Chapter One



"Congratulation!" bati ng boss ng papa ni Alexa sa kanya.

Nang lumabas ang result ng board exam para sa architecture ay isinama kaagad ni Manuel si Alexa sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nito. First attempt niya ay nakapasa siya sa exam. Tama ang payo ng Papa niya na focus ang kailangan.

Alam niya na hindi madali dahil sa mga nakaraang nagpahirap sa kanya. Pero dahil sa kagustuhang mapasaya ang kanyang ina na kasalukuyang nasa ospital, isinantabi niya lahat ng pansarili niyang problema. Hindi naman makakatulong sa pag-unlad niya ang mga iyon.

Last week ay naisugod sa ospital ang Mama niya dahil sa stroke. Mabuti at naagapan pero naparalisa ang kaliwang bahagi ng katawan nito. Kumapit na sa patalim ang Papa niya para lang matugunan ang pangangailangan ng kanyang ina. Nagkataon kasi na naubos ang naipon nitong pera sa medical training ng Kuya Ace niya sa Amerika. Sumabay pa ang gastos sa exam niya. Sumabay pa ang pagpapagawa ng bahay nila na naudlot dahil sa nangyari sa Mama niya.

Napilitang umutang ng isang milyon ang Papa niya sa boss nito. Dahil matalik na magkaibigan ang dalawa, madaling nagkabigayan ng pera. Pero nasurpresa siya nang malamang may usapan pala ang dalawa noon pang hindi pa inatake ng sakit ang Mama niya. Nagulat na lang siya sa magaang pakikitungo sa kanya ni Engr. Roger Sta. Maria.

Nasa lobby sila ng Sta. Maria Real Estate Developer.

"So, let's talk about the arrangement, Manuel," sabi ni Roger.

Tumabang ang ngiti ni Manuel at bumaling ng tingin kay Alexa. "Okay. Nabanggit ko na sa anak ko ang tungkol sa arrangement. Pero hindi naging malinaw sa kanya," ani Manuel.

Kinakabahan si Alexa. Kagabi kasi ay napag-usapan nila ng Papa niya ang tungkol sa pag-aasawa. Hindi naman daw masamang mauuna siyang mag-asawa kaysa sa Kuya niya. Noong nag-aaral pa lang siya ay nangako siya rito na sino man ang lalaking pipiliin nito na pakasalan niya ay hindi siya tatanggi. May tiwala kasi siya sa panlasa nito pagdating sa mabuting lalaki.

"Good. Kilala mo naman siguro ang anak ko, Alexa," sabi ni Roger.

Seryoso siyang tumitig sa ginoo. Kinakabahan siya dahil isa lang ang kilala niyang anak nito. Hindi pa niya iyon nakikilala nang personal pero sikat kaya masyadong mataas ang tingin niya rito.

"Yes, sir. Si Franco po ba?" aniya.

"Yes. Nag-iisang anak ko siya. Matagal na kaming nagkasundo ng anak ko. Alam niya na wala akong karapatan sa rights ng Sta. Maria group of companies. Nakasaad sa Last Well and Testament ng Tatay ko na ang unang apo niyang lalaki na unang makapag-asawa o magkapamilya ay siyang magmamana ng lahat ng ari-arian niya. Kahit namatay ang nakababata kong kapatid na lalaki, hindi pa rin ako magkakaroon ng share to be exact dahil may anak ang kapatid ko. Wala ring share ang asawa niyang naiwan. So ang pag-asa ko na lang ay si Franco. Gusto kong lubusin ang pagkakataon habang hawak ko ang ari-arian ng Tatay ko. Inamin naman sa akin ni Franco na wala pa siyang nakitang babae na papakasalan. Kaya ako ang pinagpasya niya. Ayaw din niyang mawalan ng karapatan sa kumpanya. So noon pa namin napagkasunduan ni Manuel ang tungkol dito. Inaasahan ko na naipaliwanag niya sa iyo nang maayos ang tungkol dito," paliwanag ni Roger.

