Chapter 38: Combination of Fire and Wind

Sinundan namin ang daan ni Charli habang paika ika ito. Hindi ko maiwasan na mag-alala sa mga kasamahan ko pero ako itong iniingatan nila.

Dumiretso kami sa Dining Hall at halos maluha dahil sa itsura nito. Ibang iba ito sa nakasanayan namin. Ang mga table ay nagkalat sa paligid at ang mga estudyanteng walang buhay.

Dumako ang tingin ko sa magulang ko kapwa pinipilit tumayo mula sa sahig. Tinutulungan ni Dad si Mom na makabangon.

Tumakbo agad ako dito para tulungan sila.

"Elysse!" gulat na sabi ni Mom

Ilang beses akong umiling para lamang tulungan sila tumayo. Hirap na hirap na din sila dahil sa dami ng sugat ang tinamo.

"A-Anak, anong ginagawa mo dito?"


"Mom, anong nangyari sainyo--"

Napahinto ako nang makarinig ako ng isang halakhak. Umalingawngaw ito sa paligid at narinig ko ang ilang mga yabag.

Humarap ako at halos manghina nang magtama ang tingin namin. Kumaway pa ito sa akin at hindi matanggal sa mukha ang ngiti.

"Kamusta Elysse?" he smirked.

"Ilang araw din tayo hindi nagkita!" dagdag pa niya.

Agad akong hinatak ni Dad para ilagay sa likuran niya.

Mariin ko itong tinitigan. "Anong kailangan mo?"

He laughed again. "Alam mo ang pakay ko dito."

Umiling ako.


Hindi siya tumupad sa usapan namin. Sumugod pa din sila dito at hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa paaralang ito. Marami ang nagbuwis ng bahay para lamang sa walang kwenta niyang plano.

"Hmm, mukhang kulang pa ang oras na binigay ko sayo ah. But sad to say, i badly need your abilities right now."

Kumalas ako sa yakap ni Dad at dahan dahan na lumapit dito.


"Oh, talaga?" pang aasar ko.

Tumigil siya sa kakatawa at napalitan ito ng isang mariin na tingin. Mukhang namumula na siya sa galit. How i love to see his fvcking face.

Napahinto ako nang marinig ko ang sigaw ng isa sa mga naging importanteng guro sa akin.

"Amber, tigilan mo na ang kahibangan mo!" ani Cher Holly habang hawak nito ang kaniyang braso na puno ng mga galos.

"Ubos na ang mga kasama mo. Paano na gagawin mo nyan? Alam na ito ng mga nasa itaas ang ginawa mo sa paaralang ito." malamig na sabi ni Cher Raven katulad ni Cher Holly, may sugat ito sa noo at bahagyang natulo ang dugo.

Halos matuwa ako nang makita ko ang aking mga kaibigan na buhay. Lahat sila ay binabantayan ang kilos ng matandang nasa harapan namin.

Kumunot ang noo ko


May kulang.

Ngumisi ang matanda at pinuntahan ang isang pinto kung saan ito ang papasok sa lugar ng aming mga taga luto.

Halos mangiyak ako nang makita ang bitbit niya. Hawak niya sa leeg ang kaibigan kong halos hindi na makilala dahil sa kaniyang itsura. May pasa na din ito sa pisngi at sa mata. May natuyong dugo na din sa gilid ng labi nito at halos hindi na maidilat ang mata.

"Jackson!"


"Tangina, anong ginawa mo dyan?" Ethan cursed.

Umalingawngaw ang iyak ni Cheska habang kami ay nakikipagsukatan ng tingin sa matanda.

"Surprise!" aniya at tumawa ng napakalakas.

"Amber, pakawalan mo ang bata." paki usap ni Cher Jade habang pinupunasan nito ang kaniyang luha.


Humalakhak ulit ang matanda


"Pakiramdam ko, isa akong artistahin tas iniiyakan niyo akong lahat." madrama niyang sinabi habang hawak pa din nito ang leeg ni Jack.

Naramdaman kong gumalaw si Dylan sa gilid. He's trying to save our friend!

"Oh ow. No, Dylan. You can't use your abilities to me." aniya at mukhang nabasa nito ang plano ng kaibigan ko.

