Chapter Six

NAPANSIN ni Alexa na sobrang tahimik ni Franco habang nagmamaneho. Ayaw na sana niyang lumayo dahil traffic pero mas gusto nitong kumain sa gusto nitong restaurant. Tunog nang tunog ang cellphone nito na nasa dashboard pero hindi nito pinapansin.

"May tumatawag ata sa 'yo," aniya.

"Ignore it. Hindi naman 'yan importante," sabi lang nito, sa kalsada pa rin ang tingin.

Hindi na lamang siya kumibo. Halos kalahating oras din silang nabinbin sa traffic bago narating ang restaurant. Nauna na siyang bumaba. Ang tagal pa niyang naghinatay sa labas dahil pansin niya may ka-text pa si Franco. Umiilaw ang cellphone nito, naaninag niya mula sa labas.

Mamaya ay lumabas na rin ito. Sumabay siya rito papasok ng restaurant. Hinayaan niya itong pumili ng lamesa, maging sa pag-order ng pagkain. She was not in the mood to act like a real fiancee of Franco. Wala namang makakikita sa kanila na taga-opisina.

Habang magkasalo sila ni Franco sa order nitong pagkain ay bigla niyang naalala ang sinabi ni Gaizer tungkol kay Franco na mayroon itong kasamang ibang babae. Gusto niyang tanungin ang binata tungkol doon pero napigil niya ang sarili nang maisip na baka maging sanhi pa iyon ng away ng dalawang lalaki.

Katulad ng dati, tungkol sa project at mana ang naging paksa nila. Nahihiya siyang magbukas ng paksa tungkol sa personal nilang buhay o tungkol sa plano nila pagkatapos ng kasal. Sa tuwing isisingit niya ang tungkol doon ay iniiba ni Franco ang usapan.

"Kailan magsisimula ang project ninyo ni Gaizer?" tanong ni Franco.

"Uh, bukas ay pupuntahan namin ang lugar ng project at makikipag-meeting kay Mr. Herera. Ang sabi ni Gaizer ay mag-stay kami ng three days. Siguro para tuloy na rin ang trabaho," tugon niya.

"Three days?" Natawa si Franco.

"Bakit?"

"Okay na ang deal sa project na iyon, Alexa, unless kung may pinabago si Mr. Herera. Pero hindi ninyo kailangang magtagal doon dahil may nakahanda nang manpower at naayos mo na ang sketch."

"Pero iyon ang sinabi ni Gaizer."

Napailing si Franco. "You know, I can't trust Franco anymore. I know how stupid he was."

"Ano ba ang iniisip mo? Na baka guluhin ni Franco ang plano ninyo?"

"That's possible, Alexa. Kung hindi ako ang gigiitin niya, maaring ikaw."

"Bakit ako?" Itinuro pa niya ang kaniyang sariling mukha.

Matamang tumitig sa kaniya si Franco. "I don't understand why I felt this anxiousness. Feeling ko may binabalak si Franco sa 'yo."

"Paano mo naman nasabi 'yan?" She pretended that didn't affected with Gaizer existence.

"His gaze at you, may laman," sabi nito.

She giggled. "Anong laman ba ang sinasabi mo?" maang niya kahit obvious naman na iba ang titig sa kaniya ni Gaizer nang makita niya sa garahe ng kumpanya.

Kumibit-balikat si Franco. "Ayaw kong mag-overthink, pero mas mainam nang maging alerto tayo. And please, don't entertain Gaizer outside the job. He's good at flirting with woman, baka gawin niya sa 'yo."

Tumawa siya nang pagak. "Alam niya na engaged ako sa 'yo. Siguro naman hindi siya ganoon kahangal para lumagpas sa limitasyon niya."

"Huwag ka ring makipagkaibigan sa kaniya or maging close."

Napalis ang ngiti niyang matabang. Kahit hindi iyon sabihin sa kaniya ni Franco ay talagang hindi siya makikipaglapit kay Gaizer. May atraso pa ito sa kaniya.

