Chapter Eleven
MANPOWER ni Gaizer ang nagtatrabaho sa construction. Unang araw pa lamang ay naging magaan ang trabaho at mabilis. Lahat ng gamit ay ready-made na kaya mas madaling maikabit. Nasorpresa si Alexa nang pagdating nila sa site ay naghanda si Mr. Herera ng masarap na meryenda. Ang secretary nito ang nag-assist sa kanila. May business meeting pa raw ang ginoo.
Nasa lobby sila ng main office ng village. Sinisimulan na ang construction ng mga model houses sa likurang bahagi ng main office. Mayroong private two-story house sa maluwag na area. Doon madalas nagpapahinga si Mr. Herera. Doon din ang nakalaang kuwarto nila para sa tatlong araw nilang pag-asikaso sa panimula ng construction. Kasama na iyon sa budget ng kumpanya pati pagkain.
Pagsapit ng tanghalian ay sa private house na sila dinala ni Marvin, na secretary ni Mr. Herera. Maluwag ang bahay na mayroong tatlong kuwarto sa itaas at isa sa ibaba. Malawak din ang sala nito at dining area.
"Nasa itaas ang magiging kuwarto ninyong dalawa. Ready na lahat ng kailangan ninyo for three days stay. Mayroong server ng pagkain ninyo. Pinaghandaan talaga ito ni Boss," sabi ni Marvin.
Iginala muna sila nito sa buong bahay. Mabuti na lang tig-isa sila ng kuwarto. Pagkuwa'y ibinigay nito sa kanila ang susi ng kuwarto.
"Maiwan ko na kayo rito. Marami pa kasi akong gagawin," ani Marvin.
Naiwan sila sa dining area na may nakahaing pagkain. May silbidora na nagbabantay sa kanila.
"Thank you, Marvin," sabi ni Alexa.
Ngumiti lang ang lalaki saka sila tuluyang iniwan. Nauna na siyang umupo sa tapat ng hapag-kainan. Nasa kusina na ang silbidora. Pagkuwa'y sinamahan na siya ni Gaizer.
"I love my job. Ang daming foods," anito.
"Kailangan bang three days tayo maglalagi rito?" tanong niya.
Matamang tinitigan siya nito. "Yap. Request iyon ni Mr. Herera. Ayaw kasi niya na walang engineer o architect na nakamasid sa trabahador lalo na sa unang araw."
"So puwede palang ikaw na lang ang mag-stay rito."
"Bakit, may lakad ka ba?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.
"Kailangan ko rin kasing i-monitor ang project namin ni Franco sa Cavite at Laguna."
"Puwede mo namang dalawin 'yon. Malapit lang tayo sa Cavite."
"Ang gusto ko sana ay doon ako mag-stay kay Lola Amara."
"Puwede rin pero ngayong gabi hanggang bukas ay kailangan nandito ka. Huwag kang mag-alala, ihahatid kita sa farm bukas ng hapon. Pupunta rin naman ako roon sa sa Sabado at Linggo para sa birthday ni Lola."
"Salamat," aniya. Nagsalin na siya ng pagkain sa kaniyang plato.
"Malabo atang makakapunta si Franco," sabi nito pagkuwan.
"Nasa Cebu siya. Baka dalawang Linggo siya roon."
"Good."
Diretsong tumitig siya sa binata. Nakataas ang isang kilay nitong nakatitig sa kanya.
"What?" untag niya.
Ngumisi ito. "Paano mo napagtiyagaang pakisamahan si Franco? Paano ka liligaya niyan kung mas inuuna niya ang trabaho kaysa sa iyo?" anito.
"Nasanay na ako sa kanya," sagot niya.
Tumawa ito nang pagak. "Hindi ka man lang ba nagdududa na baka may ibang babae siyang inaatupag? Expose siya sa mga magaganda at sexy, sikat na babae. Hindi ka ba nakadadama ng insecurities sa katrabaho niya?" Kinastigo pa siya nito.
"Honest sa akin si Franco. Sinasabi niya sa akin kung mayroon siyang bagong katrabaho sa project. Updated ako sa status ng modeling career niya," depensa niya. Pero ang totoo ay disappointed na siya kay Franco dahil sa simula lang ito naging open sa kanya. Nitong nakaraang mga araw ay hindi na ito nagkukuwento tungkol sa trabaho nito sa labas.
"Nagbago ka na talaga. Hindi ka na selosa katulad noon?" sabi nito.
"Ano? Paano mo nalaman ang bagay na iyan?" nagtatakang tanong niya. Hindi tuloy siya makapag-focus sa pagkain.
"Madalas kang ikinukuwento sa akin ni Rendel. Lahat ng nakikita mong babaeng kasama ni Rendel ay pinagselosan mo. Nagtataka ako noon bakit patay na patay ka kay Rendel. Hindi naman siya kaguwapuhan. Babaero rin iyon at matakaw sa alak. Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya?" Pumalatak na ito.
Umismid siya. Minsan na ring naitanong niya iyon sa sarili. In love siya kay Rendel noon, samantalang maraming mas guwapo rito sa campus nila noon na nanligaw sa kanya. Palibhasan first time niyang na-in love sa lalaki noon. Ilan sa mga dahilan ay ang mga effort ni Rendel na pagbibigay sa kanya ng mga bagay na gusto niya. Palagi siyang nasusorpresa.
"I believe that sometimes love is blind," aniya.
Tumawa si Gaizer. "Naniniwala ka rin ba na minsan ang pagmamahal ay naliligaw? Sa halip na para doon sa nararapat na tao, napupunta sa hindi mo inaasahan. Meron din namang pagmamahal na nanakaw o inaagaw. O kaya pagmamahal na itinadhana," wika nito.
