Chapter Eight
NAKAPAGBIHIS na ng manipis na puting pantulog si Alexa nang lumabas ng bahay. Inasahan niya na hindi nai-lock ni Gaizer ang kotse at maaring nagpapahinga na rin ang binata. Pagdating niya sa garahe ay maliwanag. Hindi naka-lock ang kotse.
Binuksan niya ang pinto sa passenger seat pero wala ang cellphone niya sa upuan maging sa harapan nito. Imposibleng mawala iyon. Wala sa bag niya ang cellphone at hindi rin niya iyon dinala sa labas kahit nang nasa burol sila. Ginamit pa niya iyon bago sila nakarating sa bahay ni Lola Amara. Halos baliktarin na niya ang upuan sa kakahanap ng cellphone.
"Ano'ng hinahanap mo riyan?"
Kumislot siya nang marinig ang boses ni Gaizer. Napalabas siya bigla sa sasakyan at hinarap ang binata. Hindi siya nakapagsalita nang mapansin ang mga mata nito na naglalaro sa kanyang katawan. Itim ang underwear niya kaya bakat na bakat sa suot niyang manipis na pantulog.
"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong nito nang ipakita sa kanya ang hinahanap niyang cellphone.
"Oo. Bakit mo kinuha?" akusa niya.
"Ops, hindi ko ito kinuha. Naiwan mo. Ibibigay ko sana sa iyo kaso akala ko tulog ka na," anito.
Akmang kukunin niya ang cellphone ngunit ipinagkait nito.
"Akin na 'yan."
"Take it," hamon nito habang itinataas ang kanang kamay na may hawak sa cellphone.
"Akin na!" Naiirita na siya at pilit inaabot ang kanyang cellphone.
Lalo lang nito inilalayo ang cellphone. Ipinapasa-pasa nito sa dalawang kamay kaya para siyang tanga na hinuhuli ang kamay nito. Natatakot siya baka bigla nito iyong mabitawan. Regalo pa naman iyon ng papa niya sa kanya noong nakapasa siya sa exam.
"Ano ba! Akin na sabi!" napipikon nang sabi niya.
Ipinasok pa nito sa bulsa ng pantalon nito ang cellphone. "Kunin mo na.".
"Baliw ka talaga! Dudukutin ko talaga 'yan!" hamon niya.
"Go ahead!" natatawang sabi nito.
Walang alinlangang dinukot niya sa bulsa nito ang kanyang cellphone pero nahirapan siyang hugutin dahil masikip. Biglang pumiksi si Gaizer at naipit pati kamay niya sa bulsa nito.
Itinulak siya nito. Bumangga ang likod niya sa harapan ng kotse. Nakaipit pa rin ang kamay niya sa bulsa nito. Natigilan siya nang igiit siya ng malaking katawan nito. Hinawakan nito ang kamay niya'ng naipit sa bulsa nito saka iyon inilabas.
"Baliw, palayain mo ako," samo niya rito sa hinahapong tinig.
Lalo lamang siya nitong ikinulong sa mga bisig nito. "Baliw kung baliw ang gusto mong itawag sa akin. Pero sa lahat ng baliw na nakilala mo, ako lang ang kaya kang baliwin sa kaligayahan. Kung palalayain kita, para mo na ring hiniling na saktan kita," wika nito sa malamyos na tinig.
Sa paglapit ng mukha nito sa mukha niya ay sumabay ang pagtulay ng mainit nitong kamay sa makinis niyang braso. Nang umiwas siya ng tingin sa mga mata nito ay ginulat siya nang agarang pag-angkin ng bibig nito sa kaniyang mga labi. Tinangka niyang itulak ito sa dibdib ngunit nanlumo siya nang dumaiti ang matipuno nitong dibdib sa kanyang dibdib.
She tried hard to locked her mouth but Gaizer's strong tongue pushed her lips, parted them and sucked her tongues as he got inside. The heat burned her control. Nakahinga lang siya nang pakawalan nito ang kaniyang bibig. Ang pangahas nitong mga labi ay humapuhap ng halik sa kanyang leeg.
Nangatog ang mga tuhod niya at tila unti-unting tinutupok ng mainit nitong halik at haplos ang kanyang kamalayan. Nang bumalik ang labi ito sa kanyang bibig ay muli nito iyong buksan at ginalugad ang kanyang panlasa. Natutukso siyang salubungin ang marubrob nitong halik ngunit lumalaban ang isip niya. Hindi dapat maulit ang nangyari noon sa kanila.
