Chapter Five

"ALEXA."

Parang napaso at dagling binawi ni Alexa ang kamay na hawak ni Gaizer. Hinanap niya ang boses ni Franco na tumawag sa pangalan niya. Sabay pa silang tumingin ni Gaizer sa main door. Humahakbang palapit sa kanila ang kanyang fiance.

Nagulat siya nang bigla siyang nilapitan ni Franco at hinagkan siya sa pisngi. First time nito iyong ginawa.

"Nag-lunch ka na ba?" tanong sa kanya ni Franco.

"Ah, oo. Kagagaling ko lang ng Cavite," aniya.

Hinawakan ni Franco ang kanang kamay niya saka siya iginiya patayo. Pagkuwa'y tinapik nito ang balikat ni Gaizer.

"Sandali lang, Gaizer. Kakausapin ko lang si Alexa," paalam ni Franco.

Tumango lang si Gaizer.

Nagmamadali naman siyang sumama kay Franco. Pumasok sila sa elevator. Habang papaakyat sila ay bumitiw sa kamay niya si Franco saka ito humarap sa kanya.

"Sorry naging busy ako sa labas. Nasorpresa lang ako sa mga isyu tungkol sa atin. Kumakalat sa kumpanya ang isyu na peke ang planong pagpapakasal natin. Nakarating kay daddy ang balita na pakitang-tao lang daw ang relasyon natin," sabi nito.

Hindi na siya nagtataka. Noong isang linggo pa usap-usapan ang tungkol doon. "Hindi ko alam kung sino ang nagsimula. Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa kasal. Pati si Gaizer, pinagdududahan tayo," aniya.

"Talaga? May hinala nga ako na may kinalaman siya sa nangyayari."

"Bakit?" takang tanong niya.

"Of course, hindi papayag si Gaizer na mapupunta sa akin ang mana. Malamang alam na niya ang tungkol sa sulat ni Lolo."

"Kung pagpapakasal ang solusyon, puwede naman siyang magpakasal kung talagang gusto niyang makuha ang mana."

"Asa kang magpapakasal siya. Wala nang amor sa babae si Gaizer. Naluto na ng pera ang utak niya. He just love flirting with woman."

"Ang gulo naman ninyo. Bakit hindi na lang sundin ang nakalagay sa Last Will and Testament ng lolo ninyo?"

"Iyon na nga ang problema. Nawawala ang Last Will na pinirmahan ni Lolo. Hindi makapag-deside ang anak ng abogado ni Lolo dahil hindi nai-endorse nang maayos sa kanya ang records ni Lolo, 'tapos nawawala pa ang Last Will. Wala ring karapatan si Lola sa yaman ni Lolo. Hawak namin ang sulat ni Lolo pero wala iyong pirma at hindi notarized ng abogado.

"Paano nangyari 'yon? Saan nanggaling ang walang pirmang dokumento?" usisa niya.

"Kinuha namin iyon sa abogado ni Lolo. Ang masama, hindi rin kami sigurado kung tama ba ang sulat na nasa amin. Xerox copy lang iyon kaya posibleng may karugtong iyon na pirmado. Nakausap ko si Atty. Sandoval. Ni-review niya ang recorded na video tungkol sa mga sinabi ni Lolo tungkol sa mana. Nabanggit doon na mapupunta sa apo ni Lolo na unang mag-aasawa ang mana. Iyon ang pagbabasehan ng abogado dahil hindi na makita ang Last Will ni Lolo. Kaya gusto ni Daddy na maisakal tayo hanggat hindi pa nakikita ang Last Will. Sana nga ay hindi na iyon makita. Kapag kasi naikasal ako, awtomatikong ang abogado na mismo ang mag-aasikaso ng papeles at maglilipat ng rights ng kumpanya sa pangalan ko. Matatabunan na ang Last Will," kuwento ni Franco.

Ramdam niya ang desidido nitong makuha ang mana. She felt uneasy while putting herself in the messy situation of the Sta. Maria. She just thought that once she was committed legally to the Sta. Maria's family would shoulder the consequences, too.

"Magulo ang pamilya n'yo. Baka puwede namang pag-usapan n'yo na lang ni Gaizer ang tungkol sa mana at paghatian ninyo," suhesyon niya.

"Hindi puwede 'yon. Hindi papayag si Daddy na mahati ang mana dahil malaki ang naging hirap niya para manatiling nakatayo itong kumpanya. Gagawa ng paraan ang kabilang panig para hindi matuloy ang plano namin. Kung alam na ni Gaizer ang tungkol sa sulat at video ni Lolo, malamang kung hindi siya magpapakasal kaagad, tayo ang guguluhin niya," anito.

