CHAPTER 28

Chapter 28




Dareen Pov

Lahat nang nalaman ko from Tita Bienvineda hanggang ngayon na patungo kami sa bahay ni Chiara ay pilit ko pa rin iyong sini-sink in sa utak ko. I want to thank Tita for telling me the truth but at the same time parang gusto ko na wag muna iyon malaman.



Konting saya-saya pa nga ang nararanasan ko with Rap but here I am right now. Trying to fix my broken womanhood. Kidding. I'm trying to coax my aching and bleeding heart.



Rap was married. Rap had a wife. Rap almost have a child. If his wife didn't die then it would be a great family. Sa iniisip ko. Napapatanong na naman ako. Kung nabuhay lang sana ang asawa at anak niya. Would he be a great father? Would he be a good husband? At sa mga tanong ko ang utak ko lang din ang sumagot doon. Of course, he would be a great husband and a father.

Sa mga senaryong pumapasok sa isip ko parang isa-isa ay may karayom na tumutusok doon sa puso kong marupok. It hurts. It damn hurts!

Muling pumasok sa isip ko iyong panahon na sinabi niya sa akin na galit siya sa mga kagaya ko. Walang inhibasyon niyang sinabi sa akin iyon. Walang pagdadalawang isip at sinabi niya talaga iyon sa pagmumukha ko. Now, I know why.  Now, I know, kung bakit di niya pinapahawakan ang mga paintings niya. Ayaw niyang may gumalaw sa gawa ng asawa niya.

Thinking about the time we spend together. Iyong halikan namin, iyong yakapan namin, iyong mga landian namin, iyong mga masasayang oras ko na kasama ko siya... lahat ba ng iyon wala lang sa kanya?



Sinasakyan lang ba ni Rap ang kalandian ko sa kanya? Hindi ba siya nandidiri sa akin? Hindi ba siya nandidiri kapag tapos na kami? Hindi ba niya ako sinusumpa kapag tapos na kami? Kapag ba naghahalikan kami ako ba ang iniisip niya? Ang ang mas masakit na tanong. Totoo ba ang ipinapakita ni Rap sa akin? Or did he do all of those things to tame me?

Tapos sinabi pa sa akin ni Tita Bienvenida na iyong initial na letter 'R' sa mga paintings ay initial pala iyon sa pangalan ng asawa ni Rap na si Rhian. Bagay na bagay pala talaga sila. Same initial pa ang pangalan nila.

Despite of what I'm feeling sumama pa rin ako dito sa bahay nina Chiara. Ano rin naman ang gagawin ko doon sa bahay ni Rap? Magmumukmok? Iiyak? Mags-self reflect? Tsk! Di iyong bagay sa ganda ko!

"Dareen, we're here. Look. Our house is verrryyy beautiful, right?" Kilabit sa akin ni Chiara sa tabi ko. Napasilip naman ako sa bintana at napatango. Ang ganda nga noong bahay din nila kaso lang wala akong oras ngayon na i-admire iyon. My mind was full of hurtful thoughts. Di ako marunong mag-appreciate ngayon dahil sa nararamdaman ko na naghahalo.

Bumaba kami ni Chiara sa sasakyan ni mother-in-law. May bumukas sa gate na isang maid at binati agad si mother-in-law n'on at si Chiara pero dahil ma-attitude ang kaibigan ko di nagkibit lang iyon ng balikat niya. Nasa dugo na talaga nila siguro iyon.

Pagpasok namin sa bahay nila. Agad na sumalubong sa amin ang pamilya ni Chiara. May babae na nakaupo sa wheel chair at karga ang isang sanggol sa kamay niya habang nagpapa-breast feed. Si Ralph naman ay siyang tumutulak sa wheel chair noong babae na hula ko ay asawa niya.

"Mommyyyyy!!!" Tumakbo si Chiara doon sa Mommy niya at nahuhula sa tuwa ang kanyang Mommy. Yumakap lang si Chiara sa kandungan ng Mommy niya dahil may karga itong bata.

"I miss you so much Chiara!" saad naman nang Mommy ni Chiara.

