EPILOGUE 1
Epilogue
RYKIEL ERYX BARJO’S POV
I woke up because of the alarm clock in my room. I kept my eyes closed for a few minutes to adjust the blinding light and got up from the bed after that. I stretch my arms and my neck.
I even looked at the digital clock and it was exactly 6AM in the morning. That’s good. I took off my white shirt and threw it in the basket. I also went to the bathroom to take a shower.
I still stared at myself in the mirror and my eyes went down to my waist with a few knife stab marks. I don’t even remember what happened to me or where I got this scar.
I took my toothbrush and brushed my teeth. After that, I opened the shower and got under it. I heard the familiar voice again that seemed to be calling me.
Rykiel... It’s nothing new to me that I hear that voice and my doctor told me it’s just my wild imagination.
I didn’t stay long in the bathroom either and I reached for the white towel and wrapped it around my lower body. I even got an extra towel that was smaller and I wiped it on my wet hair. I went to my walk-in closet and picked out a suit to wear.
I’m now in front of the mirror again to adjust my neck tie. I also combed my hair and put a gel. I sprayed my perfume on my body and my suit.
Paglabas ko sa penthouse ko ay agad na sumalubong sa akin ang secretary ko at mukhang nagmamadali pa siyang lumapit sa akin.
“Good morning, Sir Eryx. Oo nga po pala, darating po ang VIP guest natin from Manila at napili po namin ang private room sa floor ng penthouse niyo, Sir,” pahayag sa akin ng secretary ko. Kaya naman pala nagmamadali siya dahil lang sa bagong guest namin.
Walang emosyon na tinapunan ko lamang ang secretary ko. Sa ganitong pagkakataon naman ay alam na niya ang gagawin niya kahit hindi na siya humihingi pa sa akin ng permiso. Pinasadahan ko nang tingin ang relong pambisig ko at 8:12 na ng umaga. May lunch meeting ako mamaya kaya baka gabi na rin ako makakauwi sa hotel.
“Ayusin niyo lamang ang pakikitungo niyo sa VIP guest natin. Hindi kayo magkakaproblema no’n,” malamig na saad ko. Alam naman nila ang trabaho nila.
“Hindi po ba ninyo sasalubungin, Sir? Isa po siya sa sikat na modelo ng bansa,” sabi niya at bahagyang nagsalubong ang kilay ko.
Ano naman ang pakialam ko sa isang sikat na modelong iyon? Kahit artista pa siya o anak ng presidente ng bansa ay wala pa rin akong pakialam. At bakit ko naman siya sasalubungin pa? Kahit VIP siya ay wala talaga akong pakialam.
“May lunch meeting ako mamaya kaya ikaw na ang bahala sa sino man ang bagong VIP guest ng hotel natin. Wala akong panahon para makipagkumustahan sa taong hindi ko naman kilala,” sabi ko at naglakad na palayo. Pero naramdaman ko pa rin ang pagsunod niya sa akin sa opisina ko.
“Ipapasa ko na lamang po ang report, Sir,” she said. Tumango lang ako at umupo na sa swivel chair ko. “Saka po pala, Sir. May pitong katao rin po siyang kasama pero lima lang po ang pina-reserve nilang kuwarto.” Reservation. Gaano ba kaimportante ang taong iyon at nagpa-reserve agad ng private room? Malaki ang hotel namin at marami kang pagpipilian na kuwarto. Hindi naman siya mauubusan.
“Sige,” tipid na sagot ko lang at inasikaso ko na ang mga papeles na kailangan ko pang pirmahan.
When the appointed time for my lunch meeting with Mr. Hermonia, I have prepared the contract that he will sign. Dad is going to build a new hotel in Manila and the person I'm meeting with today is our business partner.
We went to a fancy restaurant and spent a few hours talking about the hotel’s new project. Then I returned to the hotel.
Ibinigay ko agad sa valet ang susi ng kotse ko pagkababa ko lang at ‘saktong nagsidatingan naman ang tatlong itim na sasakyan. Nakita ko pa ang patakbong paglapit ng manager ng hotel sa direksyon na iyon at sinalubong lang pala ang mga nagsidatingan na guest. Gamit nila ang kotse ng hotel.
Hindi ko na lamang iyon pinansin pa at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang makita ako ni Secretary Rogelio ay kusa siyang lumapit sa akin.
“Sir, dumating na po si Ms. Jessel,” agad na pahayag niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit tila nagpanting ang tainga ko sa narinig na pangalan na binanggit niya. Isang simpleng pangalan lang naman iyon pero bakit kakaiba na ang impact no’n sa akin? Pamilyar ang pangalan niya pero sigurado naman ako na madalas kong marinig ang pangalang Jessel. Hindi ko lang alam sa sarili ko na kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya.
“Katulad nang sinabi ko kanina ay kayo na ang bahala,” sabi ko at tuluyan na ngang umalis doon. Nagtungo ako sa penthouse ko. Nagpalit lang ako ng damit ko pang-itaas. Inaasahan ko na gagabihin ako sa pagbalik ko sa hotel pero hindi naman nangyari.
Kauupo ko lamang sa sofa nang tumunog naman ang ringtone ng cellphone ko. Si Chrysler ang tumatawag sa akin, ang fiancé ko.
Naglakad ako patungo sa beranda. Kung saan na paborito kong tambayan dahil nakakapag-relax ako rito. Sariwa ang hangin at nakawawala ng stress.
“Hello?” sagot ko sa kabilang linya.
“Eryx, kailan mo ako bibisitahin? I miss you already, hon,” diretsong sabi niya na ikinangiti ko. Parang nakikita ko na rin ang reactions niya sa mga oras na ito.
Mas nabawasan ang nararamdaman kong pagod nang marinig ko na ang boses niya. Hinawi ko ang puting kurtina sa kuwarto ko at binuksan ang sliding door.
“I’m sorry, hon. I will visit you in Manila. I just check my schedule kung kailan ako puwedeng lumuwas,” sabi ko sa kanya at napahinto pa ako nang dumapo ang mata ko sa kabilang beranda.
May babae ang nakasandal sa railings kaya malinaw na nakikita ko siya mula sa kinakatayuan ko na hindi kalayuan sa kanya.
Hindi ko alam sa mga oras na iyon kung bakit hindi na naman normal ang heartbeat ko. Bumilis na naman ang tibok nito. Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang mahihinang halakhak niya. It was like I just listened to the voice of an angel. Her voice is light and soft.
“Hon, bakit natahimik ka na? Nandiyan ka pa ba?” Hindi ko na masyadong naintindihan pa ang mga sinabi sa akin ni Chrysler dahil nakuha ng babaeng nasa kabilang terrace ang buong atensyon ko.
She was only wearing thin white sleeves so her white arms were visible and because of what she was wearing, her black underwear was showing. Because she is so thin, her small waist, flat stomach and her breast... She also has long hair that goes past her waist. I know she’s beautiful even though her hair blocks her face. Sana nakita ko.