Paulit-ulit na lumunok si Alexa. Malinaw sa sinabi nito na siya ang gusto nitong ipakasal kay Franco. Tiningnan niya ang kanyang ama. Ngumiti ito ng matabang. Pero habang iniisip niya ang hirap at sakripisyo nito para mapagtapos sila ng pag-aaral at maipagamot ang Mama niya ay biglang lumabot ang puso niya. Naisip niya, walang mawawala kung papayag siya. Single siya ng dalawang taon matapos ng kabiguan niya sa relasyon. Dalawang taon din siyang tambay matapos niyang magtapos sa pag-aaral dahil kapos sa budget. Priority kasi ang Kuya niya na pagkatapos ng medisina ay nagpapakadalubhasa pa para maging surgeon. Kaya butas ang bulsa ng Papa niya.

Tumigil sa pagtuturo bilang high school teacher ang Mama niya dahil na-diagnose ito na mayroong coronary heart disease. Ang bahay nila sa Makati ay hindi matapos-tapos may limang taon na. Hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin sila sa isang unit ng condominium na pag-aari ng mga Sta. Maria. Discounted pa nga sila dahil matagal nang engineer ang Papa niya sa Sta. Maria construction company. Ayaw ng Mama niya na tumira sa village na pag-aari ng mga Sta. Maria kaya napilitang bumili ng home lot ang Papa niya sa Makati.

"Ako po ang napili ninyong pakasalan ni Franco, sir?" tanong niya kay Roger, matapos makapag-isip.

"Yes. Alam na rin iyon ni Franco. Actually he wants to invite you for dinner tonight," sabi ng ginoo.

Lalong kumabog ang dibdib niya. Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang ama. Magaan na ang ngiti nito.

"Huwag kang mag-alala, anak, alam na ito ng Mama mo. Natutuwa nga siya. Kilala na namin si Franco kaya hindi kami nababahala na mapapahamak ka. Napakabuti niyang tao," sabi ng kanyang ama.

Bumuga siya ng malalim na hininga. "Mas okay po siguro kung makapag-usap muna kami nang personal ni Franco," aniya pagkuwan.

"Walang problema. I'll call him later," sabi ni Roger.

"Thank you. Salamat po sa regalo," aniya.

Kanina pa siya curious sa napakalaking kahon ng regalo na binigay sa kanya ni Mr. Sta. Maria. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa mga ito. Nauna siyang umuwi dahil bibisitahin pa niya sa ospital ang Mama niya.

Pagdating sa unit nila ay binuksan kaagad niya ang regalo na mas malaki pa sa kanya. Magaan pero matigas. Nang mabuksan ang kahon ay nasurpresa siya nang makita ang house model na dalawang palapag. Gawa ito sa kahoy na kinulayan na parang totoo. Masisilip sa loob. Mabubuksan ang munting pinto at bintana. Ganoon ang mga house model na nakikita niya sa Real Estate companies. Binuksan niya ang pinto sa unang palapag. May nakita siyang maliit na sobreng kulay puti.

Kinuha niya ang sobre at binuksan. May sulat sa loob.

Congratulations! You're hired as Architect of Sta. Maria Construction company!

Please send to the phone number below your confirmation with your name and contact number.

Napatili siya sa tuwa matapos mabasa ang sulat. Matagal na niyang pangarap na magtranaho sa kumpanya ng Sta. Maria. Kinuha kaagad niya ang kanyang cellphone at pinadala sa mensahe ang hinihingi ng kumpanya.

KINAGABIHAN ay nagtungo si Alexa sa ospital sa Makati kung saan naka-confined ang Mama niya. Pagdating niya ay paalis na si Aleng Magda, ang nakababata nitong kapatid na walang anak at asawa. Naroon na rin ang Papa niya.

"O, anak, akala ko ba magdi-dinner kayo ni Franco," wika ng kanyang ama.

"Pa, wala pa namang tumawag sa akin," aniya.

"Pero binigay na ni Roger ang phone number mo kay Franco."

"Baka po bukas o sa susunod na araw."

"Hindi ko alam. Basta hintayin mo ang text o tawag niya."

Natutulog pa ang Mama niya. Nilapitan niya ang Papa niya nang makaupo na ito sa sofa. Umupo siya sa tabi nito.

"Pa, alam mo ba kung ano ang gift sa akin ni Engr. Sta. Maria?" sabi niya.

Abala sa paghahanda ng biniling pagkain ang Papa niya. "Ano?" kaswal nitong tanong.

