad papasok. Noong isang araw pa siya kinukulit ni Franco na dalawin niya si Lola Amara. Gusto raw siyang makita ng matanda. Dapat ay kasama niya si Franco sa pagpunta roon pero kinailangang pumunta ng binata sa studio ng mga ito para sa rehearsal ng fashion show.

May baon siyang damit dahil balak niyang mag-over-night doon. Nasalubong niya sa garahe si Lola Amara na tulak-tulak ni Kristel. Nasopresa ito nang makita siya.

"Alexa, hija!" bulalas nito.

Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. Kumuha ng silya si Kristel saka ibinigay sa kanya. Pagkuwa'y iniwan sila ito roon. Umupo siya sa harapan ni Lola Amara.

"Kumusta po kayo?" nasasabik na tanong niya rito.

"Heto, naiinip dahil wala kayo," tugon nito. "Hindi mo ba kasama si Franco?"

"Hindi po. Busy siya."

"Palagi na lang siyang busy. E kumusta ka naman? Parang nagkakalaman ka na, ah," anito at sinuyod siya ng tingin.

"Okay lang naman po ako." Malapad siyang ngumiti. "Ahm, sinabi na po ba sa inyo ni Franco tungkol sa hindi natuloy na kasal namin?"

"Oo, naikuwento niya sa akin noong huling dalaw niya rito. Inamin din niya na si Gaizer naman talaga ang mahal mo. Hindi rin ako nagtaka dahil nahahalata ko na may espesyal sa inyo ni Gaizer, at saka mas bagay kayo."

Nawindang siya. "Talagang sinabi niya 'yon?" aniya.

Tumango ang matanda. Naalala niya ang kasalanan niya rito. Hinawakan niya ang mga kamay nito.

"Lola, may kasalan po ako sa inyo," sabi niya.

"Ano 'yon?"

"Kinuha ko po ang Last-"

"Sss. Alam ko 'yon," awat nito sa pagsasalita niya. Napanatag naman siya. "Alam ko na ikaw ang kumuha ng Last Will ng asawa ko. Huwag kang mag-alala, hindi ako nagalit. Katunayan ay nagpapasalamat ako dahil ikaw na ang gumawa ng paraan. Matagal ko na sana iyong balak ibalik pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon. Kaya nagpapasalamat ako sa iyo, hija," anito.

"Salamat po, Lola. Pero bakit po ninyo itinago 'yon?"

"Hindi kasi ako naging masaya sa desisyon ni Lucio dahil iniisip ko ang mararamdaman ng anak kong si Roger. Nasaktan ako para kay Roger. Kaya naisip ko na itago ang Last Will niya para ang pagbasehan na lang ay yaong naunang video. Pero hindi ko akalain na mas magkakagulo pala. Ayaw kong maging masama si Roger dahil sa pag-asam ng mana. Ayaw ko ring madismaya siya sa desisyon ni Lucio. Malaking tulong ang hakbang na ginawa mo, hija. Naging maayos ang problema."

Ngumiti siya. "Salamat po, Lola. Sana nga po ay magtuloy-tuloy na ang kaaayusan ng pamilya n'yo."

"Sana nga, apo." Hinawakan nito ang mga kamay niya at banayad na pinisil. "Sandali, hindi ba kayo nagkasalubong ni Gaizer sa daan?" pagkuwa'y tanong nito.

"Ho?" Napaisip din siya.

Naudlot ang usapan nila nang may dumating na pamilyar na itim na kotse. Huminto ito sa tapat nila. Hindi pa man nakabababa ang driver ay kumakabog na ang dibdib ni Alexa. Kilala niya kung kaninong kotse iyon.

"O, ayan pala si Gaizer! Mabuti bumalik siya," sabi ni Lola Amara.

Lalo lamang tumulin ang tibok ng puso ni Alexa. Napatayo siya saka humarap sa sasakyang bumukas ang pinto sa driver seat. Isang paa pa lang ang bumaba ay parang hinahalukay na ang dibdib niya. Hindi niya inaasahan na makikita niya roon si Gaizer dahil ang sabi ni Franco ay busy ito sa kumpanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top