"Mommy, Dareen." tawag naman ni Ralph sa amin. Lumapit si Ralph kay mother-in-law at humalik sa pisngi. Saka naman bumaling sa akin si Ralph. "Dareen, welcome to our home."

Ngumiti ako sa kanya at tumungo.

"Ang sarap tingnan ng pamilya mo Ralph." Di ko napigilang di purian ang pamilya niya.

How I wish  I experience this kind of love and bond from my family.

Kitang-kita ko kasi sa mukha nila na ang saya-saya nilang pamilya. Kontintong-kontinto sila sa isa't isa. Their love was overflowing in the air. Their house seems to shine because of them. 



Pinakilala ako ni Ralph sa asawa niyang si Yassy at agad na nagkalapit ang loob naming dalawa. Nakapagchismis pa nga kami ni Yassy ng konti about sa pagnganganak niya nang magsalita si Ralph. Ganyan na ako ka friendly kapag may dinadamdam.

"Anyway, nakaluto na kami dito. Why don't we eat first?" si Ralph.

We went to their dining area at sabay sabay kami na kumain. Si Chiara ay ayaw pang iwan ang kapatid niya dahil naaliw siya doon. Akala niya talaga laruan ang kapatid niya.


Ang ganda lang ng family ni Rap—ang mga taong nakapaligid sa kanya. They were openminded and get along with people easily. Kakakilala ko pa lang kay Yassy pero nagkakasundo agad kami at tanggap na tanggap niya ako. Nasabi ko kay Yassy na bakla ako at sinabi niya naman sa akin na naramdaman na daw niya iyon ng makita niya ako pagpasok sa bahay nila.

After ng dinner sa bahay nila Ralph ay pinahatid ako ni mother-in-law sa bahay ni Rap. Yassy and I wanted to talk pa sana kaso naubusan na kami sa oras at may baby na rin siya. Sinabi niya lang sa akin na makakapunta ako sa kanila anytime. Tapos si Chiara naman inaya pa ako na doon matulog sa kanila kaso di ako komportable na matulog doon. Ewan ko di lang talaga feel ng ganda ang matulog doon.



Pagdating ko sa bahay ni Rap akala ko pagdating ko doon ay nandun na si Rap kaso wala pa siya. When I walk on the hallway patungo sa kwarto ko ay napatigil ako sa isang painting na iyong kamay na magkaholding hands. I don't know, but a tear suddenly escaped from my left eye, then to my right eye too. Why have I never noticed it before? It was clear naman na kamay iyon nang lalaki at babae. At iyong kamay ng lalaki. I know kay Rap iyon tapos may suot iyong wedding ring. That is why familiar sa akin ang suot ni Rap na ring dati. Isang beses ko lang nakita na suot iyon Rap pero di ko naman makalimutan iyon.

Parang gusto kong umalis dito sa bahay. Thinking na bahay ito ni Rap... sa asawa niya. Ewan ko nakakabalisa para sa akin. Sana pala doon na lang ako natulog sa bahay ni Ralph kung ganito naman pala. Ang bahay ay napapalibutan ng mga paintings. Wala man ang asawa ni Rap pero ang buong bahay pagmamay-ari niya pa rin until now... and even Rap's heart, too—maybe.

Now, I should know my place in this house. I should remind myself why I am here. I should remind myself to draw lines between myself and the owner of this house... lines between myself and Rap.

I swiftly wiped my tears away and put my hands on my waist. I let out a deep breath and bowed my head. Another tear trickled down. Dammit! It really hurts. Masakit pa noong nahuli kong may katalik si Geoffrey. Masakit pa noong hiniwalayan ko si Geoffrey. What a shit is this!?

I thought I can admire this house to my heart content but I guess hindi rin. Kagaya ng feelings ko kay Rap.


I retreated and went on my room. I took a bath and change my clothes. I closed my eyes and try to sleep.



---

Kinabukasan para akong zombie. I didn't sleep even for a seconds. My eyes were closed but my mind was running. My thoughts were so alive.

Sabi ni Rap na uuwi naman siya kahapon but up until now wala pa rin siya. I'm glad na hanggang ngayon ay maayos pa rin ang takbo ng utak ko. Though my heart is aching and sometimes my tears falls without me knowing. Ayos pa naman ako. Yeah, I'm convincing myself na ayos lang ako.

