Chapter 9
Zyrene
Maaga naman akong nagising dahil kay Rica. Aalis na kasi ito dahil may emergency daw sa kanila. Hay! Isang araw na lang nga ang field trip namin eh saka pa siya aalis. Kaya ang nagawa ko lang eh ang ihatid siya sa labas ng hotel.
Nang makasakay na siya sa kotse nila ay agad akong pumasok sa hotel at dumiretso sa resto ng hotel. Mauuna na lang akong mag-almusal tutal naman eh pwede kahit anong oras ka kumain dun. Magpakita ka lang syempre ng i.d mo.
Nang makakuha na ako ng pagkain ay agad akong naghanap ng magandang pwesto. Papunta pa lang ako malapit sa veranda, napansin ko na may kumakain na rin doon. At hindi nha ako nagkamali, si Zero. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Good morning, pwede bang maki-share ng table?" tanong ko
"Who are you?"
Hala! Hindi na niya ako kilala. Teka, kung ganun panaginip lang yung kagabi? Medyo nahiya naman ako. Sino ba naman ako na kumausap sa isang kasapi ng F4.
"Sorry. Sige"
Tatalikod na ako ng marinig ko siyang tumawa ng mahina. Napalingon naman ako sa kanya.
"Joke lang. Come and join me" aya niya
"Ha ha. Wag mo nga akong ganyanin. Hindi yun nakakatuwa ha" agad akong umupo
"I'm just testing your fighting spirit"
"Fighting spirit ka diyan. Mukha kaya akong tanga na kinausap ko ang isa sa mga F4. Akala ko magkasundo na tayo yun pala di mo 'ko kilala. Ang bad mo"
"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga. Now I know kunh bakit mo napatulan yung kaibigan ko"
"Tss! Kaibigan mo pala yun. Di ko akalaing may kaibigan kang gorilla. Pero joke only. Wag mong sabihin yun sa kanya ha"
"Whay if sabihin ko. Anong gagawin mo?"
"Eh di maghahanda sa susunod na gera. Ano pa ba?"
"Mahirap kalabin si Zaijan"
"I know. Pero to think na hindi matatapos ang kademonyohan niya kung walang aapila. Yun ang turo sa akin ng mama ko. Kaya nga palaban ako palagi. Wala akong pakialam kung mayaman ka o hindi. Papatulan ko siya"
"Grabe, hugot ba yun? Madam Bertud, ikaw ba yan?"
"He! Kung saan napupunta ang usapan natin. Nga pala bakit ka napasama dito? Require rin ba sa inyo 'to?"
"Actually no. I am a business ad student, kaming apat. Nasa especial class kami dahil kami ang mas mataas ang antas kesa sa mga estudyante ng NSU. But my passion is art and music. Kaya aki nandito para maexperience ang field trip ng mha karaniwang tao, like you. No offense for that"
"No, I understand. So may plano ka bang mag-aral ng arts? Oo nga pala, anong field ng art ang gusto mo?"
"Painting"
"Painting? Hala parehas pala tayo"
"You like painting, too?"
"Yup. Since I was a child. Actually mahilig rin ako magdrawing. Hindi ko nga alam kong saan ako nagmana. Both sides of my parents, di ko alam kong sinong pinagmanahan ko"
"Maybe, sa father side mo?"
"Eh? Paano mo naman nasabi?"
"Wala lang, hula ko lang"
Napatango nalang ako. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na ang mga kasamahan namin sa field trip. Agad akong nagpaalam kay Zero.
Pagkatapos naming kumain ay agad akong nag-ayos ng gamit ko. Uuwi na kasi kami ngayong araw. Sa wakas makakapagpahinga na rin ako.
------------------------
A really tiring day for me. Medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa pagod galing sa field trip namin. Pero kailangan kong bumangon para tulungan ko ang mama ko.
Pagdating namin sa karinderya ay agad naming ipinuwesto ang mga ulam na ibebenta namin. Medyo marami-rami na ring kumakain dahil papatanghali na. Di ko naman inaasahan na bibisitahin ako ng pinakamagandang bestfriend ko.
"BF!" sigaw ni Liana
"BF!" sigaw ko rin
Nagyakapan naman kami with matching patalon-talon pa. Gosh! I miss this girl.