Nahimasmasan si Alexa nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na naroon pa rin sa bulsa ng pantalon ni Gaizer. Nilubayan siya nito ng halik. Narinig niya ang malakas na pagtagis ng bagang nito na puno ng frustration. Pakiramdam niya'y binuhusan siya ng malamig na tubig.
Even her can't get over the hot scene that started to evade her whole being. But thanks to the call, it saved her from the temptation.
Mabilis niyang hinugot mula sa bulsa ni Gaizer ang kanyang cellphone saka itinulak ang binata. Napindot niya ang answer key kahit hindi pa siya handang magsalita, at hindi niya nakita kung sino ang tumatawag.
"Hello?" aniya.
"Alexa? Where are you?" Boses ni Franco.
Bigla siyang kinabahan. "F-Franco?" manghang untag niya.
"Yes. Kanina pa ako tumatawag sa iyo. Nariyan ka pa ba sa Tagaytay? Tumawag ako sa papa mo. Hindi ka pa raw umuuwi."
"Ahm..." tiningnan niya si Gaizer na noo'y nakasandig sa harapan ng kotse nito habang nakahalukipkip at pinapanood siya.
Pilit niyang ikinakalma ang kanyang sarili upang mawala ang hingal niya.
"Hey, are you okay?" tanong ni Franco.
"Ah, y-yes, I'm fine. Ano kasi nandito kami sa bahay ng Lola mo. Naisip ni Gaizer na dumaan dito. Kaso hindi kami pinayagan ni Lola na umuwi kaagad," paliwanag niya.
"Magkasama kayo ni Gaizer?!" gilalas na untag nito.
"Kuwan, oo," balisang tugon niya. Panay ang sipat niya kay Gaizer na kalmado lang. "Hindi kasi namin natanggihan si Lola. Matagal na pala silang hindi nagkita ni Gaizer. At saka hinahanap ka nga rin ni Lola." Pilit niyang pinapasigla ang tinig niya kahit para siyang inuusig ng damdamin niya na nagsisilakbo habang pilit iniiwasan ang tingin ni Gaizer.
"Okay. Kumusta si Lola?" ani Franco.
Para mas komportable siya, lumakad siya palayo kay Gaizer. Umupo siya sa bench sa tapat ng water fountain sa gitna ng hardin.
"Okay naman si Lola. Miss ka na niya."
"Pakisabi hindi pa ako makakapunta riyan dahil marami akong kailangang tapusin."
"Pero birthday niya sa Linggo. Inaasahan niya na pupunta tayo. Nagtatampo siya sa 'yo."
"Nasa Cebu ako niyan para sa huling taping ng series commercial na ginagawa namin. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. O kaya ikaw na lang ang pumunta para makapagbakasyon ka. Maganda ang place riyan. Si Gaizer ba pupunta rin?"
"Oo, sabi niya. Kung hindi ka kamapunta, hindi na rin siguro ako pupunta," aniya.
"No, mas lalong magtatampo si Lola. Pupunta naman pala si Gaizer kaya okay lang kahit wala ako. Mas paborito ni Lola si Gaizer. Ikaw na lang ang proxy ko tutal nariyan ang project ninyo. Para naman makapag-relax ka."
"Sige, titingnan ko."
"Don't worry, after ng Cebu project pagbalik ko ay aasikasuhin na natin ang kasal. Mag-ready ka na rin para walang hustle, okay?"
"Okay."
"I'll call you tomorrow if nakauwi ka na. We need to talk about the issue against us. Sa tingin ko may gusto talagang sirain ang plano namin. Sige na. Bukas na lang kapag nakauwi ka na. Mag-ingat ka baka minamanmanan din ni Gaizer ang kilos mo."
"Sige."
"Bye. Magpahinga ka na," sabi nito saka pinutol na ang linya.
Humugot siya ng malalim na hininga. Paulit-ulit na buntong-hininga bago siya nakaramdam ng ginahawa. Nang tumingin siya sa garahe ay wala na si Gaizer sa tapat ng kotse nito. Tumayo na rin siya at lumakad papasok sa kabahayan.
Dahan-dahan siyang pumasok sa kuwarto ni Kristel at humiga sa tabi nito. Nahihirapan siyang makatulog. Nababagabag siya hindi sa sitwasyon niya kay Franco kundi sa unti-unting pagsibol ng hindi niya maipaliwanag na koneksiyon niya kay Gaizer.