“Yeah. Naiwan po sa condo namin si Khai. May activity raw kasi sila kaya hindi nakasama sa amin dito sa Cebu. Pakitingnan na lang po ang baby ko, Mommy,” Tumaas ang kilay ko sa narinig. May nobyo na nga at mukhang ‘baby’ pa ang tawagan nila sa isa't isa.
“Eryx? Are you still there, hon?” Hindi ako nakapagsalita agad at napako lang talaga ang tingin ko sa kanya. Tumalikod siya at humarap sa railings.
“I know, Mom. Pero ikaw nga po ay sobrang nag-aalala sa akin. You know the feeling already, Mom,” sabi pa niya sa kausap niya ngayon sa phone.
Ang akala ko ay si Chrysler lang ang kilala ko na kung magsalita ay natural na ang pagiging malambing niya. Pero ang boses ng isang ito ay kakaiba, hindi ko masasabing nakakaantok siyang pakinggan pero parang dinuduyan ka lang sa alapaap sa sobrang lambot ng boses niya.
Ang malakas na kabog sa dibdib ko ay hindi man lang humuhupa at mas dumoble pa ang tibok nito. Hindi ko lang talaga alam kung bakit sa presensiya pa lang ng babaeng hindi ko naman kilala ay nagkakaganito na ako agad.
“Thank you, so much Mom. I love you,” narinig ko pang sabi niya. Pati ang paraan nang pakikipag-usap niya ay ang sweet pa rin niya.
Nahihibang na ako at nawiwili sa panonood sa kanya. Baka isipin niya na creepy ako kapag naabutan niya akong nakatingin sa kanya kaya pumasok na lamang ako sa kuwarto ko bago pa niya ako maabutan. Hindi rin naman niya ako napapansin kanina kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Tinawagan ko lang si Mommy para matingnan ka sa condo natin. Hindi ko alam na maaga ka rin palang nakapunta riyan. Kasama mo naman ba ang mga bodyguard mo, baby? Hindi puwedeng umaalis ka ng walang kasama.”
“Baby?” tanong ko sa sarili ko at mas lumalalim lang ang gatla sa aking noo. Bodyguard? Ano’ng klaseng boyfriend ba ang mayroon siya at kailangan pang bantayan. Gusto pang ipatingin sa kanyang ina?
Safe naman sa bansa kung wala ka lang mai-encounter na kidnaper or hold-uper. Kaya bakit sobra naman yata kung mag-alala siya? Isip bata ba iyon? Wala pa sa katinuan at kailangang may kasama palagi?
“Good idea, baby... Makakatulog ako nang mahimbing mamayang gabi.” Hindi ko na naman alam sa sarili ko kung bakit ako nainis bigla sa mga narinig.
Napansin ko naman ang pagsilip niya sa gawi ko at nagtago ako agad sa takot na baka makita niya ako.
“Fvck,” malutong na mura ko dahil tumama ang siko ko sa pader. Bakit ba ako nagtatago? Wala naman akong ginagawa, ah.
“Eryx?” Napabuntonghininga na lamang ako.
“Tatawagan kita ulit, Chrysler. May aasikasuhin lamang ako ngayon. Sige na,” paalam ko agad at binato ko ang cellphone ko sa kama.
Muli akong sumilip sa kabilang veranda at nakita ko na wala naman siya roon. Saka lang bumalik sa normal ang pintig ng puso.
What the hell was that?
This is fvcking new...
***
Pero ang weird lang dahil nakita ko na naman siya sa veranda at may kausap na naman siya at nanatili na naman akong nakatago sa likod ng kurtina.
“Khai, baby... Nasa school ka pa rin ba until now?” Ang nagngangalang Khai na kaya ang boyfriend niya? Dahil tinawag naman niyang ‘baby’ ito. Iyon naman ang endearment nila marahil? And wait a minute... School? Isang professor ba ang boyfriend niya? “How about you, baby? Si Sabel na ang umasikaso para sa lunch namin. Maybe later. Ikaw ba? Huwag mong kalimutan iyon, hmm? Hindi ka puwedeng malipasan ng gutom.” Confirmed.
Ganito ba siya? Kada-oras ay kailangan pa niyang tawagan ito para lamang masigurado kung kumain na ba ng lunch? Tsk.
“Okay, baby. Take care. I love you...”
Sa ginagawa ko ay parang stalker na ako sa lagay ko at para masunod ang sinabi ko sa secretary ko ay umalis ako sa hotel. Nakipagkita ako sa kaibigan ni Kuya Ryle na si Klyntel. Isa siya sa chef ng restaurant niya at nang makita ako ay nag-off muna siya sa trabaho niya. Pinaglutuan pa niya ako ng dinner at sumabay sa akin.
“Hindi ba nasa Manila ang fiancé mo, Eryx?” tanong niya sa akin habang kumakain kami.
“Yes,” simpleng sagot ko lamang sa kanya.
“Dapat nandoon ka kasama niya. Kailan ba ang kasal ninyo? Bakit pinapatagal mo pa? Si Chrysler, wala ka ng mahahanap pa na katulad niya kapag pinakawalan mo pa, Eryx. Tumulad ka na lamang sa amin ng kuya mo na matagal ng lumagay sa tahimik na buhay,” sabi niya na ikinatango ko lamang. Ang dami niyang tanong, ha.
“We’re just in a relationship at hindi pa alam ng lahat. May engagement party pa ang magaganap before the wedding,” I said.
Actually, hindi talaga ako ang nagdedesisyon sa bagay na iyon. Sumusunod lang din ako kay Dad kung kailan na binabalak niyang ipakilala na sa lahat ang relasyon namin ni Chrysler. Though, kinikilala ko na siya bilang fiancé ko kahit hindi pa iyon opisyal. Seryoso naman ako sa kanya at hindi na ako maghahanap pa ng iba.
“Mahal niyo naman ang isa’t isa kaya bakit may engagement party pa? Naku, Eryx pakasalan mo na sa madaling panahon si Chrysler. 27 years old ka na, ‘di ba? Dapat sa ganyang edad mo ay may anak ka na. Mabuti na lamang ay mas bata ng ilang taon sa ‘yo ang girlfriend mo kaya kahit magparami kayo ay kayang-kaya pa niya,” pilyong sabi niya na sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Hindi naman kami nagmamadali,” iritadong sabi ko. Tumawa lang siya at naaasar lang ako sa kanya.
“Balita ko nandito raw sa Cebu si Jessel Diamente at naka-check in pa sa hotel mo.” Napahinto ako sa pagkain nang marinig ko na naman ang pamilyar na pangalan. Nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya.
“Jessel Diamente?” bigkas ko sa pangalan ng sino mang babaeng iyon. Marami bang kapangalan ang Jessel na VIP guest ng hotel namin?
“Hindi mo kilala si Jessel Diamente? Ang sikat na modelo ng bansa natin. Isa ring producer at director ng sarili niyang Z.A Entertainment. Sobra-sobra ganda no’n, Eryx.” Sa sinabi niyang sikat na modelo ay mukhang iisang tao lang din iyon. Siya nga ang babaeng nasa hotel ko sa mga oras na ito.
