Chapter 41: Devil in Disguise
Lumipas ang ilang araw ay hindi ako pumasok sa klase.
Nasa hospital parin sina Yohann at Don.
Nasaksak si Yohann sa likod, salamat sa Diyos at walang maselang bagay ang natamaan. Rinig kong natrauma si Don sa nangyari kaya under observation pa sila sa hospital at hindi ko alam kung kailan sila makakalabas.
Alam kong nandoon ang ina ni William na nag-aalaga sa kanila. It somehow turned out how we planned. Kasalukuyang nagpapagaling si Divina mula sa tama ng baril at haharap sa patong patong na mga kaso. William's mom is fighting for adoption on both Yohann and Don.
Ang ikinasisisi ko lang ay napahamak sina Yohann at Don. I shouldn't have pried on things I'm not involved in, I'll just be making things worst.
Wala akong mukhang maihaharap sa kanila sa nagawa ko.
Miyerkules nung dumating ang mga magulang ko. They were furious when they got home from God knows somewhere at nalaman nilang hindi ako pumasok ng dalawang araw.
Wednesday and I finally went to school. Wala akong gana habang naglalakad papasok.
Nasa campus grounds na ako naglalakad at pinagsisipa ang isang bato ng may makabangga ako and she fell to the ground.
I didn't bother looking back, nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Hey! Aren't you gonna apologize for bumping me."
Napabuntong hininga naman ako. I'm really not in the mood.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko and forced me to face her.
Umaga umaga pero ang agang makaimbyerna ng babaeng to.
"What do you want Selena?" Malamig kong sabi
"Are not going to apologize?" Sabi pa niya habang nakapamewang.
"For what?"
"You bumped into me, and you didn't even bother helping me!"
Napakunot ako ng noo.
Dumadami ang umaaligid na tsismosa, and I know that she's doing it on purpose by deliberately raising her voice.
As far as I remember, ang laki ng daan pero sumiksik talaga siya sa daanan ko. I even made way when she passed but she magically fell down. She did it on purpose. This scheming bitch.
Tinignan ko lang siya. Talagang ayaw niya saakin.
"Look, I'm not looking for a fight, I just w-want a simple apology is that too much to ask?" sabi niya na parang siya ang naaapi, automatically gaining sympathy by the crowd. May papiyok piyok pang nalalaman.
"That nerd really has no manners."
"Ang bait talaga ni Miss Selena."
"Ang dapat sa nerd na yan, imudmod ang mukha sa bowl."
"Masahol na nga ang mukha pati pa ang ugali. The nerve."
"Miss Selena is really a Godess. Omo."
We were getting comments from the crowd and it looks like a land slide victory for her.
I saw a smirk hidden in her fake teary eyes.
Mukhang nakuha na niya ang gusto niyang reaksyon mula sa mga manonood.
"I'm not going to apologize for something I didn't do. " Walang gana kong sabi. I'm really not in the mood for anything.
"Ang kapal talaga ng mukha ng nerd na yan!"
"Hoy nerd, magsorry ka! Walang manners."
"It was you who bumped me, I'm not about to apologize for your stupidity."
What I said left a bitter taste in my mouth. I think I heard it somewhere before. Biglang sumulpot sa isip ko iyong hinayupak na lalaking Nicholas Kaizen King III. Napailing nalang ako.
Alam kong mas lalong magagalit ang mga manonood sa sinabi ko pero wala akong pake. It's not like I'm trying to impress them, their opinions don't matter to me.
I can see Selena was pissed but people are to dumb to see through her facade.
Her eyes were getting more teary, at nanginginig din iyong labi niya.
"A..no bang ginawa ko sayo? If I ever done something that made you hate me, I'm sorry but I refuse to be your victim." she said like some righteous princess. Mukhang bagay nga talaga sa kanya ang drama club. Parang narinig ko na to eh, di ko lang alam saan.
Nanatili akong walang imik.
"Kung naiingit ka man, it's not my fault but please don't hurt people. They have feelings too!" Biglang bumagsak iyong mga luha niya at may pahawak-hawak pa sa dibdib niya.
Pumiyok siya.
"I..I'm sorry everyone."
She quickly turned around and ran away. I could see her smirking from a distance away.
That two faced bitch.
Para sa mga taong nanonood, para itong isang anghel na inapi ng walang kalaban laban.
