Chapter 33

ARCADIA

Pinatunog ko ang leeg ko tapos ay hinarap ko ang mga andito sa Woodbourne.

"Sabihin niyo sa akin kung nasaan sila Vlad and I'll consider not killing you all." I said for the last time.

Pero walang nag salita sa kanila at mas nainis ako dahil duon. Walang kahit sino ang pwedeng hindi ako sagutin.

"You just answered your death." Inilabas ko ang pangil ko, alam kong nakikita nila kung gaano kapula ang mga mata ko. Even my veins, alam kong kitang kita nila yun.

"I'll give 10 seconds to hide." Nilingon ko si Medea na naka tayo lang sa likod ko.

"10..."

"9..."

"8..."

Nag simula silang pumasok sa kani kanilang bahay maliban sa mga malalakas ang loob na nanatili na kaharap ako para labanan ako.

"7..."

"6..."

"5...."

Nginisian ko si Medea na pinapanood lang ang susunod na mangyayari.

"4..."

"3..."

"2..."

Using my vampire speed pinuntahan ko ang sila sa pwesto nila.

"1..."

Pinutol ko ang ulo ng dalawang wolves na nasa malapit lang sa akin. They all tried stopping me but keep on failing

Merong nag hagis sa akin sa kadena para ma-ilock nila ako pero balewala ko yung pinugtas.

"Bitch." Bigla akong tumilapon sa sahig dahil sa biglang pag dating ni Astrid at pag suntok sa akin.

Pinunasan ko ang dugo na nanggaling sa labi ko.

"So you're here again?" Napatingin ako kay Augustus dahil sa sinabi niya. I still can't believe that my brother can to this.

Alam kong nasa ilalim siya ng spell ni Medea pero hindi ko maisip na magagawa niya ito.

"Looking for them eh?" Ramdam kong mas pumula ang mata ko nang may inihagis sa harap ko si Red.

Si Vlad, Kazan, at Kade. Naka kadena ang buong katawan nila, punit punit ang damit ang puno ng galos.

Agad akong lumapit sa kanila pero may hindi ko sila mahawakan dahil sa spell ni Medea.

"Listen to me, Augustus. Pakakawalan mo sila o kalilimutan kong kapatid kita," Ako ang nasasaktan sa mga sinasabi ko pero wala ng ibang way.

Nakita kong nag angat ng tingin si Vlad sa akin. He is not saying any words naka tingin lang siya sa akin at mukhang hirap na hirap.

Ramdam ko ang mas lalong pag pula ng mga mata ko.

"He doesn't even know na kapatid ka pala niya, too bad for you Arcadia." I hissed at Medea dahil sa sinabi niya.

I attacked Medea dahil sa sinabi niya. Kung mapapatay ko si Medea, mawawala ang spell sa kapatid ko.

But hindi pa ako nakakalapit nang sanggain ni Red ang atake ko kaya napahinto ko.

"Dadaan ka muna sa akin," he smirked. Red is also a brother to me, we knew each other for centuries.

Hindi ko pinansin si Red at pinuntahan ulit si Medea pero hinarangan ako si Astrid so I have no choice but to kick her away from me.

Napahinto kaming lahat dahil sa biglang pag dilim ng kalangitan at pag litaw ng buwan.

Damn! Another blue moon?

"You can surrender yourself as our blue moon sacrifice or we can take all three of these guys as our blood sacrifice." I gritted my teeth dahil sa sinabi ni Medea.

Ito ang plano niya, lahat ng nangyayari ngayon ay naaayon sa plano niya.

"You'll take no one, Medea," That was my final answer.

I attacked her but this time I am not letting the allegorical vampires to attack me. Kung aatakihin man nila ako, nilalabanan ko sila.

"You can't win against me, Medea."  I grabbed her neck at isinandal sa pader. I can pull her heart out now but that'll be too easy for her.

Pinikit niya ang mata niya tapos ay pinatalsik ako.

She started casting some spell at parang hinihugot ang lakas ko sa bawat salita na binibitawan niya.

"I'll take Vlad firstly then." Lumapit siya kay Vlad na naka luhod sa sahig.

Hindi ako maka alis sa higpit ng pagkakahawak sa akin ni Red at Augustus.

Inangat ni Medea ang mukha ni Vlad gamit ang buhok nito. Half open ang mata ni Vlad na naka tingin sa akin, kitang kita kong ang hirap sa mga mata niya.

I'll kill you, Medea!

"Ops. Hindi ikaw ang gusto ko." Binitawan ni Medea si Vlad at lumapit sa akin.

Inangat niya ang mukha ko gamit ang fore finger niya. Masama ko siyang tinignan at pinilit na kumawala kila Augustus at Red pero masyadong mahigpit ang hawak nila.

I never felt this weak before, isama mo pa ang spell ni Medea na nagapapahina sa akin.

"You can do the honor, Astrid." Walang emosyon akong tinignan ni Astrid at lumapit sa akin.

Umatras si Medea at may mga lumapit na higit na benteng mga witches at pina-ikutan kami. Mas lalong lumakas ang mga kidlat nang mag simulang mag salita si Medea.

"Accept our strongest sacrifice as an exchange for a stronger power." At pagkatapos nun ay nag simula ng bumanggit ng kung ano ang mga witches.

Damn it! This is not what I am expecting.

Napatingin ako kila Vlad, Kade at Kazan. Pinipilit nilang maka tayo kahit na halatang halata na hirap na hirap sila.

Nang makita kong nag transform si Kazan sa wolf form niya at nag simula na akong manlaban.

Inapakan ko ang paa si Red tapos ay siniko sa mukha. Tumalon ako patalikod at sinipa sa likod si Augustus at ibinagsak sa sahig.

"Stop her," Medea commanded at may iba pang witches na lumapit.

Nag simulang sumakit ang ulo at ang buo kong katawan kaya bumagsak ako sa sahig.

Nag simulang umatake sila Kade, Vlad at Kazan pero may mga bampirang pumipigil sa kanila, kasama na si Astrid.

Dahil sa sobrang sakit ng buong katawan ko ay nahawakan ulit ako ni Red at Augustus. Lumapit sa akin si Medea at pumutol ng buhok ko.

Nagkaroon ng bilog na may bituin sa gitna. Lumuhod si Medea sa harap ko habang may hawak na silang dagger.

"It's ready." Mas dumami ang mga witched na pumalibot sa amin kaya mas lumakas ang boses niya at sumakit ang katawan ko.

"Game over, Arcadia Stone." Hinila niya palikod ang buhok ko at itinapat sa leeg ko ang dagger na hawak siya.

"Not yet, grandma." Tumalsik ang hawak ni Medea na dagger kaya napatingin ako sa nag salita.

I was stunned seeing Hezera standing meters away from us habang naka taas ang kamay. Sa likod niya, naka tayo sila Ash, Zurie, Sid, Ice, Hera, Gray, Evan, Rhett, Astrea, Victoria at Russel.

"Before killing my love, dadaan ka muna sa amin Medea." Tumayo sila Vlad, Kazan at Kade kasama sila Ash.

Here they are again, saving my ass.

•••

CONTINUE READING...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top