“Hindi. Hindi ko kilala. Hindi naman siya importante pa,” walang ganang sabi ko at nilagok ko ang wine na dala niya.
“Seriously? Hindi mo talaga siya kilala? Kahit ang anak ko ay kilala siya. Ang daming poster no’n sa bahay namin. Grabe, hindi mo talaga siya kilala, Eryx?” namamanghang tanong niya. Bakit ba pinagpipilitan niya iyon sa akin?
“Bakit importante pa ba na kilalanin siya? Ano naman sa akin kung naka-check in siya ngayon sa hotel...and wait a minute. Paano mo nalaman na sa Barjo’s hotel siya naka-check in sa mga oras na ito?” naghihinalang tanong ko sa kanya.
Isa sa rules ng hotel na bawal ipagsabi ang private information ng guest namin at dapat walang makakaalam no’n kundi kami lang na staff pero paano...
“Don’t look at me like that, Eryx. Sabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba? Sobrang sikat niya kaya malalaman agad ng mga fans niya na kung saang hotel siya ngayon o sa kung saan man siya nagpupunta,” sabi niya at talang marami rin siyang nalalaman. Pero ang nakapagtataka ay kung paano nila nalaman ang whereabouts nito?
Kumuha ako ng table napkin at pinunasan ang bibig ko saka ako tumayo. “I have to go, Klyntel,” sabi ko at napatayo pa siya sa gulat nang makita ang pagmamadali ko.
“Hoy, hindi mo pa natatapos ang pagkain mo, Eryx!” sigaw niya sa akin. Kung bakit ba kasi sinabi mo pa iyon? Kilala ng lahat ang babaeng iyon kaya kung may mangyayari man na masama sa kanya ay pananagutan namin iyon.
“Aalis na ako,” mariin na sabi ko.
“Nalaman lang na marami rin ang nakakaalam tungkol kay Jessel Diamente ay biglang aalis na? Panoorin mo na rin ang interview niya, Eryx! Abangan mo siya sa TV ZR channel!” Hindi ko na lamang siya pinansin pa. Ang daming nalalaman ng lalaking iyon talaga.
***
Pagkasakay ko agad sa kotse ay nagsimula na ring nagmaniobra ang driver ko. Nagtipa ako sa keyboard ng cellphone ko at tinawagan ang secretarya ko.
“Yes po, Sir?” she answered from the other line.
“May sinabi ba kayo tungkol sa whereabouts ng VIP guest natin? Alam niyong isa ‘yan sa mahigpit na bilin sa inyo at rules ng hotel. Pero bakit ang dami agad ang nakakaalam tungkol doon?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya at hindi ko na napigilan pa ang pagtaasan siya ng boses kahit over the phone pa.
“Sinong VIP guest po ‘yon, Sir? Marami po tayong VIP guest ngayon.”
Mariin na napapikit ako dahil sa sagot niya. Parang kanina lang ay ikinukuwento pa niya sa akin ang bagong pagdating ng isang sikat na modelo at gusto pa niyang salubungin ko ito.
“Ang bagong dumating na mula sa Manila. Siya ang tinutukoy mo sa akin kaninang umaga, hindi ba? Ano ulit ang pangalan?” tanong ko at tumikhim pa.
“Ah... Si Ms. Jessel Diamente po ba, Sir? May problema po ba, Sir Eryx? Wala po kaming sinabi sa iba na nasa hotel natin si Ms. Jessel. Promise po, Sir. Hindi po namin nakakalimutan ang rules and regulation ng Barjo’s hotel”
“Nevermind,” I just said.
Napahilot ako sa sentido ko dahil parang iyon lang ay ganoon na ako agad kung maka-react. Normal lang din naman iyon bilang CEO ng hotel dahil inaalagaan namin ang pangalan at reputasyon ng hotel.
Pagbalik namin ay pinangaralan ko agad ang mga staff. Wala namang umamin sa bagay na iyon kaya hindi na rin ako nag-aksaya pa nang oras at hinayaan na lamang iyon.
Baka nga may nakakita rin sa kanila? Na pinili niya ang hotel namin kaya alam na rin ng lahat na nandito siya.
***
“Sir Eryx, puwede ko po bang buksan ang speaker?” magalang na tanong pa sa akin ng driver ko.
“Okay,” sagot ko at tumingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan.
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang marinig ko na naman ang pamilyar na boses ng isang babae. Ito ba ang gustong niyang marinig?
“Wala ka bang balak na mag-settle down, Ms. Jessel? Haven't you thought about getting married and having a family?”
“For now... I haven’t thought about that yet... I’m focusing on my career right now but if I can find a man who I’m sure I’ll be happy with, you’ll know... Hindi ko ikahihiya na ipakikilala ko siya sa inyong lahat.” Napaayos ako nang upo at napatingin sa unahan. That voice...
“Ano’ng station ‘yan?” I asked him curiously.
“TV ZR channel po ito, Sir. Ito po ang inaabangan ng lahat. Ang interview ni Ms. Jessel.” TV ZR channel... Iyon ba ang sinabi sa akin ni Klyntel?
“Kung ganoon po, Ms. Jessel. Hindi mo pa na nararanasan ang magmahal? Para sa ‘yo ano ang pag-ibig?”
“Puwede ba ‘yang panoorin ng naka-live o ganyan lang siya?” tanong ko pa.
“Hindi ko po binuksan kasi nagmamaneho ako. Mapapanood pa rin po siya,” he replied at may kung ano'ng pinindot sa tab na nakakonekta sa speaker.
“Buksan mo at ihinto mo muna saglit ang kotse,” utos ko at nagulat pa siya nang lumipat ako sa tabi niya. Hindi pa man niya naitatabi sa gilid ng kalsada ang kotse. Sumunod naman siya at hindi na ako pinansin pa.
“Hmm... I’ve fallen in love once... With the right person but the only thing that wasn’t right was the time. You have true love... but it’s still inevitable that you end up in a complicated relationship. So, it’s also true saying that love is not rushed and you should wait for that right time, so you don’t get hurt... Because sometimes love seems like a blink of an eye. At first you will feel that love but in just a blink of your eye. He will just disappear... unexpectedly...” mahabang sabi ng babaeng nasa interview ng channel na ito.
Siya nga ang babaeng katabi ng penthouse ko at dahil sa narinig ko na namang pangalan niya ay alam ko na siya rin ang guest na dumating kahapon. Siya na nga iyon.
“Mukhang may pinaghuhugutan ka po, Ms. Jessel?” tanong ng TV host.
“Maniniwala ba kayo na minsan sa buhay ko...ay nagkaroon ako ng masayang pamilya kasama ang ex-husband ko?” Napataas ang kilay ko sa narinig. So, ikinasal na siya? At sino naman kaya ang masuwerteng lalaking iyon? Bakit pinakawalan pa niya ang babaeng ito?
“So... You got married and when was that? And who is that lucky guy, Ms. Jessel?”