"Trabaho lang ang gusto kong mamagitan sa amin, Franco," sabi niya pagkuwan.

"Good. I trust you, Alexa, and thank you for considering my feelings."

Feelings? Napatikwas ang isang kilay niya sa sinabi nito. Anong feeling kaya ang tinutukoy nito? Or maybe, Franco was just defending his ego.

Pagkatapos ng hapunan ay hinatid pa ni Franco si Alexa sa unit nila. Mawawala raw ito ng dalawang araw dahil may shooting daw ito para sa commercial. Nasanay na siya sa presensiya nitong parang kabuti. Bibihira sumusulpot.

Tulog na ang mama niya pagdating niya. Sinilip lang niya ito sa kuwarto. Kararating lang din ng papa niya. Hindi na sila nakapag-usap. Dumeretso siya sa kaniyang kuwarto at nag-shower.

Bago siya pumuwesto sa kama ay inayos na niya ang gamit na dadalhin kinabukasan sa Tagaytay. Ganoon siya kapag may lakad kinabukasan. Gabi pa lang ay nakaimpake na ang gamit niya. Ayaw niya ng pressure sa bawat trabaho.

Pagkatapos maligo at natuyo ang buhok ng blower ay humiga siya sa kama at binuksan niya ang social media account niya sa kanyang cellphone. Una niyang binuksan ay ang inbox. Mayroon siyang mensahe mula sa hindi pamilyar na user. Babae ang pangalan at mukha ng Hollywood actress ang profile picture nito.

Pagbukas niya sa mensahe ay bumulaga sa kanya ang litratong pinadala sa kanya. Nai-zoom pa niya ang picture. Nawindang siya nang makita sa picture si Franco na may yakap na babae sa harap ng kotse nito. Kahit wala silang sinimulang malalim na relasyon ni Franco ay apektado pa rin siya. Baka may mahal nang iba si Franco na hindi sinasabi sa kaniya. Pero kung may iba ito, bakit hindi na lang ang babaeng iyon ang pakasalan nito? Saka niya naisip ang sinabi ni Gaizer tungkol kay Franco.

Nag-stalk siya sa profile ng sender. Blanko ang profile information nito. Halatang dummy account. Hindi niya maintindihan. Bakit mayroong nagpadala ng litrato sa kanya? Ano'ng motibo nito?

Nai-save niya ang litrato. Pero sinimulan na niyang mag-stalk sa profile ni Franco. Kailangan bago siya magpakasal dito, sisiguraduhin niya na alam niya lahat tungkol kay Franco. Titiyakin niya na hindi siya malalagay sa alanganin.

ALAS-OTSO pa lang ng umaga ay nasa opisina na si Alexa. Hinihintay niya ang text ni Gaizer. Iniisip niya na trabaho ang pakay nila sa Tagaytay at hindi dapat iyon mahaluan ng personal.

Mamaya ay tumunog na ang cellphone niya. Binuksan niya ang inbox. May mensahe si Gaizer.

"Where na you? I'm waiting outside the company," sabi nito.

Binitbit niya ang kanyang shoulder bag at sketch bag niya. Pagdating niya sa labas ay nakita kaagad niya si Gaizer na nakasandig sa harapan ng kotse nito na nakaparada sa harap ng gusali. Nang makita siya'y binuksan kaagad nito ang pinto sa passenger seat.

Pumasok kaagad siya. Sumakay na rin ito at binuhay ang makina ng sasakyan. Traffic na palabas ng Maynila. Halos hindi sila umuusad.

"Nag-breakfast ka na ba?" tanong nito.

"Tapos na," tipid niyang sagot.

"Ako hindi pa," anito.

Matamang tiningnan niya ito. "Maaga pa naman, puwede kang mag-drive tru sa fastfood restaurant," sabi niya.