But she really is a devil who ran away because she got the reaction she needed from the crowd.
And now I'm left with a bunch of angry people seeking for my death.
"Magbabayad ka talaga sa ginawa mo."
"Wala kang konsensya."
"Die you ugly nerd."
"Naiingit ka lang kasi ang ganda ni Miss Selena, ang panget mo."
"Basura talaga."
I ignored them and continued walking ng pinaligiran nila ako.
"Sa tingin mo ba, pagkatapos mong paiyakin si Miss Selena ay makakaalis ka ditong walang gasgas ha?"
I sighed. I knew I shouldn't have come to school today.
Tinignan ko sila habang hinahanda na ang kamao ko.
"Scram."
Biglang natigilan ang lahat ng dumating si Cole.
He was in his haughty aura and blank look. May headset sa leeg niya at nakabukas ang unang butones ng uniporme niya.
"Are you all deaf? I said fuck off."
Mabilis namang nagsi-alisan ang mga tao.
Umalis na din ako.
"Not you."
Napabuntong hininga naman ako at nakinig sa kanya.
Pareho kaming naglakad papunta sa classroom namin.
"He was looking for you." bigla niyang sabi. Tumango lang ako. "Na-discharge na si Yohann ngayon."
"Mabuti." tugon ko.
Ilang minutong katahimikan ang nagdaan.
"You know, it's not your fault." sabi na naman niya.
Hindi ako sumagot. He groaned and held me shoulder. Mukhang nainis na siya.
"Listen up stupid nerd, I'm not good in comforting so pick yourself up or I'll..."
"You'll what?"
Inalis naman niya iyong kamay niya at napamulsa.
"Tss, ang pangit mo talaga." sabi niya at naunang pumasok sa silid.
Pambihirang mood swings ng lalaking ito, nakakabadtrip.
Pagpasok ko ay naka-ubob na si Cole sa upuan niya sa likod habang nasa tenga iyong headphones.
Ramdam ko naman iyong mga masasamang tingin sa akin ng mga kakalase ko pero mukhang mas dumoble ngayon. Pero pake ko ba, ni hindi ko nga alam ang mga pangalan nila.
Sa sulok ng mata ko ay nakita ko si Selena na pinapaligiran ng mga kaklase namin. It seems like they were comforting her.
Now I know where those glares are coming from.
Tahimik lang ako sa upuan ko at ihinilig ang pisngi sa kamay ko.
Maya maya pa. Pumasok si William, nagulat naman ako ng hindi siya nag-iisa. He was aiding Yohann as if ano mang oras ay matutumba ito although Yohann looks fine to me. Mukhang nagbabangayan nanaman sila.
"Mas gwapo parin ako sa iyo." Rinig kong sabi ni Yohann.
"Mas gwapo ako, tanda mo nung pumunta tayo sa mall, mas maraming babaeng makatingin sa akin kahit nga lalaki, nababakla na siguro." pagmamalaki ni William
"Ulol, bukas lang zipper mo."
"Taena, ba't di mo sinabi?!"
"Akala ko pinagmamalaki mo lang yung brief na binili ng mama mo. Batman amputa, di ko alam yun pala type mo."
"Ahahaha sasabihin ko kay mama na bilhan ka ng Robin na brief baka naiingit ka lang eh."
"Ulol mo." Nagsakalan naman sila.
Di ko maiwasang mapangiti. Mukhang maayos na sila.
Nagtagpo ang tingin namin ni Yohann. The second our eyes met ay umiwas agad ako. I can't look him in the eyes knowing na ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente.
I knew Yohann was going to sit by me dahil papunta siya sa direksyon ko kaya agad akong tumayo at umalis sa room.
"Miss---" he stopped midway ng matauhan siya sa sinigaw niya.
I'm too guilty to face him right now.
Naglakad ako sa kabilang building at tumambay sa rooftop. Dito yung binugbog ko si Jethro back when he was acting like a creepy stalking loser.
May karton doon kaya inilatag ko sa sahig at humiga.
Napapikit ako at dinadamdam ang paligid. It was peaceful at tanaw na tanaw mo iyong bughaw na kalangitan at mga ulap, mahangin rin.
Mukhang mapapadalas ako dito.
Kahit papaano ay napanatag na ako. It looks like the William-Yohann duo are back together.
