Chapter 5

ARCADIA

Kumalat sa buong kwarto ang amoy ng dugo ng babaeng hawak ni Ice. He brought a human here! Napapikit ako nang mas maamoy ko ang dugo niya. There is something duon na parang ang bango bango.

Hindi ko namalayan na pumula na pala ang mga mata ko at lumabas ang pangil ko.

Tumayo ako at lalapit na sana kila Ice pero pinigilan ako ni Kazan.

"Dito ka lang," he commanded. Bumalik ako sa tamang wisyo at nawala ang mga pangil ko.

Tumingin ako kila Ash, Sid at Zurie. Parehas rin ang reaction nila sa naging reaction ko.

"Saan mo nakuha yang taong yan, Ice?" Lumapit si Vlad sa kanila at ganon si Ash, Sid at Zurie

"Back off." Matigas na sabi ni Ice dahil kitang kitang ang pag pula ng mga mata nila.

"Malaking gulo to Ice." Pag singit ni Evan na naka tingin kila Ash na nakapalibot kay Ice.

Tahimik lang ang mga witches na nasa likod habang pinapanood ang mga bampira na nagkakagulo.

Lumapit si Sid sa kanila at hinawakan yung babae. Kayang basahin ni Sid ang buhay at nakaraan ng kahit sinong hahawakan niya.

Lalapit din sana ako sa kanila pero mas hinigpitan ni Kazan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Anong nakita mo Sid?" We can see no emotion sa mga maga ni Ice.

Tila nagulat si Sid sa sarili at napa-atras. Lumapit naman si Zurie sa kaniya at tinanong kung anong nakita niya.

"Wala. Wala akong nakita." Umiiling na sabi ni Sid.

"Tell me, Sid. Anong nakita mo?" Mas lumalim ang boses ni Ice. At tulad nga rin ng pangalan niya na malamig, lumamig din ang buong paligid.

"Wala akong nakita Ice. And don't ask me kasi I don't even know why." Balik na sagot ni Sid kay Ice.

"Mga Alpha! May mga naka pasok na rouges sa loob ng Academe!" Mayroong isang wolf ang tumakbo papunta sa room namin.

"Idala mo muna siya sa Castle Ice. Delikado yang babaeng yan dito." Bilin ni Kazan dito bago tumayo habang hawak hawak pa rin ang kamay ko.

Tinanguan ng isang beses ni Ice si Kazan bago pumunta sa castle.

"Damn! Wrong timing naman yang mga yan, wala ako sa mood magpapawis." Rinig kong reklamo ni Rhett habang naglalakad din palabas.

"Wag ka ng sumama, mate. Bumalik ka na muna sa kwarto mo." Tinaasan ko ng kilay si Kazan dahil sa sinabi niya.

"Excuse me pero anong tingin mo sakin? Weak?" I rolled my eyes at him. Nakangiting naiiling lang siya sa akin.

"Tara." yaya sa amin nila Ash.

Nag transform na sila Kazan, Rhett, Evan, Russel, Astrea, Kari at Victoria sa kanilang wolf form. Nag kalat sa sahig ang mga punit punit nila na damit.

Hindi ako nag transform dahil sasakay ako kay Kazan.

"Sakay na." pag utos sa akin ni Kazan gamit ang mind link kaya naman agad akong sumakay sa likod niya.

Pinangunahan na ni Kazan ang pag takbo na sinunandan naman ng iba. Pag dating namin duon ay nakikipaglaban na ang mga prime vampires sa mga rouges.

Kung tutuusin ay mahina lang naman sila, ang problema lang ay masyado silang marami at ang nakakapagtaka lang ay kung paano sila naka pasok dito sa Academe.

"Astrea at Kari ialis niyo ang mga wolves at vampires dito!" Utos ni Vlad kila Astrea at Kari habang nakikipag laban.

Hindi pa kasi gaanong trained ang mga bampira at lobo kaya andito kami para protektahan sila.

Tinanguan ni Astrea at Kari si Vlad pagkatapos ay tumakbo papunta sa mga bampira at lobo na hindi alam ang gagawin.

Hinugot ko ang sword na nasa likod ko. Hindi ako mag tratransform sa wolf ko hangga't kaya ko pang makipag laban.

Parehas kami ng sword ni Vlad ang pinagkaiba lang ay ang kulay. Asul ang kulay ng akin habang itim naman ang sa kaniya. Ang mga weapons na hawak namin ay ibinigay sa amin 500 years ago kung kelan kami nag start mag training.

I can easily kill rouges with this sword. Pinupuntirya ko ang dibdib or utak nila. That is their weak spot.

I can't freeze the time ngayon dahil mauubusan ako ng energy. I can hold them for only 5 minutes and bagsak din ako ng limang araw pagkatapos nun.

"This shits are so annoying." Iritadong sabi ni Sid habang nakikipag laban sa likod ko. He is using his hands to kill and defend himself.

"Yeah, right." Zurie said while targeting the rouges with her bow and arrow. She looks so bored sa ginagawa niya.

Napailing nalang ako sa kanila at ipinagpatuloy ang pakikipag laban. May isang rouge in its wolf form ang lumapit sa akin. Tinalunan niya ako para atakihin pero nag slide at nag bend ako habang naka taas ang sword ko kaya nahati yung wolf sa dalawa.

"Doneeee~" Pakantang sabi ni Zurie habang inaayos ang bow niya.

Tinignan ko ang paligid na punong puno ng mga rouges na unti unting nagiging abo.

"This is new,"  Sabi ni Vlad habang naka tingin sa paligid. Ganon din sila Sid na inaayos ang mga sarili.

"This is all because of the human." Dumating ang mga witches dito sa amin.  Nakatingin din sila sa mga rouges na nagiging abo.

"You mean yung dala dala ni Ice?" Tanong ni Zurie habang naka turo pa sa castle na kung nasaan sila Ice.

Tumango si Zamantha as an answer sa tanong ni Zurie.

"Problema na naman." Singit ni Sid habang pinupunasan ang dugo sa kamay niya.

"Kailangan natin itong sabihin kay Lady Kira." Suggestion ni Vlad. Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakatingin din sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.

"You need to get that eyes off kay Arcadia, Brother." Pang aasar ni Ash kay Vlad na sinundan naman ni Zurie.

"Oh my gosh, kuya. Ginagalit mo si Alpha Kazan!" And nag tago pa si Zurie sa likod ni Vlad.

Lumingon ako sa likod ko at nakita kong naka tayo sa likod ko si Kazan habang masama ang tingin kay Vlad. Naka tingin din si Vlad kay Kazan ng masama.

We can all sense sa tension between the two.

"Bro, tara nalang icheck ang pack." Hinawakan ni Rhett si Kazan sa balikat. Alam kong iniiwas niya lang si Kazan sa Tension.

"Let's go, mate." diniinan pa ni Kazan ang pag sabi ng 'mate' tapos ay tinignan niya si Vlad ng madiin at hinawakan ang kamay ko bago ako hinila.

Lumingon ako kay Vlad na naka tingin sa kamay namin ni Kazan na magkahawak. Itinaas niya ang tingin sa akin at tinanguan ako bago tumalikod.

•••
CONTINUE READING...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top