Chapter Seventeen
PINABAYAAN ni Alexa si Gaizer sa pagtulong sa kanya. Nagbalat siya ng carrots at patatas na ihahalo niya sa siomai. Pagkatapos ay inilagay niya ang mga ito sa blender.
"Para saan 'yan?" tanong ng binata.
"Para sa siomai. Gagawin ko na siya ngayong gabi para bukas ay steam na lang ang gagawin," tugon niya.
"Hindi kumakain ng pork meat si Lola."
"Hindi po pork ang ilalagay ko kundi tuna. Sinabi naman sa akin ni Aleng Lucy kung ano ang ayaw ni Lola at gusto. Mahilig siya sa seafood kaya gagawa ako ng palabok at white spaghetti na tuna rin ang gagamitin."
Lumapit ito sa kanya at pinanood siya. Natapos na nito ang ginagawa. "Ano ang gagawin sa bawang?" tanong nito.
"Ako na ang magluluto niyan," aniya.
"Ako na. Kaya ko 'yon basta sabihin mo lang kung paano."
Tiningnan niya ito. Napakagaan ng ngiti nito, tipong nakahahawa. Kahit gusto niyang magtaray ay sumasalungat naman ang kaniyang puso.
"Please, ako na!" pilit nito.
Bumuntong-hininga siya. "Sige. Magpainit ka lang ng maraming mantika sa kawali saka mo lutuin ang tinadtad na bawang hanggang sa mag-golden brown siya. Pagkatapos ay hahanguin mo na at patiktikin para lumamig at hindi ma-over-cooked," turo niya.
"I got it. Thanks," anito saka naghanap ng malaking kawali.
Kalahating kilong bawang ang tinadtad nito. Paminsan-minsan niya itong sinisipat. Nagsuot din ito ng itim na apron. Ibinuhos nito sa kawali ang kalahati ng 1.5 liter na mantika. Nang kumulo na'y inilagay na nito ang tinadtad na bawang.
"Haluin mo lang siya nang haluin hanggang maluto."
"Yes, ma'am," sagot nito.
Inilagay naman niya sa blender ang boneless tuna na mayroong isang kilo kasabay ng ginayat na sibuyas at celery. Inihalo ulit niya ang blended vegetables. Nang magiling na lahat ay isinalin na niya ito sa malaking bowl saka tinimplahan ng asin paminta at ibang herbs and spices.
Habang naghahalo siya ay sinipat niya si Gaizer. Nagulat siya nang mamataang nakatingin din ito sa kanya. Ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. Patuloy nitong hinahalo ang niluluto. Bigla itong ngumiti.
"Ang sarap mong titigan habang ginagawa 'yan. You are a perfect image of a wife. Gusto ko talaga ng babae na magaling magluto," wika nito.
Hindi niya napigil ang sariling mapangiti. "I'm not good in cooking, marunong lang," sabi niya.
"That's not important. Ang mahalaga may alam kang lutuin. Isa sa basic quality ng isang babae na gustong-gusto ng lalaki ay ang marunong magluto. Masarap kasing kumain ng pagkaing niluto ng taong mahal mo para sa 'yo. It's one of my dreams, too. To find a woman who will prepare my daily meal. Pero sa nature ng trabaho mo, I think you can't serve meals for your husband everyday," anito.
Tumabang ang ngiti niya. Tama ito pero hindi iyon ang gusto niyang mangyari. Gusto niya sakaling makapag-asawa siya, hahatiin niya ang oras sa trabaho at pamilya. Alam niya na isa sa dahilan ng pagtabang ng isang relasyon ay ang kakulangang ng oras at kalinga sa isa't isa.
"Time management lang ang kailangan. Hindi puwedeng idahilan ang nature ng trabaho para mawalan ng time sa pag-aasikaso sa pamilya. Hindi lahat ng babae ay kayang gawin 'yon pero gusto ko maging katulad ng mama ko. Kahit busy siya sa pagtuturo noon, nagigising siya nang maaga para ipagluto kami ng almusal at baon ni papa sa trabaho. Pagdating niya galing school ay nagluluto kaagad siya ng meryenda. Hindi siya pumapayag na ibang tao ang nagluluto ng kakainin namin. Kaya noong nagkasakit siya, sinikap kong matutong magluto dahil gusto ko ako naman ang magluto para sa kanya," kuwento niya.