“Nasa paligid-ligid lang po siya pero mahirap siyang hagilapin. Para siyang mabagsik na leon na sa isang tingin pa lang ay makakaatras ka na sa takot,” sagot pa niya na sinabayan pa nang pagtawa. Kahit saan, sa personal man o sa TV ay hindi pa rin nagbago ang hitsura niya. I mean...she’s still beautiful.
“You guys like to keep secrets. But...if your ex-husband is watching at this time... What message would you share for him?” Nag-concentrate ako sa panonood ko sa kanya. Naghihintay rin ako sa mensahe niya para sa dati niyang asawa.
Bayolenteng napalunok lamang ako ng seryoso at diretsong tumingin siya sa camera kaya nakikita ko na ang close up ng mukha niya. Sa paraan naman nang pagtitig niya ay parang kaharap ko lamang siya ngayon. Hayan na naman ang mabilis na tibok ng puso ko.
What’s with you?
“Baby... Hindi ka nag-effort na sundan ako, suyuin at muling hingin ang mga kamay ko at ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan... But this is all I can tell you... I’ll make you miss me...” Hindi naman para sa akin ang mensaheng iyon pero bakit ganoon kung maka-react ang puso ko? Natutuwa na naiinis din ako.
“Let’s go,” walang emosyon na saad ko nang matapos na ang interview na iyon.
***
At hindi ko alam kung nakikipaglaro ba sa akin ang tadhana dahil sa hall ng hotel ay nakita ko siya. Parang nagkakagulo rin sa side nila at naririnig ko ang pag-ubo niya.
I walked towards them. “What’s going on here?” malamig na tanong ko at nakatalikod mula sa akin ang babae.
“Jessel, what happened?” Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita ko si Arzeil. Isa rin siya sa guest ng hotel at ilang araw na siyang nananatili rito. Kilala ba niya ang babae?
Napabahing at umuubo pa nga ito. Mabilis na dumukot ng panyo sa bulsa niya si Arzeil at ibinigay iyon sa babae. Pagkatapos ay hinapit niya ito sa baywang. Sa hindi malaman na dahilan ay biglang kumulo ang dugo ko sa nakita at hindi ko ito nagustuhan.
Pero sa kabila nang ginawa ni Arzeil ay hindi niya iyon binigyan pansin at naramdaman ko ang pag-angat niya ng tingin, na diretso naman sa akin tumutok iyon. Walang emosyon lang na tiningnan ko ang baywang niya na may brasong nakapulupot doon.
“Eryx.” I glanced at Arzeil.
“Arzeil,” I uttered his name too.
“When did you come to the Philippines?” he asked. Alam niya na kagagaling ko lang sa ibang bansa dahil nagkita pa kami roon last month. Sa loob ng ilang taon na nakita ako nina Dad at Kuya Ryle ay nananatili naman ako sa States para magpagaling, kahit wala akong sakit. Tsk.
“Two weeks ago,” I answered and I couldn’t help but to shifted my gaze to her waist. Bakit hindi pa ‘yan tinatanggal ni Arzeil? Girlfriend ba niya ang babaeng ito? Bakit hindi sobra siya kung makalapit dito?
She even removed Arzeil’s arm from her waist and I looked at her beautiful face for a moment.
“We’re going to our suite, Arzeil. Just follow if you want,” nakangiting sabi pa niya at inaaya pa niya sa private suite niya si Arzeil. So, magkakilala nga sila.
Nasaksihan ko pa ang pakikipag-usap niya sa staff ko at heto na naman ako. Kinokompara ko na naman ang fiancé ko sa kanya.
“Don’t be afraid. You just did your job...and please tell the person who gave me the flower, thank you. I liked it but not my nose.” So, that’s it? Kaya panay ang ubo niya at namumula ang ilong niya ay dahil sa bulaklak? May allergy siya?
“It’s true what they say that you are very kind Ms. Jessel.”
“Good night.”
Sinundan ko pa siya nang tingin nang sumakay sila sa elevator kasama ang mga bodyguard niya at isa pang babae.
Malamig pa rin ang tingin ko sa kanya hanggang sa masilayan ko ang pagngiti niya pero nabura rin iyon nang makita ako. Akala ko ay babalewalain niya rin ang pagtingin ko sa kanya pero nang ma-realize ko na sa akin siya nakangiti ay nabingi lang ako sa lakas ng tambol sa dibdib ko. Bakit ganoon siya? Ugali na ba niya ang ngitian ang ibang tao? Ganoon ba siya kabait?
“Back to your work,” sabi ko sa empleyado ko.
“Yes po, Sir Eryx,” he politely said.
Kung ibang babae lang ang nasa posisyon niya noon ay baka hindi ganoon ang trato sa kanya. Baka magalit pa ito at ipapatawag agad ang manager pero hindi nangyari. Kakaibang babae.
“Eryx, grabe ka. Sa tagal mong nandito ay hindi ka man lang nakipagkita sa akin?” tanong sa akin ni Arzeil na may pagtatampo pa sa boses niya.
“I’m busy. I don’t have time for that,” I told him and I looked at the elevator again.
“Talaga? At sino ba sa mga tauhan mo ang nagbigay kay J ng bulaklak? Bawal siya roon, may allergy siya at mabilis siyang--” hindi pa niya natapos ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone niya. “Sandali lang, Eyrx... Tumatawag ang manager ko.” I just nodded at tinapik ang balikat niya saka ko siya iniwan doon.
Wala naman dapat akong gagawin pagkatapos kong malaman na allergic siya sa mga bulaklak pero heto ako, nakikita ko ang sarili ko na nagtitimpla ng kape para sa kanya. Makakatulong ito sa pangangati ng lalamunan niya at mababawasan ang pagbahing niya.
“Come closer. Drink this coffee, this can help your allergy.” Nagulat siya katulad ng inaasahan ko. Kasi bakit nagmamalasakit ako sa kanya na hindi ko naman kilala at hindi ko kaano-ano? Maliban na lamang na isa siya importanteng guest ng hotel namin.
“Uhm...” Hinintay ko siyang lumapit sa puwesto ko na mukhang nag-aalangan pa.
Nararamdaman ko na naman ang pagbabago ng heartbeat ko at tumayo lang ang balahibo ko sa katawan nang maglakad siya sa dulo, malapit na sa kinaroroonan ko.
Ilang distansya lamang ang layo niya sa akin at kayang-kaya ko na siyang hawakan... Fvck, ano’ng pinagsasabi ko?
“Just a minute, baby,” she said at mukhang kausap na naman niya ang boyfriend niya. Baby ba talaga ang tawag niya?
Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit. She’s wearing her emerald maxi gown. She loves wearing sexy dress, eh? Litaw na litaw na naman ang makinis at maputi niyang balikat pababa sa braso niya.
Dahil sa pagyuko niya ay nadepina na naman ang malalantik niyang pilikmata at ang matangos niyang ilong. Her cheeks are also very smooth and I don't see any black heads. She has a small heart shape face. Her lips are thin but kissable.