"Hindi naman niya siguro gagawin 'yon."

"Mas mabuti nang maingat tayo, Alexa. Hindi mo kilala si Gaizer. Tuso siya, gagawin ang lahat makuha lang ang gusto."

Ginupo siya ng kaba. Pansin nga niya na mukhang agresibo si Gaizer. "Paano natin sila mapapaniwala eh hindi kasi nila tayo nakikitang sweet sa isa't isa," aniya.

"Don't worry, tatapusin ko lang itong project ko sa Cebu. Pagbalik ko, aayusin na natin ang kasal."

Bumuga siya ng hangin. Noon ay tanggap niya ang sitwasyon pero ngayon ay parang hindi na siya komportable. Kapag naikasal na siya kay Franco, hindi na siya makakaalis sakaling hindi na niya kayang sikmurain ang sitwasyon.

Bakit bigla siyang nag-aalinlangan ngayon kung kailan si Franco na mismo ang nag-aapura ng kasal?

Pagkatapos ng maigsing pakipag-usap kay Franco ay binalikan ni Alexa sa lobby si Gaizer. Busy ito sa pagtipa sa cellphone nito.

"Sorry sa abala," aniya.

"It's okay. Ano ba ang laban ko sa soon to be husband mo?" wika nito pero hindi makatingin sa kanya.

"Ahm, okay na ba ang designs?" pag-iiba niya sa paksa.

Ibinaling nito ang atensiyon sa kanya. "Yes. Bukas ay pupuntahan natin si Mr. Herera para ma-finalize na ang plano at nang makapagsimula na tayo," sabi nito, sinipat siya na may pilyong nguiti sa mga labi. "Nakapagpaalam ka na ba sa fiance mo na mag-e-stay tayo ng two days sa Tagaytay para sa starting ng construction?" anito.

Napamata siya. "Two days?" aniya.

"Yes. Bago natin ipagkakatiwala sa manpower ang construction, siyempre kailangan nating plantsahin ang plano nang hindi tayo naaabala sa ibang projects. After naman no'n ay kahit once a week na tayo dadalaw sa area. Solo project kasi natin ito kaya kailangan nating tutukan."

Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Bumuntong-hininga siya. "Sige. Mamaya ay kakausapin ko si Franco," aniya pagkuwan.

"Okay. Iligpit mo na ang sketch mo. See you tomorrow around nine in the morning. Maki-ride ka na sa akin," sabi nito saka tumayo.

"Okay." Iniligpit niya ang gamit saka sila naghiwalay ni Gaizer.

NANGAWIT ang kamay ni Alexa sa halos isang oras na pagguhit ng bagong sketch. Humilab ang sikmura niya. Lumabas siya ng opisina at nagtungo sa cafeteria. May iilang empleyadong nagmemeryenda roon.

She took a cup and poured it with hot chocolate from the coffee machine. Panay ang hikab niya dahil sa nanunuksong antok. Kamuntik pang umapaw ang laman ng kaniyang baso. Nagulat siya nang may nay-off ng switch ng machine kaya natigil ang pagpatak ng tsokolate.

Napatingin siya sa lalaking nasa kaliwa niya. It was Gaizer holding a mug.

"Lutang ata ang isip mo. Baka mabanlian ka ng mainit na tsokolate. Sayang ang makinis mong kutis," nakangising sabi nito.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko lang namalayan, inaantok kasi ako," sabi niya saka umatras.

"Take care next time. Ayaw kong makitang nasasaktan ka."

Tumalikod na siya rito pero napalingon pa siya dahil sa sinabi nito. Ang weird. Alam niya hindi big deal kay Gaizer ang nangyaring one-night stand sa kanila noon, pero nakapagtatakang ang bold nito minsan sa kaniya.

"Thanks sa concern," sabi niya lang saka ito iniwan.

Inukupa niya ang lamesa na malayo sa ibang tao, malapit naman sa bintana kung saan ay nasisilip niya ang labas. Nasa second floor sila. Iniwan niya roon ang kaniyang tasa saka bumili ng butter cookies na isang pakete.

Naroon din si Gaizer at bumili rin ng makakain. Kinakausap nito ang tindera. Lahat na lang ng bagay ay napupuna nito. Bakit daw ginto ang presyo ng pagkain doon sa cafeteria eh hindi naman masasarap.

Nakita niya ang nag-iisang hiwa ng egg pie sa loob ng estante kaso ang mahal. Kulang na ang pera niya.

"Kukunin n'yo po ba?" tanong ng babae.