Until the next day, wala pa rin akong nakikita kahit na animo ng isang Raphael Laurence Marcet. And I feel my heart sank into a never ending black hole. Rap didn't keep his words. Thankfully when sunday afternoon came dumating bigla sa bahay ni Rap ang bakla kong kaibigan na si Clemence. Of course wala naman akong ibang friend na bakla.



"Oh! Bat para ang namatayan? Bakit ganyan ang mata mo?" tanong niya sa akin ng pagbuksan ko siya sa gate. Pumasok siya at di ko inimik ang pangit niyang tanong.

"Clemence may pera ka naman diba?" tanong ko at nagsimulang humakbang.

Di ko na pinansin ang tanong niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at tumigil kami sa paglalakad patungo sa main door. Nanliit ang mata ni Clemence sa akin at pinagkrus ang braso niya sa harap ng dibdib niya.



"Heartbroken?"

I rolled my eyes.

"No." labas sa ilong kong saad.

"Liar!"

Napairap na naman ako. "Tsk. Answer me may pera ka ba?" tanong ko ulit sa kanya.



"Duh! Of course pero di ko kayang bumili ng isang house or condo for you."



I clicked my fingers. "That's good. Let go to an exclusive and expensive bar."



"Baks." usal niya.



"What?"



"Nasaan si Raphael ngayon?" Ayan na naman siya sa pangit niyang tanong!

Sa tanong ni Clemence sa akin ay tuluyan ko na siyang tinalikuran at pumasok sa loob. Ang pangit niya talaga magtanong!



I'm angry! Galit ako sa sarili dahil di kinaya ng panagga ko ang lahat ng nangyayari ngayon. Galit ako sa sarili ko kasi nahulog lang din ako sa sarili kong patibong.



It makes sense why I always ended up hurting and crying like a fool. Ang rupok ko. Napaka-over confident ko and I'm too much wishful thinker.



"Nasaan nga si Rap ba-"

"Bullshit Clemence! Kita mo na ngang walang tao dito maliban sa atin. Saka..." napatigil ako sa paghakbang. "Ewan ko... ewan ko kung nasaan siya ngayon."



"Dare-"

"Wait for me. Maliligo lang ako at magbibihis."





---

Wearing a maong shorts and a black oversized shirt then a black boots lumabas ako. Of course branded ang mga iyon. Nakita ko ang pagtampal ni Clemence sa noo niya.

"Let's go."  anyaya ko sa kanya.

Pinulot ni Clemence ang purse niya sa center table at tumayo.

"Dareen. Don't wear shorts. Gabi at malamig ngayon magbihis ka doon."

I raked my hair. "Clemence para namang ngayon mo lang ako makitang nagsusuot ng shorts sa labas at sa bar? Hello? I used to-"



"Dareen I know you-"

I waved my hands on him. "Please! Please lang Clemence wag ngayon. Save your words later. Ngayon alis muna tayo dito."



Clemence sighed in defeat. Tumango siya sa akin at nauna nang lumabas. May sasakyan siya kaya naman sumakay agad ako sa shotgun seat nang makalabas kami sa bahay ni Rap.

Habang bumabyahe kami ni Clemence at nakita ko ang mga LED lights at iba pang mga ilaw sa daan. Halos mapaluha ako. Para akong nakatakas mula sa bundok na kinasasadlakan ko. Para akong ignoranteng tao na ngayon lang nakalabas.

This is my life before. I used to have this kind of life before. My night life. Isa ito sa nawala nang simula noong tumira ako sa bahay ni Rap. I opened the car's door and inhaled the air. Slowly, the cold air embraced my face as the car went on. I closed my eyes to feel it even more, but my tears suddenly fell. 

Before Clemence saw it, pinunasan ko na ang luha ko.



Dinala ako ni Clemence sa isang exclusive bar na lagi naming pinupuntahan before. Unang tapak ko sa doon ay para akong nanibago sa lakas ng music, sa mausok na lugar, madilim, at naghalo-halong amoy ng tao at alak ere, at sa mga tao na sumasayaw.