Tinanggap niya naman ang coffee ng hindi nagdadalawang isip. Salamat naman at hindi siya naghinala sa akin na kung bakit ko nga ba ito ginagawa sa kanya. Maski ako ay wala ring idea na kung bakit. Parang natural na ginagawa ko na ito, pero isa lang ang bumabagabag sa kalooban ko. Ang mukha niya...
“Sorry, baby. Mukhang masarap ang kape and it’s effective,” sabi niya at parang aatakihin pa ako sa puso ng matamis na ngumiti na naman siya sa akin. Mas lalong magre-react pala ang puso ko kapag nasa malapit na siya. But I didn’t reacted, na hindi ko pinahalata sa kanya na masyado akong apektado sa kanya. Kunot-noong tiningnan ko lang siya.
“Thank you for the coffee, Sir?” Hindi ko siya agad nasagot dahil abala ang mga mata ko sa pagtitig sa malaanghel niyang mukha. Bakit ganoon? Bakit sobrang ganda naman niya?
Kaya na siya pinagkakaguluhan ng lahat? Kaya ba siya kilala at naging sikat dahil hindi lang talaga siya maganda. Mabait din siya. Busilak ang puso niya at alam kong walang halong pagpapanggap ang pakikitungo niya kanina sa empleyado ko. Totoong-totoo iyon. Katulad na lamang nito.
“Rykiel, I’m Rykiel Eryx Barjo...” I uttered my name. “Have we...” I said. She stared at me too.
“Yes?” she asked me.
“Met before?” I added my question. Why do I have this guts that I already meet her? Wala lang akong maalala pero parang nakilala ko na siya... She’s very familiar. “Have we met before?” I asked once again. Gusto kong malaman. Gusto kong malaman na kung nagkita na ba talaga kami noon. Dahil malakas talaga ang kutob ko, eh.
Pero sa sagot niya ay tila nakaramdam ako ng karayom na tumusok sa dibdib ko. Hindi ko maintidihan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko na kung bakit ako nagkakaganito sa kanya.
“This is the first time we met,” she answered. “So, no...” Parang bumagsak lang ang balikat ko nang umiiling na siya.
Pero bakit parang nararamdaman ko rin na nagsisinungaling siya sa akin? Tila iba naman ang ipinapakita niya sa akin?
Humakbang pa ako sa unahan para maabot ko naman ang dulo ng terrace at para makita ko siya ng mas malapit. Gusto kong pagmasdan ang hugis ng mukha niya at titigan ang magagandang uri ng mga mata niyang kumikislap. Pamilyar din sa akin ang paraan ng pagtitig niya. Kakaiba rin iyon at parang ang lalim...
I was about to uttered a word when I felt the arms slide on my waist. “Hon!” It was Chrysler’s voice. That made me shock for awhile.
Hinawakan ko ang kamay niya sa baywang ko. “Chrysler...” Pagtingin ko sa kabilang veranda ay wala na siya roon. Napabuntonghininga na lamang ako at dinala ko na sa loob ng kuwarto si Chrysler. “Why are you here, Chrysler?” I asked her.
“Why not? Gusto ko lang makita ang boyfriend ko, eh,” nakangiting sabi niya at yumakap sa akin. I hugged her back pero isang imahe lang ng babae ang nakikita ko sa mga oras na iyon at doon nagsimulang gumulo ang isip ko. Siya na lang ang nakikita ko na parang nakatatak agad iyon sa utak ko.
***
“Eryx! Kasama mo pala ang fiancé mong si Chrysler.” At palagi na lang ba kami magkikitang dalawa?
“Yeah, I’m with my fiancé,” sagot ko.
“It’s good to see you here, Arzeil,” Chrysler told him.
“Yeah, same here, Chrysler, and by the way, this is Jessel Diamente.”
“I know her, Arzeil when I’m still at my high school. She’s my favorite model, actually and a director.” Since high school ay kilala na ni Chrysler ang babae? Paano naman nangyari iyon? Kung ganoon matagal na ba itong sikat?
“Really?” the girl asked my fiancé.
“Yeah, and it’s her 35th birthday today, right?”
“Thirty five?” sambit ko bigla at nagulat ako sa edad niya. 35 years old na siya?
Napatitig naman ako sa mukha niya... Damn it, bakit hindi halata na ilang taon ang tanda niya sa akin? Bakit mukha pa rin siyang bata? Parang kaedad lang namin siya.
“Hindi halata, ‘no? Mas mukha siyang 21,” singit ni Arzeil na ikinatawa na naman ng babae. Inabot pa niya ang pisngi nito at mariin na pinisil iyon. Mabilis na nag-init ang ulo ko sa ginawa ni Arzeil.
“Maybe, ka-batch ko ang mga tita niyo, eh,” she said and I know she was just joking but I remained silent and serious. How come...
Kaya pala nasabi niyang ikinasal na siya dati. Nasa tamang edad na siya para magkaroon ng asawa.
***
“HAPPY birthday, Ms. Jessel. It’s my pleasure to meet you here... Oh, my God...”
“Thank you, dear.” Palihim ko naman silang pinagmamasdan. Ngayon nagkatagpo silang dalawa ay parang magkapatid lang sila. I think may pagkapareho silang dalawa. Sa pag-uugali, oo...
At heto na naman ako sa tanong ko. Bakit ganoon? Bakit ganoon mas nagingibabaw siya? Kung ikukumpara siya sila sa bituin ay siya ang titingalain ng mga tao. Sobrang kinang niya na sa puntong masisilawan ka. Ganoon ang tingin ko sa kanya ngayon.
Arzeil invited us to join with them and eat our dinner together. Hindi naman ako tumanggi kahit alam kong gustong magsolo ni Chrysler. Hindi rin naman niya tinaggihan lalo na iniidolo pala niya ang babae.
“I’m too old for this, you know,” she said and Arzeil caressed her cheek. Itong si Arzeil, bakit kailangan pa niyang gawin iyon? Tsk. Close ba sila? Ganoon sila ka-close na wala ring pakialam ang isa kung hinahawakan na siya?
“That’s okay, you don’t look one, an oldy.” I agree but fvck... I felt strange towards this woman. I felt like she enchanted me.
“Bola.”
“Can we start now? I’m hungry you know,” I said coldly.
“Go on, Eryx.”
Una kong nilagyan ng kanin at ulam ang plato ni Chrysler. Napapansin ko ang panonood sa akin ng babaeng kaharap kong nakaupo.
“By the way,” I muttered when I remembered something. I stared at her beautiful face. “Happy birthday...”
Ang reaction niya ang hindi ko inaasahan na makikita ko. Sandali siyang natigilan at kumikislap na naman ang mga mata niya. Parang handa na rin tumulo ang luha niya.
“T-Thank you...” she said emotionally. I don’t understand. I just greeted her a happy birthday but why she acted that she’s really affected? I wanna know why... There’s something with this woman.
During our dinner, we talked about her love life, probably her suitors and since she said that we are free to ask her anything, I’ll took the chance to ask her. “Kung ganoon... Sino ang asawa mong tinutukoy mo sa interview mo kanina?” She stilled when I asked her that.