"Ah, hindi na kulang na kasi ang pera ko. Okay na ang butter cookies," aniya.

"Ibigay mo na 'yan. Heto ang bayad," sabad naman ni Gaizer at inilapag sa counter ang dalawang daang pera.

Awtomatikong binalingan niya ng tingin ang lalaki. Matamis na ngiti ang ibinalik nito sa kaniya.

"Heto na po, ma'am," sabi ng babae sabay abot ng naka-platitong egg pie.

Tatanggi pa sana siya pero ipinagdiinan ito ni Gaizer sa kaniya. "Come on, hindi magandang nagpapakipot ka sa pagkain. Pero kung ma-pride ka, utang na lang. Buhas na kita sisingilin," sabi nito.

Hindi na siya nakakontra. "Salamat," wika na lamang niya.

Bumalik na siya sa lamesang inukupa niya pero nagulat siya nang nakabuntot pala sa kaniya si Gaizer. Walang abiso na umupo ito sa katapat niyang silya.

"Bakit parang natatakot ka?" diretsong tanong nito.

Luminga-linga muna siya sa paligid. May iilang tao roon na pasimpleng sinisipat sila.

"Ayaw ko ng isyu," aniya.

"Anong isyu?" amuse nitong tanong.

"I'm engaged to your cousin."

Natawa si Gaizer. "Come on, Alexa, para namang hindi ako aware, ah. Alam naman ng ibang tao rito na magkatrabaho tayo sa iisang project. Huwag mong idahilan ang relasyon mo kay Franco para sabihing puwede mo na akong iwasan."

"Hindi kita iniiwasan. Ayaw ko lang talaga ng isyu."

"Fine. Alam ko naman na may inis ka pa rin sa akin dahil sa nangyari noon."

"Please, stop mention about the past. Kung trabaho lang naman ang pakay mo, be professional, Gaizer."

"Iyan naman ang ginagawa ko, Alexa. And be fair naman. Obvious na naiirita ka sa akin."

Hindi siya kumibo. Sinimulan na niyang kainin ang egg pie habang maya-mayang humihigop ng tsokolate. Pero hindi siya makapag-focus sa kinakain dahil ramdam niya ang init ng titig sa kaniya ni Gaizer. Pakiramdam niya'y idinadarang siya sa nagliliyab na apoy.

She glanced at him, but Gaizer didn't dare to stop staring at her intently. At habang tumatagal ay lalong lumalalim at lumalagkit ang titig nito sa kaniya na tila ba siyang inaakit. Ang kinakain nito ay bread stick na isinasawsaw nito sa mainit na tsokolate.

Natigilan siya nang pasadahan ng dila nito ang bread stick saka marahang isinubo. She can't deny that Gaizer had a dangerous sex appeal. The way na tumitig ito, pakiramdam niya'y unti-unting nilulusaw ang mga buto niya.

She ignores him. Pero mamaya rin ay natigilan siya nang masagi ng tuhod ni Gaizer ang tuhod niya. Nakatitig pa rin ito sa kaniya. Nasipat niya ito pero tinarayan niya. Binilisan niya ang pag-ubos sa kaniyang pagkain at inumin dahil hindi na niya kaya ang epekto ng presensiya ng lalaki.

"Dahan-dahan lang, baka maligaw ang kinain mo niyan," puna nito sa kaniya.

"Marami pa akong gagawin," sabi lang niya.

"Kalmahan mo lang. Hindi mo kailangang ma-pressure sa trabaho."

"Excuse me," aniya nang maubos ang inumin at pie. Tumayao na siya bitbit ang platito at tasa.

Walang imik na iniwan niya si Gaizer. Iniwan lang niya sa lababo ang kobyertos saka bumalik sa opisina. May ilang architect din doon na nagtatrabaho pero mula sa ibang team.

Iilan lang sa katrabaho ang talagang nakakausap niya madalas. Karamihan din kasi sa mga ito ay mga lalaki at may edad na kaya mga seryoso. Tinapos na niya ang kaniyang sketch.

ALAS-SINGKO ng hapon lumabas ng opisina si Alexa. Nasa meeting pa si Franco kaya kailangan niya itong hintayin. Mas usapan sila na maghahapunan sa labas. Tumambay muna siya sa opisina ng daddy niya. Naroon ito at kausap ang kliyente nito.

Nang wala na itong kausap ay saka lamang niya ito nilapitan. Umupo siya sa silya katapat ng mesa nito.

"Kumusta ang bago mong project, Anak? Tinanggap na ba ni Gaizer ang inulit mong sketch?" usisa nito.