Habang pinipilit niyang iwasan ang binata ay lalo itong dumidikit sa kanya. Hindi niya alam kung sinasadya nito o bugso lamang ng kanilang mga damdamin. Hindi maaring maligaw rito ang nilalaga niyang pagmamahal na dapat ay para kay Franco na pinili niyang pakasalan.
Habang gising ang diwa niya ay wala itong ibang nilalaman kundi si Gaizer. Naiisip niya ang mga tagpong unti-unti nitong pinapalago at tuluyang magtatali sa kanya sa puso nito. Malakas ang tiwala niya sa sarili na mapipigilan pa niya ang kanyang damdamin. She must be careful next time.
ALAS OTSO na ng umaga nagising si Alexa. Paglabas niya ng kuwarto ay tahimik ang kabahayan. Malamig pa rin ang klima kahit tirik na ang sikat ng araw sa labas. May naiwan pang hamog sa paligid. Kumakalam na ang sikmura niya. Hindi kasi siya sanay maghapunan nang maaga kaya dinamdam niya ang gutom paggising niya.
Pagpasok niya sa kusina ay naabutan niya si Gaizer na nag-aalmusal ng pancake at mabangong kape na native.
"Good morning!" nakangiting bati nito. "Napuyat ka ata kagabi. Dapat kanina pa tayo bumiyahe pabalik ng Maynila kaso ang tagal mong nagising," sabi nito, pumalatak na.
Naiinis siya. Dahil sa mga ginawa nito kagabi kaya hirap siyang nakatulog. Hindi siya kumibo. Umupo siya sa kabilang dulo ng mahabang mesa. Ito ang nakaupo sa kabilang dulo. May pagkaing nakahain sa gitna. Kumuha siya ng fried rice at pritong isda. Gumawa siya ng sawsawang toyo at kalamansi.
"Iiwan na sana kita kaso mahihirapan kang makasakay rito. Nasa Batangas kasi ang service ni Lola dahil nag-deliver ng mga troso," anito.
"Sana umalis ka na lang. Makakauwi rin naman ako mag-isa," masungit niyang wika.
Tumigil sa paghigop ng kape si Gaizer. "You know, you are obviously uncomfortable working with me, Alexa. Sana tinanggihan mo na lang ang project kung hindi ka naman masayang kasama ako. Maraming magagaling na architect sa Sta. Maria," anito.
Pinukol niya ito ng mahayap na tingin. "It's not about the project, Gaizer. Wala kang consideration. Kung alam ko lang na mag-e-stay tayo rito, sana hindi na ako sumama sa iyo."
"So, are you scared?"
"Scared for what?"
"For having an affair with me." Nanilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
"I'm getting married, Gaizer, so please stop flirting with me! I'm not a woman you think is easy to get. Huwag mong sirain ang reputasyon ko!" nanggigigil na pahayag niya.
Ngumisi pa ang binata. "You still have a choice, Alexa. Kissing you is not a big deal. Remember that we're not just kissing each other. I felt your eagerness to respond, but you were distracting yourself. Come on; if you don't want any connection with me, you may stay away from me. And you can do this if you leave my company," seryosong wika nito.
"Pinapalayas mo ba ako sa Sta. Maria? Are you out of your mind? I'm not here for you. Narito ako para kay Franco. Hindi ka pa dumating ay nakapuwesto na ako sa Sta. Maria," buwelta niya.
"Yes, because of Franco. But don't insist that you love him because you're obviously lying! Huwag ako ang utuin ninyo. May pakiramdam ako na arranged ang pagpapakasal mo sa kanya."
Kinabahan siya. "You just paranoid, Gaizer. Nagkakilala na kami ni Franco bago pa ako pumasok sa Sta. Maria," giit niya.
"You lied. I know there's another reason."
"I don't care what you're thinking. Magpapakasal ako kay Franco dahil mahal ko siya!"
"Prove and show it," tumayo si Gaizer. "Pero once napatunayan ko na may iba pang dahilan ang kasal at may kinalaman ito sa mana, I assure you, pagsisisihan mong pumayag ka sa agreement na iyon. Hindi ako manonood lang habang ikinakasal kayo," patuloy nito sa mapanghamong tinig saka ito umalis.
Sinalakay ng kaba si Alexa. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksiyon ni Gaizer. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ito kaapektado. Kung tungkol iyon sa mana, maraming mas madaling paraan para manalo ito na hindi nito kailangang pakialam ang pagapakasal nila ni Franco.
"Nababaliw na siya," usal niya saka itinuloy ang pag-aalmusal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top