Come to think of it. Ang tagal ko na pa lang di nakakatikim ng alak.  Ang tagal na pala noong huli akong tumapak sa lugar na ito. How I miss this kind of life.

Clemence rented a private room for us and alcohol of course iyan ang pinunta ko dito. Pagdating ng drinks namin di na ako gumamit pa ng baso nila. Diretso kong binuksan ang isang bote ng alak at tinunga iyon.



"Shit." mura ni Clemence sa tabi ko. "Baks, we have glasses for a reason. Wag kang uminom ng ganyan. Malalasing ka kaagad." suway niya sa akin at hinawakan ang braso ko.

Napatigil ako at tumingin doon sa kamay niya. Binaba ko ang alak at kinuha ko ang kamay ni Clemence.



"I'm also here for a reason. At iyon ay magpakalasing bakla." I laughed. Inabot ko ulit iyon binaba kong bote ng alak. "Alam mong ang tagal ko ng di nakakainom baks. So, please let me drink."



He sighed. "Paglasing ka na iuuwi na kita. Deal?"

Umiling ako sa kanya at uminom sa bote. Napapikit ako at ninamnam ang naghahalong init, pait, at tamis noong alak. Namiss ko rin talaga ang lasa at amoy ng alak.



"Magbook ka ng hotel room or me. Gusto ko iyong suite, huh. At dapat meron lahat ng service." wika ko.



"Tsk! Lasing ka na ba baks? Anong suite ka dyan? Kung magwa-walwal tayo wag mo naman akong gawing pulubi." reklamo niya.



Pairap ako tumingin kay Clemence na nags-scroll sa cellphone niya. Napatingin siya sa akin at nakita niya ang nalilisik kong mata na nakatuon sa kanya. Bumuntonghininga siya.



"Fine." pagsuko niya.



Hindi ko na alam kung anong oras na basta ako umiinom lang. Si Clemence naman ay paminsan-minsan akong pinipigilan sa pag-inom at nagyayaya ng umuwi kaso ayaw ko pa.







Clemence Pov

Pagdating sa hotel na b-in-ook ko for Dareen agad akong nagtungo doon sa front desk at kinuha ko ang keycard. Tapos na naman akong magbayad.

"Thank you." anang ko ng matanggap ang keycard. Hilaw akong ngumiti doon sa babae sa front desk dahil nakikita niya ang kaibigan kong lasing na para ng baliw habang inaakay ko.

Bwesit din itong si Dareen. Kung sino-sino na lang ang tinuturo tapos tatawanan niya sa walang dahilan. Nakakahiya pero alangan namag iwan ko itong kaibigan ko.



I tried asking him kanina habang umiinom siya kung ano ang nangyari pero ang sinasabi niya lang sa akin.

"You can mock me now, baks." And I think alam ko na kung ano iyon. Brokenhearted ang kaibigan ko.





Pagsakay namin sa elevator ay napabuntonghininga na lang ako ng niyakap ako ng bakla. Ang bigat pa naman ng katawan niya kahit na maliit lang naman. Laking pasalamat ko nang makarating kami sa suite at literal kong tinapon ang katawan Dareen sa kama. Napaungol siya pero nakapikit naman ang mata. Halos maubos niya ang pera sa account ko. Ang demanding pa kung magwalwal.





Lumapit ako sa kama at nagsalita. "Baks, ihahatid lang kita sa suite mo na b-in-ook ko, huh. Tapos uuwi muna ako kasi tumatawag na ang pudra ko. Babalikan lang kita sa hotel. Maliwanag?"



"Iwan mwo nalangg akoh bhaks... wala namang nagmamahal sha akin."

I clicked my tongue and closed my tired and sleepy eyes. Dammit! It's already 4:00am in the morning.



"Aalis na ako Dareen pero babalikan kita later okay? Uuwi lang ako dahil hinahanap na ako ni pudra." ani ko na naman.

Hindi ko na nilinisan ang katawan niya at kinumutan ko na lang siya. Wala na akong panahon para maglinis sa kanya dahil binubomba na ako ng tawag sa pudra ko. Nang matapos ay pinatay ang ilaw saka umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top