"Yes, Pa. Dapat lang niyang tanggapin dahil kung hindi ay igi-give-up ko na talaga ang project na iyon," aniya.

Ngumisi ang ginoo. "Pasensiya lang ang kailangan, anak. Kaugali talaga ni Gaizer ang lolo niya. Naranasan ko na ring ma-reject nang ilang beses. Mataas lang talaga ang standard niya. Pero mabait naman si Gaizer. Kailangan mo lang hulihin ang kiliti niya."

"Oo nga po. Nakakainis lang kasi masyado siyang mayabang at bossy. Akalain mo bang ina-assume na niya na siya ang tagapagmana ng Sta. Maria Group of Companies?"

Napansin niya ang paglaho ng ngiti ng papa niya. Hindi ito nakakibo.

"Bakit, Pa? Hindi ba nakasalalay naman talaga sa unang makapag-asawa na apo ang mana? Nag-usap nga kami ni Franco. Baka raw alam na ni Gaizer na magpapakasal si Franco dahil sa mana," sabi niya.

"Posible 'yon, Anak. Hindi basta babalik sa kumpanya si Gaizer kung wala siyang interes sa mana. Imposibleng hindi niya alam ang tungkol sa sulat at video ng lolo niya, dahil lahat ng loyal na empleyado ng lolo niya ay kampi sa kanya. Malamang marami na siyang source at mas malakas ang laban niya."

"Paano 'yan? Paano kung pipilitin niyang makuha ang mana? E 'di useless ang pagpapakasal namin ni Franco."

"Hindi basta magpapakasal si Gaizer dahil lang sa mana. Gagawa at gagawa siya ng ibang paraan para makuha ang mana. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero kilala ko siya. Hindi siya titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya. Pero hanggat nasa desisyon ng abogado ang kaayusan ng lahat, mananalig tayo. Malinaw na pagbabasehan ang sulat at video ng yumaong Sta. Maria," paliwanag ni Manual.

"Paano kung biglang lumabas ang Last Will at hindi ang nasa video ang nakalagay?" nababahalang tanong niya.

"Iyon ang malaking problema. Kaya dapat ay hindi na makita ang Last Will. Mababalewala lahat ng hirap ni Roger. Pati tayo ay maiipit sa sitwasyon. Mas updated ang Last Will kaysa sa video na matagal nang ginawa. Malinaw sa video na hindi pa ganoon kaseryoso noon si Mr. Lucio Sta. Maria. Nasabi rin niya sa video na maari pang mabago ang lahat. Ang sabi ni Roger, noong malala na ang colon cancer ng matanda, nagpagawa siya ng Last Will sa abogado. Iyon daw ang pagbabasehan. Ang abogado na mismo ang nagsabi na hindi na niya makita ang Last Will maging ang kopya ni Mr. Lucio. Mayroon daw nagnakaw."

Naguguluhan si Alexa sa nangyayari. Nangako naman sa kanya si Franco na sakaling hindi maganda ang kalalabasan ng kasal nila ay maari silang mag-divorce. Plano nito na doon sila sa Sount Korea ikakasal. Sumang-ayon naman siya.

Pagkatanggap sa mensahe ni Franco ay lumabas na ng kumpanya si Alexa. Nasa garahe na si Franco at hinihintay siya. Masaya siya kahit alam niyang para lang silang nagdudula-dulaan ni Franco. Isang karangalan ang maikasal sa ideal man na pinapantasya ng maraming babae. Kaya hindi siya magtataka kung bakit maraming babae sa kumpanya ang insecure sa kanya.

"Sorry, late ang relo ko. Dapat kanina pa tayo nakaalis," ani ni Franco. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa kotse nito.

"Ayos lang. Maaga pa naman," aniya.

Lululan na sana siya ng kotse nang mahagip ng paninign niya si Gaizer na nakasandal sa gilid ng itim na kotse habang may kinakaing naka-appa na ice cream at nakatingin sa kanila. Nakapamulsa ang isang kamay nito, seryoso. Ramdam niya na siya ang sentro ng tingin nito.

Napatingin din si Franco kay Gaizer dahil halos dalawang dipa lang ang agwat nito sa kanila. Tuluyan na siyang pumasok sa kotse pero panay pa rin ang lingon niya kay Gaizer na hindi natinag kahit napansin na ito ni Franco.

Sumakay na rin si Franco at binuhay ang makina ng sasakyan. Kahit sa pag-alis nila ay nakasunod ang tingin ni Gaizer.

"Don't mind him," sabi ni Franco.

Itinuon na lamang niya ang tingin sa kalsada pero nanatiling walang kibo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top