Kumuha siya ng malaking hiwa ng fish steak. Una niyang kinain ang onion ring. "Hindi naman lahat ng magkarelasyon ay nagsisimula sa love, madalas, sa friendship," komento niya.
"Yes. But sometimes it's started with lust."
Ibinalik niya ang tingin kay Gaizer. Ukupado nila ang maliit na round table kaya halos magkabungguan ang mga tuhod nila. Dalawa lang sila kaya doon sa maliit na lamesa inihain ang tanghalian nila.
Kumislot siya Alexa nang biglang may bumundol sa tuhod niya. Tumalim ang titig niya kay Gaizer. Pilyo ang ngiti nito. Ilang minuto na silang magkaharap pero nito lang niya napansin ang hitsura nito. Maaliwalas ang mukha nito dahil bagong ahit ang balbas. Nabawasan din ang buhok nito kaya lumitaw lalo ang guwapo nitong mukha. Mas bagay rito ang clean cut na buhok na katamtaman ang nipis.
Napadpad ang paningin niya sa dibdib nito na nakasilip mula sa nakabukas na botones ng abuhing polo nito. Naaninag niya ang panaka-nakang pinong balahibong nakalatag doon. Itinaas niya ang tingin sa leeg at bibig nito. Sinundan niya ng tingin ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito.
Sumubo ito ng fruit salad. May naiwang sarsa sa ibabang labi nito na kaagad nitong sinaid gamit ang dila. He looks seductive while licking his lip sensually. Napakasuwabe ng pagkagat nito sa ibabang labi nitong mamula-mula at katamtaman ang pintog. Tila sinasadya nitong landian ang pagkagat sa labi habang pasimple siyang sinisipat.
Kamuntik nang mabitawan ni Alexa ang hawak niyang baso ng juice nang biglang pasadahan ng paa ni Gaizer ang binti niya. Noon lamang niya nalaman na naka-tsinelas lang ito. Pinaglakihan niya ito ng mga mata pero hindi ito natinag, sa halip ay pinukol siya ng malagkit na titig habang nakasilip ang killer smile nito. Umigsi ang suot niyang skirt dahil nakaupo siya. Nang umakyat ang paa nito sa hita niya ay marahas siyang tumayo.
"What's wrong?" tanong pa nito.
"Kontrolin mo ang kalandian mo," inis na sabi niya saka iniwan ang kasama.
Umakyat sa second floor si Alexa para magpahangin sa beranda na nasa pagitan ng kuwarto nila ni Gaizer. Natatanaw mula roon ang malawak na lupaing nasasakupan ni Mr. Herera. Sa lupaing iyon ititirik ang mga bahay na naidesinyo niya. Nakatungkay siya sa stainless na railing.
Narinig niya ang yabag na papaakyat ng hagdan pero hindi niya pinansin. Mamaya ay may kamay na pumisil sa mga balikat niya. Umigtad siya at marahas na hinarap ang lapastangan. Ngunit sa kanyang pagharap ay nakulong siya sa mga bisig ni Gaizer. Namulupot ang isang braso nito sa baywang niya. Itinutulak niya ito pero hinawakan nito ang kamay niya. Nanghihina siya sa tuwing manunuot ang init ng mga kamay nito sa balat niya.
"Ano ba'ng ginagawa mo?" balisang tanong niya.
"Nasimulan ko na 'to, Alexa. Magmula noong naramdaman ko ang pagpaparaya mo sa halik ko, nagkaroon ako ng lakas ng loob na ungkatin kung ano man iyang nasa damdamin mo," sabi nito habang pilit inilalapit ang mukha sa kanyang mukha.
"Nahihibang ka ba? Walang matutukso kung walang tukso."
"Tama. Wala ring manunukso kung walang nagpapatukso," gatong pa nito, pilyo ang ngiti. "Come on, let's find out what's happening between us. Nararamdaman ko'ng may interes ka sa akin. Mas madaling mahuli ang babaeng pakipot," sabi nito.
"Nag-iisip ka ba? Baka nakalimutan mo kung sino ako." Ayaw sana niya itong pagtarayan pero ito ang nag-uudyok sa kaniya upang gawin iyon.
"Ikaw lang naman ang fiancee ng pinsan ko. And so what? Fiancee lang naman. Asawa nga nasusulot pa," simpatikong sabi nito.
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Nang tangkang itulak niya ito ay bigla nitong siniil ng halik ang leeg niya sabay yapos sa kanya. Bigla siyang nanlumo. Kahit anong tulak niya rito ay hindi niya ito maitaboy. Nangangatog ang tuhod niya, tila napaparalisa. Lalo siyang nanghina nang damhin ng isang kamay nito ang malusog niyang dibdib. Kasabay niyon ay hinapuhap nito ng halik ang mga labi niya. Unti-unti nang natutunaw ang kamalayan niya nang bigla itong tumigil.
Malakas ang pandinig nito. Alam nito'ng may paparating. Ito ang unang humiwalay sa kanya. Dumating ang silbidora.
"Excuse me po. Naiwan po ang cellphone ninyo sa baba, sir," sabi ng babae sabay abot ng cellphone kay Gaizer.
"Thanks," nakangiting sabi ng binata.
"Ah, hindi na po ba kayo kakain, sir, ma'am?" pagkuwan ay tanong ng silbidora.
Hindi makaimik si Alexa dahil nasa-ilalim pa siya ng sensasyon.
"Uhm, hindi na po. Pakiligpit na lang, salamat," tugon ni Gaizer.
"Sige po. Maiwan ko na kayo." Umalis din ito kaagad.
Namayani ang katahimikan at dinig ni Alexa ang kaniyang paghingal. She was still occupied with Gaizer's hot seduction, and she thought it's over but Gaizer faced her again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top