"Nice. Ang buti mong anak. Napakaswerte ng lalaking papakasalan mo," sabi nito sa malamig na tinig.
Naamoy na niya ang nalulutong bawang. Nag-aalala siya baka masunog ang mga iyon. Iniwan niya ang ginagawa upang silipin ang niluluto ni Gaizer. Naninilaw na ang bawang.
"Okay na ba ito?" tanong nito.
"Konti pa," aniya.
"Pero mainit ang mantika. Kahit hanguin natin ito ay kaya pa rin nitong sunugin ang bawang."
Naisip niya'ng tama ito. "Ah, sige, puwede na siyang hanguin." Kinuha niya ang strainer na stainless.
Hinango nito ang bawang mula sa mantika saka nilipat sa strainer. Gustong-gusto niya ang amoy ng roasted garlic. Palaging nagluluto niyon ang mama niya at sinusunod naman niya ng papak.
"Did you know that garlic has a natural antibiotic property? My mom always eats fresh garlic. It also helps maintain normal blood circulation," sabi nito habang sinasaid ang natitirang bawang sa kawali.
"Nasabi 'yan sa akin ng kuya ko. Hindi ko kayang kumain ng sariwang bawang. Nakaka-bad breath din," aniya.
"Pero minsan, kung ano 'yong masama ang lasa, siya pa ang mas maraming benefits. Parang ampalaya, mapait pero malaki ang naitutulong sa katawan to maintain normal blood sugar. Parang sa buhay natin, kung ano 'yong ayaw natin ay siya pala ang makakabuti sa atin," may hugot na sabi nito.
Matipid siyang ngumiti. Gusto niya ng ganoong daloy ng usapan. "Agree ako. Parang katulad din ng bawal na gawain pero masarap gawin. 'Yong alam mong mali pero gustong-gusto mong gawin," ganti niya.
Matamang tumitig sa kanya ang binata. Binitawan nito ang sandok. "Inililigaw mo ata ang paksa. Para sa ating dalawa ba 'yang sinasabi mo?" anito, amused.
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."
"Yes. Alam kong mali ang gustuhin ka pero gusto kong gawing tama."
"Iba ang gusto mo, Gaizer. Gusto mo lang ng laro."
"Ano? We're not playing, Alexa. I'm serious."
"Fine," aniya saka ito tinalikuran. Binalikan niya ang kanyang ginagawa.
Hindi niya maintindihan bakit parang may munting kirot siyang nararamdaman sa kanyang puso. Ayaw niyang mag-assume na umiibig siya kay Gaizer pero nakararamdam siya ng sakit sa tuwing nagdududa siya sa ipinapakita nito sa kanya. Na posibleng ginagamit lamang siya nito para sirain ang plano ni Franco. Napa-paranoid siya.
Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Gaizer. Pumuwesto ito sa kaliwang bahagi niya may isang dangkal ang pagitan. Pinakialaman nito ang siomai wrapper. Inilabas nito ang mga iyon sa lalagyan saka pinagbuhol-buhol.
"I know how to wrap siomai. Nakikita ko ito sa Japanese restaurant," sabi nito.
Pinabayaan niya ito. Nang mahalong mabuti ang palaman ng siomai ay sinimulan na niyang magbalot. Napansin niya na mas mabilis at maganda ang pagbalot ni Gaizer sa siomai. Mabilis ang kamay nito.
"It smells good. Puwede ba tayong mag-steam kahit kaunti?" sabi nito.
"Sige. Your choice," walang buhay niyang sagot.
Nagpakulo ng tubig si Gaizer sa maliit na steamer. Pagkuwa'y nag-steam ito ng sampung perasong siomai. Gumawa naman siya ng sauce na toryo, kalamansi na merong konting asukal at sesame oil, then she add chili oil. Itinuloy ng binata ang pagbabalot ng siomai habang hinihintay maluto ang naisalang nito.