"Kumusta ka na bf? Buti buhay ka pa" tugon ni Liana
"Gaga! Obvious naman di ba? Nagyakapan pa nga tayo eh" biro ko
"Oo na pilosopo ineng!"
Nagtawanan lang kami. Nag-excuse na muna ako kay Liana upang magpaalam kay mama.
"Ma, kwentuhan muna kami ni Liana. Okay lang po ba?"
"Ano? Nandito si Liana?"
"The one and only po. Kumusta po" bati ni Liana
"Naku eto at busy sa karenderya pa rin. Hala sige, doon na kayo magkwentuhan sa bahay"
"Salamat po ma"
"Sige tita"
Agad naman kaming pumunta sa bahay.
"Hay! Nakakamiss ka rin bf. Sayang talaga at hindi tayo magkasama sa iisang school"
"Oo nga eh. Sana nga makalipat na ako dun"
"Wait, hindi ka masaya sa eskwelahan na yun?"
"Sobra. Alam mo naman nakaset na ang utak ko sa PSU. Tapos di rin pala"
"Sana nga dun ka na lang. Nakakalungkot dahil wala ang partner in crime ko. Lalo na sa shop ni boss Kylle"
"Wait, nagtatrabaho ka pa rin dun?"
"Yup. Hindi naman ako pwedeng magstop dahil nakakatulong rin yun sa allowance ko especially nasa college na ako. Alam mo namang hindi basta-basta ang kinuha kong kurso"
"Bakit nga ba HRM ang kinuha mo?"
"Well, nainspired kasi ako kay boss" ngumiti ito
"Hala! Ano yang ngiti na yan. May crush ka kay boss?"
"Crush lang naman. Saka may girlfriend na yun no. Samakatuwid, tinutulungan na niya si boss Kylle na palaguin ang shop"
"Di nga?" paghanga kung tanong
"Oo nga. Maiba tayo, may open pang position sa shop. Gusto mo bang bumalik doon?"
"Talaga?! Sige, payag ako!"
"Ay! Wala man lang thrill. Papayagan ka pa kaya ng mama mo?"
"Oo nga no. Sigurado akong di papayag yun dahil may nagsusustento ng pag-aaral ko" nanlulumo kong sagot
"May nagpapaaral sayo? Sino? Akala ko mama mo?"
"Yun nga eh, hindi ko kilala. At sigurado akong walang plano si mama na ipakilala sakin"
"Wow! Bigatin ka rin bf ha! Naku wag niyo na yang pakawalan. Chance na yan na ipinag-aral ka at in fairness, sa NSU pa! Jackpot!"
"Huh. Kung alam mo lang na malapit na akong mapuno sa nangyayari sa akin dun. Gusto ko na talagang lumipat ng school"
"Naku bf, tiis-tiis din pagmay time. Alam, sa mga katulad natin, kailangan nating magtiis para lang makatulong tayo sa pamilya natin"
"Wow! Hugot yun ha! 'San mo nakuha?"
"Ewan ko sayo. O ano na? Tatanggapin mo ba ang trabaho?"
"Kailangan ko pa talagang magpaalam eh"
"Ganun ba. O sige, di kita ipe-pressure. Basta balitaan mo ako kung tatanggapin mo ha"
"Okay. Aalis ka na ba?"
"Ah, oo. May assignment kasi kami. Kailangan kong tapusin"
"Wow! Estudyante ka na talaga"
"Matagal na no! Sige na. Tawagan mo ako ha at payakap ulit"
Agad ko namang niyakap si Liana. Hay! Namiss ko talaga siya. Kumalas naman ako.
"Same pa rin number mo?" tanong ko sa kaya
"Yep, aabangan kong tawag mo ha. O may traysikel na. Para!"
"Salamat sa pagdalaw ha. Tatawagan kita agad pagnakapagdecide na ako"
"Sige. Bye bf" sumakay na ito
"Bye bf"
Kinayawan ko siya hanggang sa umalis na ang traysikel. Hay! Sana nga pumayag si mama. Gusto ko na talagang sa eskwelahang yun.
But wait. Ting!
"Tama! I need that job para di na ako papag-aralin ng ........ kung sino man siya. Kailangan ko lang maghanap ng palusot kay mama para makapasok ako ulit sa shop. Tama. Yun ang gagawin ko"
Hehehe! Ang talino mo talaga Zy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top