Tumawa nang pagak ang binata. "Traffic na nga magda-drive tru pa tayo," may sarkasmong sabi nito. "Okay lang. Natitiis ko pa naman ang gutom."

"Masamang mag-skip ng breakfast."

"I know. Thanks sa concern."

"It's part of our job, maging concern sa katrabao," katwiran niya.

"Come on, huwag mong gawing excuse ang trabaho. Hindi ako ibang tao, Alexa. Where not just met in one night. We shared a very special night together." Pinaalala na naman nito ang nangyari sa kanila noon.

Nagtagis ang bagang niya dahil sa pagbukas na naman nito sa isyu ng nakaraan nila.

"Please stop talking about that damn night! Walang espesyal doon! Tama na," inis na samo niya.

Napansin niya ang mariing pagkakahawak ni Gaizer sa manibela. Narinig niya ang pagdaiti ng mga ngipin nito.

"Ang bilis mo namang naka-move on. Why don't you ask me what happened after the night?" seryosong sabi nito.

"Please stop! Wala na akong pakialam sa nangyari!" asik niya.

"Dahil ba ikakasal ka na?" sabi nito sabay tapon ng matalim na tingin sa kanya.

"Gaizer, walang tayo. Never naging tayo. Nang dahil lang sa isang gabi na hindi ko alam kung paano naganap, magiging malaking isyu na ba iyon? Masaya na ako sa buhay ko. Ni hindi nga ako ginugulo ni Rendel samantalang mas mabigat ang sitwasyon namin. At tama ka, ikakasal na ako kaya hanggat maari, ayaw ko nang pag-usapan ang mga nangyari noon," matapang na pahayag niya. Pero hindi niya maitago sa kanyang sarili na apektado pa rin siya. Sobrang depress siya noon dahil sa nangyari.

"Mahal mo ba talaga si Franco kaya ka magpapakasal sa kanya?"

"Oo naman. Sino ba'ng tanga ang magpapakasal sa taong hindi niya mahal?" walang abog na sabi niya.

Nagulat siya nang biglang naihinto ni Gaizer ang kotse. May gigil ang pag-apak nito sa preno kaya halos sumubsob na ang mukha niya sa dashboard.

"Shit! Damn this traffic!" bulalas ni Gaizer.

Nakita naman niya na kamuntik nang araruhin ng sasakyan nila ang nasa unahang kotse. Hindi niya magawang sisihin si Gaizer. Tumahimik na rin ito.

Nang makaalis na sila sa traffic ay panay ang dasal niya dahil nakikipagkarera si Gaizer sa sinusundan nilang kotse na mabilis din ang takbo. Kinakabahan na siya. Nanlalamig siya dahil sa nerbiyos.

"Gaizer, kung may balak kang pigilan ang kasal ko, huwag sa ganitong paraan. Ayaw ko pang mamatay," hindi natiis na reklamo niya.

Ngumisi ang binata. "If it is the only way, why not? At least hindi ka mag-iisa sa kabilang buhay. Malay mo, doon ka talaga nararapat ikasal," gatong nito sa sinabi niya.

Natawa siya. "Hindi ito biro. Mas mabuti pang ibaba mo ako para makasakay ako sa bus," aniya.

"Mas may tiwala ka pa sa bus driver kaysa sa akin?" sabi nito at binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

"Mas okay na doon kasi marami akong makakasamang mapadpad sa kabilang buhay," buwelta niya.

Tumawa ito nang pagak. "Bakit ayaw mong tayo lang dalawa?"

Hindi siya kumibo. Ibinaling niya ang atensiyon sa kanyang cellphone na may tumatawag. Si Franco. Dagli niya itong sinagot.

"Hello, love?" sagot niya. Sinadya niya iyon para tigilan na siya nitong baliw na kasama niya.

"Love?" takang sabi ni Franco sa kabilang linya.