"Baka nakakalimutan niyo, kayang kaya ko patayin ang isang 'to." aniya at itinuro si Jack na halos hindi na kumikibo.

"Bitawan mo ang bata, Amber." mariin na sabi ni Cher Henry.

"Bitawan mo ang bata, Amber." he mocked.

Tumawa ito at napailing. Tumalikod siya habang bitbit ang katawan ni Jackson. Kinuha niya ang isang upuan at walang habas na pinaupo ito.

"Maglaro muna tayo." he said.

Nakatayo ito habang nakapahalumbaba sa ibabaw ng ulo ni Jackson. Tumawa ulit siya.

"N-Nababaliw kana!" sigaw ni Cheska.

Agad naman lumapit dito sila Charli at niyakap ang kaibigan. Pinipigilan nilang may lumabas sa bibig nito na maaaring hindi magustuhan ng matanda.

"I am." taas noo nitong sagot.

Agad na dumako ang tingin niya sa akin. Naramdaman ko naman ang kamay ni Ethan sa braso ko.

"Elysse, eto ba ang gusto mo? Ang makitang nahihirapan ang kaibigan mo?" aniya

Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit habang mariin siyang tinititigan.

"Kawawang bata." he whispered pero sapat na iyon para marinig naming lahat.

Huminto ito sa paglalakad at lumapit muli kay Jackson. Humarap ito sa amin.

"May pasalubong pa pala ako sainyo." aniya

Itinaas nito ang kaniyang kamay at pumitik nang napakalakas.

Narinig namin ang ibat ibang tunog ng sapatos mula sa labas ng Dining Hall. Tumambad sa amin ang halos labing limang mga estudyante mula sa Monarch. Kapwa puti lamang ang kanilang mata nila at mukhang ginawan ng masama.

Hypnotize.


"Shit. Mga kaklase pa natin." bulong ni Charli


"Surprise!" sigaw niya ulit.


"A-Anong ginawa mo?!" sigaw ni Cher Holly habang mariin nitong tiningnan ang matanda.


"Nothing." he shrugged.


"AH!"


Nagulat kami nang sumugod ang mga estudyante sa amin. Ilan sa kanila ay may hawak ng dagger at ang iba naman ay wala, ginagamit ang elemental powers.

Agad akong nilagay ni Ethan sa kaniyang likuran para protektahan. Dumako ang tingin ko kila Dad nang may sumugod sa kanilang tatlong estudyante.

"Dad!"

"Don't worry, anak! " sigaw niya at sinugod ang ilan sa nga estudyante.

Ganun din si Mom na kapwa nakikipaglaban sa mga estudyante.

"Tangina!" Ethan cursed.


Bigla na lamang tumilapon ang aming katawan sa pader. Bahagya pa akong nauntog kaya hindi ko naiwasan na mamilipit sa sakit.

"Are you okay?" hinihingal na tanong niya.

Tumango ako at agad na itinapon ang katawan ng estudyante na nagbalak saksakin ang likuran ni Ethan.

"Watch out!"

Tumango siya at tumayo. "Kaya mo naba?" he asked.

"Oo." at kinuha ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko.

Halos manginig ako sa galit nang makita ko ang paligid. Hirap na hirap ang mga kaibigan ko na ubusin sila dahil ang mga kalaban mismo ay nagtataglay din ng kapangyarihan.


Hinawakan ko ang balikat ni Ethan.


Ito nalang ang tanging paraan para maligtas ang mga mahal ko sa buhay.

"Ethan, protect me. Susubukan ko kung kaya ng kapangyarihan ko na tanggalan sila ng buhay."

Kumunot ang noo niya pero wala din siyang nagawa nang pumwesto ako sa gitna. Agad naman akong pinalibutan ng apoy na galing kay Ethan.

Tumango siya sa akin.


"I will." he said.



Tumango ako at pinagmasdan ang paligid.




I, Bryleigh Eloise A. Walter. The sole owner of elements of air and the one and only, mind controller. Promise to save these people even my life will be in danger. I raised this hand, symbolize that i'll take away the life of our enemies.



-





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top