“Hon, Eryx...” This time ay ako naman ang pinigilan ni Chrysler. Interesado akong malaman kung sino ba ang lalaking iyon, ang asawa niya na mukhang hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya.
“I’m interested to know that, too, babe...” Arzeil uttered and my head knotted. Why he need to call her like that? Tss.
“Uhm...” Mahirap bang sagutin ang tanong ko kaya nahihirapan siyang bumigkas ng mga katagang gusto kong marinig mula sa kanya?
“You said, it’s free to ask and we can ask anything... You don’t mind,” mariin na saad ko. Panindigan naman niya ang sinabi niya kanina at huwag na huwag niyang babawiin iyon.
But instead of answering my question ay siya pa ang nagtanong. “Do... Do I need to mention his name kahit na masaya na siya sa buhay na mayroon siya ngayon? Kailangan ko pa bang guluhin ang mapayapa niyang buhay?”
“What do you mean by that?” Chrysler asked her.
“I’ve move on. Kontento na ako ngayon kay Khai. Wala na akong hihilingin pa. I have him. Wala na akong oras para isipin ang isang tao na...wala na rin namang pakialam sa akin.” Sa sinabi niya ay parang ako na naman ang tinamaan. Parang sa akin niya sinasabi iyon kaya natahimik na lamang kami. Ramdam ko ang hinanakit siya sa lalaking iyon.
Mahigpit na kumuyom ang kamao ko. Sinaktan ba siya? Nagawa ba siyang saktan at iwan ng dating asawa niya kaya may hinanakit at nasasaktan siya ngayon?
Tadhana nga ba ang nakikipaglaro sa akin o ako mismo sarili ko ang gumagawa ng paraan upang mapalapit pa sa kanya?
Nadatnan ko ulit siya sa terrace niya. Masyadong maaga pa para magising. Kung para sa akin ay normal na.
“Ibalik mo na sa akin ang cup ko,” sabi ko. Honestly, wala naman sa akin ang cup na iyon kahit hindi pa niya ibabalik sa akin. Pero gumawa lang talaga ako ng dahilan para kausapin siya.
“Uhm, wait lang.” Sinundan ko lamang siya ng tingin habang papasok ulit sa suite niya. Hindi naman siya nagtagal at bumalik din siya.
“Here. Again, thank you for the coffee,” she said and smiled at me genuinely. Nararamdaman ko na iniiwasan niya ang tingin ko pero ako ay hindi naman iyon matanggal-tanggal.
Nasa dulo kami pareho ng veranda namin at inabot niya sa akin ang tasa ng kape. Tinanggap ko iyon pero panibagong kape ang ibinigay ko sa kanya. Natigilan siya dahil sa pagkagulat. Pero wala naman siyang magagawa pa kundi tanggapin iyon.
Nahihiya man siya pero ngumiti pa rin siya sa akin. Lihim din akong napangiti nang inilapit niya ang umuusok na kape sa ilong niya at napapikit pa siya na inamoy iyon.
“Thank you,” she said.
“May kapalit ‘yan,” sabi ko at natigilan na naman siya.
“Ha?” Nawiwerduhan na siya alam ko.
“May kapalit ‘yan,” pag-uulit ko sa sinabi ko.
“A-Ano naman iyon?”
“I want his name... Gusto kong malaman ang pangalan ng lalaking iyon.”
“Ang curiosity ay nakamamatay. Sometimes, you will choose not to know everything nor a single information, na hindi alam ang mga bagay na puwede palang ikasasakit ng damdamin mo,” seryosong sabi niya. Pangalan lang iyon pero bakit pinagkakait niya? Kaya mas lalong magdududa talaga ako. Pakiramdam ko ay kilala ko ang taong iyon.
“I don’t understand you, Mr. Barjo. Bakit interesado kang malaman ang pangalan ng dati kong...asawa? Hindi mo naman ako kilala. So, why?” tanong niya sa akin.
“Because... I might know him,” mabilis na sagot ko. She laughed.
“Don’t ask me that, Mr. Barjo, dahil hinding-hindi mo magugustuhan kapag sinabi ko sa 'yo ang tungkol sa kanya... Nevermind,” makahulugang sabi niya.
And the next day ay hindi ko na siya naabutan pa sa hotel at bumalik na raw ito sa Manila. Nang malaman ko naman na pauwi na rin si Chrysler ay sumama na ako. Private chopper ang sasakyan namin at alam kong hindi puwedeng isipin ko pa ang babaeng iyon pero dahil sa malakas ang kutob ko at interesado pa akong makilala siya ay pinili ko ang hawakan ang hotel ni Dad sa Manila pansamantala.
Hindi rin sinasadya na makita ko siya sa isang restaurant at kasama pa niya ang isang batang lalaki, na ilang taon naman na mas bata ito sa kanya. Nainis lang ako nang makita na ganoon pala ang mga tipo niyang lalaki at alam ko iyon na ang boyfriend niya.
***
Kinuha ko naman ako bilang judge sa school nina Zue and Zules. Hindi ko iyon tinaggihan at hindi naman si Kuya Ryle ang nag-imbita sa akin. Ang principal mismo at tingnan mo nga naman ang tadhana.
Nakita ko ulit siya roon. Suot-suot niya ang shirt ng team nina Kuya Ryle at may Diamente pa ang nakalagay roon.
“Iyong mga tipo mo ba ay mga bata na katulad niya?” agad kong tanong sa kanya nang makalapit na ako. Naramdaman ko ang pagkabigla niya pero hindi ko iyon pinansin.
“Kuya Eryx, napaaga po yata ang pagpunta niyo rito. Mamaya pang 9AM ang start ng swimming competition namin,” sabi naman ng kapatid ko. I ignored him too at dumapo lang ang tingin ko sa lalaking kasama ni Jessel Diamente, kahapon sa restaurant.
Parang umurong ang dila ko nang makita ko siya at tila tatakasan din ako ng kaluluwa dahil sa nakita kong mukha niya. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko. His face, his looks... W-What the hell? K-kaninong anak ito?
“Kuya.”
Matapang na nakatingin din siya sa akin ng diretso at hindi iyon pinuputol. Bakit sa tuwing titigan ko siya nang ganito ay parang gusto kong umiyak. Gusto kong yakapin siya? Fvck, ano ba talaga ang nangyayari sa akin?
“Tulala ka rin sa bata, Eryx” natatawang sabi ni Kuya Ryle sa akin.
“Siya iyong tinutukoy namin sa ‘yo, Kuya Rykiel. Si Zairyx Alkhairo. Mas malaki po ang pagkakahawig niya sa ‘yo,” Zue blurted out. Iyon nga ang ipinagtataka ko na kung bakit magkamukhang-magkamukha kaming dalawa.
“Ryx, si Rykiel Eryx Barjo. Kapatid namin siya ni Zules, and pinsan ni Zue,” pagpapakilala ng kapatid ko sa batang lalaki.
“Who is he?” mahinang tanong ko na tila mababasag na ang boses ko.
“Zairyx... Zairyx Alkhairo Diamente, that’s my name,” he uttered his name.