I took a nap soundly with that in mind.
Nagising ako ng may pumapatak sa mukha ko.
Nagdidilim na pala ang kalangitan at mukhang uulan pa. Biglang tumunog ang sikmura ko kaya napatingin ako sa relo ko.
The fudge, alas dos na pala! Napahaba yata ang tulog ko. It was all because of the sleepless nights brought by guilt.
Tumayo na ako at bumaba na mula sa rooftop.
Dumiretso ako sa cafeteria na halos wala nang tao dahil oras na ng klase.
Mag-isa akong kumakain habang dinadamdam ang pagkain at ang katahimikan. Despite that, I still find the food bland.
Di ko talaga feel ang araw na to.
Tatlong subo nalang at mauubos na nang may apat na tao ang lumapit sa akin.
Isang lalaki at tatlong babae.
"Well, if it isn't the slut who's desperately seducing Cole."
"She really loves having a bad reputation. Kanina lang ay nagpakita siya ng pagkaasal hayop niya kay Selena. "
"My ghad, attention seeker talaga."
"Sabagay kulang sa pansin ng magulang."
Nagtawanan sila as if I wasn't there.
Umupo iyong lalaki sa mesa at kinuha iyong mogu-mogu ko na hindi pa nabubuksan.
Binuksan niya ito at ininom.
I glared at him.
How dare him drink what's mine.
Napansin niya yung tingin ko kaya napatigil siya.
"Anong tinitingin mo ha? Gusto mo?"
Inalok niya sa akin pero hindi ko tinanggap.
His filthy lips had already tainted it. Asa namang iinumin ko pa yun.
"Ayaw niya eh, baka ayaw niya inumin." Sabi nung isang babae at inagaw sa lalaki ang mogu mogu at ibinuhos sa plato ko.
"There, eat this like a dog."
Nagtawanan naman sila.
I exhaled deeply at tumayo na. Aalis sana ako ng itulak nila ako palayo.
"San ka pupunta? We're not done with you yet."
My patience reached its limit.
Tinulak ko patumba iyong mesa dahilan para mahulog iyong lalaking nakaupo.
"Pick on me next time I have a mood for it." walang gana kong sabi sa kanila.
"Gago ka, tuturuan na kita ng leksyon ngayon!" Galit na sigaw nung lalaki.
Mabilis kong binawi iyong mogu-mogu doon sa babae at ibubuhos sana sa mukha niya nang inambahan ako ng suntok nung lalaki.
Iiwasan ko sana ng may sumalag sa kamao nung lalaki mula sa likod ko.
Pinilipit niya iyong kamay dahilan para mapasigaw iyong lalaki.
"Fuck off." sabi niya tsaka binitiwan iyong lalaki.
"K..king." pautal na sambit ng mga ito.
Agad silang umatras.
"We'll get you next time." Sabi nung isang babae sa akin sabay hila sa lalaki papalayo.
"You just came back to school and you're already making trouble. Stupid nerd. Hindi ka ba magpapasalamat?"
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Tss."
Inagaw niya mula sa kamay ko iyong mogu-mogu at diretsahang ininom.
Tinitigan ko naman siya.
"Anong tinitingin tingin mo diyan, bibilhan lang kita ng iba sa susunod. Uhaw lang ako."
"That guy drank from that."
Bigla naman niyang naibuga iyong ininom niya.
"Fuck." Mabilis niyang pinahiram iyong labi niya tsaka ibinato kung saan iyong bote.
Di ko mapigilang mapatawa.
"You look cute when you laugh."
Agad akong napatigil. I think I heard it wrong.
"A..no?"
Biglang naging balisa ang mukha niya na parang may sinabi siya di niya dapat sinabi.
"Sabi ko ang panget mo. " Mabilis niyang sabi at umalis.
Loading....loading....loading..
Did...did he just said I'm cute?
Sa di maipaliwanag na dahilan ay biglang nag-init iyong pisngi ko.
Snap out of it Helena, he just said 'cute' which is basically an insult to your beauty.
Cute and Queen Helena Cruz does not mix well together. I'm gorgeous, beautiful, pretty, mesmerizing, stunning. Damn it.
Papakainin ko talaga ng thesaurus ang lalaking to walang hiya siya.
Damn it why am I blushing?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top