"Ahm, nasa biyahe ako kasama si Gaizer. Papunta kami ngayon sa Tagaytay para roon sa project," aniya.

"Ah, okay. Kasama mo pala. Tatawag na lang ulit ako kapag malayo ka na sa kanya. Importante kasi itong sasabihin ko at hindi puwedeng may makarinig na iba," sabi nito.

"Sige. I love you," wika niya.

Natawa lang si Franco. Na-gets na nito ang drama niya. Napagkasunduan na nila iyon na kailangan nilang magpakita ng sweetness sa harap ng iba lalo na kay Gaizer, at maging sa galamay nito para matigil na ang isyu sa kanila.

Nagtataka siya bakit bumubilis na naman ang takbo ng sasakyan. Nilalagpasan nila ang mga jeep at bus. Tinubuan na siya ng malubhang nerbiyos. Ipinasok niya sa bag ang kanyang cellphone saka kinalabit ang braso ni Gaizer.

"Ihinto mo! Bababa ako!" natatarantang utos niya sa kasama.

"Malapit na tayo." Nagawa pa nitong ngumiti, relax na relax pa at mukhang nag-e-enjoy.

"Kahit na! Ayaw ko pang mamatay!" Tumili na siya.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan sa kabilang buhay," biro pa nito.

Hindi siya nakatiis. Kinurot niya nang tudo ang tagiliran ni Gaizer.

"Aw!" daing nito. Inihinto nito bigla ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Bubuksan sana niya ang pinto para makababa pero mahigpit na hinawakan nito ang kaliwang braso niya. Hindi siya nakaalis sa kaniyang puwesto. Naiiritang hinarap niya ang binata.

"Please stay," sabi nito sa malamyos na tinig.

"Kung hindi mo mahal ang buhay mo, huwag mo akong idamay. Gusto ko pang mabuhay nang matagal," aniya.

"Fine. Aayusin ko na." Bumitiw na ito sa braso niya

Inayos naman niya ang kanyang pag-upo. Pinausad na nito ang sasakyan. Pero sobrang bagal naman na halos naglalakad lang sila. Inaasar lang ata siya ng isang ito.

"Gaizer, mukhang kailangan mo nang mag-almusal," sabi niya.

Ngumisi pa ang hudyo. "Binagalan ko na nagrereklamo ka pa rin. Ano ba talaga?" anito.

"May saltik ka ba?" Napikon na siya at pumalatak. "O baka kailangan na kitang ipa-tokhang. Trabaho ang pupuntahan natin. Hindi tayo namamasyal."

Unti-unti nitong binibilisan ang takbo ng sasakyan. "Gusto ko lang ibalik ang dating ikaw. Nakakatuwa dahil nariyan ka pa rin. Mas cute ka kung ganyan ka. Tipong sumasakay sa biro."

Natigagal siya. Hindi niya maalala na nagkaroon sila ng pagkakataon noon na magkasama nang matagal. Kadalasan ay sa party sila nagkikita. Palagi itong invited sa okasyon na pinupuntahan nila ni Rendel pero wala siyang maalala na nagkakuwentuhan sila. She never shared her story with him.

"Tama na," seryosong wika niya.

"Bakit ayaw mo akong papasukin sa buhay mo? Hindi naman kita guguluhin. Gusto ko lang mapalapit sa 'yo."

Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Hindi niya maintindihan bakit tumitibok nang mabilis ang kaniyang puso. Nawala naman na ang nerbiyos niya.

"Puwede tayong maging magkaibigan. Hanggang doon lang, pero ayaw ko ng close friend na lalaki," aniya. Inalala pa rin niya ang sinabi ni Franco na huwag siyang maging close kay Gaizer.

"Let's see," sabi lang nito saka maayos na pinatakbo ang sasakyan.

Napanatag din siya. Mabuti naman hindi na siya kinulit ni Gaizer. Payapa na ang biyahe nila kaya ginugupo siya ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top