"Ano'ng sangkap mo sa sauce? Mayroon kasi akong natikmang siomai na masarap ang sauce," sabi nito.
"Toto at kalamansi ang pinaghalo ko. Nilagyan ko ng konting sesame oil at chili oil."
"Kaya pala ang bango. Garlic is a twist, right?"
Tumango siya.
Binalikan naman nito ang niluluto. "Puwede na kaya ito?" anito.
"Puwede na 'yan. Fifteen minutes is enough. Hindi 'yan kailangang patagalin kasi tuna lang naman 'yan at nai-blend mabuti," sabi niya.
Hinango na nito ang mga nalutong siomai saka inilagay sa parisukat na babasaging plato. Dinala nito sa kanya ang nalutong siomai. Siya ang naglagay ng sauce sa naluto saka binudburan ng roasted garlic sa ibabaw.
"Wow! I'm craving!" sabi nito. Kumuha ito ng toothpick na pantutusok sa siomai.
Pinagmamasdan niya ito. Namumukol ang pisngi nito habang kumakain.
"Hm. Ang sarap!" komento nito.
Natatakam siya habang pinapanood itong kumakain. Busy siya sa pagbabalot ng siomai at gusto na niyang matapos nang makapagpahinga na siya. Nagulat siya nang alukin siya ni Gaizer ng siomai.
"Tikman mo. Dapat ikaw na nagluto ang unang makatitikim ng gawa mo. Judge your own work," anito habang pilit isinusubo sa kanya ang siomai na tinusok nito ng toothpick.
Nag-aalangan siyang ibuka ang bibig.
"Come on. Wala itong gayuma, promise," biro nito.
Binuksan niya ang kanyang bibig saka isinubo ang siomai. Alam niyang masarap ang gawa niya pero mas masarap sa pakiramdam kung paano siya subuan ni Gaizer. Kumislot siya nang bigla nitong pinahid ng hinlalaki ang pumatak na sauce sa gilid ng labi niya. Tulalang nakatitig siya sa guwapo nitong mukha. Nalunok niya kaagad ang kangunguyang siomai at kamuntik nang bumara sa kaniyang lalamunan.
Hindi niya namalayan ang mabilis na paglapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Bumuka ang bibig niya nang ipaglandas nito ang hintuturo nito sa kanyang labi. Pagkuwa'y hinawakan nito ang baba niya at bahagyang iniangat ang kanyang mukha. Nagtama ang mga paningin nila. Awtomatikong naghurementado ang kaniyang puso.
Ibinaba niya ang tingin sa mga labi nitong unti-unting lumalasap sa kanyang mga labi. Pumikit siya nang tuluyang halikan siya nito at maluwag sa kanyang puso ang pagtugon sa iginagawad nitong mapusok na halik. Sa lahat na halik na iginawad nito sa kanya, ang pagkakataong iyon ang ramdam na ramdam niya ang emosyon at pasyon.
The heat and sensation aroused her inner lust, and she doesn't have a chance to stop the moment. Ayaw rin niyang tumigil o ipagtulakan ang binata dahil tila isa itong malaking kasalanan sa kaniyang kaluluwa.
Sa pagkakataong lang din na iyon naging desiplenado si Gaizer dahil hindi naglilikot ang mga kamay nito. He just wanted to kiss her, indeed. Nang kapwa kapusin ng hininga ay ito ang unang bumitiw sa kanya. Tumusok ito ng isang siomai saka isinubo.
"Masarap ang siomai pero mas masarap ang gumawa," pilyong sabi nito sa kanya saka siya kinindatan.
Tumawa siya nang pagak. Noon lang siya natutuwa sa biro nito.
"Kain ka pa," anito saka siya muling sinubuan ng siomai.
Kumain naman siya. Nagsalin pa ito ng tubig sa baso saka ibinigay sa kanya. Pagkatapos ay tinulungan na siya nitong magbalot ng siomai. Inabot sila ng alas-onse ng gabi sa kusina dahil mas mahaba ang kuwentuhan at kulitan kaysa trabaho. Noon lang nalaman ni Alexa na malambing si Gaizer at masarap kakuwentuhan. Marunong itong makinig at umunawa sa kausap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top