"Isang napakagandang two story house model. At ang laman ng bahay ay isang sulat na nagsasabing in-hired nila ako para magtrabaho sa kumpanya nila," masiglang balita niya.

Awtomatikong tumingin sa kanya ang Ginoo na nanlalaki ang mga mata. "Talaga, anak?" hindi makapaniwalang untag nito.

Tumango siya. "Yes, Pa."

"Wow! Alam mo ba na hindi madaling makapasok sa kumpanya ng Sta. Maria? Aba, ang swerte mo, anak."

"Oo nga po." Biglang napalis ang ngiti niya nang maalala na baka parte pa rin iyon ng pabor na hinihingi ni Roger.

"O bakit parang malungkot ka?" nag-aalalang tanong ng Papa niya.

"Baka ho kasama iyon sa package sa pagpapakasal ko kay Franco," aniya.

"So, away mo ng ganun? Maswerte ka nga. Isang mahusay na engineer si Franco at kilala siyang model. Bata pa lang siya ay marami na siyang narating. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang iyon. Mabuti siyang lalaki. Siguradong wala kang pagsisihan sa kanya."

"Hindi naman sa kontra ako pero nag-aalala lang kasi ako. Baka hindi ako magustuhan ni Franco," malungkot na sabi niya.

"Imposibleng hindi. Ang ganda kaya ng anak ko."

Napangiti siya at yumakap sa kanyang ama. "Thanks, Pa. Kayo ang bukod tanging lalaki na sobrang gandang-ganda sa akin."

"At bakit hindi? Anak kita, eh."

Natawa siya.

Mamaya ay tumunog ang cellphone niya para sa tawag. Dagli niya itong dinukot mula sa kanyang shoulder bag. Unregistered number ang tumatawag. Na-excite siya nang maisip na maaring si Franco na iyon. Tumayo siya.

"Baka si Franco na iyan, anak," sabi ng Papa niya.

"Baka ho. Lalabas lang po ako baka biglang magising si Mama," aniya.

Pagdating sa labas ng kuwarto ay sinagot niyaa ng caller. Ginandahan niya ang kanyang boses para hindi ma-disappoint si Franco.

"H-Hello!" aniya.

"Hi, Alexa! How are you?" sagot ng boses lalaki.

"I'm fine. May I know you, please?" sabi niya.

"Before I introduce myself, I want to apologized for disturbing you."

Nawala ang focus niya sa kausap nang makita niya si Franco na paparating at may bitbit na isang basket ng prutas at punpon ng pulang rosas. Kung hindi si Franco ang kausap niya, sino? Tulalang nakatitig siya sa matangkad na lalaking huminto sa tapat niya. Nangniningning ang kaguwapuhan nito. Mukhang bagong ligo dahil mamasa-masa pa ang abuhing buhok nito na may dalawang pulgada ang haba na nakasuklay palikod. Bagong ahit din ang balbas nito. Nakakaagaw pansin ang katamtamang laki ng mga mata nito na abuhin na naliligiran ng katam-tamang kapal na pilik at kilay. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na makitid gayundin ang mamula-mula nitong labi na maninipis.

Ngayon lang niya nakaharap nang personal ang binata. Hindi niya akalain na ganoon ito ka-attractive. May two inches na lang para maging six footer ito. Simple lang itong manamit. Bughaw na maong pants at abuhing polo-shirt. Hiyang-hiya siya sa ayos niya ngayon. Hindi niya inasahan na magkikita sila ngayong gabi kaya nagsuot lang siya ng puting maong short pants na kalahati ng hita niya at pulang blouse. Ang ga-baywang niyang buhok niya ay inipon lang niya at iisang bungkos na pagkataas-taas. Ni wala siyang make-up at lipstick.

Pinutol muna niya ang linya sa tumatawag saka pormal na hinarap ang kanyang bisita. Paulit-ulit niyang nilinis ang kanyang lalamunan.

"Uhm, h-hi!" naiilang na bati niya sa binata.

"You're Alexa San Diego, right?" untag nito.

"Y-yes, I am," sagot niya.

"I'm Franco Sta. Maria. I think we don't need to ask ourselves about the arrangement. But I want to meet you in person and discuss about the plan over dinner. So, can I invite you for dinner tonight?" seryosong sabi nito.