“Zairyx Alkhairo...” I uttered his name. I like it... Gusto ko na rin yatang pasalamatan ang parents niya na binigyan siya ng magandang pangalan. Na may tunog din sa pangalan kong Eryx... At that point, I felt the happiness...
“And Eryx, she’s his big sister, Jessel...” Kuya Ryle said at wala sa sariling napatingin ako kay Jessel Diamente. Nabigla ako.
“She’s your... brother?” I asked her at nakaramdam lang ako ng kahihiyan sa nalaman ko.
Akala ko... A-Akala ko ba... boyfriend niya ito? Paanong naging kapatid na niya?
Sa buong competition ng mga estudyante ay sa dalawang tao lang yata ang binigyan ko ng atensyon. Si Jessel at ang kapatid niyang si Zairyx Alkhairo. Khai... Kung ganoon, siya pala ang kausap niya noon sa Cebu? Bakit sobrang lambing naman niya sa kapatid niya at kailangan pang tawagin na baby?
Dahil sa nakilala ko ang kapatid niya ay mas lumaki ang interest ko na makilala pa silang dalawa. Hindi naman ako mahihirapan na lapitan sila dahil kaibigan nina Zue and Zules ang batang lalaki.
Oo, may plano akong lapitan silang magkapatid.
***
“Kuya, ang ganda ng ate ni Ryx, ‘no?” pangungulit sa akin ni Zules at kinuha ko sa kanila ang picture ko kasama ang dalawa.
Tumatagal ang pagtingin ko roon dahil may kung ano talaga sa dibdib ko ang tila malambot na humahaplos sa puso ko.
“Alam mo ba, Kuya. Ang weird talaga ni Ryx. Mommy ang tawag niya kay Ate J--”
“Bakit nakiki-ate ka rin, Zules? Kapatid niyo ba si Ms. Jessel?” sabat ni Kuya Ryle at umupo sa tabi ko. Pinagmasdan niya rin ang litrato. “Kung nakita na ‘yan ni Dad ay baka paghihinalaan na rin niya na siya na ang nawawala nating kapatid. Kasing edad niya ang kapatid natin, Eryx. Hindi ba?” Umiling ako. Kahit malaki nga ang pagkakahawig ng batang ito sa akin ay alam kong hindi siya ang kapatid namin. Hindi siya iyon. Napakaimposible...
“Sigurado ba kayong kapatid niya lang ang batang ito? Hindi kaya...anak niya?” tanong ko na tinawanan nilang lahat. Walang maniniwala sa bagay na iyon.
“Walang asawa si Ms. Jessel at napakaimposible iyon, Eryx. Kilala ng lahat na magkapatid sila.” Hindi na lamang ako kumibo pa.
“Feeling ko po isang Barjo si Ryx.”
“Shut up, Zules,” sita ko sa kanya.
“Nagbibiro lamang ako, Kuya,” sabi niya na tumatawa pa.
“Kuya, gawin mo na rin kayang Barjo si Ate J.” Sinamaan ko nang tingin si Zue.
“Jessel Diamente-Barjo, bagay na bagay,” magkasabay na bigkas pa nila sa pangalan ng babaeng iyon. I stood up from my chair at binato ko sila ng maliit na una saka ko sila tinalikuran.
Jessel Diamente-Barjo... Damn it, what’s wrong with me?
Humiga ako sa kama at tinitigan ko ulit ang screen ng cellphone ko. Nakangiti sila pareho...
Paano ko nga ba nasabi kanina na kung magkapatid ba talaga silang dalawa? Dahil iba ang nakikita ko sa mga nakikita rin nila. Naalala ko ang tagpong iyon sa banyo.
“W-Why?” tanong niya sa akin. Halata sa boses niya na kinakabahan siya. Wala naman akong ginagawa para kabahan siya.
“Ganoon ba kayong magkapatid? You’re too sweet to your brother,” I told her. Isa iyon sa napansin kong pagtrato niya sa bata.
“I’m just like that when it comes to Khai,” walang emosyon na sagot niya.
“And I can’t see anything, but a carrying mother,” I blurted out.
“What are... you talking about?” she asked once again at mas dumoble na yata ang kaba niya dahil parang namumutla na siya.
“Your brother, kung ituring ka niya ay parang hindi rin na isang kapatid...” sambit ko. Yes, nagdududa na ako sa relasyon na mayroon silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako kung isipin ang ibang tao.
“Na your first impression is pumapatol ako sa bata. Naisip mo pa nga na I’m a sugar mommy. Seriously?” Inaamin kong nagkamali ako sa parteng iyon kasi lahat naman ng taong makakakita no’n ay ganoon din ang iisipin. She can’t blame me.
“Because you’re too different from other. I can see it na hindi lang kapatid kung ituring mo si Khai,” I said as I uttered her brother’s name.
“It’s Zairyx Alkhairo. You can call him, Zairyx or Alkhairo. Don’t call him, Khai,” masungit na pagtatama niya sa akin. Pero iyon ang gusto kong itawag sa bata. Anong magagawa niya kung iyon ang gusto ko?
“And why is that? It’s his name too. I can call him Khai as long as I want,” mariin na sabi ko na ikinasinghap pa niya.
“Seriously? Bakit natin pinag-uusapan ang mga bagay na ito?” taas kilay na tanong pa niya sa akin.
“Because I’m curious... I want to know you more, and the kid, Khai...”
“Alkhairo...” pagtatama niya ulit.
“That’s what I want to call him. Khai.”
“Ako lang ang tumatawag sa kanya no’n and you’re not allowed, Rykiel!” she shouted and I almost smirk. Bakit pinag-aawayan namin ang tungkol doon?
“I won’t mind kung sa first name basis mo rin akong tatawagin,” sabi ko at tinalikuran ko na siya.
And I like the idea na pinagkamalan siyang fiancé ko at isa pang naalala kong pangyayari ay ang pag-uusap namin ng batang iyon.
***
“What are you doing? What are you gonna do to my Mom?” seryoso at malamig na tanong ni Khai. Hindi ko nababakasan ng kahit ano'ng emosyon ang mukha niya.
“Whats with Mom? Bakit Mommy ang tawag mo sa ate mo?” sa halip ay tanong ko. Natural na rin yata sa batang ito na tawagin niyang Mommy ang kapatid niya kaya nakakapagtaka talaga.
“Because she’s my Mom,” sagot niya sa akin parang sinasabi niya lamang ang toyoo. “You're so curious about us, Sir Barjo.”
“Don't call me that.” Sa hindi malaman na dahilan ay ayaw kong tawagin niya akong ganoon. Hindi ko gusto.
“What I gonna call you then? You don't want me to call you, Sir Barjo? Then, it will be alright if I call you Dad, instead of Sir?” Halos umawang ang labi ko sa gulat nang sabihin niya iyon. Literal na bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
“Khai...”
