Chapter 39: Downfall
Halos hingalin ako nang ibinaba ko ang aking kamay kasabay nito ang pagbagsak ng kanilang mga katawan.
"Bravo!" sigaw ng matanda.
He laughed. Bumalik siya sa kaniyang pwesto kung saan walang alinlangan niyang binuhat ang katawan ni Jackson.
"My turn." aniya
Napahinto kaming lahat habang pinagmamasdan ang galaw ng matanda. I know, he's crazy at alam kong hindi siya magdadalawang isip na tanggalan ng buhay ang hawak nito.
Jackson.
"Tangina, tigilan mo na 'to!"
Umalingawngaw ang boses ni Dylan. Walang nagbalak na sundan ito. Alam kong ramdam namin ang peligro sa maaaring gawin ng matanda.
Ngumisi ito.
"Madali lang naman akong kausap kung ibibigay niyo siya sa akin." aniya habang nakatingin sa akin.
Alam kong matagal na niyang pinagplanuhan ito. Kapag gumawa ako ng maling desisyon, maaaring madamay ang taong hawak nito. Hindi ko na gugustuhin pa kung may mawala na naman dahil sa akin. Alam kong sa oras na ito, pinapanuod ako ng aking pinakamamahal na kapatid.
Patawad kung mabibigo kita.
Tumingin ako kila Mom para magpaalam. This is not the end, I promise.
Umiling si Mom at sinubukang lumapit sa akin pero niyakap siya ni Dad para hindi makalapit and he mouthed this words.
'i love you forever'
I nodded. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na kapwa umiiyak na din.
"Sky, do something!" sigaw ni Charli, sinubukang lumapit sa akin.
Ngumiti sa akin si Sky at tumango.
Tinalikuran niya ako para harapin ang mga kaibigan ko. Alam kong magkikita muli kami, kailangan ko lang talagang gawin ito para sa kanila.
Gamit ang kapangyarihan ni Sky, she manage to control their feelings. Alam kong gumagawa na siya ngayon ng isang illusion para hindi masaksihan ng mga kaibigan ko, ang pagsuko na gagawin ko.
"Fvck. Tigilan mo 'to Sky!" sigaw ni Dylan habang nilalabanan ang kapangyarihan niya.
Tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ethan. Ramdam ko ang basa mula sa aking balikat. He's crying.
"D-Don' t do this to me..." he whispered.
Dahan-dahan bumaba ang kaniyang kamay at tuluyan na siyang bumigay sa sahig katulad ng iba kong kaibigan.
"We'll see each other again, Ethan." bulong ko.
Tumayo ako at pinunasan ang luha na kanina pang nagbabadya na lumabas. Hinarap ko ang mga mabuting guro na minsan ko na ding hinahangaan dahil sa kanilang tiyaga at motibo sa kanilang buhay.
"Thank you, ma'am sir." bati ko.
Tumango silang lahat at hindi nakaligtas sa akin ang luha na nagmumula kay Cher Holly.
"Magkikita ulit tayo, anak." she whispered, sapat na iyon para marinig ko.
I nodded for the last time. I saw my parents begging for my decisions.
"Magkikita na kami ni ate, Mom."
Lumakas ang iyak nito at ilang beses na pinalo ang braso ni Dad. Alam kong masakit sa pwesto ni Dad ang gagawin kong desisyon pero alam kong tanggap na niya ang gagawin ko.
I'm very thankful for having them as my parents.
"Oh, tapos naba?" aniya at humalakhak nang napakalakas.
"Tapusin na natin 'to. " mariin kong sinabi sa kaniya.
Tumango ito at pumalakpak sa ginawa kong desisyon. I just want him to die, just die Amber.
"What do you want?" maangas na tanong ko.
"You." he simply answered.
Tumingin ako kay Jackson na halos nakapikit na at marahan na humihinga. I felt sorry for him, hindi man lang ulit kami magkikita. Mamimiss ko yung mga tawa at asar niya sa akin.
"Before that..."
"Tanggalin mo muna ang iyong kwintas at ibigay sa kaibigan mong nagngangalang Ethan." he smirked.
Tumango ako at sinunod ang gusto niya. Lahat sila ay kapwa natutulog sa lapag. Rinig na rinig ko ang marahan na hininga nila.
Sinuot ko sa kaniya ang kwintas na nagsisimbolo ng pangalan ko. Leilei.
"Elysse."
Humarap ako kay Sky at hindi na nakakilos pa nang salubungin ako nito ng yakap.
"T-Thankyou for everything." aniya
Kumalas ako sa yakap niya at tumango. "Thankyou din."
"Tell them na... mahal ko sila." bulong ko.
Tumango siya at pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi. She smiled.
"Thank you for being here. We appreciate you as a student who's brave and stunning. We'll see each other again, Walter."
Kumaway ako bago ko ito talikuran. Tahimik lamang ang mga tao sa paligid at pinagmamasdan ang gagawin ko.
Tumikhim ako. "Pakawalan mo na si Jackson."
He smirked. Hindi ito nag alinlangan na bitawan sa lapag si Jackson. Napangiwi ako nang makita ko itong nahihirapan na huminga.
"Jackson!"
Tinapik ko ang pisngi nito
Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kamay hanggang sa makarating ito sa aking pisngi.
"D-Duga mo.." he whispered.
I smiled.
I'm a loser.
Iminulat niya ang kaniyang mata at marahan itong nakipagtitigan sa akin.
"Kelan ba ulit kita makikita?" bulong niya.
Ngumiti ako sa kaniya
"Soon, Jack."
Tumango siya at nagpakawala ng hininga. Alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon ngayon.
Tinulungan ko siyang makatayo para makalapit sa mga guro. Tahimik lamang sila habang pinapanuod kami. Bahagya pa akong sumilip kila Mom pero nakatungo na ito at mukhang ayaw makipag usap sa akin. I'm having a hard time right now and it sucks.
Paika-ika ko siyang inilapit kila Cher Holly pero nanlaki ang mata ko nang mawala siya sa hawak ko.
"Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sayo hijo?" Amber smirked.
Nanlaki ang mata ko while my lips parted. He grabbed Jack's neck and twisted it. Bumagsak ito sa sahig nang walang malay.
"No!"
"Yes, my dear." he smirked.
Lutang ako bumagsak sa sahig habang ang mga guro ay sumugod kay Amber.
Sigaw at malakas na iyak ang umalingawngaw sa paligid habang pinoproseso ko pa ang nangyari.
I-It can't be..
Jackson Eli Wyatt
is now dead.
---
A/N: Hi guys! How's your day? hihi. Anyways, we only have 1 chapter left before we say goodbye to our dearest school, Monarch Academy.
Medyo matatagalan ang pag upload ko ng epilogue since busy po ako sa isang story which is the 'Goddess in the Sheets' you might want to read this, im sure you'll love this one.
Again, magssorry agad ako kung ma- disappoint ko kayo sa ending but I'll try my best para maayos. I'm not actually a pro for doing this kind of story which is fantasy. This is my first time po kaya sana maintindihan niyo.
You might encounter some grammatical error or typos sa mga previous chapters. Once, I have some time, aayusin ko po ito.
See you on my next one!
missky07
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top