"Ah, sure. Pero uuwi muna ako para magbihis. Hindi kasi ako prepared," aniya.

"Fine. I'll wait for you here. Or mas okay kung ihatid kita sa bahay ninyo at doon na kita hihintayin."

"Okay din."

"Anyway, this is for you," anito sabay abot sa kanya ng bulaklak.

Naiilang pa siyang tanggapin ang bulaklak. Nang bumukas ang pinto ng kuwarto ng Mama niya ay dagli niyang kunuha ang bulaklak.

"Thank you."

Lumabas ang Papa niya. Nasupresa ito nang makita si Franco. "Franco! Aba, bigla ka atang naparito," anito.

"Yes, Tito. Naisip ko na dalawin naman si Tita Anna at umaasa ding makikita ko rito si Alexa," sabi ng binata.

"Mabuti naman kung ganun. Halika sa loob," anang Papa niya.

Pumasok muna sila sa loob. Iniwan ni Franco ang basket ng prutas para sa Mama niya. Pagkuwa'y nagpaalam na sila sa kanyang mga magulang.

NAGING maayos ang pag-usap nila Franco at Alexa tungkol sa kasal. Halos dalawang oras lang itinagal ang hapunan nila sa isang kilalang restaurant sa Makati. After three to four months pa daw nito mabibigyan ng eksaktong petsa ang kasal nila. Marami pa daw kasi itong project at inaasikaso. Gusto pa daw siya nitong makilala nang lubusan. May usapan sila na tuwing weekend ay magdi-dinner sila. Sang-ayon siya sa lahat ng gusto nito.

Medyo masungit si Franco at seryoso pero hindi ito high profile. Hindi lang siya sanay sa sobrang seryosong lalaki. Magkakasama din naman daw sila sa ilang project nito sa real estate.

Mas excited si Alexa na magtrabaho sa Sta. Maria construction kaysa kasal na matagal pa naman. Hindi muna siya nag-e-expect ng isang daang-pursiyento baka ika niya'y biglang magbago ang isip ni Franco.

Lunes ng umaga ay maaga siyang nag-report sa Sta. Maria construction. Naroon din ang main office ng Sta. Maria group of companies. Doon ang sinabi ng HR na nag-text sa kanya na mag-e-endorse sa kanya.

Limang palapag ang gusali. Alas-otso pa lamang ng umaga ay marami nang empleyadong pumapasok. Kasabay niya ang mga itong naghihintay sa pagbukas ng elevator. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay sumiksik kaagad siya kahit may mga lumalabas pa. Nasa third floor ang HR office. Alas nuwebe ang sinabing oras pero mas mainam nang maaga.

Nang huminto sa third floor ay bumukas ang pinto at naunang lumabas ang nasa unahan niya. Palabas na siya nang may lalaking humagip sa balikat niya. Napabilis ang paglabas niya dahil sa puwersa nito. Bago sumara ang pinto ay nilingon niya ang lalaking humagip sa kanya. Mag-isa itong nakasakay sa elevator. Natigilan siya nang mapamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. Ang tindig nito at pangangatawan ay mamilyar sa kanya. May isang dipa lang ang layo niya rito. Tumutok ang paningin niya sa mga mata nito na kung makatingin ay para siyang hinihigop palapit rito. Bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay nasaksihan niya ang matalim nitong ngiti.

Hindi niya maintindihan ang biglang pagsikdo ng kanyang puso. Bumilis nang husto ang tibok nito. Doon niya naisip na maaring hindi lamang iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang lalaki. Tumatak sa kukoti niya ang hilatsa mukha niyon. Mula sa may isang pulgadang buhok nito na abuhin at barber cut hanggang sa katamtamang puti ng balat, almond shape na mga mata na tila uhaw na tigre kung tumitig, ilong na nakakaagaw-pansin ang tangos at nipis at mga labing mala-rosas ang pamumula na naghuhugis pusong maninipis. Mas matangkad lang ito ng isang pulgada kay Franco sa tingin niya.

Kung mas matagal-tagal niyang nakaharap ang lalaki ay baka mas makilala niya ito. Kung sino man ito sa nakaraan niya, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga may matinong lalaking papakasalan siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top