“Just kidding. I call you na lang na Kuya Rykiel,” he said. Kahit ang hawakan niya ang ate niya ay may pag-iingat pa. Wala namang kahulugan iyon pero iba lang talaga ang mga nakikita ko ngayon. “It's fine to be curious, too. You know, mas marami po kayong malalaman about us kung ipagpapatuloy niyo'yan. Don't believe with the internet, kahit sa ibang tao, believe me. I'm telling the truth. You can ask me anything too.” Iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin. Ang makahulugang sabi niya.
“Okay, one question for now,” sabi ko.
“What is it?” Gusto niya talagang magtanong ako at sasagutin niya ba talaga?
“Did you know who was your sister's husband?” I asked him.
“Seriously?!” gulat na sambit naman ni Jessel. Bakit nabibigla na naman siya? Iyon naman ang tanong ko sa kanya sa Cebu. Iba lang ang isinagot niya sa akin.
“I will accept the word 'was' but mas better kung ex-husband na lang po,” Khai commented. Tsk.
“Just answer it,” mahinang wika ko.
“Why did you asked me about you, Daddy Rykiel?” Kumislot na naman ang puso ko.
“What?”
“Zairyx Alkhairo,” Jessel warned him.
“Sorry, Mom, and Kuya Rykiel. It's for you to find out. Continue your curiosity, digging more information and you will know... Just look at my Mom's beautiful face.” Fvck, what was that?
“Khai!”
“We have to go. See you tonight.”
Ang labo talaga. Ano ba talaga ang inililihim nilang dalawa?
***
“Hi,” she greeted me when they arrived at the event.
“Glad you’re here,” I said and she looks confused again. I looked at her brother. He guided her to sit down.
“Eryx invited me here to be his date, kadarating ko lang din kasi sa Manila. But next week ay babalik naman kami sa Cebu para sa engagement party namin. I hope na makakapunta ka, Ms. Jessel. I will give you an invitation card,” pagkukuwento naman ni Chrysler.
“I’ll think about it if I'm not busy,” she replied. There’s something with her voice.
“Kukuha ako ng drinks. Ano'ng gusto mo, Ms. Jessel?” My head knotted. Bakit ganito kung kausapin naman ni Kuya Ryle si Jessel Diamente?
“I will sama na lang sa 'yo,” sabi naman nito. ”How about you, baby?” See? She’s too sweet.
“Just a lemon juice, Mom.” I knew it.
“Kuya, you're off limits. Remember that at hindi magandang tingnan kung may kasama kang ibang babae maliban sa asawa mo,” malamig na sabi ko kay Kuya at talagang sumabat na ako.
“Eryx, my wife won’t bother this thing. She’s not like other girls, perhaps a wife na pagseselosan agad ang makakausap ng mga asawa nila.” Tss.
“You’re not aware too na baka may boyfriend na rin ang hawak mo ngayon, don't you?” inis kong tanong.
“What was that, Eryx? Bakit pakiramdam ko ay pinag-iinitan mo ako, ha?” Tumayo na lamang ako at hindi ko na pinansin pa ang kapatid ko.
***
HABANG sinasayaw ko naman si Chrysler ay palihim kong sinusulyapan si Jessel na hindi ko alam kung bakit siya nakatungo lamang at nasaan na ang kapatid niya? Bakit nag-iisa na lamang siya roon sa table namin? Bakit siya iniwan doon? Sina Zue and Zules? Nasaan na ba ang mga batang iyon?
Naitikom ko lang ang bibig ko nang makita ko na may kausap silang estudyante. Iniwan nila si Jessel para lang doon?
“Na-miss ko ang makasayawan ka ulit, hon.” Tipid na ngumiti lamang ako kay Chrysler at dumagundong na sa loob ang musika.
Sa walong bilyong nakasilong
Ikaw ang aking nakasalubong
Ating awit ay iginuhit ng langit
I was stunned when I heard the first lyrics of the song. It seems familiar to me, what I mean is, this is not the first time I have heard this song. Maybe...mas una kong narinig ito somewhere?
At araw-araw napapatanong
Paanong natupad aking bulong?
Kung bakit sa tulad ko napalapit?
“Eryx, are you okay, hon?” Chrysler asked me worriedly. Napaatras ako at hindi ko mapigilan ang mapahilot sa sentido ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito.
Why am I the only one affected by this song? It’s like there’s a memory that wants to enter my mind again but it’s still vague. I’m not sure if that’s real or a figment of my own imagination.
Paano nangyari?
Sa akin napatingin
Sa libo-libong mga bituin
'Di ko mawari
Ikaw para sa akin
Dalangin kita...
Napatingin ako sa direksyon niya at nakita ko ang pagtayo niya habang nakayuko pa rin ang ulo niya. Maraming tao ang nakatingin sa kanya pero tila balewala na iyon sa kanya o sadyang hindi niya lang ‘yon napapansin. She used to it.
“Rykiel...”
“Ha?” gulat na tugon ko nang marinig ko ang pangalan na sinambit niya. Napatingin ako kay Chrysler. Siya ba ang tumawag sa akin? Did she called me by my second name?
“What’s wrong, Eryx? Bakit natigilan ka?” she asked me again.
Bayolenteng napabuntonghininga na lamang ako. “M-Maupo ka muna roon, Chrysler. Pupunta lang ako sa restroom room,” sabi ko at hinatid ko pa siya sa puwesto namin kanina.
Hindi na rin niya ako pinigilan pa at basta na lamang ako umalis. Alam ko namang nagtataka na siya sa mga kinikilos ko. Nagtungo ako sa banyo pero dahil siguro parang wala ako sa sarili ay nakapasok ako sa women comfort room at nakarinig ako nang mahihinang paghikbi sa loob nito.
Natigilan pa ako dahil pamilyar sa akin ang boses na iyon. It seems I heard that soft voice from my dream. So, I stepped towards the door. Nasa loob ng cubicle ang taong umiiyak at alam ko naman na may tao sa loob. Hindi naman ako naniniwala sa multo, malakas din ang kutob ko na tao siya.
Nanatili lang ako sa labas at hinintay siyang tumahan mula sa pag-iyak niya, hanggang sa bumukas ang pintuan. Ikinagulat ko pa nang makita ko si Jessel pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Walang emosyon na tiningnan ko lamang siya at maski siya ay nagulat din nang makita ako. Her eyes widened in shock.
Her eyes were puffy and red. It seems that I can also see resentment and sadness in her emotions now. Sa hindi malaman na kadahilanan ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko nang makita siyang nagkakaganon.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na hawakan ang malambot niyang pisngi. “Why are you crying?” I asked her.
“N-Nothing,” mabilis na sagot niya at lalayo pa sana siya nang bumaba ang kamay ko sa baywang niya at nanatili namang hawak ko isa niyang pisngi.
Ayokong nakikita siyang ganito. Parang hindi ko kaya at ako yata ang mas naaapektuhan. Lumapit pa ako sa kanya at akmang kukuha na sana ako ng panyo mula sa bulsa ko nang malakas na bumukas ang pintuan.
“Fred!” sigaw niya at may humablot naman sa kuwelyo ng suot kong longsleeve.
His fist hit my jaw and that’s when I lost consciousness but I knew something else happened before I passed out. I just don’t remember that anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top